Chapter 17

2127 Words
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok habang si Missy naman ay nagre-retouch ng make-up nang may dalawang babae ang pumasok sa girl's room. "Grabe nga, eh. Ngayon ko lang nasaksihang magalit si Jackson sa isang babae. Halos mangiyak si Mitch sa mga sinabi ni Jackson sa kan'ya," ani ng isang babae. Bahagya akong natigilan nang marinig ang pangalan ng dalawa. Ganoon din si Missy na nasa tabi ko. Nagkatinginan kami sa salamin. "Nakakaawa si Mitch. Napahiya sa buong klase. Sabihan ka ba naman ng w***e at ipagdiinan kung gaano kaayaw sa'yo ni Jackson. Ouch talaga," sagot ng isa na dumiretso sa loob ng isang cubicle. Bahagya kaming umusog ni Missy nang lumapit naman ang isa sa lababo at naglabas ng face powder. "Sino naman kaya 'yong babaeng tinutukoy ni Jackson na sinaktan raw ni Mitch? Napakaswerte naman niya para ipagtanggol pa siya ni Jackson." "True ka d'yan! At para pagbantaan niya pa si Mitch nang ganoon," malakas na sagot no'ng nasa loob ng cubicle para magkarinigan sila. "Baka naman totoo ang balita na may girlfriend na siya? Nakakalungkot naman kung totoo iyon. Pero sino naman kaya?" Lumabas ang babae mula sa cubicle. Agad akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mata namin. "Sa apat na taon natin siyang kaklase. Sa tingin ko hindi iyon totoo. Si Jackson pa ba? Maswerte na ako na dalawang beses siyang umulit sa 'kin." "Ikaw na, girl," sagot ng kasama nito at sabay silang tumawa. "Hindi kaya ikaw ang tinutukoy nila, Bessy?" tanong ni Missy nang makalabas kami. "Hindi naman siguro. Imposible 'yon. Sa dami ng babae niyon, marahil isa ro'n ang nasaktan ng Mitch na 'yon dahil sa sobrang selos niya." Alam kong nasaktan din ako ni Mitch pero hindi naman siguro ako ang tinutukoy nila. Bakit naman ako ipagtatanggol ng lalaking 'yon? Alila nga ang tingin sa akin niyon. "Malay mo ikaw ang pinagpala sa babaeng lahat," wika pa nito at humagikhik. *** May importanteng meeting daw ang professor namin kaya napagpasyahan namin ni Missy na bumili na lang ng meryenda sa canteen. Dinala namin iyon sa garden para doon magpalipas ng oras hanggang sa susunod na subject. Nanunuod kami sa soccer team habang kumakain ng gintong fries at jumbo hotdog on stick. Masakit talaga sa bulsa ko ang mga iyon dahil triple talaga ang presyo ng mga pagkain dito sa loob ng campus kumpara sa kanto namin. Hinipan ko ang hotdog at akmang kakagat pero napahinto ako nang biglang may bumati sa amin. "Hi, girls!" Wala sa loob na napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang nakangiting si Luke na paparating kasama sina Clark at Jackson. Nagtama ang mata namin at nakita ko ang pagngisi nito ng nakakaloko habang nakatingin sa akin. Nagsalubong ang kilay ko at inirapan siya sabay kagat sa hotdog na nasa bibig ko pa rin. Masiglang binati ni Missy ang mga ito na walang sabi-sabing naupo sa mga bakanteng upuan sa kabilang bahagi ng mesa na yari sa bato. "Wala kayong klase? Where's Ron?" tanong ni Luke. "Wala kaming prof, eh. Si Ron may klase raw," ani Missy at itinulak ang fries na palapit rito. "You want some?" alok niya sa mga ito. "Sure!" agad sagot ni Luke na agad dumapot do'n. "No, thanks," nakangiting sagot naman ni Clark. Wala naman sagot at pakialam 'yong isang pinakamayabang sa kanila. Naglabas ito ng sigarilyo at sinindihan iyon. Pasimple akong nagtakip ng ilong gamit ang panyo dahil hindi ko makayanan ang usok niyon. Aliw na aliw makipagkwentuhan si Missy kay Luke at Clark tungkol sa kung anu-anong bagay na hilig nilang gawin habang ako ay nakikinig lang at paminsan-minsan sumasagot kung kakausapin nila hanggang sa nabanggit ni Luke na may pupuntahan ang mga ito sa sabado. "Kaliwagan Falls? Wow! Hindi pa ako nakakapunta ro'n. Maganda ba? Puwede ba kaming sumama?" Agad akong napalingon kay Missy sa narinig. Pasimple ko itong siniko kaya lumingon siya sa akin. Binigyan ko siya ng warning look pero ang magaling kong kaibigan hindi iyon pinansin. "Sure! The more the merrier, 'di ba, Bro?" ani Luke kay Clark. "Yeah, of course. May car naman si Ron, 'di ba? Pero if you want, pwede rin kayong sumabay sa 'min." Nagulat ako nang tumili ang katabi ko at lumingon muli sa kin. "Excited na 'ko, Ally!" Salubong ang kilay na tiningnan ko siya. "Bahala ka d'yan," mahinang bulong ko sa kaniya. Nakakahiya, lakad nila 'yon magkakaibigan. Baka napilitan lang sila pumayag kay Missy. "Ano ka ba, sama tayo! Mukhang masaya 'yon!" sabi ni Missy sa akin. "Sama ka, Ally. Para kumpleto kayo. I'm sure, game rin 'yon si Ron," wika ni Luke. Binalingan ko ito. "Ah, s-susubukan kong-" Naputol ang sinasabi ko at napalingon kaming lahat nang may lumapit at tumawag sa 'kin. "Hi, Ally, Missy," alanganing bati sa amin ni Renz. Tipid na ngumiti naman ito sa mga lalaking kasama namin. "Renz..." sambit ko sa pangalan nito. "Hi, Renz!" bati rin dito ni Missy habang ang tatlong lalaki ay tahimik lang na nakamasid. "Ahh... sorry nakaistorbo ba ako?" tanong nito. "Hindi naman," sabi ko at bahagyang ngumiti. "I just want to confirm kung... makakapunta kayo sa birthday ni Mommy sa friday?" Hindi ako nakasagot agad dahil nawala sa isip ang bagay na iyon. "Of course! Oo naman pupunta kami," mabilis na sagot ni Missy. Binalingan ako ni Renz na tila kinukumpima ang sinabi ni Missy. Isang simpleng ngiti na lang ang sinagot ko rito at tumango. Ngumiti rin ito habang nakatingin sa akin. "Siguradong matutuwa si Mommy kapag nalamang pupunta ka." Alanganin akong ngumiti. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Luke. "So paano? See you on friday." "Sige, Renz." Tipid itong ngumiti sa mga kasama namin bago tuluyang tumalikod at naglakad palayo. "Sino 'yon? Kaibigan niyo?" "Si Renz? Oo. Actually high school sweetheart 'yon nito ni Ally. Pinakilala niya lang kami kay Renz." Nakaawang ang labi ko na bumaling dito. Anong sinasabi niya? Tumingin ang tatlong lalaki sa 'kin kaya napalunok ako. "Really?" tanong ni Luke. "Hind-" Itatanggi ko sana pero hindi ko naituloy dahil biglang sumingit si Missy. "Oo 'di ba?" Pinanlakihan niya ako ng mata habang nakapisil sa braso ko. Hindi ako nakasagot at nagtataka na tiningnan lng siya. "Tss." Napalingon kaming lahat kay Jackson sa reaksyon nito. Tinapon nito sa lupa ang sigarilyong hawak at tinapakan. Habang naglalakad pauwi iniisip ko kung bakit wala yatang pinagawa sa akin ang lalaking 'yon ngayon. Pero bakit ko nga ba iniisip pa iyon? Dapat nga matuwa ako dahil maaga akong nakauwi. Tamang-tama marami pa akong gagawin sa bahay mamaya kaya naman binilisan ko na ang lakad. Maya maya natigilan ako nang maramdamang may humablot sa braso ko. Nang lingunin ko ito ay nasalubong ko ang matalim na tingin ni Karlito. "Sino 'yong lalaking 'yon? Syota mo na ba 'yon?" Sinubukan kong marahang bawiin ang braso ko mula sa mahigpit na pagkakahawak nito pero hindi niya iyon binitawan. "Sagutin mo 'ko. Sino 'yon?" muling tanong nito. Kumunot ang noo ko nang maamoy ang alak sa hininga niya. "Ano ba, Karlito? Nasasaktan ako. Bitawan mo 'ko, please," pakiusap ko sa malumanay na paraan pero binalewala niya iyon. Bakas ang galit sa mga mata niya at nag-iigting ang panga nito. "Sabi ko liligawan na kita, hindi ba? Hindi ka na puwedeng magpaligaw sa iba. Ako ang nauna, kaya ako dapat ang sasagutin mo." Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Nagsimulang lukubin ng takot ang dibdib ko pero hindi ko pinahalata iyon. Pilit ko pa ring binabawi ang braso mula rito. "Mabuti pa umuwi ka na, Karlito. Nakainom ka kaya kung anu-anong pinagsasabi mo." "Seryoso ako, Ally. Hindi ako papayag na may mauna sa akin," banta niya. "Karlito!" Napalingon kaming parehas sa taong tumawag sa pangalan nito. "Anong ginagawa mo kay Ally?" tanong ni Mang Damian habang palapit ito sa amin. Noon lang ako tila nakampante nang dumating ito. Naramdaman ko agad ang pagbitaw ni Karlito sa braso ko. "Anong nangyayari dito?" kunot ang noong tanong nito at bumaling sa akin, "Ayos ka lang ba, Hija? Anong ginagawa sa'yo nitong si Karlito? Kinukulit ka na naman ba?" Hindi ako nakasagot agad dahil inunahan na ako ni Karlito. "Wala, Mang Damian. Nag-uusap lang naman kami," kaswal na wika nito. Tiningnan kami ni Mang Damian nang tila may pagdududa. "Totoo ba 'yon. Hija?" Hindi ko sinagot ang tanong nito bagkos ay nagpaalam ako. "S-sige po, uuwi na po ako." Kinuha ko na ang pagkakataon na 'yon para makalayo kay Karlito. "Ganoon ba, sige ihahatid na kita, Hija," agad wika ni Mang Damian bago muling bumaling kay Karlito. "Ikaw, umuwi ka na. Nakainom ka pa man din. Huwag mo nang kinukulit itong si Ally, ha?" Hindi na 'ko lumingon pa at nagmadali nang lumakad pauwi sa bahay. Hinayaan ko na si Mang Damian na sumunod sa akin dahil alam ko na malaki ang malasakit niya sa aming dalawa ni Mama. Noon pa man ay lagi na itong tumutulong kapag kailangan at sumasaway sa mga nangungulit o nanggugulo sa amin dalawa. Pagdating sa bahay ay nagpasalamat ako rito. Ngumiti ito sa akin pero agad din nawala iyon nang makita nito sa likuran ko si Mama na siyang nagbukas ng pinto. Nakataas na naman kasi ang isang kilay ni Mama rito at tila handa nang magsungit. Napakamot na lang ng ulo si Mang Damian at nagpaalam nang umalis. "Bakit kasama mo ang matandang iyon, 'nak?" tanong niya nang makapasok kami. Nilapag ko ang gamit ko sa sofa bago naiiling na sumagot. "Ma, magka-edad lang po kayo halos ni Mang Damian." "Mas matanda pa rin siya. Teka, sagutin mo ang tinatanong ko sayo." Humugot ako nang malalim na hininga bago ikuwento ang pagharang sa akin ni Karlito kanina. Maging ang pangungulit nito no'ng mga nakaraang araw. Nabahala na naman tuloy ito. Ayoko sa lahat pinag-aalala siya. "Ang batang 'yon talaga. Hayaan mo at kakausapin ko nga sina Luz at Mang Isko na pagsabihan ang anak nila." *** Pagtapos ng klase plano namin dumaan muna sa mall para bumili ng regalo para sa Mommy ni Renz bago pumunta sa bahay nila. Patungo na kami sa kotse ni Ron na nasa parking lot nang makita namin si Jackson doon. Nakatayo ito sa tabi motorsiklo niya at nakatingin sa amin. Humakbang ito palapit kaya huminto kami. "Hi, Papa Jackson! Pauwi ka na rin ba? Ingat ka, ah?" wika ni Ron habang nakangiti pero hindi ito sumagot dahil ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Ngayon ko lang ito nakita ngayong araw. Himala na hindi niya ako tinawagan kanina no'ng vacant time ko. Tumikhim si Missy. "K-kailangan mo ba si Ally?" "Oo. May ipagagawa ako," kaswal na sagot nito sabay tapon sa maliit na sigarilyong hawak. "Hindi ako puwede," agad sagot ko. "May lakad kami." Nakita ang paggalaw ng panga niya. "Wala akong pakialam. Wala ka na sa klase. Wala ka rin sa bahay niyo, kaya hindi ka puwedeng tumanggi." Saglit akong hindi nakasagot. Humugot ako nang malalim na hininga. "Kung ano mang kailangan mo, bukas na lang, aalis na kami," paalam ko. Nangako na ako kay Renz na pupunta ako sa birthday ng mommy niya. Ayokong madismaya sila na hindi ko natupad ang sinabi ko. Akma ko nang hihilain ang kamay ni Missy pero hinawakan din nito ang braso ko at agad akong hinila palayo. Nabitawan ko ang kamay ni Missy. Sa gulat ay hindi ako agad nakapag-react at mabilis ang mga paa kong humahakbang kasunod nito. Nilingon ko sina Missy at Ron na nakatingin lang sa amin na bakas rin ang pagtataka sa mukha. "Ano bang problema mo? Bitiwan mo nga ako. Sabing hindi ako puwede dahil may lakad kami!" inis kong sabi habang pilit binabawi ang braso ko sa higpit ng pagkakahawak nito. Halos madapa ako sa laki at bilis ng mga hakbang niya. Huminto lang ito nang makalapit sa itim na motorsiklong nakaparada at walang sabi-sabing isinuot ang helmet sa ulo ko bago ito sumampa sa motorsiklo. "Sakay," mariing utos nito. Hindi ako kumilos at tiningnan lang siya ng ilang sandali habang pinag-iisipan kung susunod ako. "Sakay na, bilis," muling sambit nito na tila naiinip. "Bakit ako sasakay d'yan? Saan mo 'ko dadalhin? Hindi ako sasama sa'yo," sunod-sunod kong pagtutol. Akma kong huhubarin ang helmet pero napansin ko na marami na ang kapwa namin mga estudyante ang nakatingin at napapahinto para panuorin kami. Nakita ba nila ako kanina? Ang mukha ko? Kung oo, siguradong pagpipyestahan na naman ako ng mga ito. Bigla akong nagdalawang isip na alisin ang helmet sa ulo ko. "Ang kulit mo, sumakay ka na!" tila naubos na ang pasensya niya at hinila ako sa kamay para mapalapit sa motorsiklo niya. Argh kainis! reklamo ko sa isip bago napipilitang sumakay sa likuran nito dahil mukhang wala naman akong ibang choice sa mga oras na 'yon. Gusto ko na makaalis at mawala sa paningin ng mga nanunuod sa amin. "Kumapit ka."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD