Chapter 7: Preparation for graduation

695 Words
Halos tatlong linggo na rin ang nakakalipas nang nagstay si Laura sa bahay namin nang dalawang araw. Naghahanda na ang school namin para sa graduation dahil next month na ang graduation namin, marami na ring school ang bumibisita sa'min upang manghikayat na roon kami mag-aral nang highschool. "Felix!" Nandito ako ngayon sa loob nang aming silid kakatapos lang din ng break time namin, free time naman din 'to dahil wala ang guro namin sa asignaturang sipnayan o math. "Bakit?" tinatapos ko ang takdang aralin namin sa asignaturang Ingles, nakalimutan ko kasi 'tong gawin dahil sa sobrang pagod sa maghapong practice para sa graduation. "Anong ginagawa mo?" tanong sa'kin ni Laura. "Homework," tipid kong sagot dito. "Ang seryoso mo naman." "Kaysa hindi ko pa 'to matapos, masira pa future nat—ko." pagpapaliwanag ko rito na naputol muntik ko na kasing masabing natin, napahampas ako nang bahagya sa'king ulo. "Namali," palusot ko rito. "Gusto mo bang tulungan kita diyan?" offer ni Laura. "Hindi na, madali lang naman, dalawa na lang matatapos ko na 'to." pangiti-ngiti kong sabi "Buti hindi napansin." bulong ko sa sarili. "May sinasabi ka?" "Wala, salamat sa offer." palusot ko ulit Natapos ko na rin ang takdang aralin namin sa asignaturang Ingles, ngayon hinihintay ko na lang matapos ang free time na mayroon kami. May kumatok sa pinto namin, ang president ng class 1 section. "Good afternoon, everyone. Bumaba na raw ho kayo sabi ni Bb. Rose" pagpapaalam nito sa'min si Bb. Rose ay ang teacher namin sa sipnayan o math. "Hi, Laura." habol na bati pa nito kay Laura. "Hi, Brett." bati rin nito pero nginitian na lang siya ni Brett. Hindi ko alam kung naiinis ba 'ko o sobrang init lang kaya biglang uminit ang batok ko. HAPON nang makauwi kami ni Laura galing practice para sa graduation. Marami siyang naikuwento sa'kin katulad ng unang art commission niya, dalawang tuta raw ang kaniyang ginuhit. [FLASHBACK] "Hiver, at Hyxler ang pangalan ng tutang ginuhit ko, malambing sila pareho, seloso nga lang si Hiver. Kulay abo ang kulay ni Hiver samantalang si Hyxler ay puti." paglalarawan nito sa'kin "Buti hindi ka nahirapan sa pag guhit?" "Hindi naman, mukhang minamaliit mo 'ko ah, hmm" sabi nito. Napalunok ako sa sinabi niya dahil mukhang mali ang nasabi ko. "Mali ka ng iniisip, ibig kong sabihin siyempre mostly nakikita kong ginagawa mo landscape or portrait." Pagpapaliwanag ko rito "Linawin mo kasi." tinapik niya ang balikat ko sabay tumawa "Syempre malikot din ang tuta." dagdag ko pa "Hindi naman, may displina yung dalawa." paliwanag nito "Mabuti naman." Napansin kong medyo natahimik si Laura parang ang lalim ng iniisip niya. Magsasalita na sana kaso bigla siyang naunang magsalita. "Feliciano," masiyadong seryoso ang tono ng boses niya "Felix" ang usually tawag niya sa'kin ngayon naging buo. Hindi ako sanay... "Bakit?" "Kasi gusto ko rin magkaroon ng tuta o aso kaso..." pag aamin nito "Kaso?" "Baka ayaw nila Ina" dagdag nito sa nabitin niyang sinabi kanina. "Natanong mo na ba sila?" tanong ko sa kaniya "Hindi pa" "Subukan mo muna." nginitian ko siya, tinapik sa balikat hudyat ng pag suporta. "Bahala na." [END of FLASHBACK] NASA labas ako ngayon ng bahay nila Laura, hinihintay siya dahil nga kailangan palagi kami sabay papuntang school, at pauwi. "Tao po!" pagtatawag ko. " Iho, kanina ka pa ba diyan?" tanong ni Ginang Glenda. "Kararating ko lang po." "Si Laura po?" dagdag kong tanong "Kanina pa umalis may kailangan daw siyang asikasuhin, hindi ka ba niya nasabihan?" "Ganoon po ba? Hindi po ih" "Halika ka muna, kumain ka muna ng almusal" pag aaya nito. "Hindi na po, salamat na lang po. Una na po ako." pagpaalam ko rito. "Sige iho, ingat ka." ngumiti na lang ako bilang tugon sa nanay ni Laura. Hindi na 'ko sanay maglakad mag-isa, nagmuni-muni ako habang naglalakad may narinig akong iyak. Iyak ito ng tuta, hinanap ko kung saan ito banda nasa likod pala ito ng malaking puno. Kulay kayumanggi ang kulay nito na mayroong mga itim na tuldok sa mukha. Tinignan ko ang aking relo upang silipin ko may may oras pa akong natitira, dalawang oras pa ang natitira kaya naman kinuha ko ito upang dalhin sa'ming bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD