Chapter 3. Meet Crystal

1887 Words
Mula noong nangyari sa volleyball ay hindi na ako tinigilan nina Missy at Ron asarin. Tawang-tawa sila sa kalokohang ginawa ni Jackson sa 'kin. Hindi pa sila titigil hangga't hindi ko sila tingnan nang masama. At hanggang ngayon ay nagpuputok ang butsi ko sa lalaking 'yon. Tandang-tanda ko kung gaano ako nakaramdam ng inis at pagkapahiya no'ng araw na 'yon. Pakiramdam ko nabastos ako. Nakatambay kami sa garden dahil pare-parehas kaming may vacant time na isang oras bago ang next class. "Sorry, Bessy. Nakakatawa naman kasi talaga. Napaka-pilyo ni Jackson," sabi ni Missy habang patuloy humahalakhak. "Pero infairness, Friend. Bagay kayo. Kahit sa akin si Daddy Jack, aaminin ko nakaramdam ako ng kilig sa inyong dalawa. May spark!" maarteng wika ni Ron habang pumipilantik ang mga daliri sa ere. Umiling-iling ako. "Spark spark ka diyan. Sana nga makuryente na lang siya!" Muling tumawa ang dalawa. Nahinto lang ang mga ito sa pagtawa nang may lumapit. "Hi, guys." Nag-angat ako ng tingin sa taong nagsalita. "Oh, Renz. Ikaw pala. Kumusta?" "Hi, Renz," bati rin ng dalawa. Si Renz ang dati kong kaklase no'ng high school. Dito rin siya nag-aral sa Maxville at sa pagkakatanda ako ay Dentistry ang course niya. Mabait ito kaya magaan ang loob ko sa kaniya. "Okay lang, Ikaw? "Okay lang din," nakangiting sagot ko. "That's good. Dumaan lang ako to say hi." "Ay, aalis ka na agad?" tanong ni Ron dito. "Oo, may klase pa kasi ako. See you around, guys," nakangiting paalam nito. Lumakad na ito palayo habang hawak ang strap ng backpack na nakasukbit sa isang balikat niya. "Alam niyo, pogi sana 'yan si Renz. Masyado lang good boy. Bad boy pa naman ang bet ko," ani Ron habang nakatingin kaming lahat sa papalayong si Renz. Yeah. I agree. Guwapo, mabait, at masipag mag-aral. Habang naglalakad kami pabalik sa building ay may nakita kaming kumpulan ng mga estudyante at mukhang may nangyayaring gulo. May ilan ding nagtitilian na babae at ang mga lalaki naman ay parang walang balak na umawat o makialam. "Oh my gosh... Is that Daddy Jackson?" hindi makapaniwalang wika ni Ron. Nang makalapit pa kami ay nakumpirma nga namin na si Jackson iyon at may kasuntukan ito. "Gago ka! Layuan mo ang girlfriend ko! Hindi lahat ng babae makukuha mo!" sigaw no'ng lalaki habang hawak nito si Jackson sa kwelyo. Nakita ko ang dugo sa gilid ng labi ni Jackson maging sa labi ng lalaking galit rito. "Girlfriend mo ang sabihan mo hindi ako! Siya ang lapit nang lapit sa akin!" sagot ni Jackson. Inalis nito ang kamay ng lalaki na nasa kwelyo niya at tinulak ito sabay ngisi. Nakuha pa talaga ngumisi ng mokong na 'to. Muli naman sumugod ang lalaki at inundayan muli ng suntok si Jackson. "Hayop ka!" Gumanti naman si Jackson at nagpambuno sila hanggang mapahiga 'yong lalaki at pumaibabaw dito si Jackson. Panay tili ang mga babae ganoon rin sina Missy at Ron habang ang ibang lalaki ay tila tuwang-tuwa pa sa nakikita. Wala ba talagang aawat sa kanila? Nahinto lang ang lahat nang makarinig kami ng pagpito mula sa parating na coach ng basketball. Hinila nito si Jackson palayo sa lalaki. "Mondragon! to my office now! And you Gonzon!" sigaw ng coach sa dalawa. Muli muna itong lumingon sa lalaking kasuntukan nito kanina at nakakalokong ngumisi bago napipilitang sumunod sa Coach niya. Tinulungan naman ng mga estudyante na tumayo ang lalaking naiwan na puro galos sa mukha. "Grabe, isa na namang lalaki ang galit kay Jackson dahil naagawan," sabi ng isang babae. "Mabuti nga sa kan'ya. Lahat na lang ng babae rito.sa campus gusto niya tikman, eh," sabi naman ng isang lalaki. Kinabukasan pagbaba ko ng jeep ay nagmamadali akong naglakad papasok sa gate ng school. Kinuha ko ang cellphone sa bag para i-check ang oras. Ang dami ko na naman inasikasong order at inquiries sa online shop namin kagabi kaya kulang ang tulog ko. Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang sunod-sunod na malalakas na busina ang narinig ko sa gilid ko. Muntik ko pang mabitawan ang cellphone sa sobrang pagkabigla. Nang lingunin ko ito ay isang asul na sportscar ang naroon. Bakas ang gulat sa mukha ko habang nakatingin sa sasakyan na bahagyang huminto sa tabi ko at unti-unting bumababa ang bintana. Biglang bumangon ang inis ko nang makita ang nakangising si Jackson at tila tuwang-tuwa pa ito sa ginawa. Ikaw lang pa lang bwisit ka! Ano bang trip nitong lalaking 'to!? Kulang na lang atakihin ako sa puso sa sobrang gulat. Sinamaan ko siya ng tingin at kung puwede ko lang sipain yung pinto ng kotse niya o batuhin 'tong lalaking 'to ginawa ko na. "Ano ba?! Ang lawak-lawak ng daan, oh!" mataray kong sabi rito. Tumatawa-tawa lang ito na parang nang-aasar pa bago muling sinara ang bintana at humarurot palayo. Ang yabang talaga! Napahawak na lang ako sa dibdib na hanggang ngayon hindi pa rin humuhupa sa pagkabog nang mabilis. Nakaka-inis! Katatapos lang ng 11 PM class namin ni Missy at iilan na lang kaming natira dito sa classroom. Hinihintay namin si Ron dumating bago kami magtungo sa canteen para kumain ng lunch. Maya maya dumating ito kasama ang isang kaklase nito. Si Fiona. "Hi, besties! Sumama si Fiona kasi absent 'yong boyfriend niya ngayon. Sa atin daw siya sasabay mag-lunch," ani Ron. Ngumiti ito sa amin. "Okay lang ba, girls?" "Oo naman!" sabay na sagot namin ni Missy. "Alright! Let's go sa cafeteria!" masiglang sabi nito. Napamaang ako sa narinig. Wala sa budget ko ang pagkain sa cafeteria. Namamahalan na nga ako sa canteen eh. Cafeteria pa kaya? Mayayaman na estudyante lang kumakain do'n. "Don't worry, my treat!" muling sabi ni Fiona. Marahil ay nakita niya ang pag-alinlangan sa mukha ko. "Talaga? Sure ka ba? Nakakahiya naman," ani ni Missy. Kahit may kaya sa buhay ang kaibigan kong ito pero sadyang kuripot. "Oo naman! It's not a big deal," nakangiting sagot ni Fiona. Hindi ko alam ang pipiliin sa menu. Pangatlong beses ko pa lang yata nakapasok dito kaya hindi ko pa kabisado. Noong una ay treat ni Ron. Sunod ay birthday treat ni Missy. Maliban sa mga hot and cold drinks ay puro pasta, sandwiches, at desserts lang ang nakikita ko. Chicken sandwich na lang ang inorder ko dahil hindi kamahalan ng presyo. Nagsimula na kami kumain habang masayang nagkukwentuhan pero natigil kami at napalingon sa taong pumasok sa cafeteria. Mukha itong artista sa lakas ng dating. Nakasuot ito ng spaghetti strap blouse at jeans. Maraming accessories sa katawan at alon-alon ang mahabang ash gray na buhok. Luminga-linga ito sa paligid marahil ay para humanap ng puwesto. Tumutunog ang takong nito habang palapit sa isang mesa sa gilid habang nakasunod dito ang dalawang pang estudyante. Siguro ay mga kaibigan nito. "Sino 'yon?" mahinang tanong ni Ron sa amin. Nagkibit-balikat kami ni Missy. "She's Crystal Bermudez. Transferee and I heard anak daw siya ng Dean," mahina ring bulong ni Fiona. "Ohh.." Napatango-tango kaming tatlo. Bumalik kami sa pagkukwentuhan habang inuubos ang pagkain nang makarinig kami ng pagtili. Nang lingunin namin iyon ay nakita namin na mula iyon sa table ng tinutukoy ni Fiona na si Crystal. "Oh my God! What did you do? You're so stupid!" malakas na sigaw nito sa staff. Mukhang hindi sinasadyang natapon sa table ng mga ito ang sinerve na frappe. Kita ang takot at pagkataranta ng babaeng staff habang pinupunasan nito ang table at walang tigil sa paghingi ng sorry. "Hindi ka kasi nag-iingat, eh! Ilang minuto akong naghintay tapos itatapon mo lang? Kung hindi ka ba naman boba!" "I'm so sorry, Ma'am. Papalitan ko na lang po." bakas ang takot sa boses nito at natatarantang pinunasan ang table. "Hindi na! Nawalan na ako ng gana! Tatanga-tanga ka kasi!" asik pa nito bago tumayo sukbit ang mamahaling bag sa braso nito palabas ng cafeteria. Shocked ang mukha ng mga tao habang nakatingin sa papalayong si Crystal. Hindi ko maiwasan makaramdam ng awa sa babaeng staff. Hindi naman kailangan sigawan at ipahiya ito ng gano'n. Sobra yata ang naging reaksyon nito sa natapong inumin. Napabuntong hininga ako. Maging sina Ron, Missy, Fiona. Lahat 'ata ng naroon sa cafeteria ay nagulat sa nasaksihan at hindi nakapagsalita agad. Ganoong eksena ang iniiwasan kong mangyari mula nang mag-aral ako sa Maxville. Alam kong hindi biro ang estado sa buhay ng mga estudyanteng nag-aaral dito at hindi malabong mangyari na may mga taong... hahamakin ako. "Masama pala ang ugali ng Crystal na 'yon, ano? Akala mo pagmamay-ari niya ang buong school kung umasta," sabi ni Missy habang nagkakalikot sa phone nito. Nakatambay kami sa isang classroom sa 3rd floor na walang nagkaklase s mga oras na iyon habang naghihintay ng susunod na subject. Nakasanayan na naming umupo malapit sa bintana kung saan tanaw ang buong garden at ang soccer field ng school. Masarap din ang simoy ng hangin na pumapasok sa nakabukas na malalaking bintana. "Siguro dahil alam niyang anak siya ng dean at walang maglalakas ng loob na lumaban," sagot ko habang nakapangalumbaba at nakatingin sa ibaba. Pinapanuod ko lang ang mga naglalaro ng volleyball at mga estudyanteng nakatambay sa garden. "Siguro nga. Mukha pa namang spoiled brat," pagsang-ayon nito. Maya maya ay naisipan kong magtungo sa restroom. Nagpaalam muna ako kay Missy at hindi na ito sumama dahil nawili ito sa pinapanood sa phone niya. Palapit na 'ko sa dulo nang makarinig ako ng tila daing ng isang babae kaya napahinto ako sa paglalakad. Kinakabahang luminga-linga ako sa paligid para alamin kung saan nanggagaling ang tunog na 'yon. Biglang kumabog ang dibdib ko sa takot. May mangilan-ngilan na rin kasing kwento ng kababalaghan akong narinig sa school na 'to. Nagpatuloy ako sa paglakad at tuluyan akong napako sa kinatatayuan nang makita ang dalawang taong sa isang classroom na... naghahalikan. Bahagyang nakaawang ang pinto at bukas ang ilaw kaya nakita ko ang mga ito sa loob. Nakaupo ang lalaki sa isang silya habang nakaupo naman ang babae paharap sa kandungan nito. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hindi rin ako nakakilos agad. Nasa magkabilang dibdib ng babae ang dalawang palad ng lalaki at marahas na pumipisil doon hanggang sa hinubad ng babae ang damit no'ng lalaki. Gusto ko nang umalis at batukan ang sarili ko pero hindi ko maigalaw ang mga paa ko. Tuluyan nang nanigas ang buong katawan ko nang makita ko ang mukha ng lalaking iyon at nanlaki ang mga mata ko nang mapatingin rin ito sa direksyon ko. Si Jackson... Tila parehas kaming nagulat nang magtama ang mga mata namin. Natigilan ito hanggang sa unti-unting nagsalubong ang mga kilay nito at nanatiling nakatingin sa akin. "Hey! What's wrong?" tanong dito ng babae. Akmang na iyong lilingon din kaya noon ko lang naaalala na may mga paa nga pala ako at mabilis na lumakad palayo. Halos tumakbo ako palayo sa classroom sa iyon. Hindi ako sigurado kung nakilala ako ng lalaking 'yon. Sana hindi. Nawala sa isip ko ang pakay na magtungo sa restroom at kumakabog ang dibdib na bumalik ako kung saan ko iniwan si Missy. "Anong nangyari, Bessy? Para kang nakakita ng multo?" agad tanong nito nang makaupo ako sa silyang katabi nito. Napalunok ako at hinihingal na bumaling dito. "N-nakita nga ako. D-dalawang multo." Nanlaki ang mga mata nito. "Ano? Saan? Ano itsura?" sunod-sunod na tanong nito. "Sa... sa bakanteng classroom. Ang chaka..." tulala pa ring sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD