"FELICIANO!" tawag sa'kin ni Inay.
"Bakit ho?"
"Inihanda mo na ba ang mga dadalhin mong gamit para sa mamaya at pang kinabukasan?" pagtatanong nito sa'kin.
Kumunot ang noo ko sa pagtataka kaya pinuntahan ko kung nasaan si Inay. Nasa kusina lamang ito dahil nagluluto ng almusal.
"Saan tayo pupunta, Inay?" pagtatanong ko rito.
"Kanila Laura, hindi mo pa ba alam?"
"Doon tayo matutulog sa kanila dahil magbabakasyon tayo sa probinsiya nila. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa'yo. Kala ko'y nasabi ko kanina, ay siya ihanda mo na ang mga dadalhin mo, at aalis na tayo mamayang alas-dyis." Dagdag pa nasabi nito.
"Sige po, ilang araw po ba tayo doon?" pagsisigurado ko.
"Dalawang linggo lang."
"Bakit naman po ang tagal? Ano pong ganap?" sunod-sunod na tanong ko
"Kaarawan ni Laura ngayong Abril."
Nakalimutan kong itanong kay Inay kung anong Abril ang kaarawan ni Laura kaso baka kapag tinanong ko pa ito ay mag-init ang ulo dahil ipanapahanda niya na ang gamit ko.
Nakahanda na ang mga gamit ko na worth it ng dalawang linggo at ekstra para sa mamaya.
"Felix, pumunta ka na rito, kakain na tayo!" Turan ni Inay.
"Dalhin mo na rin ang mga gamit mo para mailagay na sa sasakyan." Dagdag pa nito.
"Andyan na po." pumunta na ko sa hapag kainan, nadala ang nga gamit ko.
"Ibigay mo na 'yan sa'yong ama." Utos ni Inay
Ipinalagay ko na ang mga gamit ko kay Ama, at tinulungan ko na rin na ilagay ang ibang mga gamit.
"Nailagay niyo na ba lahat ng mga gamit na kailangan niyo?" tanong ni Inay
"Opo,"
"Maghugas na kayo ng kamay, at kumain dito." Paalalang utos sa'min ni Inay.
"Nga pala Feliciano pagkatapos mo kumain kunin mo yung bulaklak sa likod ng bahay, balita ko'y paborito ni Laura ang daisy." Bilin nito sa'kin habang kami'y kumakain.
"Saan po ba banda?" tanong ko para makasigurado.
"Sa may lamesa, ibigay mo 'yan mamaya kay Laura maagang regalo para sa kaniya." Tuwang-tuwa sabi ni Inay
"Sige po, Inay." tugon ko rito
Hindi pala nila alam na mayroon itong sariling hardin, hindi ko rin naman itong p'wedeng sabihin dahil pangako ko kay Laura na hindi ko ipagkakalat ang Paradise of Freedom.
BUMABA ako ng sasakyan nang makarating na kami kanila Laura, dala ko ang daisy na ireregalo kay Laura na nakalagay sa basket.
"Glenda, 'mare nandito na kami." sabi ni Inay habang hinahanap ni Inay si Ginang Glenda.
"Aling Niza, nakita niyo ho po ba si Glenda?" tanong ni Inay sa kasambahay nila Laura.
"Kayo po pala, hinabilin po sa'kin ni Ma'am hintayin niyo na lang daw po siya."
"Mag-tsaa po muna kayo." nilapag ni Aling Niza ang tsaa na hinanda niya para kay Inay at Ama.
Kumuha lang ang ako ng biscuits na nakahain sa kanilang maliit na lamesa dahil ayokong magtsaa.
"Saan ba nagpunta si Glenda?" tanong ni Inay.
"Hinahanap po kasi ni Ma'am si Laura, nagkasagutan po kasi sila." pagpapaliwanag nito.
"Ay ganun ba, sige hintayin na lamang namin siya rito." sabi nito habang nginitian si Aling Niza.
"Salamat pala sa tsaa, Aling Niza." ngumiti na lamang si Aling Niza bilang tugon sa pagpapasalamat kay Inay.
"Pasensiya na kayo kung ngayon lang ako." hingal na sabi ni Aling Glenda.
"Nako, anong nangyari sa'yo, Glenda?" tanong ni Inay.
"Maupo ka muna at magpahinga." Dagdag pa nito
"Kanina ko pa hinahanap si Laura, hindi ko pa rin makita. Kung saan-saan na naman sumuot 'yung batang 'yun." paliwanag nito.
"Kumalma ka muna, babalik naman 'yun panigurado. Hintayin na lang natin."
"Oo nga Matilda, nagkasagutan kasi kami kanina." sabi nito
"Hayaan mo muna si Laura, pakalmahin mo muna. Panigurado'y babalik din 'yun kapag kumalma na."
"Matilda," patawag ni Aling Glenda kay Inay
"P'wede ko bang pakisuyuan si Feliciano na hanapin si Laura?" hingi nitong pabor.
"Ayos lang naman, Felix pakihanap mo muna si Laura sabihin mo'y nag-aalala na sa kaniya ang kaniyang Ina." Pag-uutos ni Inay sa'kin.
"Sige po." wala naman akong magagawa kundi sundin ang utos ni Inay. Palabas na sana ako ng pinto nang tawagin pa ako ni Inay.
"Felix!"
"Bakit po?"
"Dalhin mo na itong bulaklak sa kaniya baka sakaling gumaan ang loob niya." paalala nito.
"Okay po."
Naglalakad na 'ko papunta kung saan p'wedeng makita si Laura, medyo malayo layo ang lalakarin ko dahil malayo ang lugar na 'yun at panigurado nandoon siya.
Iginilid ko ang pinto na nakaharang dito, at inilagay ulit ito sa p'westo nito pagkapasok ko mayroon kasi itong hawakan sa likod na gawa rin sa kawayan kaya pup'wede itong maibalik, ganoon ulit gumapang sa daanan nito.
Pagkalabas ko pa lang sa daanan, nakita ko si Laura sa labas ng house tree kasama si coowie. Habang nagpagpag ako pinuntahan ko ito.
"Paano 'yan coowie, dalawang linggo kang maiiwan dito?"
"Gusto kita isama kaso ayaw naman ni Ina."
Hindi siguro ako napansin ni Laura dahil kinakausap ni Laura si Coowie.
"Unang bakasyon mo rin 'yun na kasama ako."
Nakatingin lang sa kaniya si Coowie habang winawag nito ang kaniyang buntot.
"Laura," pagtawag ko rito kung saan doon niya lang ako napansin.
Nilingon ako nito, at nagulat nang makita ako nito.
"Kanina ka pa diyan?" tanong nito sa'kin na tila ba'y nakikita ng multo.
"Oo, kanina ka pa hinahanap ng iyong Ina." sabi ko rito
Napansin kong binalik nito ang tingin kay coowie na malungkot.
"Ano bang nangyari kaya ka nandito?"
"Wala, nalulungkot lang ako." sabi ni Laura na bakas sa mukha ang lungkot.
"Wala pero malungkot?" pamimilosopo ko rito
"Kasi ayaw ni Ina na isama ko si coowie sa bakasyon." bigla nitong sabi
"Baka naman kasi may dahilan kaya ayaw nitong ipasama si coowie?" pagtatanong ko kay Laura.
"Hindi ko rin alam, unang beses pa naman yun na makakasama ko si Coowie sa bakasyon kung sakali." paliwanag ni Laura
"Tignan mo Laura, baby pa kasi si Coowie baka mapano si Coowie kung sasama ito."
"Babantayan, at aalagaan naman siya ni Aling Niza kaya 'wag kang mag-alala."
"Alam ko naman." bigla itong bumuntong hininga na sensyales na dismayado ito.
"Marami pa namang pagkakataon na maisama si Coowie na tama na ang kaniyang gulang." paliwang ko kay Laura.
Umupo ako sa tabi nito at binigay ang daisy na regalo ni Inay kay Laura.
"Ano 'yan?"
"Daisy," tipid kong tugon.
"May tanim na 'ko rito, bakit mo pa 'ko dinalhan ng daisy?" tanong nito.
"Regalo 'to sa'yo ni Inay, hindi rin naman alam ni Inay na may hardin ka." paliwanag ko
"Kung sabagay tayo lang naman nakakaalam pero salamat pa rin, ilagagay ko na lamang ito sa aking vase."
Nginitian ko na lang si Laura sa kaniyang gagawin sa regalo ni Inay kahit papaano'y naibsan ang lungkot ni Laura.
"Kapag na tuyo ito ilalagay ko ito sa'king libro o journal bilang souvenir." dagdag pa nito.
Tumayo ako at inilahad ko ang kamay ko kay Laura.
"Halika na Laura, umuwi na tayo. Nag-aalala na sa'yo iyong Ina." pagyaya ko kay Laura
Nilagay ni Laura ang kaniyang kamay sa kamay ko na nakalahad rito, nginitian ako nito at kalmadong sumama sa'kin.