Chapter 4: Portrait

525 Words
Nakarating kami sa'aming silid, at nandoon na ang aming guro sa asignaturang Filipino. "Bakit kayo late?" tanong ni ma'am Bri Napalunok na lamang ako sa tanong nito, balak ko na sanang sumagot sa tanong ni ma'am Bri pero naunahan ako ni Laura. "Ma'am nagreview po kami, at nanghiram sa library ng mga libro." pagdadahilan nito, at buti na lang sinabi niya ang totoo. "Sige, umupo na kayo inyong upuan. " Buti na lang walang sermon ang umabot sa'min ni Laura dahil masiyado itong mahigpit pagdating sa oras. Hindi kami magkatabi ng upuan ni Laura, dito kasi sa paaralang ito ang pinaka rules ay hindi pwedeng magkatabi ang babae, at lalaki sa upuan. Masiyadong madaldal si Laura, ultimo hindi na kami magkatabi rinig ko pa rin ang pinag- uusapan nila. Hindi rin maganda kung papakinggan ko ito dahil kailangan kung magpokus sa asignaturang ito, baka bigla magbigay ng pagsusulit. ISANG order lang ng chili pasta ang kinakain ko ngayon bukod kasi sa malasa ito, mabigat din ito sa tiyan. "Felix!" pagtatawag sakin ng matinis na tinig ng babae. Nilingon ko na saan naroroon ito, nakita kong papalapit si Laura na may hawak na papel, balak niya 'ata itong ibigay sa'kin. "Bakit?" tanong ko rito na tinitignan siya ng masama habang kumakain ako ng chili pasta. "Oh, yung iginuhit ko kanina, itabi mo yan kasi nahirapan akong gawin yan." Pagbabanta nito sa'kin. Namanga ako sa gawa nito dahil ang detalye na pagkakaguhit nito kahit na maliit lang ito. "Ang ganda naman!" sabi ko dito na mukhang natuwa sa sinabi ko. "Salamat pala sa pag guhit." "Walang anuman." masaya itong tumalikod papuntang room namin "Laura!" pasigaw na tawag ko dito Nilingon ako nito at nakakunot ang noo, nag iintay sa sasabihin ko. "Sabay na tayo pag uwi, mamaya." sabi ko rito medyo nagulat ako sa sinabi ko pero hindi ko na rin ito binawi. Nginitian lamang ako nito at tinungo na ang silid namin. NAGISING ako nasa mesa ko nakalatag ang mga papeles na dapat sana ayos na pero dahil nakita ko ang ang unahang guhit sa'kin ni Laura, naalala ko ang senaryo na 'yon. [FLASHBACK] "Feliciano, kumain ka na ba anak?" pagpasok ko pa lang sa bahay ayan na agad ang narinig ko pero dumiretso na 'ko sa kwarto upang ayusin ang papeles para sa pagpasa ko ng nobela sa isang publisher. "Kumain na ako, inay." pagpapaalam ko sa inay sa gayon hindi na ito mag-alala pa. Hinanap ko ang mga papeles habang inayos ito sa dapat posisyon nito ngunit na baling ang atensyon ko sa maliit na papel na mayroong bakat ng tinta sa likod, kinuha ko ito upang tignan. Nakita kong ako ito, guhit ni Laura noong kami'y nasa elementarya pa lamang, tinignan ko lahat ng detalye nito, at tinalikod ito. "Siya nga talagang mahilig sa daisy noon pa man" sabi ko dahil meron itong guhit na daisy sa likot, mayroon din itong note na nakaimprinta sa likod nito. Mayroon din itong pirma, at petsa sa likod. "Feliciano, pasensya kana sa ina, at nagkaroon ka pa ng responsibilidad, mag iingat ka." Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi niya, at patuloy siyang inalala. [END OF FLASHBACK]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD