Chapter 8: Cookiex kiwi

849 Words
Hindi naman ako nahuli sa pagpasok kanina kahit bumalik ako nang bahay namin. Naghihintay na lamang ako matapos ang huling asignatura namin dahil half day lang kami ngayon, 7am to 10 am. May meeting daw kasi ang mga teachers, at mayroong bisita na darating kaya hindi puwedeng may matirang mga studyante sa paaralan. "Class dismiss, 'wag niyong kalimutang ang takdang aralin niyo, Good bye." Paalam na sabi ng guro namin sa asignaturang agham. Dahil nga papalapit na ang graduation namin hindi na nagbibigay ng mga takdang aralin ang lahat ng asignaturang mayroon kami maliban dito sa guro namin sa agham. 'Dagdag kaalaman din daw kasi, walang patawad' "Good bye, Ms. Agustin." tumayo ang lahat sa kanilang kinauupuan nang banggitin nila ang pagpaalam nila pabalik sa guro namin sa agham. Naiwan ang lahat ng mga tagapaglinis ng silid-aralan. Tuwing biyernes kabilang ako, at si Laura sa mga tagapaglinis, kaya naman ito na pagkakataon ko na kausapin siya tungkol sa tuta. "Laura!" nilapitan ko siya habang nililinis niya ang pisara, kumuha na rin ako ng basahan upang tulungan siya. "Bakit?" hindi niya ako nilingon dahil nakatuon ang pansin niya sa paglilinis ng pisara. "Wala ka naman ng gagawin sa ngayon?" "Wala naman, bakit mo naman na tanong?" napahinto sa paglilinis nang pisara, inaangatan ako nito nang kilay hudyat ng pagsusungit. "May ibibigay ako sa'yo." humarap ako sa pisara, at tatapusin ko na ang paglilinis dito upang makauwi na kami. "Ano naman yun?" nagtatakang tanong nito "Basta," tipid kong sagot. "FELIX!" tawag sa'kin ni Laura. "Bakit?" "Hindi mo ba ako ihahatid sa'min?" tanong nito sa'kin halata sa mukha niya ang kaba dahil iba na ang direksyon namin. "Sa ngayon hindi, pupunta tayo sa'min may ibibigay ako sa'yo. Natatakot ka ba?" "Hi-hindi naman." Halata na sa kanya na kinakabahan siya dahil nauutal na siya sa pagsagot ng tanong ko. "Magtiwala ka lang sa'kin, okay?" pagpanatag ko sa kaniya. Kahit na ngumiti si Laura bilang tugon sa sinabi ko bakas pa rin sa kaniya ang kabang nararamdaman niya. Nasa likod ng bahay namin kaming dalawa ni Laura, kinuha ko ang basket kung saan ko nilagay ang tuta, at pinakita ito kay Laura. "Laura, tignan mo ito." Pag aaya ko sa kaniya. Binuksan ko ang takip nito, doon lumantad ang tuta. "Kanino 'yan?" tanong ni Laura "Wala pa siyang amo, hindi ko naman siya p'wedeng kunin dahil dalawa na ang aso namin dito." paliwanag ko rito Napansin kong ngumiti si Laura nang patago, hindi ko na lang pinahalata na nakita ko 'to. "Gusto mo ba?" "Sin—este alin?" nautal pa 'to sa sasabihin niya na parang hindi yun ang sasabihin niya. "Yung tuta?" "Gusto pero hindi ko alam kung papayag ba sila Ina." "Ipaalam natin, ihahatid naman kita." dahilan upang mawala ang lungkot sa mukha ni Laura. "Sana pumayag." halata sa sinabi niya na nagdadalawang isip siya. "Subukan muna natin." Sinalubong kami ng nanay ni Laura sa kanilang pintuan akala ko pagagalitan ito dahil hindi ito nakauwi agad, kinontak na kasi ng Corpious ang mga magulang sa maagang uwi ng mga studyante. "Upo ka muna iho." Sabi ni Ginang Glenda Nginitian ko naman ito, at umupo sa maliit nilang sofa, umupo rin si Laura sa kabilang sofa. "Napadalaw ka pala rito, iho?" sabay abot sa'kin ng cookies, at juice bilang meryenda. "May sasabihin po ako, salamat po" tinikman ko ang cookies na binigay sa'kin ng nanay ni Laura. "Ano 'yun, iho?" "Sarap nito, Tita." sabi ko sabay bahagyang tinaas ang cookies "Tira lang 'yan sa gawa ni Laura." pag aamin nito "Ano pala ang sasabihin mo?" Binibaba ko ang baso ng juice nahawak ko dahil uminom ako rito pagkatapos ko kumain ng cookie. "Ipapaalam ko lang po sana, kung p'wede pong mag-aso si Laura?" Kinuha ko ang basket kung saan nakalagay ang tuta, at tinanggal ang takip nito. "PAANO yan, uwi na 'ko?" paalam ko kay Laura. "Oo, ingat ka." "Uhm—Felix" paligoy-ligoy na sabi ni Laura "Bakit?" tanong ko rito "Salamat pala, natupad na isa sa mga pangarap ko." masayang sabi nito habang nakatago pa ang dalawang kamay nito sa kaniyang likod. "Okay, ano naman 'yun?" medyo naguguluhan kasi ako sa kaniya. "Ang magkaroon ng aso, kung hindi mo pa 'ko pinaalam hindi pa ko magkakaroon ng aso, kaya salamat." pagpapasalamat nito sa'kin ganoon ding nalinawan ako sa sinabi niya. "Maliit na bagay." "P'wede naman pala kaso duwag lang ako." bigla itong tumawa habang sinasabi ito. Pinayagan kasi si Laura na magkaroon ng aso, at ang sabi pa ng nanay ni Laura "bakit mo pa kailangan ipaalam si Laura? p'wede naman si Laura na lang ang magsabi, papayag naman ako." Nahihiya pa niyan si Laura, masiyado kasi siyang takot sa pagsabi sa kaniyang magulang. "Ano nga pala ang ipapangalan mo sa kaniya?" "Wal—ay meron na pala Coowie." tugon nito sa tanong ko. "Coowie?" "Kasi bukod sa paborito mo ang cookies, at kiwi, kakulay niya yung cookies, at kiwi." pagpapaliwanag nito Namula naman ako sa sinabi nito pero natuwa rin ako dahil kaibig-ibig ang ngalan na 'yon. "Isa pa may spot din siya na parang chocolate katulad sa cookies" dagdag nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD