Chapter 18.

2603 Words
Hindi ko alam kung paano at saan ako hahawak kaya napagpasyahan ko na lang na kumapit sa magkabilang gilid ng suot nitong itim na tshirt. Kaya lang nang magsimula itong umandar muntik tumalsik ang kaluluwa ko kaya sa takot ay napakapit na ako nang mahigpit sa tagiliran niya. Hiyang-hiya ako sa mga estudyanteng nadadaanan namin kaya yumuko ako at tinago ang ulo sa likuran niya hanggang makalabas kami ng gate. Pakiramdam ko kakawala ang puso ko sa bilis ng pagpapatakbo nito na akala mo may karera. Bigla akong nagsisi na sumama pa 'ko sa kaniya. Buong oras akong nakapikit at nakayuko lang. "Bagalan mo naman, please!" paulit-ulit na pakiusap ko pero hindi nito ginagawa. Hindi ko alam kung hindi niya ba ako naririnig o sadyang ini-ignore niya ang sinasabi ko. Wala pa naman siyang suot na helmet! Noon ko lang na-realize na ipinasuot niya sa 'kin ang helmet na dapat ay siya ang may gamit. Paano kung mahuli kami ng pulis? O 'di kaya maaksidente at mapuruhan siya? s**t! Habang buhay niya pa akong kokosensyahin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang huminto kami at utusan niya akong bumaba. Noon lang ako nag-angat ng tingin "Nasaan tayo? Saan mo 'ko dinala?" tanong ko habang nililibot ang tingin sa paligid. Ngayon ko lang napagtanto na nasa garahe na kami sa loob ng isang malaking bahay. Natanawan ko rin ang malawak na garden sa bandang kaliwa niyon. Tumingin ako sa labas. Puro malalaki rin ang mga bahay ng kapitbahay. Napalingon ako rito nang tumayo ito sa harapan ko. Noon ko lang naalala na may suot pa pala akong helmet nang tanggalin niya iyon. "Arayyy... dahan-dahan naman!" Inirapan ko siya nang tuluyang maalis iyon sa ulo ko at inayos ang buhok kong nagulo. Mahina itong tumawa. Nakita ko ang pantay-pantay nitong ngipin. Pero ano namang nakakatawa sa sinabi ko? "Good afternoon, Hijo. Ihahanda ko na po ba ang hapunan niyo?" Napalingon ako sa may katandaang babaeng nakauniporme na sumalubong sa amin pagpasok sa main door. Mukhang tama ang hinala ko na ito ang bahay nila. Panay ang tingin nito sa akin habang may masuyong ngiti sa mga labi kaya naman kahit nahihiya ay alanganin kong rin itong nginitian. "Mamaya na, Manang. Pakidalhan na lang kami ng meryenda sa library." "Sige, Hijo," nakangiting sagot ng ginang at muli akong sinulayapan bago lumakad palayo. Malaki at malawak ang bahay pero pakiramdam ko nahihirapan akong huminga dahil sa malakas na pagkabog ng dibdib ko. Ngayon lang yata ako nakapasok sa ganito kalaking bahay na mukhang mansion pa nga. "Follow me," utos nito kaya kusang humakbang ang mga paa ko para sundan siya. Nilagpasan namin ang kitchen at malawak na living room. Anim na bahay yata namin ang katumbas ng sukat niyon. Pumasok kami sa isang silid sa kanang dulo ng pasilyo. May kinapa ito at bumukas ang maliit na ilaw sa ibabaw ng mahabang mesa. Sapat lang ang ilaw na iyon para maaninag ang paligid pero mas maliwanag sa mesa. Madilim pa rin kasi ang bawat sulok. May naglalaking bookshelves sa bawat kanto ng silid. Parang kalahati na ng napakalaking library ng Maxville ang laki ng library nila. Hindi ako komportable sa isiping nasa bahay ako ng lalaking 'to at... tanging kaming dalawa lang ang nasa loob ng may kadilimang silid na ito. "B-bakit dito mo pa 'ko dinala? K-kailangan kong umalis. Hinihintay ako nina Ron." Kinuha ko ang cellphone mula sa bag 'ko para tingnan kung may message sila ni Missy at nakita kong meron nga. Binasa ko ang mga iyon. "Otw na kami kina Renz." "Enjoy, Ally!" Pang-aasar pa nila at may grinning face emoji sa dulo. Napailing na lang aako. "No. You're not going anywhere. Marami kang gagawin." Inagat ko muli ang tingin sa kan'ya. "Marami naman pala, eh. Sana kanina mo pa pinagawa sa 'kin no'ng vacant time ko," inis na sabi ko. Hindi niya ako sinagot. Sinundan ko ito nang tingin nang humakbang ito patungo sa mahabang mesa. Inilabas nito ang laptop at binuksan iyon bago muling bumaling sa 'kin. "What are you waiting for? Simulan mo na 'to. Ipapasa ko na 'to sa Monday." Napipilitan akong naupo ro'n sa harap ng lamesa at sinimulan harapin ang laptop. Ito naman ay naupo sa kabilang side at nag-play ng music sa cellphone. May isa pang laptop doon at mukhang maglalaro siya ng games base sa sounds ng mga baril na naririnig ko. Hindi ko tuloy maiwasang irapan ito nang palihim. Tinutok ko ang atensyon sa ginagawa at ganoon din ito. Makalipas ang isang oras ay nagpaalam itong lalabas lang saglit pero hindi ko ito pinansin. Naging tahimik bigla ang paligid dahil dinala nito ang cellphone at sinara ang laptop. Napatigil ako sa ginagawa nang maalala ko na naman ang lakad ko dapat. Ano kayang idinahilan nila Missy sa hindi ko magpunta? Nakakahiya talaga kay Tita at kay Renz. Alam kong inaasahan na nilang pupunta ako sabay wala naman pala. Nasa kalagitnaan ako ng malalim na pag-iisip nang may biglang nahulog na libro mula sa itaas na bahagi ng bookshelf. Kumunot ang noo ko. Bakit nahulog? Parang kinabahan ako bigla. Medyo madilim pa naman sa bahaging iyon. Pero baka naman hindi lang maayos ang pagkakalagay? Nagkibit balikat ako at sinubukan kong huwag nang pansinin at muli kong tinutok ang atensyon sa laptop pero hindi ako makapagpokus sa ginagawa! Nasaan na ba kasi ang lalaking 'yon? Ang sabi niya saglit lang siya, ah? Hindi ko mapigilang matakot. Ang laki-laki na nga tapos ang dilim pa ng library na 'to. Nagtitipid din ba sila sa kuryente katulad namin? Mukha namang may pambayad sila, ah? Bigla akong napatili at napatayo nang bigla ulit may nalaglag na libro mula din sa spot na 'yon at may narinig akong parang inii-scratch na kahoy. Wala na akong balak alamin pa iyon at patakbong lumabas ng library. Wala akong nakitang tao. Saglit akong huminto para kalmahin ang paghinga bago ako naglakad patungo sa living room. Palinga-linga ako para hanapin si Jackson. Naalala ko ang daan patungo sa kusina at nakita ko nga roon ang kasambahay na matanda kanina. Tumikhim ako para kunin ng atensyon niya. Nahihiya akong ngumiti nang lumingon ito. "H-Hello po, nakita niyo po ba si Jackson?" Ngumiti ulit ito. "Wala ba sa library, Hija? Dumaan dito kanina. Baka umakyat sa silid niya. Puntahan mo na lang." Napamaang ako sa narinig. Huh? "Naroon sa unang kwarto sa kaliwa ang silid niya. Katukin mo na lang." Tatanggi sana ako pero tumalikod na ito at muling lumapit sa kalan at sinilip ang niluluto. Umatras na lang ako. Anong gagawin ko? Ayokong bumalik sa library nang mag-isa. Aatakihin ako sa takot do'n. Hintayin ko na lang siya dito. Ilang minuto akong naghintay pero wala pa rin kahit anino ng lalaking 'yon. Nangangawit na ang binti ko at sumasakit na rin ang likod ko sa pagkakatayo. Nahihiya akong upuan 'yong sofa nila sa living room dahil baka madumihan ko pa. Bigla kong naisip iyong sinabi ng kasambahay nila. Katukin ko kaya? Baka tinulugan na 'ko ng bwisit na 'yon? Nakaramdam ako ng inis sa naisip. Gusto ko na talagang matapos ito at makauwi. Maghapon na ako sa school at kailangan ko rin magpahinga. Ingat na ingat akong humahakbang at tumatapak sa makintab na hagdan na yari sa matibay at makapal na kahoy. Nang makarating sa itaas tiningnan ko agad ang unang kwarto sa left side. Ang daming kasing pinto. Ilan kaya ang nakatira rito? Pakialam mo naman, Ally? Unahin mo pa ba isipin 'yan? sagot ng sarili kong isip. Humugot ako nang malalim na hininga bago kumatok ng dalawang beses. Walang sumagot. Walang nagbukas. Inulit ko ang katok. Nahihiya akong lakasan at baka marinig ng ibang tao na nagpapahinga sa mga silid na naroon. Nang mainip ako sinubukan kong pihitin ang doorknob. Hindi naka-lock! Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa akin ang kabuuan ng kwarto dahil bukas ang ilaw. Pero wala akong Jackson na nakita sa kama. Hindi kaya nasa maling kwarto ako? Pero ito ang unang pinto sa kaliwa ayon sa matanda. Sinubukan kong ihakbang ang paa papasok para mas masilip ang loob. Nang dumako ang tingin ko sa lamesitang nasa tabi ng kama, may nakita akong picture frame. Nilapitan ko iyon at nakumpirmang kaniya nga ang kwartong ito dahil kamukha niya ang bata sa picture. Walang pagdududang siya nga. Nakasuot ng jersey at may hawak na bola. Halos mapatalon ako nang may magsalita mula sa kung saan. "What the f**k?" Napatuwid ako nang tayo at nanigas ang buong katawan ko nang makita ko na mukhang galing sa isang bukas na pinto dito sa kaniyang kwarto. Namilog ang mga mata ko habang nakatingin sa itsura niya. Basa ang buhok nito at tumutulo pa ang tubig sa balikat at dibdib niya. Wala siyang ibang saplot kun'di puting towel na nakaipit sa kaniyang baywang. "What are you doing here? Bakit ka pumasok?" bakas ang gulat sa mukha nito. Bumuka ang bibig ko pero walang lumabas na kahit isang salita. Natataranta ako. Nagsalubong ang kilay nito at nagsimulang humakbang palapit. Napalunok ako at napaatras pero tumama lang ang likod ng binti ko sa lamesita. Huminto siya sa harap ko at mariin akong tiningnan sa mata. Maya maya tumaas ang isang kilay niya. "Answer me." Naamoy ko ang mouthwash sa hininga niya pati na rin ang sabong pang lalaki na ginamit niya. Nakailang lunok ako bago lumabas ang boses ko. "H-hinahanap kita... Ang tagal mo kasi." Ilang sandali siyang walang reaksyon at nanatili lang nakatitig sa mga mata ko hanggang sa unti-unting tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Why? Did you miss me?" Kumunot ang noo ko. Huh? "Hindi 'no!" agad tanggi ko. Mahina itong tumawa. "I knew it. You're also lusting after me katulad ng mga girls sa campus." Nagulantang ako sa narinig. Nakakaeskandalo ako ang sinabi niya. Napasinghap ako nang malala. "Ang kapal mo!" Akma ko siyang lalagpasan at dadaan sa gilid niya pero umusog din siya para harangan ako. "Oops... Where do you think you're going? Hmm?" "Lalabas na kaya padaanin mo 'ko." mariin kong sabi. "Pumasok ka sa kwarto ko para puntahan ako, 'di ba? Now, I'm here. Tell me what you want, baka ibigay ko," nakangisi nitong sabi at humawak sa dulo ng towel na nakaipit sa gilid. Namilog ang mga mata ko. "Bastos!" malakas ko siyang tinulak pagilid para makadaan ako at halos takbuhin ko palabas ng pinto. Narinig ko pa ang pagtawa nito na mas nagpa-inis sa 'kin. Bakit ba kasi pumasok-pasok pa ko 'don? Tiningnan ko ang kamay kong medyo nabasa dahil sa pagtulak ko sa braso niya kanina. Napangiwi ako at pinunas ko na lang iyon sa jeans na suot ko. Naghintay na lang ako sa kaniya sa labas ng pinto ng library. Ayoko nang umakyat dahil may sayad yata ang utak ng lalaking 'yon. Maya maya nakita ko rin ito na parating. Nakasuot na ito ng shorts at shirt na puti. Nakakunot ang noo at mukhang nagtataka kung bakit nasa labas ako. "Are you done?" tanong nito nang makalapit. "H-hindi pa. Hinihintay kasi kita..." Tumaas ang isang kilay niya. Pabago-bago ng mood ang lalaking 'to. "Natatakot kasi ako sa loob," agad dugtong ko bago na naman siya mag-isip ng kung ano. Kumunot ang noo nito at binuksan ang pinto. Diretsong pumasok sa loob at nilibot ang tingin. "Anong nakakatakot dito?" Sumunod ako sa kaniya. "Nahulog kasi 'yong dalawang libro..." Nakita nito iyon at pinulot. "and so?" Sasagot pa sana ako nang makarinig kami ng tunog ng tila pusa mula sa kung saan. May pinindot na switch si Jackson sa pader at biglang lumiwanag ang buong silid. Ngayon ay kitang-kita ko na ang kabuuan niyon at napamaang ako nang makita ang isang gray na pusa sa isang istante kung saan... may nahulog na libro. Kinuha ni Jackson ang pusa pagtapos ay binalik niya ang libro sa kinalalagyan niyon. "You scared her, Ash" kausap nito sa pusa. Lumapit siya sa 'kin habang hawak ito sa isang kamay habang ang kabila ay humahaplos rito. Napakagat ako sa labi kondahil sa pagkapahiya. Eh kasalanan ko ba na matatakutin talaga ako mula bata pa lang? "P-pusa mo?" tanong ko. Ang cute nito at makapal ang light gray na balahibo. Mukhang may lahi at mahal ang pusang iyon. "Nope. I don't like cats. But I love p*****s," nakangising wika nito. Naguluhan ako sa sinabi niya pero na-gets ko rin nang mahina itong tumawa kaya inirapan ko siya. Pagtapos kong gawin ang pinapagawa niya dinala ko na ang bag ko nang mag-aya na siya bumaba. Didiretso na sana ako palabas ng main door nang magsalita siya. "Hey, you eat first." Nilingon ko siya nang salubong ang kilay. "Huh? Hindi na. Kailangan ko na umuwi. Baka mahirapan na akong maghanap ng masasakyan at isa pa baka hinihintay na 'ko ng mama ko," sabi ko kahit ang totooo na-text ko na si mama na male-late ako ng uwi. Gusto ko lang talagang umuwi at nakakahiya namang kumain dito. "Eat first. Ihahatid kita." Pagkasabi niyon pumasok ito sa dining room nila. Napasunod na lang ako dahil sa totoo lang hindi ko din alam paano uuwi mula rito sa kanila. Tinuro niya lang kung saan ako uupo. Ang laki-laki ng bahay nila maging ang lamesa mahaba. Parang pang-labing dalawang tao pero nakakapagtaka na kaming dalawa lang ang kumakain doon. Ang mga kasambahay naman ay abala sa mga kani-kaniyang ginagawa at tinatawag lang nito kapag may iuutos. "Nasaan ang pamilya mo? Hindi ba sila kakain?" hindi ko napigilang tanungin. Napansin kong natigilan ito at tumigas ang ekpresyon ng mukha. Saglit niya akong tinapunan ng tingin. "Finish your food." Napalunok ako sa sagot niya. Mukhang hindi niya gustong pag-usapan ang pamilya niya kaya nanahimik na lang ako. Siguro dahil hindi naman kami close. Nang matapos balak ko sanang ligpitin ang mga pinagkainan ko pero pinigilan niya ako. Palabas na kami ng bahay nila nang may lumapit na kasambahay. Mas bata ito kaysa kanina. "Ah, Sir, may mga dumating nga pa lang mga package kanina. Naroon po sa living room." "Kanino galing?" "Sa mommy mo po." Nakita ko ang mariing pagtikom ng mga labi niya at pagkuyom ng dalawa nitong kamao. Wala sa loob na napalunok ako sa biglaang pagbabago ng mood niya. "Hindi ba sabi ko huwag niyong tatanggapin? Hindi ka ba sinabihan ni Manang? Itapon mo, I don't need those trash," bakas ang galit sa tonong sambit nito. "S-sige po." Tahimik akong sumunod sa kaniya nang lumabas ito ng bahay. Nagtataka ako nang iabot niya sa 'kin ang isang helmet pero hindi na ako nagsalita at tahimik na sinuot iyon sa ulo ko. Ngayon mayro'n na rin siyang suot. Nakakatakot ang itsura niya. Para siyang bombang sasabog anumang oras kaya hindi ko na siya kinausap. "Sakay," utos nito na agad kong sinunod. Nakakapagtaka kung bakit ganoon na lang ang reaksyon niya nang malaman na sa mommy niya galing ang package. Nasaan ba ang Mommy niya? Bakit ganoon na lang ang galit niya para ipatapon ang mga package nito para sa kan'ya? Sayang naman 'yon. Mas mabilis pa ang pagpapatakbo nito ngayon kaysa kanina. Hindi ko akaling may ibibilis pa pala ito at nilulukob na ng takot ang dibdib ko para sa buhay naming dalawa. "J-Jackson.. Dahan-dahan. B-baka maaksidente tayo," sa wakas ay nasambit ko at mas humigpit ang hawak ko sa damit niya. Halos mapunit ko na ang damit niya sa higpit ng kapit ko dahil parang lilipad ako sa likod. Syempre hindi niya ko pinakinggan pero nakahinga ako nang maluwag nang nakarating na kami sa tapat ng bahay. Agad akong bumaba nang huminto ito at binalik sa kaniya ang helmet niya. "S-salamat..." mahinang sambit ko. Hindi ito sumagot o lumingon man lang at pinaharurot na ang motorsiklo palayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD