“Sinundo mo na naman ako?!!” Siguro kung titingnan mula sa point of view niya ay siguradong nanlalaki na naman ang butas ng ilong ko sa inis.
Seryoso siya noong una, kunot pa nga ang noo at parang galit pa rin. Pero no’ng nakitang halos sumabog ako sa inis ay parang baliw na tumawa. Ewan ko ba dito kay Travis, pakiramdam ko noong bata ito e ilang ulit nang nauntog kaya may pagkasaltik.
“Lagi naman kitang sinusundo ah? Anong mali diyan?” Kibit nito at pinagbuksan pa ako ng pintuan.
Nanlilisik ang mga mata kong nakatitig sa kanya, pero sinunod ko naman. Kahit magkagalit kami niyan ay hindi pa rin kaya ng pride kong wag gawin ang nakasanayan. Minsan hindi ko na alam kung sino sa’ming dalawa ang totoong may saltik.
Siguro pareho,
“Sweldo mo ba? Ba’t ka nanlilibre?” Tanong ko habang tinutulak-tulak ang yelo sa ibaba ng milktea. Gusto ko kasing matunaw kaagad iyon bago sipsipin. Mas masarap pag kulang sa tamis.
“Oo, kaya maggogrocery tayo mamaya. Ilista mo na kung anong gusto mong bilhin. Libre ko...”
Umismid ako, lagi naman akong libre... di na ‘to bago. Syempre kinalimutan ko na iyong away namin kagabi at kaninang umaga. Simple lang naman ang mga gusto ko, mabilis din akong mapaamo... wag lang talagang masira kaagad dahil sa mga babaeng dinadala niya sa bahay. Mabuti sana kung matitino... e hindi. Mga haliparot! Alam ko na kaagad sa unang tingin pa lang... pare-pareho. At kaya siguro alam ko rin kung anong mga tipo ni Travis.
Nilapag ko sandali ang mga gamit sa likod ng sasakyan. Pagkalingon ko ay nagtataka ako kung bakit bumaba ang mga mata niya at mabilis ding binalik sa mga mata ko. Napalingon tuloy ako sa likod at tinitigan ang ilalim na bahagi ng sasakyan niya. May mali siguro, o may dumi... medyo sensitive kasi ‘to pagdating sa sasakyan niya. Kunting dumi lang pinapalinis na kaagad sa akin.
“Tara na!” Hinila niya pa ang braso ko kaya sinamaan ko ito ng titig. Parang hindi babae ang hinigit ah?! Halos mapigtas nga dahil sa bilis at biglaan.
“Aray nga!” Waksi ko dito...
“A-ano?” Bulong nito.
Kumunot tuloy ang noo ko at sinipa siya sa binti. Kung ano-anong sinasabi puro lutang naman. Minsan hindi ko talaga maintindihan ‘tong ugali ni Travis, parang wala sa sarili.
“Ayaw mo nito?” Pinakita iyong pulang supot ng marie.
Tumango ako at pinalagay sa cart. Nang napuno ay doon niya lang ako tinulungan sa pagtulak. Puro mga biscuits at kung ano-anong paborito kong papakin ang nandoon. Kulang pa para sa laman ng cabinet at ng refrigerator. Kaya nilagay muna namin sa sasakyan at bumalik para bumili na rin ng mga kailangan sa kusina.
Pinakita ko sa kanya ang supot ng steak na madalas niyang nirerequest sa’kin. Pinapipili ko kasi hindi naman pwedeng bilhin namin lahat. Malulugi ang bulsa niya, meron pa namang umabot sa 10k na hindi naman kalakihan pero siguro bawi naman sa lasa.
“Bili na rin tayo sa wet market.” Request ko dito dahil may ilang hindi ko makita.
Tumango siya’t sumunod sa lahat ng gusto ko. Hindi nga ito marunong mamili ng mga kailangan talaga. Kaya pag grocery time ay kasama talaga ako, kahit pagod sa klasi.
Binuksan ko lang sandali ang isang butones ng suot kong uniporme. Biglang umalinsangan kahit hapon na, siguro dahil sa balitang mas mainit ngayong buwan kesa sa nakaraang taon.
“Balik mo,” saway niya at tinigil sa tabi ang sasakyan para ayusin ang butones ko.
Kumunot tuloy ang noo ko at sinapak ang kamay niyang parang nanginginig yata habang binabalik sa butas itong button.
“Mainit! Ano ba Trav,” sinapak ko ulit kaya lang ayaw magpatinag.
“Catliah, sinabing ibalik mo...” galit na bulong niya.
Kumunot ang noo ko at tinitigan ang gilid ng noo niyang namamawis. Malamig naman dito sa loob ng sasakyan niya. Binuksan ko lang sandali ang butones kasi gusto kong pumasok kaagad ang lamig. Ibabalik ko naman yan, kailangan ko lang malamigan kaagad.
“Trav...” bulong ko,
Hindi ako sigurado pero kasi...
“Bakit ayaw pumasok?!!” Galit na sabi nito.
Namilog ang mga mata ko at tumahip ng tatlong beses ang puso ko sa sobrang kaba. Nanlalamig nga ang kamay ko nang ikinawit sa likod ng pulso niya.
“Trav... nalilibugan ka?” Kinakabahang tanong ko dito.
Parang napapasong humiwalay kaagad ito sa akin. Doon ko napansin ang pagpula ng tenga niya.
Nakagat ko tuloy ang labi sa inis at sinapak ang braso niya. Kumibot ito at lumayo.
“Umayos ka Travis! Wala palang boobs ah?!” Inis na sinapak ko ulit ito.
Umiiling siyang tumagilid. Tinatanggap lang nito lahat ng palo ko kaya hindi ko maiwasang mas lalong mainis. Isang beses ay sinipa ko iyong paanan at padabog na binuksan ang pintuan.
“Wala pala ha, walang dibdib! Bwiset na yan! Malibog ka lang talaga Kuya Travis... nakakainis! Mag-isa ka diyan!” Litanya ko bago bumaba.
Dabog ako ng dabog habang naglalakad at nagdesisyon na tumambay sa labas ng 7/11. Tinitigan ko lang ang sasakyan na nakaparada sa gilid ng daan. Hinintay ko siyang lumabas, pero wala e... nandoon lang at nagmumukmok sa loob. Nakita ko pang hinampas niya ng isang beses ang manubela. Kumunot lalo ang noo ko sa nangyayari, galit siya?! Dapat ako lang ang galit sa’ming dalawa!
Ilang minuto akong naghintay, nakadalawang balik na rin ako sa loob ng 7/11 para bumili ng ice cream at sa pangalawa ay tubig. Nauuhaw ako sa kakahintay, wala yatang balak na lumabas.
Naputol lang ang pagtitig ko nang mariin doon nang may humarang. Nagtataka ako kung sino ‘tong asu—
Halos mapanganga ako noong matitigan ang lalaking nandito. Inabutan niya ako ng C2, yong maliit na C2... alangan tuloy akong tanggapin iyon lalo na at naupo siya sa katapat na upuan.
“Di’ba destiny ‘to?” Nahihiyang tawa niya.
Galit ako, naiinis kay Travis... pero hindi ko maiwasang mapatawa sa kanya. Naalala ko na naman iyong pagpapaupo niya sa matanda doon sa bus.
“Lito nga pala, anong pangalan mo?” Lahad nito sa sariling palad. Ngumiti ako at sinabing, “I’m Catliah...”
“Catliah... bagay sa’yo. Para kang pusa,”
Natawa tuloy ako dito at tinanong siyang bakit nandito siya... na-excite ako noong sinabi niyang—
“Diyan lang sa likod ang boarding house ko, madalas akong tambay dito kapag nagugutom at gusto lang magchill.”
“Working na po ba kayo, Kuya?”
“Oo, teacher.”
Mas lalo akong naexcite na marinig mula dito, na isa siyang guro. Kahinaan ko iyon, tulad ng kay Sir Gab. Siguro kasi isa yon sa mga pamantayan ko para masabing interesado ako sa isang lalaki. Ang pinagkaibahan lang sa kanila ni Sir Gab ay ang edad... pansin ko ngang parang may pagkakahawig ang dalawa.
“Ikaw ba Cat? Ah...” pinasadahan niya ng tingin itong kalahati ng katawan ko, hindi niya kita ang sa ilalim dahil pareho kaming nakaupo, “— estudyante?” Lunok nito.
Tumango ako at nagkuwento kung anong year at anong kurso ang kinuha ko. Nakangiti itong tumango, nagulat na lang ako nang tinanong niyang,
“May boyfriend ka ba nga—“
At naputol dahil sa tatlong biscuits na nilapag sa gitna ng mesa. Napasinghap ako sa gulat at inis na makitang nasa gilid ko si Travis, galit at namumula ang leeg.
“Ano bang ginagawa mo Catliah? I was waiting in the car!” Turo nito sa pinagsadahan ng sasakyan nito kanina.
Gusto kong magalit, o gusto kong pantayan ang pagsigaw nito sa akin. Kaso nahihiya ako kay Lito, baka isipin nitong wala naman pala akong manners.
Hindi ko alam kung ano ang idadahilan. Siguradong iisipin nito na boyfriend ko si Travis,
“S-susunod na Kuya,” ngiwi ko at pasimpleng binalaan si Travis,
Umangal ito at tumalikod, iniwan niya iyong tatlong biscuits na nandoon. Hindi ko maalalang binili namin iyon, kaya bahagya akong nagtataka.
“Kapatid mo ba yon, Cat?” Bulong nito.
“Pinsan ko po,” kinagat ko tuloy ang labi dahil sa pagsisinungaling na yon, “Sa susunod na lang Lito, galit eh.” Hilaw na tawa ko, tatalikod na sana ako kung hindi niya lang marahan na hinawakan ako sa braso,
“Pwede bang mahingi ang numero mo, Cat?”
Tumibok tuloy ang puso ko at dali-daling tinipa ang cp number sa nilahad niyang de keypad.
“Itetext kita mamaya,” bulong nito,
Binilisan ko na ang lakad dahil humarap na isa dito. Parang tigre’ng nagbabantay, bumalik tuloy ang inis ko at padabog na pumasok sa passenger’s. Tahimik ako habang naghihintay na makauwi na... gusto kong umakyat kaagad at humilata ng ilang minuto bago bumaba at maghanda ng hapunan.
Di kasi marunong magluto,
Nakakadisappoint.
“Sino ba ‘yon?” Tanong nito, hindi naman galit pero parang kuryuso sa kausap ko kanina.
“Kakilala lang,” sagot ko habang hinuhubad ang sapatos at nilagay sa labas na shoe rack. Pagkatapos ay nakamedyas na lang ako papasok.
Nilingon ko siyang bitbit ang mga pinamili namin. Nasa balikat niya iyong tote bag ko samantalang nasa likod iyong canister. Iniwan ko sa sasakyan ang mga libro dahil sa Linggo pa ng gabi ko pa magagamit yon. Uuwi kami bukas sa bahay, kina Mommy at Daddy at siguradong doon din matutulog. Pagkatapos magtatabi na naman kami ng baliw na Travis na ‘to.
“Kakilala?” Ulit nito, nakasunod ako sa kanya at pinagtatyagaan ang paglapag ng mga supot sa island counter.
“Oo kakilala, kita mo naman di’ba?” Sabay irap ko habang nakaupo dito sa tapat ng refrigerator at nilagay sa ilalim ang mga gulay. Pagkatapos ipinaabot ko naman sa kanya ang mga karne dahil diretsong lagay na iyon sa freezer.
Nang naayos na eh umakyat ako sa upuan habang sinesenyasan siyang iabot sa akin ang mga supot ng biscuit. Ililipat ko para makaiwas naman sa take home ng mga babae niya.
“Cat...” tawag niya,
Nakataas kilay na binabaan ko siya ng titig, lumunok ito...
“Hindi ako nalilibugan sa’yo kanina,” sabi niya.
Napaawang ang labi ko at hindi na mapirmi ang mga mata. Medyo... ewan... nainsulto ako, at yon ang totoo.
“Eh bakit parang kinabahan ka? May panginig-nginig pa ng daliri... pagkatapos pinagpawisan ka,”
“Tigang,” halakhak niya.
Tumalikod ako at tulalang tinitigan ang hindi nakaayos na isang supot ng biscuit. Hindi ako umiling at tinulak iyon papasok. Madaming pumapasok sa isipan ko, parang kasing... wala man lang akong ka-appeal-appeal sa kanya. Ni hindi man lang niya sana inamin, na totoo ang tanong ko kanina.
Oo nga nainis ako, nagulat lang...
Pero kasi,
“Sa labas tayo kumain, kakasweldo ko lang... nakuha ko na rin yong income ko sa isang partnership. Libre kita,” sabi niya pa.
Dalawang beses kong kinagat ang labi at nagmamadaling inayos ang mga supot. Bumaba ako at tumakbo papasok ng silid.
Tapos na akong maligo, tulala lang akong pinapanood ang sarili. Hindi ko maintindihan, kung bakit sa dami ng mga babae sa mundo ay ako pa ang tinamaan ng malas... kaya siguro hindi siya naaapektuhan kasi para talagang bata ang katawan ko. Hindi man lang natulad sa mga tipo niyang babae... oo nga, medyo malalim ang kurba, kaso... hindi, kulang eh.
Hindi kalakihan ang s**o, parang pasibol pa lang... hindi rin mahaba ang biyas... kaya mukhang bata talaga. Kunswelo na lang siguro na parang gatas ang kulay ng balat ko. Pambawi man lang.
“Catliah? Hindi ka pa ba tapos?” Katok ang nagpagising sa’kin.
Tumutulo ang malamig na tubig mula sa mahabang buhok hanggang sa katawan. Hindi ko alam ang uunahin, muntik pa akong nadapa habang inaabot ang tuwalya. Saktong nahagip ng mga mata ko ang isang umilaw na text.
Nagtataka ako kung kaninong galing, kaso... parang nabuhayan ako noong nagpakikala kaagad ang may-ari ng numero.
Hindi ako nagloload, kasi hindi naman kailangan iyon. Internet lang ay macocontact ko na kaagad ang mga kaibigan, may wifi naman dito sa bahay kaya walang problema. Sa school nama’y hindi ko masyadong ginagamit ang cellphone. Maliban kung may tawag galing sa malalapit.
Nagload lang ako sandali sa gcash at tinawagan si Lito habang pinupunasan ang buhok. Basang-basa at tumutulo, kailangan ko munang punasan.
“Hi Cat, napatawag ka...” tawa nito, iyong tawa na parang normal na tawa ng isang lalaki. Hindi ng tulad kay Travis na parang buo at abnormal.
“Sinisigurado ko lang,”
Tumahimik kami, hindi na sigurado alam ang susunod na sasabihin kaya biglang tumahimik.
“Anong ginagawa mo Cat?” Tanong nito saktong tumayo ako at humugot ng panty.
“Nagbibihis,” sagot ko, lutang.
“Nagbibihis? Wala kang damit ngayon?” Singhap nito.
Natigilan ako at nag-iinit ang pisnging tinitigan ang nakaairing tawag.
“A-ah, aalis kasi ako. Kakain kami sa labas.”
Bumuga ito ng hangin, “Pero wala kang damit ngayon,”
Ako na naman ang napasinghap at nanghihinang napaupo sa kama. Literal na nanghina, at nakiliti.