Chapter 13. Save

1945 Words
Ingat na ingat ako sa paggalaw dahil konting maling galaw ko lang ay baka masilipan ako. Parang gusto ko na tuloy hilahin ang oras para matapos na agad ang gabing 'yon. Nasa dulo ako ng sofa at nasa kaliwa ko si Missy habang si Ron naman ang nasa kaliwa nito. Kahit paano ay hindi ako nakakaramdam na out of place ako dahil madalas akong isali ng dalawa sa mga usapan nila ng mga kasama namin sa table. Paunti-unti ko lang iniinom ang cocktail na in-order ni Luke para sa 'min ni Missy. Pinipilit kong iwasan na mapadako ang tingin kay Jackson pero hindi ko naman magawa dahil nasa tapat ko lang ito. Iniiwasan ko dahil ako ang naiilang sa sobrang dikit nila ng katabi nitong babae. Mabilis kong iniwas muli ang tingin nang maghalikan ang mga ito. Pakiramdam ko ang hirap huminga sa mga oras na 'yon. Siguro dahil sa kulob ang loob ng bar. Nabaling naman ang tingin ko sa iba pero ganoon din ang nasaksihan ko kay George at sa nakakandong na babae rito. Tinuon ko na lang ang atensyon sa basong nasa harapan ko. Parang nanunuyot ang lalamunan ko kaya halos ginawa ko nang tubig iyon. Akala ko noong una walang epekto, pero nang makaubos ako ng tatlo ay bigla kong naramdaman ang init na nagmumula sa loob ng katawan ko. "Guys, let's dance naman!" sabi ni Ron. "Sige, susunod kami," ani David na katabi ang girlfriend nito. Wala na akong nagawa nang hilahin ako ni Ron patungo sa dance floor habang si Missy naman ay hinila si Clark. Agad silang umindak nang magawa naming sumingit sa makapal na taong nagsasayawan. Nakita kong nag-eenjoy sila at marahil dahil sa epekto ng alak ay nawala na rin ang hiya at anumang pag-aalinlangan sa isip ko. Sinimulan kong igalaw ang katawan nang may ngiti sa mga labi habang sumasayaw sa nakaka-indak na tugtog ng kantang Clarity. Sumasabay rin sa pagkanta ang lahat pagdating sa chorus kaya mas maingay ang crowd pero aaminin kong masaya at na-enjoy ko ang moment na 'yon. Hindi ko na namalayan na napalayo na ako kay Ron pero nakita kong may kausap na ito at sina Missy at Clark naman masayang nagsasayaw sa 'di kalayuan. Napalingon ako nang may magsalita sa tainga ko. "Hi," nakangiting bati ng lalaki sa likod ko. Bahagya akong nagulat pero binigyan ko ito ng tipid na ngiti. "I'm Bryan. You are?" "A-Ally." Naiilang man pero tinanggap ko ang kamay nitong nakalahad. "What a beautiful name, just like you. Want some drink?" "N-no, I'm fine," agad tanggi ko at umiling . "Wait for me," anito at umalis. Hinayaan ko na lang ito at hinanap ng mga mata ko ang mga kaibigan ko pero mas lalo pang dumami ang tao sa dance floor at mas naging wild. Masyado rin matatangkad ang mga lalaki kaya hindi ko sila makita. Halos masubsob ako sa taong nasa harapan ko habang nakatingkayad at tinatanaw sila nang may bumunggo sa likod ko. Mabuti na lang at may agad ring humawak sa braso ko para alalayan ako. Nakita ko muli ang lalaking kausap ko kanina. "Are you okay?" tanong nito. "Y-Yeah, thanks." "Here," Inabot nito sa akin ang isang baso na may lamang alak. Nag-aalangan man ay tinanggap ko iyon dahil siguradong binili niya pa iyon para ibigay sa 'kin. Sayang naman kung hindi ko tatanggapin. Binigyan ko ito ng tipid na ngiti, "Thank you." Medyo mainit dahil nasa gitna kami ng maraming tao at nakakaramdam ako ng pagkauhaw kaya walang alinlangang ininom ko iyon. Gumuhit ang pait sa lalamunan ko nang tikman ko 'yon. Ngumiti ito ng malawak. "Did you like it?" Marahan akong tumango kahit hindi ko gusto 'yon. Hindi ko alam kung bakit nahihiya akong talikuran o iwan siya. Siguro ay dahil mukha naman itong mabait at matinong tao. Malinis at mukhang hindi basta-basta ang mga suot na damit. Nagtanong-tanong pa siya tungkol sa akin habang gumagalaw ang katawan namin kasabay ng musika. Hindi ko na namalayan na halos maubos ko ang laman n'yon. Mas lalong uminit ang pakiramdam ko at unti-unti na akong nahihilo kaya napakapit ako sa balikat ng lalaking kaharap ko. "Hey, are you okay?" tanong nito at ipinulupot ang mga braso sa baywang ko para alalayan ako. Jackson Mondragon POV "Ahhh... you're f*****g huge!" Hindi napigilang ungol ng babaeng nakilala ko lang kanina. Kaklase daw ito ni Luke no'ng Highschool. "You asked for it, enjoy it," hinihingal kong sabi. Marahas at mabilis akong umuulos sa likod nito. Mahigpit kong hawak ang buhok nito habang ang kabilang kamay ay nasa baywang nito. Kanina niya pa ako inaakit kaya nang hindi na 'ko makatiis ay hinila ko siya dito sa men's room. I don't care kung may makarinig sa kan'ya. Iyon naman ang gusto ko, ang marinig kung paanong nasasarapan habang nasasaktan ang mga babae sa ginagawa ko. Hindi ko alam pero biglang nag-flash sa isip ko ang maamong mukha ni Ally. Nagtangis ang bagang ko nang maalala ang itsura nito. Damn. Iwinaksi ko ang iniisip at muling tinuon ng atensyon sa ginagawa. Nang matapos ako ay hinugot ko na ang kahabaan ko at tinapon ang condom sa trashcan na naroon. "What the hell?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "What?" Maang-maangan kong tanong. "Hindi pa 'ko tapos!" inis na sabi nito. "I have to go. Babawi na lang ako next time." Inayos ko ang pantalon at lumabas ng cubicle. "Damn you, Jackson!" sigaw pa nito bago ako tuluyang nakalabas ng restroom na 'yon. Agad hinanap ng mata ko ang babaeng 'yon. Wala pa rin ito sa puwesto nila kanina maging ang mga kaibigan nito. "Nasaan na si Pia?" tanong ni Luke. Tinuro ko ang direksyon ng pinanggalingan kong men's room at nakita kong napamaang ito. "I knew it," anito at umiling-uling, "You're a beast, Bro." Iniwan ko na ito tinungo ang dance floor para hanapin ang mga ito. Hindi ko alam kung bakit, I just felt the need to find her. Masyadong maraming tao at siksikan kaya kinailangan ko ring sumiksik para makita ang mga nasa gitna. Inisa-isa kong tingnan ang mukha ng bawat taong madaanan ko. Una kong nakita si Clark haggang sa makita ko ang hinahanap. Nakahawak ito sa balikat ng isang lalaking nakapulupot naman ang braso sa baywang niya. Tumalim ang mga mata ko habang papalapit sa mga ito. Walang sabi-sabi na hinatak ko siya sa braso palayo sa lalaking 'yon pero nasubsob ito sa dibdib ko. Agad ko siyang inalalayan. "Hey, who are you?" mangas na tanong ng lalaki sa 'kin peto hindi ko ito binigyang pansin. Kumunot ang noo ko at tiningnan ang mukha ni Ally. Namumungay ang mga mata nito at tila inaantok. Damn, bakit siya nagpakalasing? Nag-igting ang panga ko at matalim na tiningnan ang lalaki. "Anong ginawa mo sa kan'ya?" "I didn't do anything," mabilis nitong sagot. Nagdidilim ang paningin ko kaya hindi na ako nag-isip pa at agad kong pinatamaan ng suntok ang pisngi nito habang hawak ko sa baywang ang babae. Natumba ang gago sa sahig kaya nabaling ang atensyon ng mga naroon sa amin lalo na nang napatili ang ilang babae. Tumayo ito at akmang susugod pero may mga pumigil na rito at agad dumating ang mga bouncer. Nagpupumiglas pa ito at nagmumura pero sinabihan ko silang ilabas na ito. "Hey," tawag ko sa babaeng hawak pero ungol lang ang sinagot nito. "Bro, anong nangyari?" tanong ni Clark na biglang sumulpot. "Ally? Anong nangyari sa kan'ya?" nag-aalalang tanong ng kaibigan nito. Hindi ko ito sinagot at lumakad na 'ko palabas ng bar ng 'yon. "Wait! Saan mo siya dadalhin?" tanong nito at narinig kong tinawag si Ron. Binuksan ni Clark ang pinto at pinasok ko ito sa loob ng kotse ko. Isa lang ang nasa isip ko nang mga oras na 'yon, ang iuwi ito ng ligtas. Mananagot ang lalaking 'yon kapag may nangyaring masama rito. Nakita kong lumabas ang mga kaibigan nito kasama ang mga kaibigan ko. "What happened to Ally?" tanong ni Ron nang makalapit. Hindi ko napigilang bigyan ito ng matalim na tingin pati na rin ang isa pang kaibigan niya na si Missy. "Kaibigan niyo s'ya, hindi ba? Hindi niyo dapat s'ya iniiwan," malamig na sabi ko. Nakita kong napalunok ang dalawa. "K-kasama naman namin siya. Nalibang lang ako. A-ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong ni Ron. "I think that asshole put something in her drink," nag-iigting pa rin ang mga panga ko. Napasinghap sila. Guilt was written all over their faces. "Damn, where is he?" tanong ni Luke. "I don't know. Ask the security. Ako na maghahatid sa kan'ya," sabi ko at tinungo na ang driver side. "S-sasama kami," sabi ni Ron at ng babaeng kaibigan nito. "Sunod kami, Bro," sabi naman nina Clark at George. "Ako nang bahala sa manyakis na 'yon," muling sabi ni Luke. Nagpaiwan naman sina David at girlfriend nito kasama si Luke dahil may mga bisita pa ito sa loob. Hindi ko alam kung saan siya umuuwi kaya pinauwi ko na ang kotse ni Ron. Ilang minuto rin kaming nagbyahe nang pumasok kami sa isang street. Pasado alas dose na pero may mga nag-iinuman at nakatambay pa sa kalye. Huminto ako nang huminto rin ang kotse ni Ron sa tapat ng isang simple at maliit na bahay na sasakto lang sa dalawang tao. Gawa iyon sa pinaghalong kahoy at semento na may pinturang kulay krema. Bumaba sila kaya bumaba na rin ako. Huminto rin ang kotse ni Clark sa likuran ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Karamihan ay simple at maliliit rin ang mga bahay. Iilan lang ang nakita kong malaki at two storey house. "Tita? Tita Alma?" tawag ni Ron sa kung sino habang kumakatok sa pinto ng bahay. Makailang ulit pa itong kumatok bago may nagbukas ng pinto. Lumabas ang isang babaeng sa tingin ko ay nasa late 40's. "Oh Ron, Missy, nasaan na ang anak ko?" malumanay nitong tanong. Mukhang naistorbo ang tulog nito dahil namumungay pa ang mga mata nito. Tinanggal ko ang seatbelt na isinuot ko kanina rito at sinimulan itong buhatin. Ramdam ko ang lambot ng katawan nito sa mga bisig ko. "Anong nangyari? Bakit naman lasing na lasing ang batang 'yan?" nag-aalang tanong ng ginang. Tanging ungol lang ang narinig ko mula rito at isiniksik lalo ang mukha sa dibdib ko habang maingat akong naglalakad papasok ng bahay na 'yon. Hindi ko alam kung bakit may kakaiba akong nararamdaman sa simpleng pagkakadikit ng katawan namin. "Doon na lang, Hijo." Itinuro nito ang isang kwarto at binuksan nito ang pinto. Maingat ko itong inilapag sa pang-isahang kama pero halos masubsob ako rito nang hilahin niya ang long sleeve na suot ko. Mabilis kong naitungkod ang kamay sa kama pero nalanghap ko pa rin ang matamis na pabango nito. Muli itong umungol. "Girl, bitaw na, pauwiin mo na si Jackson," biro ni Ron. Noon lang ako nakakilos at marahang inalis ang kamay nitong nakakapit sa damit ko. "Pasensya na, Hijo. Ano nga palang pangalan mo? Kaibigan ka ba ng anak ko?" tanong ng ginang nang makalabas kami sa maliit nilang sala. Hindi ko nakasagot agad sa pag-iisip ng tamang sagot sa tanong nito. Kaibigan? I don't think so. "Ah, Tita, Siya po si Jackson. K-kaibigan namin sa school," Si Missy ang sumagot. "Ahh, ganoon ba. Ano bang nangyari? Ngayon lang nalasing 'yang anak ko, ah?" Nagkatinginan muna ang dalawa. "W-Wala po Tita, masyado lang nag-enjoy si Ally sa party. Akala niya juice lang," ani Ron at alanganing tumawa. "Naku, ang batang 'yan. Alam namang hindi sanay uminom. O siya, mabuti pa umuwi na kayo baka hinahanap na rin kayo sa inyo. Ako nang bahala sa kan'ya." Tinitigan ko pa ang mukha nito na payapang natutulog bago ako lumakad palabas ng silid na iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD