Prologue
Estelle
Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon ni Mama. Kakatapos ko lang sa pag aaral nitong taon at nalaman ni Mama na gusto kong mag-trabaho sa isang law firm kaya naman hinikayat niya akong umuwi ng probinsya para dito magtrabaho sa kakilala nila. Isa pa matagal na din naman akong kinukulit ni Mama na gusto niyang sa probinsya manirahan kaya naman pumayag akong lumapit kami dito sa El Municipio De Hermosa.
“Nandito na tayo, anak.” Nakangiting sambit ni Mama at pagkatapos ay hininto niya ang sasakyan namin sa isang bahay na hindi gano’n kalakihan pero ang ganda ng itsura at mas malaki kung ikukumpara sa bahay namin sa manila.
“Sa atin po ito, Ma?!” Namamanghang tanong ko habang nakangiting tinitignan ang kabuuan ng bahay.
“Oo anak, ito ‘yung matagal ko nang pinag-iipunan kaya ko din binenta ang bahay natin sa manila para mabili to. Maganda kasi rito sa probinsya kesa sa manila, at mas mababa ko itong nabili kumpara sa bahay natin sa manila. Diba, gusto mo ng malaking bahay at may second floor? Tatlo ang kuwarto nito, nak. One room for you and one for me at ang isa? You can either make it your mini office here or your walk-in-closet where you can put all your things there.” Nakangiting paliwanag ni Mama habang isa isa maming binaba ang maleta sa trunk ng sasakyan namin.
“Tita!!! Estelle!!” Muntik na kong mapatalon sa gulat nung marinig ko si Shaina, best friend ko na papalapit sa amin kaya napahinto kami ni Mama sa pagbaba ng mga gamit namin dahil niyakap kami ni Shaina.
“I miss you, Tita!!” Lambing niya pang sambit kay Mama kaya si Mama naman ay kilig na kilig.
“Ako hindi mo miss?” Nakasimangot kong tanong sa kaniya at pinagpatuloy ko ang pagbaba ng mga maleta namin mula sa sasakyan. Lumapit si Shaina sa’kin at tinulungan ako sa ginagawa ko.
“Ito naman, syempre, miss kita!” Nakangiting sambit niya.
“Tita, kami na pong bahala rito sa mga gamit niyo, magpahinga na lang po muna kayo.” Nakangiting baling naman ni Shaina kay Mama.
Nauna kasing lumipat dito sa probinsya sina Shaina, malapit lang naman din ito sa manila kaya medyo convenient din at mas maaliwalas pa ang awra at hangin rito kesa sa manila na sobrang crowded na sa dami ng tatlo at mga establisyimento.
Weekend ngayon at walang pasok sa trabaho si Shaina kaya naman ang prisinta siyang tumulong sa amin ni Mama na mag ayos ng mga gamit. Isa isa naming pinasok ni Shaina ang mga maleta sa loob ng bahay pagkatapos no’n ay sandali kaming nagpahinga muna sa mini garden para uminom ng juice.
“So, I guess.. this is for good na ba?” Nakataas kilay na tanong ni Shaina sa akin kaya ngumiti ako at tumango.
“Salamat nga pala ha, salamat kasi tutulungan mo kaming mag ayos.” Nakangiting pasasalamat ko sa kaniya.
“Ano ka ba! Syempre naman eh di ba nga ako ang adopted daughter ni Tita at saka parang bahay ko na din to!” Mayabang na sambit pa niya kaya nagtawanan kami very close kasi sila ni Mama at sa tingin ko nga mas anak pa siya ni Mama kesa sa kin eh. Haist!
“Siya nga pala, puwede mo ba kong samahan next week sa munisipyo?” Pag-iiba ko ng usapan na parang kinakilig niya.
“Bakit?!” Nakangiting tanong niya sa’kin tapos ay tumabi siya sa’kin na para bang kilig na kilig siya. “Alam mo ba! Ang pogi ng Mayor dito!” Kinikilig pa niyang sambit tapos ay kinuha niya ang cellphone niya sa may bulsa, sandali siyang nag-browse do’n at winagayway niya yo’n sa harapan ko. Naka-flash sa screen ang litrato ng isang lalaking hindi naman pamilyar sa’kin.
Ibinaba ko ang cellphone ni Shaina na nakawagayway sa harap ko at napa-iling ako. “Hindi ako interesido sa mayor, interisado akong magpalipat dito at magpa-register, yo’n ang kailangan ko, okay?” Mariin kong sambit sa kaniya at kita ko pagkadismaya sa itsura ni Shaina.
“Ano ba naman ‘to ang KJ mo naman!” Reklamo nito sa akin.
“So ano? Sasamahan mo ba ko o hindi?” Nakataas kilay kong tanong sa kanniya.
Nakasimangot siyang huminga ng malalim at tumago. “Oo naman sasamahan kita.” Nagtatampo nitong sagot sa tanong ko.
Pagkatapos no’n ay tumayo ako at dumiresto sa loob ng bahay para ipagpatuloy ang pag aayos ng mga gamit at ramdam ko na sumunod si Shaina sa akin.
“Pasensya na, Sha ah! Wala talaga ako sa mood ngayon; siguro dahil na din sa pagod sa haba naman kasi ng biyahe namin mahigit tatlong oras din ang inabot dahil sa traffic palabas ng manila.” Hingi ko ng pasensya kay Shaina habang papasok kami sa kuwarto ko.
Nagulat ako nung makita kong maayos na ‘yung kuwarto at puwede nang tulugan, natuwa ako kasi puwede na din akong makatulog muna bago ipagpatuloy ang pag aayos.
"Mukha nga, mukhang kulang ka talaga sa tulog!” Sambit niya tapos ay humalakhak siya at naupo siya do’n sa swivel chair na katapat lang ng makeup table 'ko pati na rin ng kama 'ko.
“At saka punta lang naman ako rito para tumulong sa pag aayos, okay lang din kung ipogpapabukas na lang din natin kasi mukhang pagod kayo ni Tita sa biyahe at kailangan niyo magpahinga!” Sambit niya sa’kin at tumayo siya sa pagkakaupo.
Napangiti na lang ako nung marinig ko ang sianbi niya. Lowkey sweet talaga itong si Shaina eh, she always help me and supports me and I am very thankful for that. Most especially she tend to give me space and respect my silence.
“Mauna na ko ha.” Nakangiting saad nito bago umalis pero hindi pa siya nakakaalis ay bumalik ulit siya at dumungas sa may pintuan.
"Don’t forget to take a look at Mr. Mayor ha! Lorenzo Dela Cuesta is his name!” Nakangising paalala niya pa bago tuluyang umalis.
Nakahinga ako ng maluwag nung makaalis na si Shaina, ewan 'ko ba sometimes I have this attitude talaga na gusto kong mapag isa at minsan naman gusto kong may kasama pero mas madalas ang gusto 'ko mapag isa kasi doon 'ko mas nae-enjoy ang sarili 'ko. Hilig ko ang pakikinig ng musika habnag nagmumuni-muni, weird isn’t? Pero kasi para sa akin, ang relaxing niya eh lalo na pag-stress ako, nawawala lahat kapag nakikinig ako ng musika.
I got bored so I scroll through my phone and I went to a book app to continue reading. Kanina kasi habang nasa biyahe ay nakikinig ako ng musika at nagbabasa ng libro, the story is all about one girl who accidentally fall in love with her celebrity idol, I know this sounds so common and cliche but unlike in reality, sa kuwentong 'to ay nagkatuluyan ang mga bida, talagang mapapa-sana all ka na lang. Pero sa kabilang banda hindi ako naniniwala dito sa ganito kasi oo nakakakilig pakinggan pero alam mong impossibleng mangyari 'yung ganito in reality noh!
Na-bored ako kaya mula sa librong binabasa ko online ay nag-scroll ako sa isang online article and there, someone caught my attention. That guy, ‘yung Mr. Mayor na tinutukoy ni Shaina. I got curious so I scrolled more. Pictures yo’n nung nasa campaign rally siya.. hmm.
“Shaina is right, he has looks. He’s cute and handsome.” I whispered while scrolling and looking at his photo.
Hindi ko alam pero napansin ko na unti unti akong napapangiti habang nakatingin sa mga litrato niya. I searched his name on the search engine and there I found his account.
Mahilig pa pala 'to sa parties pero matalino at mukhang mabait, a complete opposite of my attitude, hindi naman sa hindi ako nagpa-party pero minsan mo lang ako makikita sa mga gano'n lugar with friends kasi I hate crowded and noisy places and plus, we have a huge age gap pala, hay na'ko.. that's one point kasi hindi ako nagkakagusto sa mga lalaking kaedad 'ko kaya feeling 'ko tuloy magugustuhan 'ko siya, whoa! Kala mo naman mapapansin ako nito. Mayor to, samantalang simpleng mamamayan lang ako noh!
Kaka-scroll ko ay napunta ako sa isa sa mga videos kung saan nagbibigay siya ng speech para sa mga nasasakupan niya.
I finished watching the speech and I must say that I'm impressed with how he speak, sounds so intelligent.
Ayoko man aminin pero mukhang Lorenzo caught my interest ha! Hindi ako basta basta nagkakagusto pero loyal ako pag ako nagkagusto sa isang tao pero-“
Whoa! Ano bang pinagsasabi 'ko?! Erase, erase! Hindi ako magkakagusto sa isang politician noh!