13

2086 Words
** Trav’s ** Wala sa mood. Kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ni Catliah. Maybe because she’s in her period? Narinig kong yon ang pinag-uusapan ng mga kaibigan niya kanina. Tahimik lang itong nakaupo sa tabi habang hinahatid kami sa airport. Now, I understand. Hindi naman siguro yong kahapon ang dahilan. Humingi na ito ng pasensya, na sa tingin ko ay hindi ko kailangan dahil alam ko namang ako ang dapat. Pero siguro dahil iniisip ko si Catliah, tinanggap ko na lang at hinayaan siya sa gano’ng iniisip. Ayaw kong... makalimot uli. Lalo na at ayaw maalis sa isipin ko iyong marahang daplis ng palad ko sa tapat ng mainit-init na pagka’babae nito. “Trav,” hilig ni Claire. Medyo lumayo ako nang kaunti. Iniisip siguro nitong okay na ang lahat, na pwede na kaming maglambingan. Isang gabi lang yon. Isang beses lang. Nadala lang ako, afterall she’s a bombshell. Pinanghawakan ko at pinatulan para lang tumigil na ako. Ganoon pa rin, tulad ng kay Cathy... may hinahanap akong hindi ko maabot. Akala niya yata naging masaya ako. Walang gano’n. “You’re an asshole,” nagtatampong bulong nito. Ngumisi ako at sumandal. Alam ko kaya nga patuloy ko pa ring ginagawa kahit alam kong mali. Kahit alam kong lumalayo na sa akin si Catliah. Mas gusto ko pang ganito, iyong malayo siya at hindi ko abot. Mas ligtas siya kapag ganoon. “You fvcked me until my brain went crazy and you think you can get away from it?”nagbabantang bulong nito. Kumunot ang noo ko at tinitigan siya ng mariin. Alam kong may pagkabaliw ang babaeng ‘to, hindi ko mabasa ang ugali kahit noong lapit ng lapit kay Catliah. Akala ko magiging kaibigan ng isa, hindi! Doon pa lang sa Falls, alam kong iba ang hasang babaeng ‘to. She wanted it fvcked up. And now, she’s obviously trying to blockmail me. But that won’t work. “Go on,” hamon ko dito. Namumutla itong hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. Nang nahimasmasan ay kinalabit niya si Catliah. Si Catliah na tamad na lumingon at blangkong nakatitig sa nakangising si Claire. “Cat? You want to know what happened last night?” Ngising-ngising sabi nito. Sumulyap pa sa akin ng isang beses. Part of me wants her to stop... kaya lang parang mas gusto kong magkagulo ang lahat para makalimutan ko si Catliah. Ngumiti ito, iyong malambing na ngiting hindi ko inasahan. Nagulat din yata ang isa at hindi kaagad nakapagsalita. Ngunit kalaunan, ilang minuto pagkatapos ay nagsalita itong nagpagulat sa tatlong magkakaibigan. And Catliah? She’s weighing things while sternly looking to Claire. “Kaya ka ba nawala kagabi?” Malumanay na tanong nito. Ngumingising tumango si Claire. Lumingon sa’kin si Cat, iyong tamad na mga mata bago bumaling ulit kay Claire. “Ge lang, hindi ko naman gusto iyan. Sanay na ako Claire... magkantutan man kayo sa harapan ko. Wala akong pakialam.” Nahigit ko ang hininga. Hindi ko inasahang tamad niyang sasabihin iyon. Parang wala siyang pakialam... and somewhere, I know... there’s me... Realized that I fvcked up. ** Catliah ** “Ano yon?” Kalabit ni Lala. Masama ang timpla ng mukha ni Dastine. Ramdam ko yong inis niya. Samantalahng si Purple ay hindi makapaniwala sa nangyari. “Tulad lang ng dati, La... wala lang yon.” Tamad na tamad ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung bakit ganito... siguro kasi may dalaw ako ngayon kaya ganoon? I don’t know... siguro yon ang totoo. “Yon nga! Tulad ng mga nirereklamo mo noon! But what the! Ang gagang Claire sinabi ko na sa kanyang magbehave siya bago ang trip na ‘to. But what did she done? Gaga na yon!” Iritableng-iritable si Lala. Ang laki ng problema niya samantalang iniinda ko naman ang sakit ng puson ko. Nagawa ko pang ngumiti habang tinutulak ang stroller at inagaw ni Kuya Travis. Lumayo ako nang kaunti at tumabi kay Lala na masama ang titig sa sariling pinsan nitong nakabuntot kay Travis. Parang baliw... tulad ng mga naging babae niya. “Bili lang ako ng med,” paalam ko sa mga kaibigan at lumiko. Mabilis lang naman yon at bumili na rin ako ng tubig. Pagkabalik ay may naghihintay sa’ming sasakyan. Kay Kuya Travis iyon, iba lang ang naghihintay na Driver. Si Kuya Geoff na kumaway sa’kin bago sa lahat. Nagkasya naman kami sa loob. Iyon lang napilitan akong tumabi kay Kuya Travis para lang magkasya ang apat sa likod. Tawang-tawa naman si Kuya Geoff habang nakatitig sa mukha ko. “Grabing pagkamestiza iyan Cat ah? Pulang-pula pati leeg mo!” Tawag nito. Nahihiyang ngumiti ako at tinuon ang pansin sa harapan. Nag-uusap naman sila ng kung ano-ano pero rinig ko iyong inis ng mga kaibigan ko kay Claire. Humalakhak nga lang si Claire at patuyang tinutukso ang mga kaibigan ko ng kung ano-ano. “Claire,” banta ni Kuya Travis. Naubos yata ang pasensya habang nakikinig sa pagmamayabang ni Claire. Ngayon ko napagtanto na iba nga itong si Claire. Gagawin niya kung ano ang magpapakasaya sa kanya. Ni hindi nga ito nahiya nang ipinakita niya sa’kin noon ang u’tong. Like... anong maganda do’n? “What was that dude?” Nagtatakang tanong ni Kuya Geoff nang bumaba kami sa harap ng bahay namin. “Nagchichics ka na naman!” Iiling-iling na sabi pa ni Kuya Geoff. Hindi ako nakinig at binuhat ang bag kaso kinukuha ni Kuya Travis. Napilitan akong mauna sa loob. Kinuha ko lang ang susi sa loob ng maliit kong wallet at tinulak ang pintuan. This feels like... not my home. Noon pa man pero tinitiis ko kasi kailangan kong gumraduate. “Kuya, mauuna na po ako.” Paalam ko sa dalawa. Nakatitig lang sa’kin si Kuya Travis... ngumiti naman si Kuya Geoff. Pagod na pagod akong napahilata sa kama. Pagod sa mahabang byahe, pagod sa iniisip at pagod sa sumasakit na puson kanina. Pagkagising ko ay nainis akong makita na kumalat iyong dugo sa higaan. Kapapalit ko pa lang pero kailangan kong palitan na naman ng bago. Pag labas ko ay naamoy ko kaagad ang pagkain sa kusina. Natatakam ako at yon ang gusto kong unahin sa ngayon. Nagulat lang ako na nandoon si Kuya Travis at abala sa niluluto. Nangasim kaagad ang pakiramdam ko at sumilip. I doubt if that will taste good... ang alam ko e hindi ito marunong magluto. “Hi,” simpleng tawag nito. Tumango ako at umakyat sa highchair habang nakatitig sa ginagawa nitong pagsalin ng creamy mushroom. Mukhang masarap titigan pero ewan ko lang kung ganoon din ba ang lasa. Tinulak niya sa akin, nag-aalangan ako ngunit dahil gutom sa sobrang pagod at sakit ay tinikman ko na lang. Okay naman pala! Hindi lasang sunog. “Yan lang ang alam ko.” Tumango ako at nagpakuha ng kanin. Uulamin ko kahit parang pangit yata dahil hindi ako sanay sa matatamis na ulam. But infairness naman masarap pala. Bumaba ako pagkatapos na mabusog. “Ako na po ang maghuhugas Kuya...” paalam ko dito. Napansin kong natigilan siya ngunit bumalik din sa pagkuha ng kanin. Binalikan ko ang bedsheet at nilagay sa likod. Nilagyan ko ng de color na zonrox at binabad sa palanggana. Pagkabalik ay patapos na rin si Kuya Travis, pagkatayo niya ay lumapit na ako at kinuha ang pinagkainan. Tahimik akong naghuhugas habang nararamdaman si Kuya Travis na pabalik-balik. Hindi ito mapirmi sa sala! At naiinis ako. Pero syempre binaliwala ko ulit at tinapos lang ang paghuhugas. Bumalik ako sa kwarto at nanood ng random anime na nakita ko sa newsfeed. Puro aksyon yon at ayaw ko ng romance sa ngayon dahil nag-iinit ang gilid ng mga mata ko. Alas diez na ngunit hindi ako madalaw-dalaw ng antok. Tinamad na rin ako sa pinapanood kaya nilipat ko sa isang social media platform at nagscroll lang. Tapos naalala ko na naman si Lito... siya yata ang takbuhan ko kapag malungkot ako. Iyong sobrang lungkot na pakiramdam ko e nagiging bobo ako. ‘Hi Cat,’ mabilis itong nagchat pagkatapos kong magconfirm. ‘Hi,’ tinatamad na reply ko dito. Maya’t maya ay nagrerequest na magvideocall kami. Tamad ko ring tinanggap at nakitang siya iyon, nakaupo yata kasi pader ang nakikita ko sa likod. “Cat! Pasensya ka na sa ginawa ko.” Tumitig lang ako sa kanya bago tumango. Nawala na nga sa isipan ko yon. Naoffend nga lang dahil sa pinaggagawa ko noon. “Okay lang Lito,” Mukhang nakakaramdam ito at ngumiti, hindi muna nagsalita. Pareho kaming nakikipagtitigan sa isa’t isa. Sa huli dahil siguro hindi na nakatiis e siya itong nagbukas ng isang usapin. “— kung hindi mo masasamain.” Tumango ako at wala sa sariling sinabi na kung pwede sa susunod Linggo na lang dahil masama ang pakiramdam ko ngayon. “Ah, sa labas lang naman tayo magkikita. Hindi kita dadalhin sa kung saan-saan Cat,” Isang tango ulit ang sagot ko dito. Tapos nagpaalam na ako sa kanyang matutulog. Pagod pa rin ako at masama ang pakiramdam. Pagkatapos nagising ako kinabukasan na namumutla at napatitig sa palibot. Ganoon pa rin naman pero iba ang pakiramdam ko ngayon... parang sobrang sakit naman yata ng puson ko? Tumayo ako at nagulat na nakapang basa ang higaan at halos dumoble ang pamumutla nang nakitang punong-puno ng dugo ang ibabang bahagi. Dapat nagpapanic na ako e pero mas inuna kong mag-isip kesa gawin iyon. Kumuha ako ng bag, kumuha din ng mga malalapad na napkin. Nagpalit ako sa loob at para yata akong hihimatayin na parang ihi lang na bumulwak iyon. Natatakot na ako... Oo natatakot na ako. Hindi ako makapag-isip nang mabuti habang nararamdaman ang sariling para lang akong umiihi. Binilisan ko ang kilos dahil nahihilo na ako. Hinila ko lang iyong bedsheet at nilagay sa tabi ng labahan. Sinukbit ko ang bag at namumutlang tinitigan ang buong sala... hindi ako alam kung nasaan si Kuya Travis. Natatakot ako... gusto kong magpatulong pero sa ayos ng bahay ngayon pakiramdam ko wala siya dito. Dali-dali akong lumabas at nilock ang pintuan. Mabuti na lang nakita ko iyong kahera ng katapat na convenient store at nanlalamig na kumapit sa braso niya. “P-parulong ate...” hilong-hilo na ako. Namutla rin ito sa nakitang sitwasyon ko. Hinawakan ako sa braso at natataranta itong nagtawag ng pwede pang tumulong. Napapikit na lang ako nang mariin at nanlalamig. Hindi ko na maalala kung paano ako nakarating sa Hospital. Gising na gising ako nang umalis sa bahay pero hindi ko maalala. “May pamilya ka ba iha? Kailangan mong salinan ng dugo... you lost a lot.” Tumango ako at kinalma ang sarili. Mabuti na lang dala ko ang cellphone at tinawagan si Mommy. Namumutla ito nang dumating. She thought I was pregnant, nakunan, kaya kailangan ng dugo. Ipinaliwanag naman ng Doctor kung ano ang nangyari. Ngayon lang din nangyari ‘to at kabado ako sa nangyari sa’kin. “We’ll observe after her blood transfuse... if she still bleed, we have no choice but to do D&C after another tranfuse.” “Ano yon Doc?” “Dilation and curettage... procedure Mrs para linisin ang uterus ng anak niyo.” Namutla ako at napahawak nang mahigpit sa kamay ni Mommy. Hindi ko gusto ang narinig... may ipapasok para linisin ang uterus ko. Mabuti na lang match kaagad kami ni Mommy. Kaya kinahapunan ay sinalinan na kaagad ako. Nagpahinga ako do’n pagkatapos ng mga ginawa, nakatulog ako at nagising ng hating gabi. Nagulat akong nandoon si Kuya Travis at nakaupo sa isang tabi. Natutuloy yata dahil nakayuko. Hinayaan ko siya doon at naupo. Tiningnan ko ang sarili at para nga akong kawawa. Naghintay muna ako ng ilang minuto bago natulog ulit. Kinaumagahan may tumapik sa’kin kaya nagising ako at nakitang may pagkain sa isang tray. “Cat, kumain ka muna pagkatapos ay uminom ka ng gamot.” Sabi nito. Tumango ako at inabot ang cellphone bago naupo. Susubuan sana ako nito pero inilingan ko at kinuha sa kanya ang plato. Kumain ako nang dahan-dahan habang nakasilip sa cellphone. Pansin kong may mga papasok na chat messages. Si Lito... nag-aalala siguro yon kasi bigla akong nawala at hindi pa nagparamdam kagabi. “Nahihilo ka pa rin ba Cat?” Umiling ako at tahimik na binubuksan ang mga messages. Tama nga ako! Nag-aalala ito! “Cat, finish your food first.” Tawag pansin ni Kuya Travis. Tumango ako at tinapos ang kinakain. Inabutan niya ako ng gamot at pinainom. Maya-maya ay nagraround na si Doc. Kinamusta lang naman ako at kaya ako namumutla ngayon dahil sa gusto nitong procedure.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD