Impit ang iyak na bumaba ng kanyang sasakyan si Avril nang marating ang parking lot ng kanyang unit, hindi niya halos maayos na ipinarada doon ang sasakyan niya na bahagyang nakabalandra pa. At hindi kakakitaan ng katiting na pakialam ang mga mata niyang hilam pa rin sa kanyang mga luha. Walang patid ang bagsak ng mga iyon magmula nang lisanin niya na ang bar kung saan niya iniwanan ang kanyang asawa matapos na patikimin ito ng solid na sakit ng kaniyang katawan. “Kulang pa iyon, kulang pa ang mga iyon sa lahat ng idinulot mong sakit, Mico.” Nababalot pa rin ng matinding galit ang kanyang mga mata para kay Mico. Hindi niya pa rin matanggap na magagawa iyon ni Mico sa loob lamang ng isang kisap-mata, magagawa nito iyon sa kabila ng wala naman siyang masamang ipinakita. Umaapaw pa r

