Chapter 12. Luke's Bday

1685 Words
Nagre-review ako para sa quiz mamaya habang naglalakad ako patungo sa first period nang may tumawag sa pangalan ko. Nang lingunin ko ang pinanggalingan niyon ay nakita ko si Luke. Nakatambay ito kasama ang basketball team sa labas ng coffee shop ng school. Napatingin rin sa akin ang mga kasamahan nito maging si... Jackson na may katabing babae. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon. Hiyang-hiya pa rin ako dahil nakita niyang hawak ko ang condom lalo na 'yong abutan kami ni Clark sa ganoong puwesto. Iniwas ko na ang tingin sa kaniya nang tumayo si Luke. Sinuklian ko ito nang tipid na ngiti nang makalapit. "Good morning, Ally. Invite sana kita sa friday night, sa birthday celebration ko. Punta kayo nila Ron," wika nito. Sa magkakaibigan, mukhang siya ang pinakamabait at friendly. Sa obserbasyon ko siya rin ang pinakamakulit at masiyahin. Kaya naman mabilis ko siyang nakagaanan ng loob. "Ahh, hindi ako sigurado kung puwede ako sa araw na 'yon pero... titingnan ko." Gayunpaman pa man ay umiral pa rin ang pagiging ako, hindi agad umo-oo sa mga invitations. "Alright, pero sana makapunta ka," nakangiti sabi pa nito. "Hoy, Luke! tumatawag na syota mo!" Napalingon kaming parehas sa tumawag sa kaniya na si David. "Gago!" mura naman ni Luke rito na tinawanan ng mga kasama niya maliban kay Jackson na seryosong nakatingin sa hawak na cellphone. Nagpaalam na ako rito at sinimulang maglakad palayo. Pagtungtong ko sa landing ng hagdan bago makarating sa second floor ay may narinig akong bumulong sa mga kasabayan ko paakyat. "Ayan 'yong babaeng sinasabi ko sa'yo. 'Yong dikit nang dikit kay Jackson!" Hindi ko iyon pinansin at nagpatuloy ako sa pag-akyat. "Sigurado ka? Tingnan mo nga itsura niyan? Sa tingin mo papatulan 'yan ni Jackson ko? Ang layo sa tipo niya, 'no!" maarteng sagot ng isa pang babae. Hindi naman siguro ako ang pinag-uusapan dahil marami kaming kasabay sa pag-akyat sa hagdan. Binilisan ko na lang ang paglakad. "Oo, s'ya! Nakita namin kahapon sa practice nila na nando'n 'yang babae na 'yan kasama si Jackson!" muling bulong no'ng isa. "Hoy, babae!" Hindi ako lumingon pero muli kong narinig ang pagtawag nito na tila mas lumapit pa sa likuran ko. Nahinto ako sa paglalakad nang may humablot sa wrist ko. Nakita ko ang isang babae na hindi ko kilala at isa pang babae na kasama nito. Kapwa nakataas ang kilay nila at tila anumang oras ay matutunaw ako sa sama ng tingin nila. "B-bakit? Anong kailangan n'yo?" kunot noong tanong ko at marahang binabawi ang kamay pero mas hinigpitan nito ang kapit do'n. "Mukha ba akong may kailangan sa'yo? Ano namang mapapala ko, huh? Ikaw na babaeng ambisyosa, lumayo-layo ka kay Jackson kung ayaw mong burahin ko 'yang pagmumukha mo. He's mine. Only mine! Naiintindihan mo?" gigil na wika nito at ramdam ko ang pagbaon ng mahahaba nitong kuko sa palapulsuhan ko. Inasahan ko nang mangyayari 'to. Simple akong humugot ng hininga para ikalma ang sarili. "Hindi ko alam ang sinasabi mo." "Hoy, babae! Huwag ka nang magkaila. Marami kaming nakakita na kasama mo siyang lumabas sa likod ng court!" singit nang kasama nitong babae sa likuran niya. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang sasabihin, hindi ko rin kailangan magpaliwanag sa kanila. "Ilusyonada! Sa oras na makita kitang nilalandi mo si Jackson, ihanda mo ang sarili mo sa gagawin ko!" galit na wika ng babaeng may hawak sa akin at pabalibag na binitawan ang kamay ko. Inirapan ako ng isa bago sumunod sa kasama. Agad kong hinimas ang wrist ko habang pinapanuod ang mga itong lumakad paakyat. Nakita ko ring halos nabalatan ang parte kung saan bumaon ang mahahaba at matatalim na kuko nito. Medyo mahapdi iyon. May ilang estudyante ang nanunuod lang sa amin at tila walang pakialam na dinaanan lang kami. Hindi ko masisisi kung magalit sa akin ang mga babae rito sa campus. Pero wala akong magagawa, para sa akin trabaho lang ang lahat. Hindi ko na pinagkaabalahang gamutin ang ilang sugat sa wrist ko dahil maliliit lang naman iyon. Pagsapit ng uwian ay muli akong pinapunta ni Jackson sa practice nila. At syempre muli rin sumama sina Missy at Ron. "Rona, punta kayong tatlo sa birthday ko, ah? I-text ko na lang 'yong details," muling paalala ni Luke. "Oo naman! Go kami d'yan!" malawak ang ngiting sagot ni Ron. "Pilitin niyo 'yan si Ally!" ani Luke at inginuso ang direksyon ko. "Sasama 'yan! Akong bahala!" Napalingon ako sa katabing si Ron. Hindi pa ako pumapayag pero nginisihan niya lang ako. Nag-start na ang practice at katulad no'ng una ay ginawa ko na naman ang trabaho ko. "Ally, puwede ako din, please?" hinihingal na pakiusap ni Luke nang abutin ko ang walang laman na tumbler ni Jackson. Tipid akong ngumiti at akmang kukuhanin din 'yon para isabay pero nilayo ni Jackson ang kamay nito. "No, kumuha ka ng sa'yo," wika nito. Napabusangot si Luke, "Ang damot mo, Bro!" Tumayo ito at nauna nang magpunta sa loob. "Anong nangyari d'yan?" Kinuha nito ang kamay ko at tiningnan ang maliliit na sugat na natuyuan ng dugo sa wrist ko. Agad kong binawi iyon para itago. Ayoko na sanang may makaalam pa niyon dahil hindi naman big deal sa akin iyon at isa pa... Hindi ako naging komportable sa paghawak nito sa 'kin. Salubong ang kilay nito habang nakatingin sa akin. "W-wala. N-nakalmot lang ng pusa," pagsisinungaling ko. Tinalikuran ko na ito agad para hindi na magtanong ulit. Maliit lang naman iyon. Naging puspusan ang pagpapractice nila dahil nagsimula na rin ang annual competition ng iba't-ibang Universities. Kaya naman araw-araw na rin kaming present sa practice nila. Malaki ang pasalamat ko sa dalawa kong kaibigan dahil sinasamahan nila ako kahit na ang kalahating dahilan niyon ay gusto din nilang mapanuod ang mga ito. Iyon nga lang ay hindi maiiwasang asarin nila ako kay Jackson at ipagtulakan ako sa tuwing tatawagin ako nito. Mas napapalapit na rin sila sa buong team dahil kapag may libreng oras before at after ng practice ay nakikipagkwentuhan pa ang dalawa. Maging ang girlfriend ni David na laging naroon. Mabait ito at isa ring madaldal kaya agad namin nakapalagyan ng loob. "Ally, may isusuot ka na ba?" Nahinto ako sa pagsubo nang tanungin ako ni Missy. Friday na nga pala. Hindi ako nag-abalang maghanap ng maisusuot dahil hindi ko pa rin napagdedesisyonan kung sasama ako lalo na nang malaman kong sa isang bar gaganapin ang birthday ni Luke. "Kung wala, pahihiramin kita. Ako nang bahala do'n," muling wika ni Missy. "Ah, kasi hindi pa 'ko-" "Huwag mo na sabihing hindi ka puwede dahil ipagpapaalam kita kay Tita basta makasama ka lang," putol ni Ron sa sasabihin ko. Mukhang wala ako mailulusot. Pagsapit ng 8 PM ay tinotoo nga nila ang sinabi dahil nandito sila sa bahay para sunduin ako. "Don't worry, Tita. Ihahatid ko rin po si Ally mamaya. Ako pong bahala sa kaniya," pangungumbinse ni Ron kay Mama. "O, siya! May tiwala naman ako sa inyo. Anak, magbihis ka na!" "Thank you, Tita! You're so cool talaga!" pambobola pa nila. Napanguso ako at walang nagawa nang simulan akong hatakin ng dalawa sa kwarto ko. Napamaang na lang ako nang ilabas ni Missy mula sa paper bag na dala niya ang isang dress at sandals. Isang itim na spaghetti strap dress na hapit sa katawan ang ipinasuot niya sa akin. Napangiwi ako nang makita ko ang sarili sa salamin. Hindi ako sanay magsuot ng sleeveless sa labas lalo na ang makitaan ng kahit kaunting cleavage. "Ang sexy mo, Bestie!" masayang puri ni Missy. "Iba na lang kaya? Masyado yatang revealing 'to," nag-aalangan kong sabi. "Ano ka ba? Simple pa nga 'yan. Mas grabe pa d'yan ang makikita mo do'n." Bigla tuloy akong nagsisi na hindi ko man lang pinagkaabalahan na maghanap. Baka hindi sana ganito ka-expose at ka-bakat ang katawan ko. Sinimulan niya na rin akong lagyan ng kaunting make-up. Nagustuhan ko naman ang kinalabasan dahil sinunod niya ang sinabi kong light make-up lang except sa pulang lipstick. Hinayaan ko na lang ang itim na itim at bagsak kong buhok na hanggang dibdib at sinuot ang itim rin na sandals na hindi kataasan. Nag-spray ako ng sarili kong pabango bago kami lumabas ng kwarto. "Wow, pak! Ang ganda mo, friend!" manghang wika ni Ron nang makita ako. "Napakaganda mo, Anak. Manang-mana ka sa 'kin," nakangiting sabi naman ni Mama. Napangiti ako habang tumawa naman ang dalawa. "Of course, Tita!" Nagpaalam na rin kami agad kay Mama at binilinan ko siyang mag-lock ng pinto. Pagbaba pa lang namin ng kotse ni Ron ay sinalubong na ako ng malamig na hangin sa labas. Maraming sasakyan ang naka-park at marami ring nasa labas na marahil ay galing sa loob ng bar at nagpapahangin. Pumasok kami sa loob at agad kaming sinalubong ng sari-saring amoy. Mga mamahaling pabango, amoy ng alak, at amoy ng usok ng sigarilyo. Hindi ko alam kung anong una kong tatakpan, ang ilong ko o ang tainga dahil sa sobrang lakas ng music. Malaki ang bar na 'yon at may mga tao ring nagkakasiyahan sa second floor. Malawak rin ang dance floor sa gitna at halos siksikan na rin ang mga tao. "Guys! Here!" Napalingon kami sa sumigaw sa kabila ng malakas na music. Nakita namin ang kumakaway na si Luke. Sumiksik kami sa mga taong para makadaan hanggang sa marating namin ang VIP area sa dulo. "Thanks for coming, guys! Mabuti naman nagpunta kayo," nakatingin wika nito nang salubungin niya kami. "Of course! Ikaw pa ba? Happy Birthday!" bati ni Ron dito. Binati rin namin siya ni Missy at tumingin siya sa 'kin. "Wow! You look great, Ally!" manghang puri nito. Nakangiwi ko siyang nginitian, "Salamat..." Iginiya niya kami sa mga kasama niya. Naroon lahat ng member ng basketball team na nakaupo sa C-shaped sofa. Nakipagbatian sina Missy at Ron sa kanila habang ako ay simpleng ngumingiti lang sa kanila. Maging ang coach nila ay naroon din kaya binati rin namin ito. Nakaramdam ako lalo ng pagkailang sa suot ko nang magtama ang mata namin ni Jackson at hagudin niya ng tingin ang kabuuan ko at umangat ang isang sulok ng labi nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD