Estelle
Abala ako sa pag-aayos ng mga dokumento kanina sa opisina ni Atty. Loraine nung hindi ko inaasahan na dumating si Mayor Lorenzo kasama ang nakababata niyang kapatid. Nakahinga ako ng maluwag at para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nung makaalis sila.
When they arrived I was about to pack my things na din and leave pero naudlot kaya nung makaalis sila eh ang dami kong na receive na message at tawag mula kay Shaina. Napagusapan kasi namin na magkita after work namin para makapag-kuwentuhan na din dahil simula nung nangyari sa cafe ay hindi pa ulit kami nagkikita, puro chat chat lang through social media.
Nung makarating ako sa restau-bar kung saan kami magkikita ni Shaina ay madaming tao kaya nilibot ko ang tingin pero wala si Shaina, muntik na kong mapatalon sa gulat nung sumulpot sa likuran ko si Shaina na kakadating lang din pala.
“Sorry, I am late, dumaan pa kasi ako sa grocery shop eh.” Salubong ni Shaina then she hugged me. Maya maya pa ay maghahanap na sana kami ng mauupuan nung bigla siyang napahinto at napatulala sa di kalayuan. Nung tinignan ko kung saan siya nakatingin ay nakita ko sina Mayor Lorenzo at ang kapatid niya. This municipality is really small, isn’t? Napatingkayad ako para i-double check kung tama ba talaga na si Lorenzo ‘yung nakita ko and yes it was really him. Medyo malabo ang mata ko pero kita ko na nakasuot ito ng black leather jacket.
“Di ba siya yo’n?” I heard Shaina whispered. I was about to tell her na kanina nga kasama ko si Mayor Lorenzo pero napukaw ang atensyon namin sa isang babaing sumigaw ng pangalan ni Lorenzo. Nung napatingin kami sa gawi nito ay nakita din namin si Sir Harry, dalawang lalaki at isa pang babae and I think they are group of friends too.
Napatingin ako pabalik sa gawi ni Mayor Lorenzo at ngayon ay nakatingin na din siya sa gawi namin. Natataranta akong tumalikod dahil do’n pero maya maya pa, kinalabit ako ni Shaina. “Si Harry papalapit dito!” Bulong niya.
“Estelle, Shaina? Are you with Lorenzo and Edward?” Mausisang tanong nito nung makalapit siya sa amin. Nag aalangan akong lumingon sa kaniya pero hindi pa man ako nakakapagsalita ay rinig ko na si Mayor Lorenzo na nagsalita, he was already standing behind Harry.
“Yes, they are with us.” Nanlaki ‘yung mata ko sa sinabi ni Lorenzo kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hinintay kong bawiin niya yo’n pero instead na bawiin ay lumapit ito sa akin at inakbayan ako.
“What are you doing Mr. Mayor?” Mariin kong pabulong na tanong sa kaniya.
“I will explain everything to you, Essie. Later. But please, don’t ignore me this time and just go with the flow, can you?” Mariing sagot nito at saka siya tumingin kay Harry na mukha ding nagulat sa sinabi ng kaibigan niya.
Maya maya pa nararamdam ko ang pagtapik ni Shaina sa gilid ko. “Girl! Am I seeing this right? Is that Nadia Vuenabentura? The one who called Mayor Lorenzo?” She said while giggling. Hindi ko naman kilala kasi wala akong hilig sa mag public figure but I guess she is that well known kasi Shaina knew her.
Maya maya pa, nakita namin ‘yung Nadia at iba pa niyang kaibigan na papalapit sa gawi namin.
Para akong natulala sa ganda nung Nadia, she look so gorgeous, looks like a living barbie doll!
“Lorenzo, it that your girlfriend? Care to introduce her to us?” Nakangiting tanong nung Nadia kay Lorenzo nung makalapit ito sa gawi namin then she f*cking look at me from head to toe kaya mas lalo akong nailang. I look at Shaina beside me pero paglingon ko ay wala na siya. She’s already with Harry and Edward! I see that they are like cheering for me from afar. What the heck?! Seriously?! She left me here alone.
Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Lorenzo sa kamay ko kaya kahit paano ay nakaramdam ako ng relief.
“Not yet, Nads.” Nakangising sagot nito sa tanong ng kaibigan. Kita ko ang mapait na ngiti nito sa akin.
“And guys, I would appreciate if you do not ask too much questions on her. It might be overwhelming to her.” Dugtong pa ni Lorenzo at hinila niya ako papunta sa table kung nasaan si Harry, Edward at Shaina.
I took a deep sigh, kung hindi lang talaga maraming tao ngayon dito ay malamang binatukan ko na tong si Lorenzo eh. Napaka-pala desisyon!
“We have to leave.” Bulong niya kina Edward, Harry at Shaina nung makalapit kami sa table nila at hawak hawak niya pa din ang mga kamay ko tapos ay nilingon niya ang mga kaibigan niya na sumunod din sa amin.
Nilingon niya ang mga kaibigan at nagpaalam na sa mga ito. “Guys, sorry to say but I don’t think we can stay any longer here because we have to go. You know, we have lots of works to do pa. Maybe we can hang out some other time.” Nakangiting paliwanag at paalam ni Lorenzo sa kaniya. Magsasalita pa sana si Nadia pero pinigilan siya nung lalaking nasa likuran niya.
“Let’s not disturb them, babe baka busy sila.” Sambit nito. Oh; okay.. so boyfriend niya yo’n?
Magiliw naman na nagpaalam sa amin ang mga kaibigan ni Lorenzo at Harry. “Let’s go.” Lorenzo whispered kaya nauna na kaming lumabas at hindi na namin hinintay ang kapatid niya at si Shaina.
Hawak hawak pa din ni Lorenzo ang kamay ko hanggang makalabas kami sa restau-bar tapos ay huminto kami sa paglalakad nung nasa tapat na kami ng kotse. Binitawan niya ang kamay ko at hinarap kami. “Look, sorry about what happened, Essie. Hindi ko gustong ilagay ka sa gano’n sitwasyon pero-“
“It’s alright and I won’t ask for anything. But, please don’t do it again or better inform me at least para hindi ako nabibigla.” Mariing kong sambit sa kaniya tapos ay hinila si Shaina palayo sa kanila ng kapatid niya.
Naiinis kasi ako sa ginawa niya, bigla bigla siyang nagdesisyon ng hindi man lang ako ini-inform, mukha tuloy akong tanga do’n! Ni hindi na nga ako nakapagpakilala ng maayos eh.
“Hoy, hindi ba masyado kang naging harsh kay Mayor Lorenzo? Nag-sorry naman ‘yung tao eh. At saka you are working with his mother pala.” Sambit naman ni Shai habang naglalakad kami papalayo sa restau-bar na yo’n para maghanap ng masasakyan.
“Kalma, I didn’t badmouth him, I just reminded him. Isa pa, late ko na din nalaman na anak pala siya ni Atty. Loraine.” Saad ko pa kay Shaina.
“Pero alam mo if I am not mistaken, that Nadia girl is once linked to Mayor Lorenzo and I guess she is his ex.” Kuwento ni Shaina kaya napahinga ako ng malalim. Now, I know why I felt so much tension between the two of them earlier.
“She’s gorgeous, look nice and smart so hindi nakakapagtaka kung ex niya man yo’n.” I said.
“This is such an exhausting day.” I added and took a deep sigh. I think next time siguro ako na lang ang iiwas sa kaniya, sa kanila para din hindi na ko malagay sa awkward na sitwasyon gaya kanina. Their presence itself is overwhelming and I feel really nervous like my every move is being watch and judge.
Shaina and I are silently walking when a car stops in front of us. Maya maya pa ay binaba nito ang bintana ng passenger seat at nakita ko si Edward at Lorenzo.
Lorenzo is the one who’s driving and his brother is sitting in the passenger seat.
“It’s already late, ihatid na namin kayo.” Pasigaw na sambit ni Lorenzo pero nag aalangan kami ni Shaina at nagkatinginan na lang kami kaya bumaba si Lorenzo at pinagbuksan niya kami ng pintuan, sa back seat.
“Please.” Nakangiting sambit pa niya sa amin habang nag aabang na sumakay kami sa back seat ng sasakyan niya.
“Teh, tama sila mahihirapan na tayo mag-commute dito kasi gabi na.” Shaina whispered to me kaya kahit nag aalangan ako ay pumayag na din ako. Nag aalangan akong sumakay sa may back seat kaya maging si Shaina ay tahimik lang din habang nasa biyahe kami, ni siya ay hindi na nagawang dumaldal pa. Naunang bumaba si Shaina dahil malapit lang naman din ang tinutuluyan niya rito samantalang ako ang nahuli at naiwan kasama nitong magkapatid.
Nung makarating kami sa tapat ng bahay namin ay si Lorenzo ang nagbukas ng pintuan para sa akin.
“Essie, thank you and I am really sorry about what happened. Please, don’t take it too seriously. I wanna know you more and I mean it especially now that you are working with my mother.” He said sincerely.
“Let’s have some coffee next time.” Nakangiting dugtong pa niya.
“Sama ako sa coffee date niyo ah! I wanna know you more too, Ate Essie.” Malokong singit ni Edward sa amin kaya natumango na lang ako at natawa sa kanilang magkapatid.
“Wala yo’n, thank you sa paghatid.” I said politely. Whao! This is such a long tiring day.
“Anak!” Gulat ako nung makita ko si Mama sa may gate namin.
“Bakit ngayon ka lang? At saka sino ‘yung naghatid sa’yo?” Mausisang tanong nito at saka sinundan niya ng tingin ang sasakyan ni Lorenzo.
“Kaibigan lang po.” Tipid kong sagot at saka kami pumasok sa loob.
“How was your day anak?” Excited na tanong ni Mama tapos ay naupo kami sa dining table.
“Medyo overwhelming po Ma pero masaya naman.” Nakangiting sambit ko sa kaniya at iniiwasan ko ang sumimangot o ano. Ayoko muna magkuwento kay Mama kasi baka kung hindi siya mag alala eh kulitin niya din ako.
“Siya nga pala, anak. Nabanggit ba ni Loraine sa’yo ‘yung tungkol sa dinner?” Napahinto ako sa pagsandok ng kanin at nag angat ako ng tingin kay Mama. I stopped and took a deep sigh.
What a mess! I mean, balak ko nga sanang iwasan si Lorenzo pero ito naman dinner date na naman. I look back at my mom na nakangiti at excited na nagsasandok ng ulam. Walang nabanggit sa akin si Lorenzo!
Ayoko naman sirain ‘yung gabi ni Mama kaya tumango na lang ako.
Pakiramdam ko mapupurga ako sa pagmumukha ni Mayor Lorenzo eh.