Chapter 23

2027 Words
"Omg! Ang bongga naman ni Jackson, bestie!" bulalas ni Missy nang makita ang binili nitong cellphone. Nauna pa nga itong magkaroon ng sandamakmak ng selfie roon. "Bakit ka naman daw binilhan? Hmm iba na 'yan, ah?" panunukso naman ni Ron at nakisali sa pagkuha ng picture ni Missy. Ngumuso ito at kinindat ang isang mata habang si Missy naman ay nakangiti at naka-peace sign. "Ano ba kayo, utang 'yan. At isa pa, syempre kailangan niya akong makontak para sa mga utos niya kaya siguro nagpumilit bumili agad." "Kahit na. Hindi pa rin biro ang price nito, ha? Tara sama ka dito!" Hinila ako ni Ron sa braso at tinapat naman ni Missy ang camera sa aming tatlo. Bahagya akong ngumiti. Nakailang kuha pa sila ng litrato pagtapos inisa-isa na nilang tingnan iyon. "I-send mo kay Jackson, dali! Sabihin mo thank you may bago tayong pang-selfie!" excited pang suggestion ni Ron na ikinagulat ko. "Sige sige! Teka!" nakangiting sagot naman ni Missy. "Hoy, 'wag na!" agad pigil ko pero hindi nila ako pinakinggan. "Ay, hindi kayo friend ni Jackson?" maya maya tanong niya sa 'kin. "Hindi..." "What? Friend ko na silang lahat. I-add mo na rin!" "Hindi na kailangan. Friend ko naman si Luke at Kate." "Dapat lahat para masaya! Medyo feeling celebrity lang talaga 'yong mga lalaking 'yon kaya ayaw nilang sila ang mag-add pero wait mo i-a-accept din nila friend request mo," sabi pa nito sabay tawa. Talaga ngang ginawa nila ang sinabi. In-add nila ang mga ito gamit ang social media account ko. Hindi naman sila matagal naghintay at mukhang nakatanggap na sila agad ng mga notification. "Ayan pasok ka na rin sa lucky friends ni Papa J!" sinend nito agad kay Jackson ang picture naming tatlo. Sabay pa silang tumili ni Ron nang sumagot raw ito. Nang silipin ko, thumbs up lang naman pala 'yon! Bago mag-uwian nagtungo na kami sa court dahil pinapapunta nila kami. Naupo kami sa gilid dahil mukhang nagsisimula na silang mag-warm up. "Kumusta, Ally?" agad tanong niLuke nang lapitan niya kami. "Okay lang," nakangiting sagot ko. "Nakabili ka na ba ng new phone?" "Oo binilhan siya ni Jackson!" Si Missy ang sumagot. Umawang ang labi nito at mukhang hindi nito inasahan iyon. "What? Hindi nga? Totoo?" "Totoo nga!" pagkumpirma pa ni Ron. Napalunok ako nang bigyan niya ako ng makahulugang tingin pagkatapos ay kay Jackson na kasalukuyang nagshu-shoot ng bola sa ring kasama ang iba pa. "Oh shit..." "Kami nga din nagulat, eh!" natatawang wika ni Missy. "Gago 'yon, ah? Ang bilis gumastos pagdating sa babae, pero ako ayaw pautangin ng pambili ng bagong sapatos?!" Nilingon nito si Jackson at nilapitan. "Hoy, Mondragon!" Natawa sina Missy pero ako bigla akong nahiya sa mga narinig mula rito. Hindi na namin alam kung anong mga sinabi niya rito pero mukhang dedma lang naman 'yong lalaking 'yon sa kaniya at hindi siya pinapansin kahit panay pa rin ang daldal at pagsunod niya rito sa gitna ng court. Natapos ang practice nila pero wala naman siyang pinagawa sa 'kin maliban sa pag-refill ko ng tubig sa tumbler niya. Nakakapagtaka nga din na hindi siya masungit ngayon. May meeting pa raw sila kasama ng coach nila para sa laban nila bukas na gaganapin sa labas ng school kaya nagpaalam na kami na mauunang umuwi. Nauna na si Ron umalis kaya kaming dalawa na lang ni Missy ang nag-aabang ngayon ng masasakyan. Medyo natagalan pa siyang maghanap ng taxi bago tuluyang nakasakay habang ako naman ay nahihirapan pa rin mag-abang ng Jeep dahil puro puno na naman kasi ng pasahero. "Babes!" Kumunot ang noo ko nang makita si Karlito na papalapit galing sa kabilang side ng kalsada. "Mabuti naabutan pa kita. Maaga kaming natapos ngayon. Malapit na kasing matapos 'yong tinatayong bahay na proyekto ni Mang Damian," malawak ang ngiting saad nito nang makalapit sa 'kin. Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "Anong ginagawa mo dito?" "Susunduin ka. Matagal kitang hindi nasundo. Bumabawi lang." Hindi pa rin nawawala ang ngiti nito. Sumasakit ang ulo ko sa amoy ng sigarilyo sa hininga niya. Humugot ako nang malalim na hininga bago siya muling tiningnan sa mata. "Hindi ba sabi ko hindi mo ako kailangan sunduin? Hindi ako nagpapaligaw Karlito kung iyan ang ginagawa mo," diretsong sabi ko. Nawala ang ngiti sa mga labi nito at sumeryoso. "Bakit hindi? Dahil nag-aaral ka pa? Eh 'di liligawan kita hanggang matapos ka." Napapikit ako nang mariin."Karlito, hindi nga p'wede. Kahit matapos ako sa pag-aaral hindi pa rin p'wede dahil magtatrabaho pa 'ko. Marami akong kailangang unahin sa buhay kaya malabo mangyari 'yan." Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. "Sinasabi mo lang ba 'yan dahil ayaw mo sa 'kin? Binabasted mo na ba 'ko agad? Nagsisimula pa lang ako, Ally." Hindi ako nakasagot agad. Napatingin muna ako sa paligid dahil may ilang napapalingon sa amin dahil sa bahagyang pagtaas ng boses niya. Noon ko lang napagtanto na hindi ito ang tamang oras at lugar para makausap siya. "Mag-usap na lang tayo sa ibang araw. Umuwi ka na muna, Karlito." "Hindi. Sabay tayong uuwi. Parehas lang naman ang lugar natin 'di ba? Bakit hindi pa tayo magsabay?" pagmamatigas nito. Nagulat ako nang hawakan niya ako sa palapulsuhan ko at hatakin iyon. "Hindi pa ako uuwi, Karlito!" Ayokong sumabay sa kaniya at hayaan na naman siya dahil baka lalo lang siya mag-assume na okay lang sa 'kin ang mga ginagawa niya. Napahinto ako sa pagpiglas sa pagkakahawak ni Karlito nang may magsalita sa likuran namin. "Anong nangyayari dito?" Maging si Karlito napahinto sa paghatak sa 'kin. Paglingon ko nakita ko si Jackson sakay ng motorsiklo niya. Salubong ang kilay habang matalim ang tingin pero hindi sa 'kin kun'di kay Karlito. "Sakay," utos nito nang tapunan ako ng saglit na tingin. Lalapit sana ako pero mas hinigpitan ni Karlito ang hawak sa palapulsuhan ko. "Iyan ba? Dahil ba sa lalaking 'yan kaya tinatanggihan mo ako, Ally?" "Karlito, bitiwan mo na 'ko. Kailangan ko nang umalis!" mariin kong pakiusap sa mahinang boses at pilit binawi ang kamay ko mula rito pero hindi pa rin niya ako binitiwan. "Saan kayo pupunta ng gagong 'yan? Alam ba 'to ng mama mo?" tanong ulit nito. Sasagot sana ako pero nagsalita si Jackson. "Let her go." Hindi ko namalayang nasa gilid na namin ito. Hinawakan niya ang braso ko na siyang hawak din ni Karlito habang nagsusukatan sila ng tingin. "Anong nangyayari rito? May problema ba?" tanong ng guard na lumapit sa amin mula sa gate. Ako lang ang napalingon kay Kuya Cardo. Bumaling ito kay Karlito. "Sir, anong problema natin? Estudyante ka rin ba dito?" Nakaramdam ako ng ginhawa nang unti-unting bitiwan ni Karlito ang kamay ko. Agad akong hinila ni Jackson palapit sa motor niya at sumakay ako sa likuran niya. "Hindi pa tayo tapos, Allyza," huling sambit ni Karlito bago patakbuhin ni Jackson ang motorsiklo palayo. Walang nagsasalita sa amin habang nasa byahe. Napansin ko na pauwi sa amin ang daang tinatahak niya. Humihigpit ang kapit ko sa baywang niya sa tuwing makakalagpas kami sa traffic light at bibilisan niya ang takbo. Nakakagulat na medyo nasasanay na akong nakahawak sa kaniya at nabawasan na ang pagkailang ko. Siguro dahil napapadalas na ang pagsakay ko rito. Hindi ko naman talaga gustong magpahatid sa kaniya pero wala akong choice kanina. Kailangan ko siya. Pasalamat na lang ako dahil natulungan niya akong makaalis kay Karlito. Pagdating namin sa tapat ng bahay agad din akong bumaba. "Salamat. Pasensya na rin sa abala." "Ano mo ba 'yong lalaking 'yon? Boyfriend mo o ex mo?" Napamaang ako sa tanong niya. "Hindi ko 'yon ex at lalong hindi boyfriend. Kapitbahay ko lang 'yon si Karlito," paglilinaw ko. Nilibot nito ang tingin sa paligid bago muling tumingin sa 'kin. "Anong gusto niya?" "W-wala. Nangungulit lang." Nagsalubong ang kilay nito. "Bakit?" "Gustong manligaw," mahinang sagot ko. Mukhang wala naman itong reaksyon at tumango lang tapos umalis na. *** "Congrats, guys! Ang galing!" masayang bati ni Ron habang pumapalakpak. Ganoon din kami nina Missy. Nanalo kasi ulit sila sa All University League laban sa ibang school kanina kaya after ng klase pinuntahan namin sila rito sa gym. "Congrats, boys! Sana makanuod kami sa susunod!" wika naman ni Missy. "Ako pinakamalakas na magchi-cheer sa'yo Clark!" Mahina naman itong tumawa at umiling-iling sa panglalandi ni Missy sa kaniya. "Sa tingin ko nga," pagsang-ayon nito. Namula ang pisngi ng kaibigan ko nang bahagyang kurutin ni Clark ang pisngi niya. Pabirong binunggo naman niya sa balikat ang lalaki "Ene be! Kinikilig ako!" "Ang landi niyo!" sabi ni Ron pero nilabas lang ni Missy ang dila rito. Bahagya akong natawa sa kalokohan niya. Hindi ko alam kung type ba siya ni Clark pero mukhang mabait naman ito kumpara sa ibang kaibigan nito. Nang ibaling ko ang tingin sumakto iyon kay Jackson. Medyo natigilan ako nang magtama ang mga mata namin dahil nakatingin pala siya sa 'kin. Napalunok ako. "C-congrats," sabi ko at bahagyang ko siyang nginitian pero wala naman siyang reaksyon. Nakatitig lang siya hanggang sa ito na rin ang unang umiwas. Wala man lang thank you or thanks? Tss. Sabay-sabay na rin kaming naglakad patungo sa gate para magsi-uwian. Akmang tutungo na kami ni Missy sa gate nang may humawak sa siko ko. Bahagya akong nagulat nang makita ko na si Jackson 'yon. "Sa akin ka sasabay," wika nito. "Ha?" nagtatakang sambit ko. Nagkatinginan kami ni Missy habang nakaawang nang malaki ang bibig nito. Nakita ko ang maraming tanong sa mga mata niya. "O-okay, guys. Maiwan ko na kayo," sabi nito sabay biglang tumalikod at naglakad palayo. "Missy!" tawag ko sa kaniya pero hindi siya huminto. "Bye, Bestie!" masayang paalam nito habang kumakaway. "See you tomorrow!" Hinila na ako nito patungo sa pinagparadahan niya ng motorsiklo niya. "Sandali saan mo 'ko dadalhin?" "Sa bahay niyo," balewalang sagot nito. "Sabay ulit kayo?" tanong ni David sakay ng kotse nitong nakaparada sa tabi ng motorsiklo ni Jackson. Hindi sumagot si Jackson pero ngumisi si David. "Nice." "Bye, Ally! Ingat kayo!" Kumaway sa 'kin si Kate bago sila tuluyang umalis. "Let's go." Bumaling ako sa kaniya na noon ay nakasakay na pala. "Saan?" "Ihahatid kita." "Bakit?" tanong ko ulit "Basta mula ngayon ihahatid na kita." Napatda ako sa narinig. "Ha? Bakit?" Marahas siyang nagbuga ng hininga at umikot ang mata bago muling tumingin sa 'kin. "Ilang bakit pa? Pinagtitripan mo ba 'ko?" "Hindi. Nagtatanong lang ako." "Stop asking. Sumunod ka na lang." Bakit hindi na lang sagutin? Nagtataka lang naman ako, eh! Inirapan ko siya bago ako sumakay sa likuran niya. May inabot siya sa aking backpack. "Isuot mo 'to." Nakangusong inabot ko naman 'yon at isinuot nga sa likod ko. "Marunong kang maglaba?" tanong nito pagdating namin sa tapat ng bahay namin. "Syempre!" sagot ko. "Labhan mo jersey ko ," tukoy niya sa bag na iaabot ko sana sa kaniya. Kumunot ang noo ko. "Marami kayong kasambahay 'di ba?" Marami na nga kaming nilalabhan dadagdagan niya pa. "Ikaw ang inuutusan ko," taas kilay na sagot nito. Parang pinapaalala ang kasunduan kaya hindi na ako umalma. "Sige po, Sir!" sarkastikong sagot ko. Tumango naman ang kumag bago pinaandar ang motor nito palayo. Bubuksan ko pa lang ang pinto sakto naman dumating na rin si Mama. "Sino 'yon?" tanong niya sa papalayong motorsiklo. "Si Jackson, Ma," pag-amin ko. Bahagyang itong nagulat. "Talaga, 'nak? Bakit hinatid ka? Nobyo mo na?" Ako naman ang nagulat. "Hindi po!" "Eh, bakit ka nga hinatid?" Bakit nga ba? Hindi ko din alam dahil hindi naman niya sinagot ang tanong ko kanina. Nagkibit balikat na lang ako. "Ewan ko din po. Baka sinabay lang ako. Pasok na po tayo. Ano ulam natin?" pag-iiba ko ng usapan. "Ito may dala akong isda. Sasabawan ko." "Sige po tulungan ko na kayo." Pagpasok sa loob binuksan ko ang bag at nilabas ang jersey shirt at shorts niya mula ro'n para sana ibabad ko muna sa sabon pero namilog ang mga mata ko nang makitang pati 'yong itim na pangloob ng lalaking 'yon nandoon! Mabilis ko tuloy itinago ulit ang mga iyon sa bag sa takot na baka makita ni Mama at kung ano pa ang isipin niya. Mabuti na lang nakatalikod ito habang abala sa kusina. Nakakainis! Bakit pati brief??? Walang hiya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD