"Bakit mo nagustuhan ang daisy?" tanong ko kay Laura upang putulin ang katahimikan bumabalot sa paligid.
Papasok kasi kami ngayon ni Laura, siyempre kasabay ko siya dahil ito ang kabayaran sa ginawa ko sa kanya noon.
"Grandpa," tipid na sagot ni Laura.
Tinignan ko siya na puno ng tanong pero hindi ko sinubukang magsalita upang tanungin siya dahil napansin ko nagbago ang aura nito, tinuon ko na lang ang pokus ko sa daan upang makarating na kami sa Corpious.
"Natatandaan mo noong binato mo ko ng bato sa ulo?" she asked me.
"Oo," gusto ko matawa pero seryoso ang sitwasyon kailangan kong pigilan.
"Ako rin." sabi nito na biglang tumawa nang mahinhin.
"Kung titignan mo yung suot ko na hair clip ko noon, it was daisy." dugtong nito
Nakita kong ang lalim ng hugot nito sa paghinga, naghahanda ito para sa susunod nitong sasabihin.
"Grandpa, gave it to me, kaya ko nagustuhan yung daisy." pagpapaliwanag nito
"Saan na lolo mo ngayon?"
"In heaven." sabi nito habang nakangiti pero kita pa rin sa mata niya ang lungkot.
"Oh, paumanhin sa biglaan kong tanong"
"Hmm, ikaw ba, may bulaklak ka bang gusto?" Hindi niya pinansin ang sinabi ko masyado 'atang awkward
"Ako," habang tinuro ang sarili.
"Hmm, wala ih." dugtong ko.
Napansin kong natahimik siya at mukhang nag- iisip ng itatanong nito sa'kin.
"Sige ito na lang, ano paborito mong kulay?" tanong nito sa'kin
"Itim, at asul." sagot ko rito
"Laura, saan mo pala balak mag highschool?
"Kung saan ka malamang." sagot nito
Napabuntong hininga na lang ako sa sagot nito, mukhang hindi nagbibiro.
NATAPOS na ang tatlong asignatura namin may natitira pang dalawang asignatura pagkatapos ng break time.
"Feliciano!" tawag sakin ni Laura.
Kumakain kasi ako ngayon sa kantina, at sila kabibili lang 'ata nila kasama niya ang kaibigan niyang si Bella.
"Pwede ba kaming makiupo?" tanong ni Laura sa'kin, may pakurap- kurap pa ng mata.
"Sige lang."
"Oh, Felix. " sabay abot nito sa'kin ng supot.
"Ano 'to?" tanong ko rito
"Cupcakes yan na ginawa ko, pinili ko yung paborito mong kulay, there's a note in bag sa bahay niyo na lang basahin" pagpapaliwanag nito.
"Wow, nagbabake ka pala?" nilabas ko ang isa sa mga laman nito, nakuha ko yung kulay asul at kinagatan ito ng bahagya.
"Oo, balak ko sanang magtinda ng cupcakes, at iba pang mga cakes, at tinapay."
"Ok, ang sarap nito ah!" sabi ko dito na mayroong excitement sa mukha.
NAKAKAPAGOD ang araw na 'to hinatid ko pa si Laura sa bahay nila dahil nga hindi puwedeng may mangyari kay Laura, madadamay ako.
I almost forgot the cupcakes she gave to me earlier, tinignan ko ito sabi niya paborito kong kulay ang nandito kaya obvious na dalawa na kanina ay kinagatan ko na ang isa yung kulay asul.
"Bakit tatlong cupcake?" tanong ko sa sarili ko, binasa ko ang notes na nakalagay dun, at sinabi niya 'to.
"Siguro nakauwi kana kaya binabasa mo na 'to?"
Tatlong cupcakes 'yan, yung dalawa paborito mong kulay, at yung isa yung paborito kong kulay with daisy on it, sana magustuhan mo."
The note has a little daisy on it, at mayroong letrang U doon pero hindi ko na lang ito pinagtuonan ng pansin.