"Corpious Elementary." pagkabasa ko sa sa pangalan ng school namin.
"Sa wakas at malapit na kong makapagtapos ng elemantarya, sana'y lubayan na rin ako ni Laura." buntong hiningang hinain ko.
"Hi, Felix." nagulat ako sa bati na iyon, kakabanggit ko lang na lubayan ako, nandito na agad.
Hindi ko ito inimikan, minadali ko ang lakad ko upang hindi niya ko masundan.
"Felix!!!" pasigaw na sabi nito na hinihingal-hingal pa.
Nilungon ko ito sa kinaroroonan niya, hindi niya mabanggit ang sasabihin niya dahil sa hingal niya kaya hinintay ko pa itong humupa.
"Ang bilis-bilis mo maglakad." masamang titig niya sa'kin.
"Oh, tubig." abot ko dito
"Baka pa anong mangyari sayo, ako na naman masisi—baka sumugod pa nanay mo." dagdag ko na halos pabulong.
Humagalpak nang tawa si Laura dahil sa sinabi ko kahit na pabulong lang ito.
"Ano ba kailangan mo?" Tumigil ito sa pagtawa dahil sa tanong ko.
"Samahan mo ko sa library, may dalawang oras pa naman tayo bago magsimula ang klase." pagdadahilan nito upang mahikayat ako na sumama sa kanya.
"Ayok-" hindi ko natapos ang sasabihin dahil hinila niya na ko papapuntang library.
"BAWAL maingay dito kaya 'di ka makakaangal." bulong ni Laura na nang aasar pa.
"Wala naman na kong takas." napalakas ata ang sabi ko dahil sinita kami ng guro na nagbabantay sa library.
Natawa ng bahagya si Laura, napangiwi na lamang ako sa inasal nito.
"Ano ba kailangan mo dito?" Tanong ko rito
"May hahanapin lang ako" pagdadahilan nito
"Magrereview kaba?" tanong ko ulit dito.
"Hindi ako nagrereview" pagbibiro nito.
"Hindi, maghahanap ako ng libro tungkol sa daisy, plus magrereview na rin ako, ikaw ba?" pag aamin, at pagtatanong din nito.
"Hinatak mo lang ako dito, tsk." napangiwing sabi ko.
"Ay ganun ba? Maaari ka nang tumungo sa tatahakin mong landas, wag kang magalala kaya ko ang sarili ko." Habang tumatawang sabi nito na halatang kinokonsenya ako.
Hindi ko na lang ito inimikan, at hinayaan sa mga ginagawa niya.
Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala siya sa daisy, kung iisipan maganda namang bulaklak ito.
"Anong paborito mong bulaklak?" nagulat ako sa tanong nito na para bang nagising ako sa kinauupuan ko.
"Wala," maikling tugon ko dito.
"Sigurado ka?" tanong nito sa'kin na nagtataka.
"Oo, mukha bang hindi?" mariin na sabi ko rito.
"Sungit mo naman, guguhit ko lang, at ibibigay sayo. Baka mayroon kang nais ipaguhit?"
Nanlamig ako sa mga sinabi ni Laura na para bang namumula ang aking mga tenga.
"Felix!" tawag nito sa'kin.
"Wala akong maisip, kung nais mo iguhit mo na lamang ako" pagsasabi ko rito.
"Mukhang mahirap, sige susubukan ko ang aking makakaya." ngiting sabi nito sa'kin.
Kanina pa nakapagbigay ng permisong papel si Laura na humiram ng libro sa librarian, bumalik lang ulit siya sa kanyang pwesto na akala ko'y tapos na.
Mukhang sinimulan niya na akong iguhit dahil panay tingin siya sa'kin, at ibabalik ito sa papel.
"Hindi ata itong magandang ideya." bulong ko
Tinignan ko ang orasan sa library, nagulat na lamang ako na mayroon na lamang kaming 20 minutos upang pumunta ng klase.
"Laura, 20 minutos na lamang." sabi ko dito
Una'y hindi pa siya naniniwala kaya tinuro ko rito ang orasan.
Hindi mapakali si Laura na ilagay lahat sa bag lahat nang gamit niyang nilabas dahil siguro sa kaba nito na baka mahuli sa klase.
"Laura, kumalma ka hindi mo maayos iyan kapag hindi ka kalma." pag papahinahon ko dito.
"Alam ko pero baka mahuli tayo, at pagalitan tayo ng guro natin." lalong gumugulo ang gamit nito dahil nanginginig ang kanyang kamay, binibilisan niya ang kilos niya.
Hindi na ko nagsalita pa, at tinulungan na lang siya sa pag aayos ng gamit niya.
"Oh diba, maging mahinahon ka lang." sabi ko dito
"Sampung minuto na lang, Felix." pag papaalala nito sa'kin.
Hinawakan ni Laura ang kamay ko papuntang silid-aralan.
Balak ko sanang pa bitawan ang kamay ko dito dahil iba ang nararamdaman ko at siya parang wala lang.