Parang apoy na sumiklab ang init ng ulo ni Mico na nabalot na nang matinding kahihiyan sa kanila, lalong-lalo na nang magkumpulan na ang mga kaibigan niya sa harapan mismo ng cellphone ni Lacim upang panoorin na dito ang panggugulpi na kanyang natamo mula kay Avril kanina. Muli pang umigting ang kanyang panga, hindi niya mapigilang magtagis ang kanyang mga bagang. Oras mismo ay gustong-gusto na niyang makaalis sa lugar na iyon. Hindi niya na maatim ang kahihiyan na kanyang inaabot mula sa mga kaibigang sa halip na damayan siya ay heto at pilit siyang inaalaska sa kabila ng sakit na kanyang inabot sa sariling asawang si Avril. Ang suporta at pang-unawa na kanyang inaasahan ay hindi sa mga ito nakuha. Hindi niya mapigilang maikuyom na ang kanyang dalawang kamao, at mariin nang ipinikit

