Tila lumulutang pa rin sa hangin ngayon si Fatima dahil sa nangyari kanina. Ngayon lang kasi lumakas ng kahit kaunti fighting spirit niya dahil sa words of encouragement sa kanya ni Peter Ken. Bukod kasi sa kaibigan at mommy niya, wala nang iba. It just feels strange for her that someone is concern. Iniisip na lang tuloy niya na parte lang iyon ng trabaho ng binata at wala naman iyong ibang kahulugan.
“Huy, bakla. Akala mo ba hindi namin nahahalata na parang wala ka sa sarili mo ngayon?” Si Jaxy ang nagsalita. Pumalakpak pa ito sa harapan ni Fatima para kunin ang atensyon nito dahil natulala na nga si Fatima ng tuluyan.
Nagulat at agad na napakurap ang dalaga sa ginawa ni Jaxy. Pauwi na sila ngayon at sakay ng van nila. Pinagmamaneho sila ng family driver nina Fatima and she always make sure na safe at makakauwi ng libre ang mga friends niya. Para saan pa na may sarili silang car kung hindi naman non matutulungan ang mga kaibigan niya? Mas mahal niya pa nga yata ang tatlo niyang mga kaibigan kumpara sa ate niya na medyo baluktot ang pag-uugali.
“Ano ka ba, Jaxy, pagod lang ako ‘no.” Depensa naman ni Fatima pero ang totoo ay si Peter Ken ang nasa isipan niya. Hindi kasi mabura sa isipan niya ang guwapo nitong mukha. Lalo pa at napakamahinahon nitong magsalita. Napakalinis rin at napakabango. Sinong babae ang makakalimot sa kanya ng ganon ganon lang?
“Uy pagod daw! Akala mo ba hindi namin nakita ang pa-holding hands niyo ni Sir?” sulsol pa ni Dorothy kaya agad na napataas ang kilay ng bading na si Jaxy.
“Holy cow! Ano?! Nag holding hands kayo?! Huhu! I feel betrayed!” kunwari pang naiiyak ito.
Namilog ang mga mata ni Fatima saka tinakpan agad ang bibig ni Dorothy at Jaxy. “Huy! Manahimik nga kayong dalawa. That’s not true, okay? Saka, hila yon kanina. Hinihila niya ko! We ‘re not even holding hands.” Depensa niya na tila ba isang krimen ang ginawa ni Peter Ken kanina.
“Kung ako sa ‘yo, Via, kesyo totoo yon o hindi, sasabihin ko na lang na oo! Ano ka ba, chance na yon para naman magkaroon ng rumor between the two of you at mamatay sa inggit ang mga echoserang palaka mong kaklase!” Si Alphy naman ang nagsalita sabay flip niya ng kanyang buhok.
“E di mas lalo akong pinag-initan nina Elane at Alexa? Ano ba kayo. You guys must stop making a big deal out of it. Tinulungan lang talaga ako ni Sir Peter. Saka, do I even look like her type?”
Napangiwi si Dorothy. “Hala siya? Malay mo naman ‘di ba? Saka, h’wag ka ngang ganyan. Lagi na lang mababa tingin mo sa sarili mo, e.”
“Ah basta. I don’t want myself to get into trouble dahil wala naman kayo by my side lagi para ipagtanggol ako since magkaiba tayo ng building kaya as much as possible, dapat hindi na ako pumatol kina Elane at Alexa at sa iba pa. Ang dami ba naman nila. Hindi ko maisa-isa. Ginawa na yata nila akong clown at napakasaya nila tuwing binu-bully nila ko.”
Umiling iling si Jaxy. “Matatapos rin iyang pang aapi nila sa ‘yo, Bakla. Darating ang araw.” anito pa sabay kindat.
Napaisip naman si Fatima. Darating pa kaya talaga ang araw na ‘yon? Parang malabo na kasi. Masyado na kasing malala ang bullying sa panahon ngayon at sana, hindi maapektuhan nito ang mental health niya. Baka kasi matapos lang ang lahat kapag maging siya ay sukuan na lang ang buhay niya. Mabuti na lang talaga at hindi siya nagpapaapekto ng sobra. There are lots of bigge problems out there. Mapalad pa siya. Ito na lang ang pinanghahawakan niya.
Matapos ihatid ang mga kaibigan niya ay nakauwi na rin siya. Ang ate niya agad ang sumalubong sa kanya sa may bandang pintuan at talagang nakataas ang mga kilay nito habang naglalakad siya papasok.
“Fatima, matuto ka naman na magpunas man lang ng pawis mo. Para kang nagmamantikang baboy, e. don’t you know how disgusting is that?”
Heto na naman ang ate niya at handa na naman na sirain pa lalo ang araw niya. Bakit ba hindi na lang ito tumahimik? Aniya sa isipan.
“Okay, ate,” tipid at walang gana niyang sagot.
Simple at nakaw tingin lang siyang napasulyap sa sexyng katawan ng ate niya at masasabi niya na kahit kalahati ng katawang ‘yon ay walang binatbat ang kanya. Hindi naman sa naiinggit siya sa ate niya. She is happy with her body pero minsan ay napapaisip rin siya ng mga bagay tungkol sa pagpapapayat. Kaso, baka sabihin lang ng taga Diez Onse University na trying hard siya na magpa-sexy.
“Tsk. You’re such a weakling. Bakit kasi hindi ka gumawa kay Alexa? She’s sexy and pretty. Isa pa, idol ako non. She had my autograph last time. Pero alam mo kung anong nakakahiyaa sa tuwing humaharap ako sa mga fans ko? It’s the fact that I am sexy and pretty pero may kapatid akong kasing taba ni dumbo.” Ayaw paawat niya pang reklamo kay Vianna na para bang kasalanan ng dalaga kung bakit siya lumobo ng gnito.
Doon na tuluyang kumirot ang puso ni Fatima. Sa dami ng masasakit na mga salitang binitawan ng ate niya ay umapaw na yon sa puso niya. Wala man lang itong pakundangan sa sasabihin. Ni hindi nito iniisip kung anong mararamdaman ni Fatima.
“Ate sorry ha? Pero sumosobra ka naman yata? Inaano ba kita? Am I even causing you harm? Hindi naman ah? Nananahimik lang naman ako lagi dahil ayaw ko ng gulo. You are my elder sister! You are supposed to be the person taking my side! Pero bakit ikaw pa ang numero uno kung makapanglait sa ‘kin?” Bulalas ni Fatima. Ibinuhos na niya ang lahat ng sakit na meron siya sa kanyang dibdib. Wala siyang pakialam kung mauwi na ito sa literal na away. Lalaban siya dahil nasasaktan siya. Lalaban siya para sa sarili niya dahil iyon ang tama.
Nagitla ang ate niya. “I am not Vienna Felissa fot nothing, Fatima! H’wag na h’wag mo akong sinasagot ng ganyan! You know what? Ugly ka na nga, tapos pabalang ka pa kung sumagot? You are the worst--”
“No, ate! You are! You are the worst! Kung mayroon mang may masahol na ugali sa atin dito, ikaw ‘yon at hindi ako! Maganda ka lang! Sexy ka lang! Pero wala kang manners!”
Napakuyom ng kanyang kamay si Vienna Felissa. Hindi niya matanggap na nasagot siya ng ganon ni Fatima. It’s the first time in the history. Nanggagalaiti siya sa galit at para bang gusto niyang sugurin ito but she remained her poise and decency.
Nagmamadali namang umakyat sa taas ng kwarto niya si Fatima dahil alam niya na ano mang oras, possible naang pumatak ang mga luha niya. Ang sakit sakit na ultimo ate niya, tinatrato siya na parang basura. Bakit kaya ganon? Minsan napapaisip siya kung anong mali ang nagawa niya para kailanganin niyang danasin to. Mabait naman siya pero hindi pa rin pala iyon sapat para makuha ang respeto ng tao.
Nang pumasok siya sa loob ng kwato niya ay doon na bumuhos ang emosyon niya. Ayaw na niyang lumabas dahil mas lalo lang sasama ang loob niya kapag nagkita sila ng ate niya. She doesn’t want to see her.
“Sweety pie?” tawag ng mommy ni Fatima sa may labas ng kwarto niya.
Nagutom tuloy ang dalaga dahil maging sa tawag ng mommy niya ay natatakam pa rin siya.
Hindi siya sumagot bagkos napahawak siya sa tiyan niyang kumakalam. She glanced at her clock at alas onse na pala ng gabi. Masyado nang late. Kaya pala gutom na gutom na siya.
“Anak? Si mom ‘to. Can you please open the door?”
Hindi niya matiis ang mommy niya kaya pinagbuksan niya na lang ito ng pinto. Mugto pa ang mga mata niya nang sulyapan niya ang sarili niya sa salamin. Ugh, I look like panda! Aniya sa isipan habang kinukusot kusot ang kanyang mga mata.
When she opened the door ay nagulat siya sa dami ng pagkaing dala ng mommy niya. There’s a box of pizza, saka sa kabilang kamay nito ay may tray rin ng food.
Fatima looked surprise at mas lalong nagwala ang tiyan niya. She’s dead hungry! Her mom sure knows her well.
“Mom!” maluha luha niyang sambit habang nakatingin sa mommy niya.
“Hey, stop crying. Alam ko nag-away na naman kayo ng ate mo kaya I brought food. For sure gutom ka na. Hindi ka ba naman naghapunan. Ang dami tuloy left overs sa pinaluto ko kina yaya.”
She is indeed lucky for having a mom like her. Iyong tipong suportado nito ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanya. She couldn’t ask for more because a best mom is everything!