Chapter 9: Taki, Waterfalls

822 Words
KASALUKUYANG PANAHON Araw ng paglilinis ngayon ng bahay, ginagawa namin ito tuwing sabado upang kinakabukasan ay magpapahinga na lamang kami. Nangangalahati na 'ko sa pagaayos at pagtanggal ng mga alibok ng mga libro ko sa book shelf ng makita ko ang libro niregalo sa'kin ni Laura. "Akala ko nawala kana." hawak ko ang libro na 'to, pinagpagan ko na rin ang libro, pinagmasdan ko ito saglit balak ko na sana itong ibalik bookshelf ng may nalaglag na papel na galing sa libro "March 24, 1995 Congrats, Feliciano! Alam kong hilig mo ang pagbabasa, at pagsusulat kaya libro ang regalo ko sa'yo, paumanhin kung hindi mo man ito magustuhan ngunit sana'y magustuhan mo kahit na maling genre ang napili ko, tsaka ko lang kasi nalaman na ayaw mo ng mga romance. Laura" Inobserbahan ko ang papel na 'to mula harap, at likod. Mayroon ding nakasulat sa likod. "STO, Taki HAHAHA" Hindi ko maunawaan kung ano ang sto na 'yan basta natatandaan ko lang ang taki. TANGHALI ng matapos ang graduation namin, hinihintay ko si Laura sa labas ng Corpious nauna kasi ang magulang nito dahil mag-aayos pa raw sila para selebrasyon ng graduation namin ni Laura doon kasi sa'min gaganapin ang selebrasyon na 'yun. Mukhang nagpapaalam na siya sa mga kaibigan niya sa Corpious ito na kasi ang huling araw namin sa paaralang ito, sa pasukan sa ibang paaralan na kami mag-aaral. "Felix!" hingal na hingal na sabi ni Laura "Kanina ka pa d'yan?" tumango lang ako bilang tugon sa tanong nito. "Paumanhin kung masiyadong napatagal." biglang sabi nito "Ayos lang, halika na baka mahuli pa tayo." "Kumusta pala si coowie?" "Ayos naman siya, sobrang takaw niya." ngumingiti ito habang sinasabi niya ito. "Mukhang ang saya mo ah." sabi ko rito. "S'yempre , ikaw ba?" "Unti lang." tugon ko sa tanong nito. "Oh kunin mo." Inabot sa'kin ni Laura ang paperbag. "Ano 'to?" "Regalo ko." sabi nito. "Ha? Hindi ko naman kaarawan ngayon." pagpapaliwanag ko rito. "Bakit sa kaarawan lang ba p'wedeng manregalo?" pagsusuplada nito. "Graduate na tayo, kaya ayan. Pagsapit ng alas-otso nang gabi mo 'yan buksan." dagdag pa nito. "Eh? Wala akong regalo sa'yo." nahihiya ako dahil si Laura mayroong regalo na binigay sa'kin samantalang ako wala. "Anong wala?" tanong nito Kinakabahan ako sa tanong niya mukhang nag expect si Laura na mayroong akong regalo sa kaniya. "Hindi ba counted si Coowie?" dagdag na tanong pa nito. "Kinabahan naman ako sa'yo, paumanhin kung wala akong maibibigay sa'yo na regalo" pagpapaumanhin ko. "Ano ka ba? Si Coowie nga, niregalo mo sa'kin. Kung hindi mo pa 'ko pinaalam kay Ina, naku! wala akong Coowie ngayon." pagpapaliwanag nito. "Babawi ako sa susunod, halika na baka hinihintay na tayo sa handaan." "MATILDA, mauuna na kami, salamat pala sa pagtulong sa'kin para handaan ang dalawang bata." sabi ni Ginang Glenda. "Salamat din, Glenda. Mag-iingat kayo!" pagpapaalam ni Inay kanila Laura. "Oh siya, Iho congrats ha. Pagbutihan mo pa." huling sabi ni Ginang Glenda. Napangiti ako nang bahagya dahil sa sinabi nang Nanay ni Laura, minsan lang 'yun kaya ganoon na lamang ang reaksiyon ko. Nagpaalam na rin si Laura sa'min, alas-sais na kasi nang gabi kaya kailangan na nilang umuwi, kanina pa dapat sila uuwi kaso makulit itong si Inay, ayaw pa pauwiin sila Laura. "Felix, tulungan mo na akong mag-ayos dito." sabi ni Ina S'yempre ang kalaban ng handaan o selebrasyon ay ang mga kalat. Inaayos ko na ang mga dapat ayusin, at pinasok ang mga dapat ipasok sa loob. Mayroon mga regalo sa lamesa kung saan doon nilalagay ang mga regalo, mga lima siguro ang nandoon. Pinasok ko na ito sa loob dahil 'yun din naman ang pinakahuli kong gagawin. Pinagmasdan kong maigi ang mga pinasok kong mga regalo para bang may nakalimutan ako na dapat kong gawin, hindi ko sinasadya napatingin sa aking relo. "Alas-otso na, bakit kaya ako napatingin sa regalo at relo ko?" tanong ko sa aking sarili "Makapaglinis na nga lang ng katawan." Habang papunta ako ng kwarto ko bigla kong naalala ang sinabi ni Laura. "Graduate na tayo, kaya ayan. Pagsapit ng alas-otso nang gabi mo 'yan buksan." Dali-dali muna akong nag-asikaso ng sarili, at binuksan ang regalo ni Laura. Mayroon itong note na nakalagay sa paper bag. "March 24, 1995 Congrats, Feliciano! Alam kong hilig mo ang pagbabasa, at pagsusulat kaya libro ang regalo ko sa'yo, paumanhin kung hindi mo man ito magustuhan ngunit sana'y magustuhan mo kahit na maling genre ang napili ko, tsaka ko lang kasi nalaman na ayaw mo ng mga romance. Laura" Natawa ako ng bahagya, napaka effort niyang tao. Pinagmasdan kong mabuti ang note na ito napansin kong may nakasulat din sa likod. "STO, Taki HAHAHA" Hindi ko maunawaan ang STO na 'yun pero ang Taki ibig sabihin daw kasi noon ay waterfalls. Nakita niya kasi akong umiiyak pagkatapos ng graduation namin habang kausap ko ang iba kong kaibigan na umiiyak rin. Tinawan pa 'ko ni Laura at biglang sinabi ang salitang Taki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD