Estelle
Kakagising ko lang at heto ako ngayon nakatulala. Ahh, ilang days pa lang pero parang sampung taon na kong nagta-trabaho dahil sa stress ko kahapon!
Nanlaki ang mata ko nung nakita ko ang oras sa cellphone ko. It’s already 9 am in the morning! Late na ko! Nagmamadali akong pumunta sa CR para mag-shower sandali, hindi na ko nag abalang mag ayos pa, bahala na mamaya na lang ako sa office mag aayos or kaya kapag may free time na.
Pagbaba ko ay nakita ko si Mama na abala sa pagluluto ng umagahan. Kaya dali dali akong lumapit sa kaniya at nagpaalam, hindi ko na kasi mahihintay pa ‘yung niluluto niya dahil late na nga ako.
“Nak, sandali na lang at maluluto na-“
“That smells so good, Ma pero I gotta go, sa office na lang po ako kakain.” Nagmamadaling sambit ko sa kaniya.
“Oh.. o-okay.”
“See you later!” Rinig kong habol na sambit nito bago ako tuluyang makalabas ng gate namin. Kamuntik muntik pa nga akong madapa kakamadali eh. Pagminalas malas ka nga naman oh, kung kailan nagmamadali ‘yung tao at saka naman walang masakyan!
Nagulat ako nung biglang may humintong ferrari sa harapan ko at nanlaki ang mata ko nung bumukas ‘yung binta ng driver seat. It was Mayor Lorenzo. Whoa! Mas na-starstruck ako sa kotse!
“Good Morning, Miss Essie! Running late? Come on, ihahatid na kita.” Sambit nito tapos ay bumaba siya at pinagbuksan ako ng passenger seat.
“Come on, may mga dumadaan na sasakyan oh, nakakaabala tayo kung tatayo ka lang diyan at magdadalawang isip. Isa pa, you are late already, Mom hates late people.” Sarkastikong sambit nito tapos ay nginitian niya ako habang nag aabang siyang sumakay ako sa kotse niya.
Nabalot ng katahimikan ang mahigit bente minuto naming biyahe pero bago pa kami huminto sa bababaan namin ay naalala ko ‘yung sinabi niya kanina na ayaw ng mommy niya ang late kaya naman nakaisip ako ng paraan para makalusot.
“Ma- ah no, I mean Lorenzo.” Nag aalangan kong sambit sa kaniya bago kami bumaba ng sasakyan.
“Yes, Essie?”
“Since magkasama naman tayo, puwede bang-“
“Wait, parang alam ko na kung anong sasabihin mo, about the late thing? I gotchu!” Nakangising sambit nito tapos ay kinindatan niya ako bago siya bumaba ng sasakyan niya at pagbuksan ako muli ng pintuan.
Habang naglalakad kami ni Mayor Lorenzo sa loob ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Napaisip na naman tuloy ako, kung Mayor siya bakit hindi ko siya nakikitaan ng driver or kahit isang body guard man lang. Gano’n ba siya ka-confident at kakumportable sa mga tao dito sa bayan nila?
Nung makarating kami sa gawi kung nasaan si Atty. Loraine ay bakas sa mukha niya ang gulat nung makita niya kaming magkasama ng anak niya.
“Y-you.. you..
“You know each other?” Nagtatakang tanong niya sa aming dalawa ni Lorenzo.
Tumango si Lorenzo at lumapit sa ina para i-beso ito. “Yes, Ma.” Tipid na sagot ng anak tapos ay naupo kaming dalawa sa tabi ni Atty. Loraine. Si Lorenzo ang nasa gitna namin tapos ay kaharap namin ‘yung client ni Atty. Loraine.
“I heard your Mom and my mom are good friends, what a coincidence! I guess that is a sign.” Bulong ni Lorenzo sa tabi ko kaya naman nabaling ang tingin ko sa kaniya.
“Anong sign?!” Singhal ko sa kaniya.
Hindi siya sumagot at ngumuso lang siya. “I am so disappointed right now.” Dismayadong bulong niya.
“Sungit.” I heard him whispered tapos ay tinuon niya na lang ang atensyon niya sa client ng mommy niya na kakadating lang.
“Loraine! Oh, kamusta na?! Long time no see ha.” Magiliw na bati nung kliyente sa kaniya na sa palagay ko ay personal niya ding kilala dahil mukhang close sila.
“Oh, look who’s here, Mayor Lorenzo.” Baling naman nito kay Lorenzo kaya tumayo si Lorenzo para batiin at i-beso siya.
“Hi, Tita. Looking good.” Lorenzo politely greeted her tapos ay bumalik siya sa pagkakaupo sa tabi ko.
“Na’ko, napakabolero talaga ng batang to.”
“By the way, kamusta na nga pala kayo ni Nadia?” Magiliw na tanong nito kay Lorenzo kaya sandaling nabalot ng katahimikan ang buong paligid at kita ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lorenzo maging ni Atty. Loraine dahil sa tanong ng babae.
“Tita..”
“They are no longer together.” Sagot ni Atty. Loraine na parang pilit ang ngiti samantalang si Lorenzo naman ay natahimik.
“Oh, I am sorry to hear that! Forget about it. So, shall we start discussing my concern?” Awkward na sambit ni to kay Atty. Loraine.
Habang nagdi-discuss si Atty. Loraine ay hindi rin ako makapag-focus dahil nakikita ko na tahimik si Lorenzo simula nung ma-brought up ‘yung about do’n kay Nadia.
“Lorenzo..”
“Lorenzo..”
I called him twice but he didn’t bother to look at me kaya naman I lean forward para sana marinig niya 'ko pero sa tingin ko naman ay rinig niya ako pero sadyang ayaw niya lang akong pansinin. Sinandal ko ang likod ko sa upuan ko at huminga ako ng malalim.
“Binabaliwala ako nito without knowing na ako ‘yung future mo?!” Sarkastikong bulong ko sa kaniya at nanlaki ‘yung mata ko nung tumingin siya sa akin at nilapit niya ang sarili niya sa akin.
“Anong sabi mo?” Nakangising tanong niya sa akin. Para akong nanigas sa kinauupuan ko at hindi ako makagalaw kasi konting galaw ko lang ay baka magkahalikan kaming dalawa dito ng wala sa oras eh.
Nahihiya ako sa pinaggagawa niya! Nasa harap pa naman kami ng mama niya. Jusko! Nakahinga ako ng maluwag nung agad na umayos ng upo si Lorenzo at saktong hindi naman ito napansin ng mama niya.
"Babanat banat 'di naman kayang panindigan." Rinig kong pabulong na reklamo ni Lorenzo sa tabi ko kaya sinamaan siya ng tingin nung napatingin siya ulit sa akin.
Inirapan ko lang siya at hindi ko na siya pinansin. Nakinig na lang ako sa discussion ni Atty. Loraine tapos ay nagta-take notes ako sa mga napag uusapan nina attorney nung bigla ba namang hawiin ni Lorenzo ang buhok ko. Hahawiin ko sana ang kamay niya pero he showed me something. “Sa’yo ba to?” May kinuha siya sa bulsa niya tapos ay winagayway niya ang isang piraso ng earnings na hawak hawak niya. Iyon ‘yung isang pares ng hikaw ko na nawawala. Nasa kaniya pala! Paano napunta sa kaniya yo’n?!
“Chill, you dropped it in my car last time.” Sambit nito at nginisihan niya ako.
Sa kakakulit sa akin ni Lorenzo ay napukaw namin ang atensyon nina Atty. Loraine at nung clients niya.
“Looks like you are having your own little business there, care to share?” Seryosong tono nito habang nakatingin siya kay Lorenzo at sa akin, kaya napatahimik na lang ako. I don’t wanna upset her more eto kasing si Lorenzo napakakulit!