Chapter 71

2907 Words

Ang planong pagbabalik sana ni Avril ng city ng araw ng Linggo ng hapon ay hindi nangyari na kagaya ng gusto niya. Nagkaroon ang kaniyang pamilya ng emergency tanghali ng araw na iyon kung saan ay isinugod nila ng ama niya sa hospital ang kanyang inang bigla na lang itong kinapos at nahirapan pang huminga. Iyon ang naging dahilan upang maudlot ang napipinto niyang biyahe pabalik sana ng city.   “Kidney failure raw ang sabi ng doctor, Mico.” sagot ni Avril nang tanungin siya ng kanyang asawa kung ano ang findings ng doctors sa kalagayan ng kanyang ina.    Nasa labas si Avril ng hospital room at tinawagan niya ang kanyang asawa upang ipaalam dito na baka hindi muna siya makabalik ng araw na iyon kahit na gusto niya. Wala siyang choice kung hindi ang damayan ang kanyang ama sa sitwasyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD