Estelle
Halos tagaktak na ang pawis namin ni Shaina nung makarating kami dito sa may malapit na coffee shop kung nasaan kami kanina, nilakad lang kasi namin kasi malapit lang naman at walking distance lang siya kaso mainit nga lang at hindi kami nakapagdala ng payong kaya naman init na init kami ni Shaina pagpasok sa coffee shop. Buti na lang ay de aircon dito kaya pagpasok naman ay napreskuhan din kami. Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ko ang buong kapaligiran dahil punong puno ito ng mga tao at halos wala nang puwesto at mauupuan kung magda-dine in kami ni Shai, siguro ay i-take out na lang namin ang order namin at do’n na lang kami sa bahay magku-kuwentuhan.
Abala kami ni Shaina sa pagpili ng oorderin namin nung magawi ang tingin ko sa may unahan ng cashier. Nakita ko si Harry na umoorder, kita ko na may kasama siya, katabi niya ito pero hindi ko maaninag kung sino.
“OMG! Girl!” Rinig kong pabulong na sigaw ni Sambit ni Shaina at halos kurutin niya na ko sa sobrang excited niya.
“Bakit?!” Tanong ko sa kaniya.
“Si Mayor Lorenzo ‘yung kasama ni Sir Harry!” Para akong napako sa sinabi ni Shaina.
“What if sa iba na lang tayo mag-kape.” Hila kong sambit sa kaniya paatras pero hinila niya ako pabalik.
“Ano ka ba! Nandito na tayo oh! At saka tatlo na lang oh tayo na ‘yung o-order.” Panghihinayang na wika niya pa sabay hila niya sa akin pabalik at habang nagtatalo kami sa kalagitnaan ng pila ni Shaina ay napadaan sa harap namin si Lorenzo. Hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng hiya at bumilis ang t***k ng puso ko, may mga ilang bumati sa kaniya sa pila at nakangiti niya naman itong binati pabalik tapos ay nung si Harry na ang dumaan sa harap namin ni Shaina ay napahinto siya at bakas sa mukha niya ang pagka-surpresa nung makita kami ni Shaina.
“Oh, nandito din kayo?” Nakangiting sambit ni Harry nung makita niya kami at napahinto siya sa harap namin.
Hindi pa man kami nakakapag-react ay agad niyang tinawag pabalik si Lorenzo. “Bro! Wait, come back here!” Tawag niya pabalik kay Lorenzo na naunang maglakad sa kaniya kaya nabaling ang tingin nito sa gawi namin at lumapit siyang muli sa kinatatayuan namin.
“Oh, yes?” Nakangiting sambit ni Lorenzo sa kaibigan niya.
“I want you to meet some people. Sila ‘yung kinukuwento ko sa’yo kanina.” Nakangiting sambit ni Harry kay Lorenzo kaya nabaling ang tingin nito samin ni Shaina.
“Oh, Hi girls. I’m-“ Baling nito sa amin at inabot niya ang kamay niya pero itong si Shaina ay agad na sumingit.
“Nice to see you again, Mayor.” Nakangiti at halatang kinikilig niyang bati kay Lorenzo kaya natawa na lang si Lorenzo sa naging reaksyon niya.
“Hi, ah! You look familiar?” Magiliw na sambit niya kay Shaina.
“Nag-volunteer na po ako sainyo noon and naging boss ko din po ai Sir Harry.” Paalala ni Shaina sa kaniya kaya ngumiti si Lorenzo at tumango tapos seryosong nabaling ang tingin niya sa akin na para bang nagtataka siya.
“And her?”
“She seems new here.” Nakangiting baling niyo sa akin pero hindi ko alam bakit para akong napako sa kinatatayuan ko at hindi ako makapagsalita.
“Ah, Mayor, her name is Thalia Estelle. Opo, kakalipat lang po nila dito nung nakaraang linggo lang po.” Nakangiting pakilala ni Shaina sa akin at pasimple niyang kinukurot ang braso ko para magsalita at makipag-shake handa kay Lorenzo.
Nag aalangan akong ngumiti sa kaniya at inabot ko ang kamay ko.
“What a beautiful mame and a beautiful smile.” Nakangising sambit niya sa akin kaya napatango na lang ako at hindi ako makapagsalita.
“Salamat po, nice to meet you, Mayor Lorenzo.” Magiliw na bati ko aa kaniya.
“Why don’t you just join us girls?” Singit naman ni Harry habang palingon lingon siya sa paligid at kita niyang wala ng puwesto para samin ni Shai.
“Thank you, Sir. Order lang po kami.” Sambit naman ni Shaina, aapila sana ako at tatanggi pero hindi ko na nagawa kasi kami na ‘yung next sa counter.
“Good Morning, what’s your order, Ma’am?” Magiliw na salubong nung babae sa amin.
“Two cheesecake and Iced Latte then one Iced Cappuccino too.” Agad kong sambit nung nasa harap na kami ng cashier.
“Please wait for ten minutes here.” Nakangiting sambit niya at saka inabot ‘yung list ng order namin sa kasamahan niyang barista.
Makalipas ang ilang minuto ng pqghihintay dito sa tabi ng cashier ay inabot na samin ‘yung order namin na kape at cheesecake tapos ay nilingon ko sina Harry at Lorenzo na nakaupo sa may malapit sa entrance at abalang nag-uusap.
“Shai, nakakahiya, dapat tinake out na lang natin ‘to at sa bahay na lang tayo nag-chikahan.” Mariing sambit ko kay Shaina habang naglalakad kami palapit kina Lorenzo. Sandali siyang huminto at nilingon ako.
“Hassle naman, at saka nandito na tayo oh, may extra seat pa naman at saka-“
“But we are not close with them, baka mamaya sabihin pa nila nagta-take advance tayo.” Nag-aalala ko pang sambit kaya tumaas ang kilay ni Shaina.
“Girl, makiki-dine in lang naman tayo sa kanila.. Chill ka lang!” Katwiran niya pa at nauna na siyang naglakad sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lang din sa kaniya. Kung sabagay hindi naman kami nagpalibre sa kanila noh. At saka may atraso pa nga samin ‘yung Harry na ‘to eh.
“Hi, here you go girls.” Lorenzo stood up and pulled the chair for me and Shai. Magkatabi sila ni Harry at kami naman ni Shaina ang magkatabi.
“So how’s your first days here in our municipality, Miss Estelle?”
“Na’ko, based on your expressions you seemed like a shy one. Huwag kang mahiya, hindi naman kami nangangagat eh.” Pabirong wika niya pa ewan ko ba parang bumilis kasi t***k ng puso ko. Hindi naman ako nakakaramdam ng kaba o pagkabahala pero ewan ba, ikaw ba naman makaharap mo ang isang mayor eh.
Natawa na lang ako sa sinabi niya at napailing ako kasi napansin niya din pala yo’n.
“Nakaka-starstruck kasi ako sa’yo, Mayor eh.” Nakangiting wika ko sa kaniya kaya naman nakita ko na siguro ay nahiya siya dahil bigla siyang namula nung sinabi ko yo’n.
“Sorry nga pala kanina kung muntik ko na kayong mabangga ah, eto kasing si Lorenzo nagmamadali eh yan tuloy napabilis ang takbo ko.” Singit naman ni Harry at sisi niya kay Lorenzo na kita kong sinamaan siya ng tingin dahil sa sinabi niya.
“Totoo naman ah!” Reklamo pa nito kay Lorenzo nung tignan siya ng masama nito.
“Say sorry to them especially to Estelle, bago pa lang siya dito tapos ang hassle agad ng araw niya.” Nakangusong sambit pa nito.
“Sorry, girls pero kasalanan talaga yo’n ni Harry.” Natatawang naman ni Lorenzo sa amin ni Shai.
“Okay lang po yo’n, isa pa, hindi naman na tuloy ‘yung interview ko kaya wala naman pong naabala.” Sambit ko sa kanila.
“Oh, you are looking for a job? Are you a fresh graduate?” Interesadong tanong ni Mayor Lorenzo sa akin.
“BA in Sociology po.” Magiliw kong sagot sa kaniya kaya nakapangiti rin siya.
“That’s a actually a great course.” Sambit pa niya at sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay biglang nag excuse si Harry kasi may tumawag sa kaniya.
“Tama, if you want to roam around, just call us at sasamahan namin kayo.” Alok pa ni Mayor Lorenzo sa akin dahil bago raw ako dito at gusto niya akong i-familiarize sa bawat sulok ng Munisipalidad ng Hermosa.
“Excuse me, guys.” Sambit nito bago tumayo at sagutin ‘yung tawag niya. Natahimik ako nung paglingon ko sa paligid namin ay halos karamihan ay nakatingin sa amin lalo na ‘yung mga kabataan ay students, parang kilig na kilig sila kay Lorenzo. Jusko!
“Hindi ka ba naiilang, Mayor?” Mausisang tanong ni Shai kay Mayor Lorenzo.
“On what?” Takang tanong nito at saka nabaling din ang gawi niya sa mga kabataan na nakatingin samin at kilig na kilig habang nakatingin sa kaniya.
Muli maman niyang binaling ang tingin samin at bahagyang natawa. “Sometimes, I’m still shy a bit but I’m used to it. Isa pa, I have no choice dahil public servant ako. I have to deal and mingle with people on a day to day basis. At saka I loved meeting and talking to people maman so walang problema sa akin yo’n.” Nakangiting paliwanag nito sa amin mqya maga pa ay nagmamadaling bumalik si Harry sa table namin kaya nabaling ang atensyon namin sa kaniya.
“Sorry guys but I have to go. I have an emergency meeting, iwan ko muna kayo kay Mayor ha.” Nakangiti ngunit nagmamadaling sambit niya at kahit si Lorenzo ay hindi na din nakaapila pa.