Chapter 4

1555 Words
Astrid's Pov Pagkatapos noong photoshoot sa SMA ay mahigit isang linggo ko ring hindi na kita si Flash, absent s'ya school sa loob ng apat na araw at kahit na hindi ko naman s'ya madalas na nakaka-usap ko nakakasama ay bigla akong nanibago dahil sa tagal ng hindi n'ya pagpasok sa school. I was wondering if he's fine, is he busy with his life as a renowned photographer? I literally did a research of him after that night, ang apelyido n'yang Grivin ang ginagamit n'yang pangalan sa modelling at photography industry, ni hindi nga 'ko makapaniwala na taon-taon simula noong narecognize ang photography skills n'ya ay naiimbitahan na s'ya sa mga fashion week ng iba't ibang bansa. He already worked for the Kardashians, he's also doing a photography under the sea and many more, kung tutuusin nga ay mas sikat talaga dapat s'ya sa 'kin kaya hindi ko alam kung paano n'ya napanatili na low profile lamang s'ya sa E.U na para bang isa lang s'ya sa mga extra samantalang napaka-extravagant naman pala ng buhay n'ya. It made me wonder that despite of his achievements in life at a young age why does he seem so sad? Why does he seem so distant on everyone while it is clear that he's alway on the limelight for his photograpy works? Ano ba ang mayroon sa kanya, bakit parang andami n'yang isinisikreto? Pagkarating namin ng E.U ay nakapila na kaagad ang mga bus sa tapat ng school at may mga iilang estudyante na ring nasa loob non. "Keep safe, and please wag ka mas'yadong mag-inarte sa retreat, I won't be there to baby you when you throw your tantrums, Mirren." Si Kuya na inilalabas ang bag ko na naglalaman ng mga necessities at damit na gagamitin ko para sa retreat. Sinimangutan ko s'ya at kaagad na tinabig ang kamay n'yang guguluhin na naman dapat ang buhok ko. "Stop that, you're annoying me." Humagalpak s'ya ng tawa at maayos na sinara ang pinto ng kotse bago s'ya naglakad papasok sa building nila habang sumakay naman na 'ko sa bus na nakalaan para sa section namin. Kaagad na nahanap ng mga mata ko si Pim na nasa bandang unahan lang, idagdag mo pa na tumayo s'ya at kumaway. "Sandali lang, hindi ba tayo magtatabi?" Sumulyap s'ya sa lalaking katabi na mahimbing ng natutulog at nagkibit balikat bago ako muling tiningnan. "May mga designated seats kasi, nakaka-inis nga ang layo nga ng b'yahe natin mabobored pa 'ko lalo kasi hindi kita katabi eh mukhang matutulog lang 'to buong byahe." Reklamo n'ya at muling inirapan ang katabi n'yang lalaki. "Astrid, doon ka sa may likuran sa tabi ni Krenth." Our adviser blurted out, mabilis na nabaling ang atensyon ko sa lalaking naka-upo sa may bandang likuran, nakapikit s'ya at bahagyang nakasandal ang ulo n'ya sa bintana ng bus. Is he sleeping? Bumaba ulit ang teacher namin para tawagin ang mga estudyanteng wala pa sa loob ng bus samantalang marahan na 'kong naglakad palapit sa 'king upuan, sa tabi n'ya. Even before I can take my seat he turn to look at me, walang kahit na anong ekspresyon katulad ng palagi, ngumiti ako sa kanya ngunit nag-iwas lang s'ya ng tingin at muling pumikit, ang sungit na naman. Saktong ala-otso nang umalis na ang bus, everyone seems to be excited about this retreat but of course there are few students who would whine every now and then.  Magtatlong  oras na atang bumabyahe ang bus nang magdesisyon ang mga teacher na magstop over muna kami saglit para makapag-cr ang ilang estudyante o hindi naman kaya ay makabili sila ng kung ano mang pagkain sa may conveniece store. "Baba ka ba?" Kaswal na tanong ko sa kanya, maybe it was his mannerism to stare intently at someone before he would speak to answer their question or maybe he really don't like talking that much that he prefer staring at them for a moment rather than to answer their question for him until that someone who asked him starts to feel awkward and would just choose to walk away or it could just be me. "Ikaw, baba ka ba?" Balik tanong n'ya, kuunot ang noo ko at may pagdadalawang isip na umiling, hindi ko naman kasi kailangang gumamit nf banyo at wala rin naman akong gustong bilhin dahil lang ng possibleng gusto kong kainin habang nasa b'yahe o mismong retreat ay inihanda na ni Mommy at nasa bag ko lang. "Great, I'll be going." Mabilis n'ya kong nilampasan at bago pa man ako makapag-react ay nakababa na s'ya ng bus, ang daya! "Sandali, can't you wait for me ba, ha?!" Kinalas ko kaagad ang pagkakapulupot ng kamay ko sa braso n'ya ng hawakan ko s'ya doon para pigilan s'ya mula sa mabilis n'yang paglalakad noong maabutan ko s'ya. "Akala ko ba hindi ka baba?" Kalmadong tanong n'ya but his expressions says otherwise tho, kahit kasi kalmado ang boses n'ya ay maiisip pa rin ng kahit na sinong naiinis s'ya lalo na sa paraan ng pagkaka-kunot ng noo n'ya. Mariin s'yang pumikit at kapag kwan ay tinalikuran na 'ko nang mapagtantong marami ng estudyante ang nakatingin sa 'min, s'yempre maaagaw talaga namin ang atensyon ng ibang mga tao ang ganda ko kasi! "Bakit mo ba 'ko sinusundan?" Patuloy pa rin s'ya sa pagdampot ng mga pagkain habang nakasunod lang ako sa kanya. "Bakit ba kasi ang sungit mo, don't you know that you should not treat your friend like this?" I asked, isinara n'ya ang ref ng convenience store pagkatapos n'yang kumuha ng inumin at saglit akong tiningnan. "We are not friends, hindi ba 'yon malinaw sa 'yo?" Nilampasan n'ya na 'ko samantalang napako naman saglit ang mata ko sa estante ng convenience store ng makita ko ang isang balot ng kendi dinampot ko kaagad 'yon at may malapad na ngiting sinundan s'ya sa counter. "Are we not? Akala ko magkaibigan na tayo kinausap mo na kasi ako last time noong nasa SMA pa tayo." Patuloy kong pangungulit sa kanya habang nakapila kami sa may counter. "I'm not being friendly there just being professional and civil, I guess." He mumbled. Inilapag ko sa counter 'yong isang balot ng wiggles atsaka mabilis na hinawakan ang laylayan ng jacket na suot n'ya para hindi s'ya maka-alis kaagad dito. "32 pesos and 50 centavos po Ma'am." Kinapa ko ang magkabilang bulsa ng suot kong pantalong maging ang jacket ko pero wala akong pera, kinakabahang lumingon ako sa cashier at kay Flash na inis ng nakatingin sa 'kin. "Naiwan ko 'yong wallet ko sa bus." Bagsak balikat na humarap ako sa cashier, nagsisibalikan na rin ang mga estudyante sa bus at kapag bumalik pa 'ko sa bus para kunin ang wallet ko at bumalik ulit dito ay maiiwanan ako ng bus. I smiled awkwardly at her, "Sorry Miss naiwan ko kasi 'yong wallet sa bus — Miss, ito na 'yong bayad." Pagputol n'ya sa sinasabi ko bago n'ya iniabot sa cashier 'yong 200 pesos, sumulyap ako sa kanya at ngumiti habang kinukuha ko 'yong sukli pati na rin 'yong isang balot ng wiggles na binili ko. "Thank you, babayaran kita sa bus promise me." Iniangat ko ang kamay ko sa ere na parang nanunumpa at muling ngumiti sa kanya ngunit sa halip na magsalita ay hinila n'ya lang ang kamay ko pababa at hawak-hawak n'ya pa rin 'yon hanggang sa makasakay na kaming dalawa sa bus. "Maiiwan na tayo, ang tagal mo kasi." Singhal n'ya pa at tuluyan ng binitawan ang kamay ko noong nasa may hagdan na kami paakyat ng bus at nauna na s'yang maglakad papasok. Halos lahat ng mga estudyante na nasa loob ay nakangiting nakatingin sa 'kin maging si Pim, they all have that taunting mischievous smile on their lips that I'm starting wonder what does that mean. "Hoy." Muli ko s'yang kinalabit, and for the nth time he looked at me, annoyed like usual. "Ano ba 'yon? Ang kulit mo para kang bata." Ngumuso ako sa kanya at tinitigan ang pillow neck n'ya. "Nangangawit na 'ko atsaka inaantok na rin." His brow shot up as he confusedly stare at me. "Your comfort is not my problem anymore Ms. Dela Vin." He blurted out and shut his eyes close. Napaka-ungentleman! Ni hindi n'ya man lang ipahiram sa 'kin 'yong unan sa leeg n'ya — bago ko pa man matapos ang mumunting reklamo sa utak ko'y gumalaw s'ya at inalis sa leeg n'ya 'yong unan at kapag k'wan ay iniabot n'ya sa 'kin na kaagad ko rin namang tinanggap. "Salamat." Tumango lang s'ya at isinuot na lang ang earphone n'ya, wala talaga s'yang balak na kausapin ako noh? Kahit na nasa 'kin na 'yong unan ay hindi pa rin ako makatulog, hindi pa rin ako kumportable. Muli ko s'yang kinalabit at kaagad na nagpeace sign sa kanya ng halos patayin n'ya na 'ko sa pamamagitan ng masama n'yang pagtitig. "What is it again this time?" May diing tanong n'ya, napalunok ako at sumulyap sa balikat n'ya na kinakabahan ko namang itinuro. "Can I lean on your shoulder please? Walang malisya gusto ko lang kasi talagang matulog." I heard him sighed exasperatedly, akala ko'y hindi n'ya na 'ko ulit papansin kaya't gano'n na lamang ang pagkatuwa ko ng tumango s'ya. I never find leaning on someone's shoulder for a place to sleep quite comfortable until this time, ang sarap sarap matulog sa balikat n'ya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD