Halos matunaw sa kahihiyan si Fatima dahil ngayon ay nasa kanya na ang atensyon ng lahat. Hindi lang iyon ang iniisip niya dahil alam niya na gulo na naman ang kapalit nito. Bagay na pilit niya sanang iniiwasan. Pero heto siya, siya na naman ang naglagay sa sarili niya sa kaguluhan. Hay nako, Fatima. Kailan ba tatahimik ang buhay mo? Kapag namayapa ka na? Ani Fatima sa sarili niya. “Ohh, look at that fat woman, ang lakas ng loob na bigyan ng towel si Brandon? My gosh!” “Oh em! So totoo nga? Totoo nga ang rumor na madalas daw makitang magkasama yang matabang yan saka si Brandon? No! That can’t be possible!” Mangilan ngilan lamang iyon sa mga bulong bulungan sa paligid na naririnig ni Fatima. Sa tuwing naririnig niya ang ibang mga studyante na pinag-uusapan siya ay pakiramdam niya ay tinu

