MALAPIT na ang intramurals kaya naman abala na ang mga war freak na sina Elane at Alexa kasama pa ang ibang mga mean girls na mga kaibigan nito. Abala sa cheering squad ang mga bruha kaya pansamantalang payapa pa ang buhay ni Fatima dahil may kanya-kanya pang practice ang mga ito. Sa apat na taon niya sa unibersidad ay sanay na siya na nasa sulok lang siya palagi at tumitingin kasama ng ibang mga studyanteng hindi parte ng intramurals. Hindi rin naman kasi siya sporty pero magaling sana siyang sumayaw. But because of her weight, hindi na siya nagtangka pang sumali sa mga dance clubs o cheer dance. Kahit sa theatre club ay hindi rin naman siya kailangan. Baka kailanganin lang siya kung kailangan nila ng matabang chef, o matabang karakter. Kahit saan ay wala siyang lugar. “Hey.” Napaanga

