Chapter 11: Art Journal, Journal

1249 Words
Ang isip ko ngayon ay lumilipad pakiramdam ko'y hindi pa rin ako dadalawin ng antok. Nakatitig lang ako sa kisame habang nagbibilang ng mga bituin na nakadikit dito. Panay lamang buka ng bibig na inaabot ng ilang segundo ang nangyayari sa'kin, naluluha na rin ang mga mata ko pero kung ipipikit ko naman, wala pa ring nagbabago. Bigla na lang akong napapadilat hindi man lang ako makaidlip kahit kaunti. Inabot na ko ng Alas dyis nang gabi na sa ganitong nangyayari sa'kin. Wala naman akong gana o motibasyon para magbasa o sumulat man lang ng tula o prosa. Napabuntong hininga na lamang ako. "Ano bang p'wedeng gawin?" tinatanong ko ang aking sarili, gusto ko iuntog ang ulo ko dahil gusto ko na matulog pero ayaw ng diwa ko. Umupo muna ako sa'king kama, at nagisip na p'wedeng gawin. Naalala ko bigla si Laura, masakit ang pagkawala ni Laura pero kailangan kong magpakatatag dahil 'yun ang huling pangako na nasambit ko sa kaniya na kailangan kong tuparin. Kahit sabihin may nalulungkot ako, pinilit kong pumunta sa'king mesa, nang sa gayon may maisip ako na maaari kong gawin. Nahagip ng atensiyon ko ang isang kahon ng mga taguan ko ng libro at iba pang mga bagay na importante sa'kin. Tinungo ko ang kung nasaan nakapwesto ang kahon na 'yun. Hinalungkat ko ito upang mas makita pa ito, at kung ano mang bagay ang makakuha ng interest ko ay siyang gagawin ko. Napaubo na lang ako sa kapal ng alikabok na naririto hindi ko kasi ginagalaw ang loob nito tanging labas lamang ang pinupunasan ko. "Nabasa ko na ang mga libro narito." tinitignan ko isa-isa ang mga libro na box na ito, pinagpagan ko at hinipan ko pa ang mga ito ng kaunti nang sa gayon matagal ang alikabok ng mg libro. Napadalawang tingin ako sa k'wadernong nasa ilalim nang kahon na ito, kulay kayumanggi ito dahil sa Laura ang pumili nito para sa'kin. "SABI ni Laura romance 'to libro bakit parang hindi naman." hawak-hawak ko ang libro na niregalo sa'kin ni Laura, pilit kong binabasa ang librong ito baka mabulok lang ito sa lagayan ko, nakakapanghinayang naman kung ganoon ang mangyari. Alas-otso palang nang gabi halos kakatapos lang namin maghapunan dito kanila Laura kailangan kasi namin matulog nang maaga dahil aalis kami ng Alas k'watro ng umaga. Napahikab na lang ako sa kakaisip sa mga mangyayari sa loob ng dalawang linggo. Napapahiga na 'ko sa kama kahit na hawak ko pa ang libro, inilipag ko ang libro sa gilid ng kama, inayos ko rin ang kumot para ilagay sa'king katawan, pinatay ko na rin ang nagsisilbing ilaw ko na nagmumula sa lampara, naluluha ang mga mata ko dahil si hikab na sunod-sunod, salamat sa libro kahit papaano'y inantok ako. Dumilat ang mata ko, tumaas din ang kilay ko nang narinig kong bumubukas ang pinto sa k'watrong tinutulugan ko. Umupo sa'king kinahihigaan habang hinihintay kong sino ang nagbukas ng pinto. "Felix!" Madalim sa labas at dito sa k'watro kaya hindi ko agad maaninag kung sino ang nagbubukas nang pinto, kinakabahan ako baka'y hindi 'to tao. "Felix!" binuksan nang tumatawag sa'kin ang ilaw kaya napapikit ako dahil sa liwanag nito, bahagya kong dinilat ang aking mata, pilit na inaadapt ang liwanag kahit na galing ang mga mata ko sa dilim kaya bahagya itong sensitibo. "Laura?" sinara ni Laura ang pinto nang dahan-dahan dahil mediyo may kaingayan ito kapag isasara at ibubukas. "Huwag kang maingay baka marinig ka ni Ina." bulong na sabi nito habang nakanguso at nakalagay ang kaniyang hintuturo sa kaniyang bibig. "Bakit ka nandito?" tanong ko sa kaniya. "Ang boring kasi, wala pati akong kasama." inilapag nito ang mga dala niya sa mesang pahaba na nasa loob ng kwartong ito. "Bakit hindi ka na lang pumunta sa kambal?" tanong ko sa kaniya tutal pareho namang babae ang kambal kong kapatid at halos dalawang taon lang ang tanda ni Laura sa dalawa. "Pinatulog na sila ng iyong Inay," umirap pa ito nang bahagya na halata ang pagkairitado sa mukha. "Mabuti'y hindi ka nakita tiyak papatulugin ka rin nun." bulong ang pagkakasabi ko rito pero naririnig pa rin ako ni Laura. "Ano pala ang gagawin mo?" tinitigan ko ang mga bitbit nito kanina na nakapatong na ngayon sa mesa, napakadami nito na parang wala ng bukas. "Journal," tipid nitong sagot. "Art journal." dagdag pa nito habang pinakita sa'kin ang itsura nito. "Sige, matutulog na 'ko kapag tapos ka na patayin mo na lang yung ilaw, at isara ang pinto" habilin ko sa kaniya. "Hindi mo ba 'ko sasamahan dito?" halata sa tono ng pagtatanong nito na malungkot ito. "Matutulog na 'ko maaga pa tayo bukas," "Masiyado pang maaga, Felix. Ikaw na lang ang isa sa mga gising." himutok ni Laura. Nakita kong binitawan ni Laura ang kaniyang mga gamit na kanina'y pinakikita niya lang. Tinungo nito ang hinihigaan ko, balak ako nitong hilain kaya nagtago ako sa kumot. "Halika rito, 'wag ka muna matulog kahit isang oras lang." hinihila ako nito papuntang p'westo nito, may tatlong upuan na naririto. Itinabi ni Laura ang aking uupuan sa p'westo niya. "Huwag kang umalis." pinandilatan pa 'ko nang mata nito bilang pagbabanta. "Aalis pa ba 'ko, pinaupo mo na 'ko rito." pagtatangol ko sa sarili, kulang na lang igapos ako nito para hindi ako makawala kinauupuan ko. Pinatong ko ang mga braso ko sa mesa at inilagay ko ang isang kamay ko sa'king pisngi upang panoorin ang kaniyang ginagawa. Nabuburyo ako sa ginagawa nito kaya ang pakiramdam ko bumibigat ang talukap ng mata ko, hindi ko ring mapigilan umikot ang mga ito ng ilang ulit. "Feliciano!" "Feliciano sabi ko'y samahan mo 'ko, tinutulugan mo naman ako." nanlilisik ang mga mata at nakasimangot ito habang sinasabi niya ang mga ito. Bigla akong napatawa sa itsura niya." Pasensiya ka na inaantok na talaga ako," nakangiting sabi ko. "Ikaw ba hindi ka inaantok?" dagdag na tanong ko. "Hindi ko alam, wala ka bang k'waderno? imbis na sagutin ang tanong ko ay tinanong din ako nito. "Wala, lahat may sulat na." "Kumuha ka na lang ng kahit anong papel, tuturuan kita kung paanong mag art journal." Narinig ko ang pagbuga ng hangin ni Laura hudyat ito na pagkadismaya. Naghanap ako ng mga papel na maaari kong gamitin sa pagtuturo sa'kin ni Laura, maliit na k'waderno kulay asul lang ang nakita kong mayroon pang mga akupado, kinuha ko 'to mula sa'king bag. Listahan ko kasi ito ng mga schoolworks dahil makakalimutin ako. "Ito, ayos na ba 'to?" pinakita ko kay Laura ang k'wadernong 'yun para makasigurado ako. "Oo, hay na'ko bibili tayo bukas na bukas ng k'waderno mo pang journal." iniling ang ulo "Huwag na aksayado hindi ko rin naman gagamitin." bumalik ako patungo sa p'westo ko bitbit ko na rin ang maliit na k'waderno. "Ganito gawin mo, drawing mo yung nasa paligid pagkatapos, lagay mo yung thoughts mo." hawak-hawak ni Laura ang kaniyang k'waderno na kung saan mayroon gawa niya, ginawa niya itong halimbawa habang tinuturo sa'kin kung paano. "P'wede bang thoughts lang?" napatigil si Laura at tinitignan ako nang masama dahil sa sinabi ko. "Paano mo na matatawag na art journal 'yun?" pabalang ang naging tanong ni Laura. "Tanggalin na lang yung art para journal na lang." pagdadahilan ko. "Bahala ka sa buhay mo." umirap si Laura at binalik ang atensiyon sa kaniyang ginagawa. Napatawa ako, "Eto na nga, susubukan ko hindi naman kasi ako marunong gumuhit," paliwanag ko kay Laura. "Turuan mo na ko kung paano gumuhit." Ngumiti ito kahit halata sa mata na pinipigilan ang kaniyang antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD