Sobrang init sa hapong ito pero nagpasya pa rin si Fatima na magpunta ng cafeteria para makabili ng makakain. Ayaw na kasi niya na na gigising na lang araw-araw ang mommy niya para ipagluto siya ng baon. Pakiramdam niya ay mas lalo lang siyang nagiging istorbo sa lagay na ‘yon. Ayaw niya rin na sa fast food lagi bumibili dahil hindi rin healthy. Dito kasi sa cafeteria nila, nagsi-serve sila ng healthy meals at talagang masasarap ang mga ito.
Habang nasa pila ay pinagtitinginan siya ng iba pang mga studyante na nakapila rin. Rinig niya pa na nagbubulong-bulungan ang mga ito at alam na niyang siya ang tinutukoy. Wala namang bago. Sanay na siya.
“Kaya naman pala masikip ang pila, e. akalain niyo ba namang nakapila pala si FATima? Hayyy.” Pagpaparinig ng isang lalaki sa pinakadulo ng pila.
Nagkunwari lang ang dalaga na parang walang narinig pero ang totoo, gusto niya na lang daganan ang mga taong nasa likoran niya at nagbubulong-bulungan.
Masyadong pahalata ang mga ito. Ano bang akala nila sa ‘kin? Bingi?
“Kaya nga, e. Kung wala sana siya sa pila, e di kanina pa umusad. Bigat kasi, e.” Nagsitawanan pa ang mga ito.
Ganito naman araw-araw. Minalas lang siya na nakasama siya sa mga studyanteng nasa upper class ang pamumuhay kaya lagi siyang nagiging suki ng katatawanan. College na sila pero kung mang-bully ang mga ito, parang mga bata.
“Ano ba kayo. H’wag niyo ngang masyadong awayin si Fatima. Kapag kayo ni-wrestling niyan, putol hininga niyo,” sagot pa ng isang lalaki sabay hagalpak ng tawa.
Akala pa naman ni Fatima ay may magtatanggol na sa kanya. Isa rin pala ito sa mga bully.
Napatiim-bagang siya. “Alam niyo, ang dami niyong oras para mang-asar no? Kung gusto niyong mauna, sana inagahan niyo ang pagpila. Masyado kayong pahalatang mga gutom e.”
Napa woah silang lahat sa hindi inaasahang pagsagot ni Fatima sa kanila. Mukhang wala ni isa sa kanila ang umasa na sasagot sagot ito. Akala yata nila, mahahamak nila ang dalaga habang buhay.
“Woah woah woah! Iba! Lumalaban na siya ngayon, guys!” they all laughed at mas lalong umingay ang cafeteria. Napuno iyon ng mga ingay nila na tila ba nang-iinsulto.
Sanay na si Fatima sa ganitong ingay dahil sa katabaan niya. Hindi niya naman ito pinili e. Hindi niya pinili na maging mataba lalo pa at may lahi talaga silang mataba sa father side niya. Kasalanan niya ba na nasa dugo nila to? Tulad ng iba, gusto niya rin ng normal na katawan. Pero alam naman ng lahat na hindi iyon madaling proseso. Dadaan pa siya sa butas ng karayom kung sakali man na gustohin niyang magpapayat.
Mariing napapikit ang dalaga at kasabay non ay napalitan ng impit na tilian ang ingay na kanina pa ay naririnig niya. All she can hear are footsteps na para bang naglalakad sa direksyon niya pero ayaw niya itong tingnan dahil baka. . .baka isa na naman iyon sa mga bully na hindi nagiging masaya ang araw kapag hindi siya natatapunan ng kung ano.
“Hi. You okay?”
Napakunot noo si Fatima pero hindi niya pa rin nilingon ang pinanggagalingan ng boses. Although may hint na siya kung kanino ito nanggaling. Narinig na niya iyon just last time. O baka guni guni niya lang ito?
“Miss?” muli itong nagsalita kaya natataranta na si Fatima na lumingon.
Nakarinig na naman siya ng bulong-bulungan sa paligid. Kailan ba sila titigil?
“P-Po? S-Sir!” nagitla pa siya nang mapatunayang tama ang kutob niya.
Si Peter Ken! Nakatayo ito ngayon sa harap niya. Para siyang matutunaw sa mga titig pa lamang nito. Nakakakaba. Peter Ken is undeniably handsome. Now alam na niya kung bakit kanina ay nagtitilian ang mga babae nang pumasok siya ng cafeteria. Ngayon na nandito nasiya as their nutritionist and dietician, may titingin na ng mga food sa cafeteria para masigurado kung healthy ba o kung makukuha ba ng mga studyante ang sapat na nutrisyon na meron ang mga pagkain sa cafeteria.
Tumutulong rin si Peter Ken sa mga problema sa katawan lalo na kung unhealthy ang isang tao. He gives advices to students who badly needed it bsta magkonsulta lang ito sa kanya. Dagdag pogi points lalo dahil napakalinis nitong tingnan.
“I asked if you’re okay. The students here are making noise out of you. Hindi siguro alam ng mga ito kung paano respetuhin ang kapwa studyante nila.” Sinadya pa iyong nilakasan ni Peter Ken para iparinig sa lahat.
Nagisatras tuloy ang mga nasa pila at bahagyang napahiya.
Natahimik lang si Fatima. Kapag sumagot siya ay baka isipin pa lalo ng mga school mates niya na nagpapaawa siya.
“A-Ah, s-siguro t-they are just having fun, S-Sir.” Nauutal na sagot pa ng dalaga.
Napakunot ng noo niya si Peter. Hindi niya maintindihan. Halata naman kasi sa mukha ni Fatima na hindi niya gusto ang ginagawa sa kanya pero hinahayaan niya lang ang mga ito.
Saglit na naging tahimik ang buong cafeteria. Itinaas ni Peter ang hawak niyang paper bag at lahat ay napatingin doon.
“Here, take this. H’wag ka nang pumila.” He offered her saka niya inabot ang paper bag na yon na may lamang baon na siya mismo ang gumawa for himself.
“P-Po? N-No, Sir. Hindi na. I can afford naman and--”
“I know you can. But I can’t afford seeing you standing here na para bang wala kang nariririnig.”
Matapos sabihin iyon ni Peter ay agad niyang hinawakan ang kamay ng dalaga saka ito hinila papaalis ng cafeteria na ‘yon. Halos manlumo ang mga kababaihang nakatingin sa eksena. Lahat sila ay parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga mukha dahil sa ginawa ni Peter. Hindi yata inasahan ng mga ito ang pagmamagandang loob ng guwapong nutritionist nila over Fatima. Well, Peter is a walking green flag person at ayaw na ayaw niyang may naaagrabyado o nasasaktang babae. Hindi niya kayang hayaan na lang ang mga eksenang ganito habang nanonood lang siya.
Binitbit niya si Fatima hanggang opisina nito. Sa daan ay pinagtitinginan sila pero walang pakialam si Peter. Maraming napataas ng kani kanilang mga kilay dahil sa mga nakikita nila.
“Sir, hindi ba kayo nahihiya? Everyone’s watching at us. Pagtatawanan ka nila--”
“Miss Fatima, kung mayroon mang dapat mahiya rito. . .hindi ako o ikaw yon kundi sila. Sila ang dapat mahiya dahil sa pinaggagagawa nila sa ‘yo.”
Hinihingal pa nang mapaupo sa couch sa loob ng clinic kung saan ang office ni Peter.
“Here, drink some water.” Peter even offered nang mapansin niya na hinihingal ang dalaga.
Hindi lubos maisip ni Vianna Fatima na may ganito pa palang lalaki. Bukod kasi kay Brandon ay ngayon pa lang siya nakatagpo ng isang lalaki na naging mabait sa kanya.
Tiningnan niya lang iyong baso ng tubig.
Napakagat ng labi niya si Peter Ken. “Why? Ayaw mo ba? Baka iniisip mong lalasunin kita? I’d never do that,” natatawa pang sagot nito.
“A-Ano ba kayo, Sir Peter. I don’t think that way of course.” Pagpapaliwanag naman ng dalaga. “Thank you po.” Sagot niya sabay kuha ng basong may tubig.
Tuyot na tuyot na sa totoo lang ang lalamunan niya kaya aarte pa ba siya? She is the type of person who loves drinking water dahil kailangan niya iyon. Kaya nga lagi siyang oily at madalas rin siyang tuksuhin na laging nagmamantika. Sanayan na lang siguro.
Naupo si Peter Ken sa may table nito. “You know what, I have seen a lot of bullying everywhere. At hindi na bago sa akin ang ganito. Kaya as long as I can help, I really want to help. Miss Fatima, I can see that you’re strong pero kailangan mo ring maging matapang physically para ipaganggol ang sarili mo.”
“Sir, kapag pinatulan ko pa, lalo lang nila akong pag-iinitan. I don’t want that to happen. I don’t want my Mom to worry. Gusto ko na isipin niya lang lagi na I am doing good at school and I have a peaceful college life.”
Mas lalong hindi kayang tanggapin ni Peter ang rason nito. “What? Oh no, Miss Fatima. That’s not good. Sa ginagawa mong ‘yan, alam mo ba kung anong mangyayari?”
Umiling iling ang dalaga.
Bumuntong hininga pa ang binata. “Mauubos ka. Unti unti kang mauubos without you noticing it.”
That hit her. Masyado pa siyang bata. Hindi naman ito ang college life na gusto niya. Not any of this is her plan. Ang akala niya kasi kapag tumungtong na siya ng college, mababawasan na ang pangungutya sa kanya dahil sa laki niya. Hindi niya alam, hanggang college pala, may mga tao pa rin na pagtatawanan siya.
“I don’t know na may ganyan pala kayong concern sa students, Sir. Thank you. Alam mo po kasi, even my own sister, hates my weight.”
She felt a little light. Literal na magaan ang pakiramdam niya dahil kahit papaano ay hindi puro panlalait ang narinig niya ngayong araw na ‘to. Pero madalas ay malungkot pa rin siya dahil kahit mismong ate niya, kinakahiya at binu-bully siya.
“You have a sister? Maybe she is just a little petite than you are . Don't feel insecure.”
Sarkastikong natawa si Vianna Fatima. “Hindi lang petite, Sir, model kasi siya at ako. . . I look more like a wrestler kaysa magmukhang kapatid niya e.”
“Woah. Kung kaya niyang mag-model, why can’t you? Alam mo, kung willing ka lang, there are lots of ways for you to get fit. But let’s not talk about that for now. Take a little rest bago ka bumalik sa klase mo. It’s nice meeting you, Miss Vianna.”
Nagpantig ang tenga ng dalaga dahil minsan lang may tumawag ng Vianna sa kanya. Madalas kasi siyang tawaging Fatima dahil nga ‘fat’ raw siya. See how people criticizer others judging by their physical appearance na kapag nakita nilang may kakulangan sa ‘yo, o mataba ka, o payat ka, ipagduduldulan pa nila mismo sa mukha mo iyon.