ELTON’S POV Pumunta na siya kung saan nagluluksa ang bilang na mga tao sa burol. Lumapit si Martin at iniabot ang makapal na pera sa harap ng lola ni Yuan at ni Yanessa. Tumayo si Yanessa sa pagkakaluhod at kinuha iyun. Napaayos ako sa pagkakahilig sa raptor ko at pinagmasdan silang mabuti. Hinihintay ang suusnod na mangyayari. “This is my help—“ Agad naputol ni Martin ang sasabihin niya. “Makakaalis kana. Nagawa mo na ang parte mo bilang ama kay Yuan, wala kanang lugar dito,” kalmado at mas malamig pa sa yelong sambit ni Yanessa na ikinagulat ni Martin. Walang pinagbago si Yanessa, kung mayroon man ay mas naging matigas na siya ngayon. Pagod ang mukha ngunit tumigas ang tono ng pananalita nito at lamig sa mga mata. Gusto kong sigawan si Martin na huwag matakot at maging duwag.

