Chapter 01

1256 Words
Estelle Maaliwalas ang buong paligid kung nasaan ako ngayon, nasa isang garden ako, malawak ito at puno ng bulaklak na tanim sa buong paligid. Tanging ako lang nag isa ang narito hanggang sa mapalingon ako at may nakita akong isang lalaking nakatayo sa hindi kalayuan, nakatalikod aiya sa’kin kaya hindi ko maaninag ang mukha niya pero parang pamilyar sa akin ang body built niya. “Lorenzo?!” Bulong ko sa sarili ko at pqgkasabing pagkasabi ko no’n ay siya namang lingon ng lalaking yo’n sa gawi ko. Ngumiti siya sa akin at tila ba nakatingin din siya sa gawi ko. **** Muntik na kong mapabalikwas sa higaan ko nung marinig ko ang alarm ko na nagri-ring at pagtingin ko sa orasan ay halos mag aalas otso na nga umaga. OMG! Late na ko sa interview!!! Dali dali akong pumasok sa banyo para maligo, buti na lang at naligo ako kagabi kundi jusko mas lalo pa akong matatagalan. Pagkatapos kong mag-half bath ay mabilis akong nag ayos at nagbihis ni hindi na ako nakapag breakfast eh. Kasalanan to nung Lorenzo na yo’n! Nakakainis! Kundi ko siya napanaginipan ay malamang sana maaga ako nagising! Ini-Stalk ko pa siya kagabi at napuyat ako kakatingin at basa ng articles about sa kaniya! Tss. Parang nagki-cringe ako do'n sa napanaginipan 'ko pero may part sakin na kinikilig. Ano ba yo’n! Hindi ko nga nakikita yo’n in person eh! Pababa na’ko sa hagdanan nung makita si Mama sa kusina habang nagkakape. “Ma, una na po ako.” Paalam ko sa kaniya pero napahinto ako nung maalala ko na umalis nga pala siya kagabi at hindi ko alam kung anong oras siya umuwi! “Ma, what time ka nakauwi kagabi?” Baling kong muli sa kaniya. Napataas naman ng kilay si Mama at napangiti sa akin. “12 am.” Confident niya pang sagot! “Aba, Emilia! Nagdadalaga ka ah!” Pabirong sambit ko sa kaniya habang nakapamewang ako sa harapan niya kaya tinawanan lang ako ni Mama. “Ito naman minsan lang! At saka psasalamat ko na din do’n sa bagong kaibigan ko, ‘yung lawyer na tumulong sa atin patungkol do’n sa titulo ng lupa natin sa manila.” “Wow, friends na kayo?!” Sarkastikong tanong ko sa kaniya. “Aba, bakit naman hindi? Na’ko, nakakatuwa nga ‘yung si Atty. Loraine eh at saka friendly.” Magiliw na sambit ni Mama. Masaya ako na kahit paano ay nagkakaroon na ng close at kaibigan si Mama, mahiyain kasi si Mama kaya madalas lang siya sa bahay at bihirang makihalubilo. “Siya nga pala, anak. May dinner kami later ha, inaalok ka din niya baka gusto mong mag apply sa law firm niya sayang yo’n, kung hindi ka matanggap diyan sa inaapplyan mo.. try mo mag apply sa kaniya.” Suhestyon naman ni Mama kaya lumapit akong muli sa kaniya at niyakap ko siya. “No worries, Ma. Just enjoy your life basta always take care and call me if you need me ha.” Nakangiting sambit ko sa kaniya bago ako tuluyang umalis dahil sa totoo lang ay late na late na talaga ako eh. Buti na lang at nakapara agad akong ng jeep sa may sakayan kay naman habang nasa biyahe ako ay patingin tingin ako sa may wrist watch na suot ko at palingon lingon ako sa bintana nung jeep. Patay na naman ako kay Shaina nito eh! Sasamahan niya kasi ako sa interview pero mukhang mas na una pa siya kesa sa’kin. Nagmamadali akong bumaba ng jeep at natanaw ko si Shaina sa di kalayuan, sa may tapat ng waiting shed at abala sa cellphone niya. Patakbo akong lumapit sa kaniya at kita ko ang pagkadismaya sa ekspresyon, kilay pa lang niya galit na galit na eh. Inunahan ko siya at tinaas ang kamay ko. “Hep’ hep!” Bago mo ‘ko sermunan. Let me tell you na kasalanan mo kung bakit ako late!” Mariin kong sambit sa kaniya kaya nakita ko ang pagtaas ng kilay niya. “Why me?” Masungit niyang tanong at turo niya sa sarili niya. "Oo, kuwento ka kasi ng kuwento tungkol do’n sa Mr. Mayor na yo’n! Napanginipan ko tuloy siya kaka-stalk ko sa kaniya kagabi!” Singhal at sisi ko kay Shaina at kit na nagbago ang ekspresyon ni Shaina at napahalakhak siya sa sinabi ko. “Sabi na eh, magiging type mo eh.” Nakangisi at pang aasar niyang sambit sa kaniya kaya nginusuan ko siya. "Hindi noh!” Mariin kong tanggi at depensa sa sinabi niya. “Sus, deny deny ka pa! Hindi mo mapapanaginipan yo’n kung hindi mo iniisip noh!” Pang aasar pa niyang sambit habang naglalakad kami at patawid na sana kami papunta sa kabilang parte nung kalsada nung bigla akong mabilis na hinila ni Shaina pabalik. May isang motorsiklo kasi ang mabilis ang takbo at kamuntikan na kaming masagasaan. Sisigawan 'ko sana 'yung muntik nang makabangga samin pero nakita kong huminto sa di kalayun kung nasaan kami ni Shaina, bumaba siya sa motor niya at lumapit sa amin. Agad akong hinampas ni Shaina nung makita niya kung sino ‘yung muntik ng makabangga sa amin pero hindi ako nakatingin sa kaniya dahil nabaling ‘yung atensyon ko do’n sa lalaking kamuntikan ng makabangga sa amin. Parehas kaming na-out of balance ni Shaina kaya naman nung makalapit ‘yung lalaki ay inalalayan niya akonv makatayo. “Sorry, nasaktan ba kayo?” Nag-aalangang tanong niya pa samin. "Sorry, are you guys alright?" Tanong niya pa ulit sakin, mukha naman siyang mabait siguro ay nagmamadali lang talaga siya. “Shaina?!” Gulat na sambit nito nung makita niya si Shaina. “H-hi, Sir Harry.” Nahihiyang sambit nito. “Ayos lang ho kami.” Nakangiting sambit ko do’n sa lalaki. “Magkakilala kayo?” Bulong ko kay Shaina sa tabi ko. “Oo, boss ko yan noon at malapit yan na kaibigan ni Mayor!” Pabulong niyang sambit sa kaniya kaya binaling ko ulit ang tingin ko sa lalaki. “Nice to see you again, Shaina.” Baling nito kay Shaina at ngumiti siya at binaling niya naman ang atensyon niya sa akin. “By the way, Hi. Miss?” Taas noong tanong nito sa akin. “Estelle po.” Pagpapakilala ko sa kamiya. “My name is Harry. Nice to meet you Estelle.” Pagpapakilala niya then he apologizes again. “I’m really sorry about what happened girls but I really have to go. If you need anything or you what to go to the hospital to get check, just contact me.” Nagmamadaling sambit niya at kinuha niya ang isang calling card sa bulsa ng jacket niya at inabot yo’n sa akin. “Lagkit ng tingin sa’yo no’n ah! Parang nagpapa-kyut, parang may gusto pa yata sa’yo yo’n si Sir Harry eh.” Pabirong sambit ni Shaina nung makaalis si Harry. “Friend ba talaga ni Lorenzo yo’n?! Eh paano mo naging boss yo’n?” Umandar na naman ang kuryusidad at pagka-tsimosa ko. Napatingin si Shaina sa akin at lumawak ang ngiti niya sa akin. “Oi, interesado.” Pang aasar pa niya kaya natahimik ako. Naglalakad na kami papunta sa building kung saan ang a-applyan ko nung biglang mag-ring ang cellphone ko at nakatanggap ako ng message mula sa kompanyang inaaplyan ko. “Teh, cancelled daw ‘yung interview!” Dismayadong sambit ko kay Shaina. “Let’s have some coffee date na lang!” Sabik na sambit ni Shaina sa akin. Kape na naman! Mukhang kape talaga tong babaing to eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD