Sa kalagitnaan ng gabi ay may isang nilalang ang nananatili pa ding gising at ito ay lumilibot sa kabahayan ng mga Gaston.
" Grabe..pwede na akong magsugal hanggang kelan ko gusto. Sa mga gamit pa lang dito tiba-tiba na ako eh. " hinimas-himas pa nito ang isang antigong relo sa may tokador. " Pero sana may pera para makakabili din ako ng bagong damit at sapatos. Kapag nagkataon lalapitan nanaman ako ng mga chicks. " natatawa pa ito sa sinabi.
" Sagabal kasi ang Jacky na 'yan! Tsk! Kaso siya lang ang babaeng nagogoyo ko at binibigay lahat ng gusto ko, sayang kung iiwan ko lang. " patuloy lang si Timothy sa paglakad sa mga pasilyo ng bahay, para itong pusa kung maglakad. Talagang wala kang ingay na maririnig, ingat na ingat ito sa bawat kilos upang hindi makabulabog at ng hindi siya mahuli. " Nasaan kaya ang vault? Imposible na sa ganitong itsura ng bahay at talagang mayaman naman sila Sam dapat may vault dito."
Paisa-isang binubuksan ni Tim ang mga pinto para malaman o masilip niya kung nandoon ang vault.
" Hindi kaya nasa kwarto ng baliw na matanda?" naitanong nito sa sarili. Kanina kasi ay narinig niya si Sam, ang ina nito na nagwawala at kasama ang katulong na si Tina na nag-uusap. Sa totoo lang medyo nawirduhan siya sa ikinikilos ng tatlo kanina. Ang matanda ay may sinasabi na lihim na natuklasan ni Thessa at dapat siguraduhing hindi makalabas. Natakot pa nga si Tim sa itsura ni Sam dahil parang hindi ito ang nakilala niyang Sam na mabait habang kausap ang katulong nila. Kaya nga ng palabas na ang binata kanina ay nagmadali siya, sa pagmamadali niya nasagi niya pa ang isang mamahaling vase.
Hindi napansin ni Tim si Tina na nakasunod sa kanya. Inuusisa kasi ng lalaki ang seradura ng kwarto ng ginang.
" Anong ginagawa mo diyan?" sita ni Tina na ikinagulat ni Tim.
" Ah, eh, naliligaw kasi ako.. " pagpapalusot nito. " Baka pwede mong ituro kung saan ang CR kanina pa kasi ako naiihe. "
Tumaas ang kilay ng katulong na si Tina ngunit ang ekpresyon ng mukha nito at nananatiling seryoso.
" Hindi ba bawat kwarto na pinareserba ni Señorito sainyo ay may mga banyo? Bakit ka naghahanap ng banyo buong kabahayan sa alanganing oras? " usig ni Tina sa kanya. Napakamot naman ng ulo si Tim at umaktong hindi na malapit ng mabanyo. Napansin iyon ni Tina pero seryoso pa din ito.
" Sumunod ka. Baka magising si Señora sa ingay mo at magwala nanaman. " pinasunod ni Tina si Tim sa isang katabing kwarto ng ginang ng bahay. Inilabas ni Tina ang susi niya at nangislap ang mga mata ni Tim dahil may naisip itong plano.
Naisip niya na may duplicate na susi si Tina sa mga kwarto sa buong kabahayan, pwede niyang nakawin iyon sa katulong para maisagawa ang plano niyang pagnanakaw.Nang mabuksan ang kwarto ay pasipol-sipol pa si Tim habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Tina. Maganda kasi ang katawan ng katulong, ang problema ay hipon lang ito. Tumuon ang mga mata niya sa matambok na pwet ng babae at napangiti si Tim dahil infairness makinis at maputi ang mga hita nito.
Lumingon si Tina at nahuli sa akto si Tim na minamasdan ang kanyang likurang bahagi. Nagsalubong ang kilay ni Tina sa kamanyakan ni Tim.
" Hayun ang banyo! Bilisan mo at baka hanapin ako ni Señora. " naglakad naman si Tim habang nakangisi sa babae. Pumasok si Tim doon at kunwaring nagbanyo.
" Ah, Tina..Tina ang pangalan mo diba? " walang sagot mula sa katulong. " Hindi mo ba pinangarap yumaman? O kaya hindi ka ba napapagod na maging utusan lang?" usisa ni Tim.
" Hindi. Marangal naman ang trabaho ko at pwede ba tigilan mo ang personal na tanong. " mataray na sagot ni Tina.
Natawa lang si Tim sa kanya, sumilip ito mula sa pintuan ng banyo at nakita niyang nakatalikod si Tina malapit sa isang tokador. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at walang ingay na nilapitan niya si Tina. Tinakpan niya agad ang bibig nito upang hindi sumigaw.
" Huwag kang matakot hindi kita sasaktan basta maging mabait ka lang sa akin at ibigay ang mga susi na hawak mo. " bulong ni Tim sa tenga nito. Napansin ni Tim na kalmado lang si Tina parang hindi ito natakot o kabakasan man lang ng gulat. Maya-maya ay pinalis nito ang kamay ni Tim na nakatakip.
" Ang lagay isasakripisyo ko ang tiwala ng mga amo ko at ibibigay sa'yo ang susi ng walang kapalit? " nakataas ang kilay ni Tina at medyo nakangisi ito sa lalaki.
Natigilan si Tim sa naging reaksyon ni Tina. Nagulat siya dahil nag-iba ito ng aura, parang mapang-akit ito kung umasta sa harap niya. Napaigtad siya ng lumapit ito sa kanya at pagapangin ang hintuturo sa kanyang ilong at dahan-dahang baba sa labi niya padausdos sa maskulado niyang dibdib. Hinimas iyon ni Tina at malagkit na ngumiti kay Tim.
" Wala ba akong pabuyang matatanggap sa oras na matupad ang plano mo? Alam ko naman ang gusto mo eh, ang kayamanan na meron sa pamamahay na ito. Huwag kang mag-alala hindi kita pipigilan sa gusto mong gawin. " inilabas nito ang bungkos ng susi at itinapat sa mukha ni Tim.
Mabilis na inangat ni Tim ang kamay upang kunin ang susi pero masabilis si Tina na iiwas ito.
" Oops! Hindi ganoon kabilis Mr. Loverboy.. " natatawang sabi nito at ang susi ay inilagay niya sa loob ng blusa niya sa mismong gitna ng kanyang dibdib.
" Kuhanin mo muna dito..pero sa pamamagitan ng ngipin mo.. " malanding sabi ni Tina at binuksan nito ang dalawang butones ng blusa niya, nahantad ang itim na panloob nito at ang nakasilip na malusog na dibdib. Napalunok si Tim sa nakikita parang ang katawan niya ay biglang sinilaban.
" Oh Lord, nasa langit na ba ako? " tanong nito na nakatingala sa taas. Pinagkiskis nito ang kanyang palad at excited na lumapit kay Tina. Sinibasib nito ang dibdib ng katulong na humahagikgik.
"Ay, anu ba! Dahan-dahan naman at nakikiliti ako.. " malanding sabi nito. Sige lang si Tim, nadala sa tukso at nakalimutan na ang susi ang pakay niya. Hayok itong tinanggal ang bra ng katulong at nilamas-lamas ang dibdib. Hindi na niya napansin na nagseryoso na ang itsura ni Tina. Tila inip pa ito sa ginagawa ng lalaki. May hawak na itong babasaging vase at nakatingin sa isang pang tao na nasa kwarto din.
Tumango ito kay Tina at ubod ng lakas na hinampas nito si Tim ng hawak niyang vase.
" Salamat Tina sa tulong mo, ako na ang bahala sa magnanakaw na ito. " sabi nito sa katulong na nag-aayos na ng damit.
" Wala po iyon, maari na po ba akong bumalik sa kwarto ni Señora? " pagpapaalam nito, tumango lang ang kanyang amo. Binuhat na nito ang katawan ng walang malay na si Tim.
*****
" Ugh! " daing ni Tim ng magising ito. Pinipilit niyang idilat ang mata para aninagin kung nasaan siya. Nanlalabo pa ang kanyang paningin at masakit ang kanyang ulo bunga ng pagkakahampas ni Tina.
" Gising na pala ang aking bisita. " isang lalaki ang kanyang narinig na nagsalita. Pilit niyang inaaninag ang taong nasa kanyang harapan. Ikinurap-kurap niya ang kanyang mata para lumiwanag ang kanyang paningin at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
" Ikaw?!" bulalas ni Tim sa kaharap. Kunwari ay nagulat din ito sa pagbulalas ni Tim.
" Ako?! Oo nga ako! Ako nga ba talaga ang kilala mo? Siguro ako nga. " natatawang sabi ng lalaki.
" Anong gagawin mo sa akin? " doon lamang napansin ni Tim na nakaupo siya sa isang upuan at ang mga kamay niya ay nakagapos ng mahigpit sa isang mesa. Kung iisipin mo ang kanyang itsura ay tila nakadipa siya.
" Wala maglalaro lang tayo.." nakangising ang lalaki habang tinitignan ang natatakot na si Tim.
Natatakot si Tim dahil may hawak ang kaharap na isang matalim na chopping knife. Bigla iyong itinaga ng lalaki sa harap ni Tim, napasigaw si Tim sa gulat. Sinilip niya ang mga kamay na nakagapos kung ito ay natagpas. Nakahinga siya ng masilayang buo pa ang mga ito. Pinagtawanan nanaman siya ng lalaking kaharap. Aliw na aliw siya sa reaksyon ni Tim.
" Gag* tigilan mo nga ang pagtawa mo! Pare, binibiro mo ba ako? Tama na natatakot na ako. " inis na may halong takot na sabi ni Tim, patuloy lang ang kaharap sa pagtawa.
" Biro? Sa tingin mo ay isang biro lang ito? Nagkakamali ka. " naupo ang kanyang kaharap sa isang upuan malapit lamang sa kanya. " Kabisado mo ba ang sampung utos ng Diyos? Isa sa utos na huwag kang magnanakaw ng bagay na hindi sa'yo. " matalim ang tingin nito kay Tim habang sinasabi iyon.
" Isa pa, alam mo bang sa mga bansa sa middle east pagnahuli kang nagnakaw ay pinuputulan ka ng daliri or buong kamay. " pinanlakihan pa si Tim ng mata ng lalaki. Tumayo ito at hinawakan ang chopping knife at mas lumapit pa sa kanya.
" A-anong g-gagawin mo?" nanginginig na tanong ni Tim.
" Anong gagawin ko? Aaliwin ko lang naman ang aking sarili. Hindi kasi masaya kung basta ko na lang puputulin ang mga daliri mo. " nakangiting sabi ng lalaki kay Tim.
" Pare, maawa ka..wala pa naman akong nakukuha na gamit niyo eh. Pagusapan muna natin ito. Baka hinahanap na ako ni Jacky. " pakiusap niya sa lalaki.
" Wala pa nga, pero binalak mo. Hindi ka na nahiya..sabit ka na nga lang ay naisipan mo pang gumawa ng hindi maganda. " pang-uusig nito sa kanya.
" Pare..please.." pagmamakaawa ni Tim.
" Penpen de sara pen, de kutsilyo de almasen.." kanta ng lalaki. Maya-maya ay kinilos din nito ang kutsilyo na hawak at tinataga sa patlang ng mga daliri ni Tim.
"..sipit namimilipit..sa tabi dagat.." at ng matapos ang kanta ay natapat iyon sa hintuturo ni Tim sa kanan. Walang sabi-sabi na tinaga iyon ng lalaki.
" Ahhhh! " hiyaw ni Tim sa sobrang sakit, Naihe pa nga siya sa kanyang shorts sa sobrang sakit. Kumanta nanaman ang lalaki kasunod ng muling paggalaw ng kutsilyo.
" Pare..ayoko ko na..maawa ka! " hiyaw ni Tim, naiiyak na siya sa kabaliwang ginagawa ng kaharap.
Nang matapos ang kanta ay tumapat naman iyon sa hinliliit sa kaliwa ni Tim at muli ay tinaga iyon ng lalaki.
" Ahhh! Tama na! Ayoko na! Masakiiiit! " sigaw ni Tim, napapahagulgol na ito at tumutulo na ang sipon sa sobrang sakit. Umaagos mula sa kanyang kamay ang maraming dugo.
" Kahit kailan talaga nasa huli ang pagsisisi.. " palatak ng lalaki, pinakikinggan lang nito ang hagulgol ni Tim. "Hindi na ako natutuwa. Pagsisihan mo ang araw na ito. Lagi mong tandaan na huwag kang magnanakaw ng hindi mo pagmamay-ari. " at tila nanggigigil na pinagtataga nito ang braso ni Tim. Walang nagawa si Tim kung hindi ang sumigaw ng sumigaw. Ang lalaki naman ay walang pakelam sa mga nagtatalsikang dugo sa kanyang mukha. Nang bitawan na niya ang braso ni Tim aakalain mong giniling na karne ang nasa mesa.