Nagpupuyos pa rin sa inis ang dibdib ko hanggang sa makarating sa classroom. Hindi ko na pinansin ang mga kakaibang tingin ng ilang babaeng nakakasalubong ko sa hallway. Mabuti na lang rin at wala pa ang Prof namin.
"Bessy, kumusta? Ayos ka na ba?" agad tanong ni Missy nang makaupo ako sa tabi nito.
Tumango lang ako at nilabas na ang notebook mula sa bag ko.
"Oh, bakit ang sama yata ng gising mo, Friend?" natatawang tanong Ron.
Hindi ko napigilang umirap sa ere. "Wala. Bwisit na naman kasi 'yong Jackson na 'yon."
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ng dalawa na halatang interesado at nilapit pa lalo ang mga upuan nila sa akin.
"Sabihan ba naman akong stupid dahil sa nangyari. Napakayabang talaga," salubong ang kilay na sagot ko.
"Hmm... 'di ba may kasabihan na the more you hate, the more you love? Baka naman iba na 'yan, ah?" pang-aasar ni Ron.
Hindi nakapaniwalang binalingan ko ito.
"Oops, easy ka lang," natatawang sabi nito. "Pero seriously, baka naman concerned lang 'yong tao?"
"Oo nga, natakot nga ako kay Jackson kagabi, eh. Parang lalamunin kami ng buhay dahil sa nangyari sa'yo," pagsang-ayon naman ni Missy.
Hindi ako nakasagot. Normal naman 'ata sa lalaking 'yon mangain ng buhay, eh.
"Sorry talaga, Ally. Masyado akong nag-enjoy kasama si Clark. Alam mo na... ultimate crush ko 'yon. Akala ko naman kasi kasama mo 'tong si Ron, eh." sisi ni Missy rito at tinuro pa gamit ang hintuturo.
Nagturuan at nagsisihan ang dalawa kaya sinaway ko na sila.
"Ayos lang ako, ano ba kayo. Hindi niyo naman ako responsilbidad, okay? Hindi ako bata para bantayan."
They assure me na hindi na iyon mauulit. Wala na rin talaga akong balak na pumasok sa ganoong lugar. Natigil lang kami sa pag-uusap nang dumating ang Professor namin.
Pagsapit ng lunch time ay lumabas na kami ng room ni Missy para magpunta sa canteen at hintayin doon si Ron.
Habang naglalakad sa mahabang hallway patungo sa hagdan ay napatid ako. Dahil sa hindi inaasahan ay halos masubsob ang mukha ko sa sahig. Mabuti na lamang at maagap kong naitukod ang dalawang kamay ko.
Awtomatiko akong lumingon sa kanan ko dahil naramdaman kong napatid ako sa kung anong bagay. Bumaba ang tingin ko sa paa ng dalawang babaeng nakatayo roon. Alam kong doon ako napatid dahil wala naman ibang bagay na naroon.
Agad akong tinulungan ni Missy makatayo. "Anong nangyari?" tanong niya.
Hindi ako sumagot at hinarap ang dalawang babae. Tumaas ang kilay nila pareho habang taas noong nakatingin sa akin.
"Yes?" mataray na tanong ng mas matangkad sa akin at pinagkrus ang mga braso sa dibdib.
"Bakit mo 'ko pinatid?" seryosong tanong ko.
Tumaas ang isang sulok ng labi nito at pinasadahan ng tingin ang kabuuan ko. "Excuse me? Huwag kang naninisi ng katangahan mo --"
"Hoy, babae! Huwag mong pinagsasalitaan ng gan'yan ang kaibigan ko, ah! Baka makatikim ka," agad singit ni Missy at lumapit rin sa babaeng matangkad. Tila handang makipag-away anumang oras.
Hinawakan ko ito sa kamay para pakalmahin at pigilan. Ayokong masangkot na naman kami sa away katulad ng nangyari sa house party na dinaluhan namin.
"My gosh, ang cheap!" maarteng wika ng babae at umikot ang eyeballs
"Ikaw ang cheap! Ang pangit mo pa!" malakas na sagot ni Missy.
Nahihiya na ako dahil pinagtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante kaya hinila ko na ito para makalayo. Palalampasin ko na lang siguro ang pagpatid no'n sa akin. Mas mahirap na kung si Missy ang makikipag-away. Alam kong hindi ito titigil.
"Ano ka ba, Ally. Dapat makaganti tayo sa pagpatid niya sa'yo. Hindi puwedeng gano'n na lang 'yon," protesta pa nito habang hinihila ko siya patungo sa canteen.
"Hayaan mo na. Hindi naman ako sigurado," pagsisinungaling ko.
Pagdating sa canteen ay nagkwento na agad ito kay Ron tungkol sa nangyari. Napapailing na lang ako sa kung paanong magkasundo ang dalawa sa pagplanong komprontahin ang babaeng pumatid sa 'kin kanina. Nababahala ako na ikapahamak pa nila kaya sinasaway ko rin sila.
"Hay nako, Girl. Kung palagi kang mabait aapihin ka talaga," sumusukong wika ni Ron.
"Oo nga, Bessy. Sa susunod talaga hihilain ko na ang buhok niyon agad."
"Hayaan niyo na. Hindi naman na siguro mauulit 'yon."
Ayoko nang lumaki pa ang bagay na iyon at makarating pa sa Dean. Kailangan kong mag-ingat sa bawat kilos ko dahil kung hindi, baka tuluyan na akong paalisin dito sa Maxville.
Katulad ng inaasahan ko, nakatanggap na naman ako ng text mula kay Jackson nang sumapit ang vacant time ko sa araw na 'yon. Naiinis pa rin ako sa kan'ya dahil sa naging pag-uusap namin kaninang umaga pero wala akong nagawa dahil halos tadtadin ako nito ng text at missed calls.
Napipiliitan akong nagpaalam kay Missy na pupuntahan ko lang ang bwisit na lalaking 'yon.
Walang ganang tinungo ko ang sinabi nitong room sa kabilang building. Nang makarating sa tapat ng pinto ay akma ko iyong bubuksan pero nakarinig ako ng boses ng babae.
"You took my virginity at hindi puwedeng gano'n na lang'yon, Jackson. Hindi mo 'ko puwedeng iwasan na lang bigla pagtapos kong ibigay ang lahat-lahat sa'yo!" umiiyak na sambit ng babae.
Binitawan ko ang doorknob at ibinaba ang kamay ko na nahinto sa pagpihit niyon.
"What the f**k? You asked for it. You begged, right? Pinagbigyan lang kita. Wala akong obligasyon sa'yo." Bakas sa boses nito ang pagkairita.
Kusang kumunot ang noo ko. Kahit hindi ko kilala ang babaeng kausap nito sa loob ay nakaramdam ako ng awa lalo na nang marinig kong nagsimula itong umiyak.
"I- I love you, Jackson. M-Matagal na kitang gusto. A-akala ko kapag binigay ko ang sarili ko sa'yo mapapansin mo na 'ko. A-akala ko magugustuhan mo 'ko..."
"Oh, come on. Akala ko ba alam mo ang rules ko? That's not my problem anymore."
"Jackson, please..." umiiyak pa rin na pagmamakaawa ng babae. "Just give me a chance... Jackson!" tawag nito.
Nakarinig ako ng mga yabag papalapit sa pinto kaya agad akong tumalikod at humakbang palayo pero nahinto rin ako nang bumakas iyon at magsalita ito.
"Babe! Nandito ka na pala!"
Hindi ko agad nagawang gumalaw o lumingon man lang. Napaigtad na lang ako nang maramdaman ko ang pagdantay ng braso nito sa balikat ko.
Dahan-dahan akong lumingon sa kamay nitong nakahawak sa kaliwang balikat ko bago ako bumaling sa kaniya habang salubong ang kilay ko.
Kumindat ito sa 'kin at akma akong hihilain pero narinig namin ang babae na nagsalita sa likuran namin.
"S-Sino siya?"
Sabay kaming lumingon dito at hilam pa rin sa luha ang mukha nito. Kumalat na rin ang eyeliner niya..
Napalunok ako. Kaawa-awang babae. Nagkamali ng piniling lalaki na pagtutuunan ng atensyon at oras. Hindi ako sumagot dahil alam kong hindi naman ako ang tinatanong kaya bumaling ako sa lalaking nakaakbay pa rin sa akin.
"Girlfriend ko," kaswal na sagot nito.
Literal na nalaglag ang panga ko at namilog ang mata ko sa sinabi nito. Bakas sa mukha nito ang gulat at nagpalit-lipat ang tingin nito sa aming dalawa.
Gusto kong tumutol at bawiin ang sinabi ng lalaking katabi ko pero hindi ko pa nabubuka ang bibig ko nang mabilis na lumapit ang babae at malakas na pinagpapalo sa dibdib si Jackson.
"Walanghiya ka! Manloloko! I hate you!" sigaw ng babae habang patuloy sa paghampas rito habang umiiyak.
Inalis niya ang nakapatong na kamay sa balikat ko at pinigilan ang babae sa pagwawala hanggang sa mahigpit niyang mahuli ang dalawang kamay nito.
Pilit naman binabawi ng babae ang kamay pero mas hinigpitan ni Jackson ang pagkakahawak dito.
"Stop it!" mariing utos nito. Bakas sa mukha ang pagka-irita. "Hindi kita niloko dahil wala tayong relasyon! Ikaw ang humiling na ibigay sa 'kin 'yang katawan mo, at hanggang doon lang 'yon."
Mukhang hindi lang ako ang hindi makapaniwala sa narinig dahil kitang-kita ko kung paano natigilan at nanginig ang mga labi ng babaeng nasa harapan namin.
Maya maya ay marahas nitong binawi ang braso mula kay Jackson.
"P-pagbabayaran mo 'to!" matigas na sambit nito.
Nakaramdam ako ng kaba nang bumaling ito sa akin nang may matalim na tingin. Binunggo niya ako sa balikat at mabilis na humakbang ang mga paa nito palayo.
Bumaling ako sa lalaking nasa tabi at matalim itong tiningnan.
Jackson Mondragon POV
Hindi pa man nawawala ang sakit sa dibdib ko dahil sa pagpalo ng babaeng 'yon ay may humampas ulit nang malakas doon kaya napadaing ako. Nasalubong ko ang brown nitong mga mata pero hindi maamo ang mga iyon ngayon. Matalim itong nakatingin sa akin.
"Bakit mo sinabi iyon?" inis na tanong nito.
Kunwaring kumunot ang noo ko kahit alam ko na ang tinutukoy nito. "Alin do'n?"
Umirap ito sa hangin bago muling tumingin sa 'kin. "Hindi ako nakikipagbiruan. Bawiin mo 'yong sinabi mo!"
Hindi ako nakasagot agad dahil wala sa sinasabi niya ang atensyon ko, kun'di sa mukha niya. Kung paanong magsalubong at gumalaw ang perpektong hugis ng mga kilay niya at kung paanong bumuka ang bibig niya.
"Siguro kaya mo ako pinapunta rito para ipain para makatakas ka sa babaeng iyon, ano? Walanghiya ka. Bawiin mo 'yon! Ayokong ganoon ang isipin niya at baka.. baka mamaya ipagsabi pa niya ang sinabi mo!" muling wika niya.
Mukhang nag-aalala talaga ito sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako. Iyon lang ang naisip kong paraan para tigilan na ako ng babaeng 'yon.
Hindi na ako nadala. Hindi na naman ako nag-ingat at namili nang husto ng babaeng ika-kama. Kaya heto, may babae na namang hindi makatanggap ng sitwasyon. Sumasakit ang ulo ko.
"Hayaan mo sila," tanging sagot ko. Ang importante ngayon wala nang hahabol-habol sa 'kin maghapon at mangungulit. Napahilot ako sa sentido.
Damn, kung alam ko lang na ma-o-obsessed ang babaeng 'yon sana hindi ko na pinatulan. Hindi naman talaga ako nag-eenjoy. Sagabal lang sa sarap ang mga virgin.
"Ano? Masakit ba sa ulo ang pagiging babaero? Paano mo nasisikmurang manakit ng damdamin ng mga babae? Wala ka bang puso?" tanong nito. May himig pangungutya sa tono.
"Tss... sila ang lumalapit sa 'kin. Iyon ang gusto nila. Hindi ko na kontrolado ang isip nila." Hindi ko alam bakit pa 'ko nagpapaliwanag sa kaniya.
Muli sana itong sasagot pero may tumawag sa pangalan nito. Sabay kaming napalingon sa pinanggalingan niyon at kusang gumalaw ang panga ko nang makita ang taong iyon.
"Renz..." sambit niya sa pangalan ng lalaki.
"Kanina pa kita hinahanap. Mabuti sinabi ni Missy na nandito ka," He said pero ang mga mata nito ay nasa akin.
Lumapit ito sa kinatatayuan namin at may kinuha mula sa bag nito na isang garapon.
"Ibibigay ko lang itong cheese pimiento na ginawa ni Mommy. Nagustuhan mo ito noong nagpunta ka sa bahay, right?"
Pakiramdam ko madudurog na ang mga ngipin ko sa sobrang pagdiin ko. Panaka-naka pa rin itong sumusulyap sa 'kin na tila nagtataka kung bakit kami magkasama.
"Salamat, Renz. Pakisabi na rin kay Tita salamat dito. Kumusta na siya?" nakangiting sagot naman ng babaeng ito.
"She's fine. Birthday niya na next week at pinapasabi niya na pumunta raw kayo nina Missy at Ron."
"Ganoon ba? Sige sasabihin ko sa kanila."
Hindi ko na natagalan ang panunuod sa dalawa kaya nagsalita na 'ko. "May kailangan ka pa? May gagawin pa kaming dalawa," tanong ko sa lalaki nang may nagbabantang tingin.
Kumunot ang noo nito at nagpapalit-palit ang tingin niya sa aming dalawa. Naramdaman ko ang paglingon sa akin ng babae sa tabi ko pero binigyan ko lang din siya ng nagbabantang tingin.
"S-sige, Renz. Magkita na lang ulit tayo sa susunod."
Good girl.