Estelle
Ilang minuto matapos makaalis ni Harry ay nabalot ng katahimikan ang buong paligid namin pero maya maya pa ay bigla ding nagpaalam si Shaina after receiving a text message. I don’t know who was it but I think it was also an emergency one dahil bakas sa mukha niya ang pagmamanik at pag-aalala. Agad kong pinigilan si Shaina nung dali dali siyang tumayo matapos niyang mabasa ang text message na na-receive niya.
“What’s the problem, where are you going?” Mariin kong pabulong na tanong sa kaniya habang hawak hawak ko ang braso niya at nakatingala ako sa kaniya.
“My mom is in the hospital, Bhie. I have to go and see her.” Nagmamadaling sambit niya tapos ay bumeso siya sa akin para magpaalam.
“Mayor, please take good care of my friend. I have an emergency po kasi sorry.” Pahabol na sambit niya pa kay Mayor Lorenzo at bakas sa din sa mukha nito ang pagkataranta at pagkagulat nung pati si Shai ay umalis din.
“Why are they leaving so early.” I heard him whispered and I can see in his actions that he’s a little panicking and I guess, he didn’t know what to do. Ang cute lang kasi I should be the one who’s panicking right now knowing that I was left in the company of a Mayor. Lol.
“Ah..”
“Do you wanna go home already or you want to chi-chat more, if you like?” Bakas sa kilos ni Mayor na mukhang nag aalangan siya at nahihiya but he politely asked.
“I can drive you home if you decide to go home early na din.” Alok pa nito sa akin pero umiling ako.
“Ayaw mo ba kong kausap Mr. Mayor?” Biro kong sambit sa kaniya at tinaasan ko siya ng kilay. Do’n ko na nakita na bahagya siyang napangiti sa sinabi ko at parang gumaan ‘yung pakiramdam niya.
“No, baka lang kasi you are getting uncomfortable being left with a stranger like me. So, you know.” Nakangiting sambit nito kaya parehas kaming natawa sa mga hirit namin. Pero loko tong si Shai ah! Iwan ba naman akong mag isa dito!
Masaya kaming nag uusap ni Mayor Lorenzo nung biglang napansin ko na padami na ng padami ang mga tao sa loob at labas ng cafe na para bang may inaabangan sila. Lorenzo lean forward and whispers to me. “I think we have to go get out of this coffee shop, it’s getting too crowded.” Suhestyon niya at pagkatapos ay tumayo siya at sandali niyang tinignan ang mga tao sa paligid, nauna siyang maglakad sa akin ng kaunti, ngumiti siya sa mga tao at ang iba ay kinausap niya pa habang ako ay nakasunod lang sa kaniyang maglakad. Maya maya pa, naramdaman ko ang pagsikip ng buong paligid ko, nagsiksikan na kasi ang mga tao nagustong makausap at makamayan si Mayor Lorenzo kaya pati ako naipit na.
“Excuse me po.” Sambit ko sa mga taong nadadaanan at halos nababangga ko na dahil sa siksikan na kami at hindi na ko makadaan.
Nakita ko si Mayor Lorenzo na lumingon sa akin tapos nagulat ako nung naglakad siya pabalik at kinuha niya ang kamay ko at hinila ako papalayo sa mga taong nagsisikan at nagkakagulo na gusto siyang makausap. Rinig ko ang bulugan sa buong paligid habang naglalakad kami sa gitna ng maraming tao papunta sa kotse ni Mayor Lorenzo.
“Baka girlfriend niya?”
“Sayang naman kala ko single si Mayor!”
Iilan lang yo’n sa mga narinig kong sinabi nila habang naglalakad kami. Jusko! Makikisabay lang naman ako pauwi na pagkamalan pa ngang jowa!
Nung makarating kami sa harap ng kotse ni Mayor Lorenzo ay pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger seat. Nagulat lang ako na despite being a Mayor and politician, he doesn’t have a security or even just a driver.
“Mayor.” Napalingon si Lorenzo sa’kin nung tawagin ko siya habang kinakabit niya ang seatbelt niya.
“Hhmm.”
“Wala ka bang security or driver man lang?” Mausisa kong tanong sa kaniya pero nagulat ako nung lumapit siya sa akin at bahagyang may inabot siya sa may bantang binta ng sasakyan niya, sobrang lapit ng mukha niya sa akin kaya naman nagkatinginan kami at agad akong napaiwas ng tingin at huli ko nang na-realized na ‘yung seatbelt pala ‘yung inaabot niya sa gilid ko para i-kabit yo’n sa akin.
“I have but I didn’t expect to encounter many people in my personal meeting with a friend. I guess, people are good at recognizing faces these days.” Nakangiting sambit pa niya bago niya i-start ang engine ng sasakyan niya.
Pagkatapos no’n ay katahimikan ang namayani sa amin ng mga dalawang minuto.
“Estelle, right?” Basag nito sa katahimikan at saka ako napalingon sa kaniya.
“Opo.” Tipid kong sagot at narinig ko ang bahagya niyang pagtawa.
“Don’t call me Mayor or use Opo in me, halos magkaedad lang tayo noh.” Pabiro pa niyang sambit sa akin kaya napangiti na lang ako kasi hindi ko alam ang sasabihin ko pero maya maya ay nagsalitang muli si Lorenzo.
“Estelle, I am sorry about what happened awhile ago.” Saad pa ni Mayor Lorenzo kaya napataas ako ng kilay.
“Alin ‘yung sa mga tao ba?” Tanong ko sa kaniya at tumango naman siya.
“Na’ko ayos lang ho, salamat din ha. Binalikan mo ko.” Pabulong ko pang biro sa kaniya kaya natawa siya.
Hindi ko naman alam kung anong pumasok sa isip ako at bigla na lang akong nagtanong sa kaniya kung may girlfriend ba siya kasi narinig ko kanina na pinagkamalan ako nung iba na gf niya eh.
“Ah, Lorenzo? C-can I a-ask a personal question?” Nag-aalangan kong sambit sa kaniya kaya sandali siyang napahinto at tumgin sa kaniya.
“Yeah, of course, what is it?” Magiliw niyang sambit.
“K-kanina kasi… I heard people are talking about if I was your girl-“ hindi ko na natuloy ang sinasabi ko dahil prumeno si Lorenzo at sa pagkakataong ito ay hininto niya ang sasakyan niya sa tabi ng kalsada.
“I would like to apologize about that too..”
“Pero?”
“Yeah, I don’t have a girlfriend right now, Estelle.” Pagkasabi niya no’n ay huminga siya ng malalim at sandali siyang natahimik. His expression changed quickly. From being happy and chill to being sad and bothered.
“You know what, I don’t believe in love anymore, just a waste of time I guess.” He bitterly said and lean his back towards the driver’s seat. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kaniya siguro dahil sa hindi ko din alam ang sasabihin at wala pa din naman akong experience pagdating sa ganitong bagay eh.
“It’s so cringe for me.” Sambit niya pa at binaling niya ang tingin niya sa akin.
“Ikaw ba? Do you have a boyfriend?” Mausisang tanong nito kaya agad naman akong napailing.
“NBSB eh.” Tipid kong sagot sa tanong niya at nakita ko ang ngiti niya nung sumagot ako.
“Sa ganda mo yan? Walang nagtataka?” Sarkastiko at pabirong sambit niya pa kaya napailing na lang ako. “Yan ang totoong cringe.” Biro kong sambit sa kaniya at sabay kaming natawa. Hindi ko alam pero parang ang gaan lang kasama ni Lorenzo, hindi masyadong awkward or mabigat sa pakiramdam not unlike kapag nakakakilala ako ng tao, grabe lagi ang kaba ko pero sa kaniya parang wala lang. I feel comfortable being around him.
“Alam mo huwag mo na tangkain magkajowa, masasaktan ka lang. Mahirap makalimot kapag nasaktan ka at mahirap ibalik ang lahat sa dati, buti sana kung kapag nagjowa tayo eh yo’n na yo’n eh. Kaso hindi, kaya sobrang hirap.” Seryosong sambit pa niya at saka niya muling binuksan ang makina ng sasakyan niya at nagmaneho siya.
“Based on experiences ba?” Pabirong sambit ko sa kaniya at kita ko ang isang mapait na ngiti na gumuhit sa mga labi niya tapos at napatango na lang siya. Hindi na ko nagtanong at nag-usisa pa, it’s too personal na din naman eh at awkward kung magtatanong ako ng magtatanong sa kaniya, baka ma-turn off pa siya sa’kin eh.
“Estelle, can I call you I call you Essie?” Baling na tanong ni Lorenzo pero nakatuon pa din ang atensyon niya sa pagmamaneho at sa daan. Sandali akong natahimik sa sinabi niya. Essie? Ang cute naman na nickname no’n ah! At saka bat hindi yo’n na isip na i-nickname sa’kin ng nanay ko!
Bumaling ako sa kaniya at ngumiti. “Essie? Oo naman! Thank you ah, ang cute na nickname no’n!” Magiliw kong sambit sa kaniya.
“Okay, from now on, I will call you Essie. Ok? Sorry for being too noisy and talkative ah, mukhang napa-overshare yata ako eh pero salamat kasi nakinig ka sa ka-kornihan kong payo.” Nakangiting sambit pa nito.
“Parang mas bitter yo’n than corny.”
“Pero kidding aside, okay lang yo’n, kahit isang buong taon pa tayo dito basta mailabas mo lahat ng sama ng loob at hinanaing mo, go lang at makikinig ako, at saka huwag ka na malungkot! Ang dami dami ngang nagkakagusto sa’yo eh!