Ang pawis sa ilong ko ay parang ulan s na tumutulo sa'king desk. Naramdaman ko na lumuluha rin ang aking noo dahil sa pawis, napailing na lamang aking ulo. Napatayo ako sa aking kinauupuan kahit mayroon akong naiwan na mga gawain. Nilalamig ako hindi dahil sa excitement o lamig kundi dahil sa takot. Tanging naririnig ko ngayon ang tunog ng orasan, at kanilang mga paa na nagsasabay.
Lalo itong nagpapakaba sa'kin, nararamdaman ko ang bigat ng paligid, ang problema ng mundo, at ang hinanakit ng mga tao. Akala ko tanging kape ang nagbibigay ng sikdo, akala ko lang pala. Nakakatawang isipin na nararamdaman ko ang sikdo na ito dahil sa hindi ko pag iingat sa mga kinikilos ko.
Sunod-sunod na katok ang narinig ko na parang gigibain nito ang pinto, naglalakad ang nanay ko papuntang pinto.
"Nasaan si Feliciano?" ito ang salita na narinig ko na lalo dumagdag sa kaba ko.
Nakita ko ang expression ng mukha ni Inay na tila nagtataka sa inaasal ng babae.
"Glenda, bakit mo hinahanap si Feliciano?" kalmang tanong ni Inay kay Ginang Glenda.
"Tignan mo, Matilda, tignan mo ang ginawa ng anak mo, sa anak ko" sabi nito habang ipinapakita ang ulo ni Laura.
Nagulat ang Inay sa nakita nito pero inayaya niya ang mga itong pumasok upang pag-usapan ng maayos ang nangyari.
Nang marinig ko ang sinabi ni Inay, nagpaplano na kong tumakas sa pamamagitan nang hagdan na yari sa kahoy, iba ang galit ng mga babae.
Kahit na hindi ako gumawa ng ingay sa pagtakas ko, at binilisan ang kilos ko. Masyadong mabilis ang kamay ng tatay ni Laura kaya nahuli ako agad.
Alam kong aksidente ang nangyari kay Laura pero aminin ko man o hindi kasalanan ko pa rin, nasa loob na 'ko ng aming bahay ng makita ko si Laura pati na rin ang ulo niya. Hindi ko rin masisisi ang nanay ni Laura na patuloy akong sinisisi sa nangyari. Buti na lamang nandyan ang aking nanay na positibo, at kalma lamang. Kumalma naman kahit paano ang nanay ni Laura dahil kay inay, mayroon silang pag-uusap kung paano nila aayusin ang problema na gawa ko.
"Feliciano, humingi ka ng paumanhin kay Laura, at sa kanyang Ina." Marihin na sabi nito sa'kin sa tono niya pa lang na kanyang pagsasalita mahahalata mo na may unting galit, at dismaya.
Kahit hindi ko gusto na humingi ng tawad, ginawa ko ito para sa ikakatahimik ng buhay ko.
Teka, ikakatahimik ko ba talaga?
Sa pagpapatuloy ng kanilang usapan, Mayroon silang kasunduan, kasunduang na gusto nila maging taga-bantay ako ni Laura, upang maprotektahan ko ito.
"Bakit ko ho gagawin yun?" kasabay nito ang pagtayo ko sa kinauupuan ko, nagulat sila sa naging reaksiyon ng banggitin ko ang mga salita na iyon.
"Bakit iho, may probelma ba dun?" nangigil na tanong ni Aling Glenda.