ELTON’S POV SA ILANG ARAW kong pamamalagi sa Ignacio ay tanging ginawa ko ay aliwin ang sarili sa magandang tanawin ng probinsya. Nang makabalik ako sa syudad ay muling nagpatuloy ang kinagawian kong buhay. Napakamot ako sa kilay ko nang makita si Cedric na pinagtitripan ang isang babae na may malaking eyeglasses na suot at kulot na buhok, balak niyang dumaan ngunit hinarangan siya ng kaibigan ko. Bigla kong naalala si Yanessa kaya napatayo ako at nilapitan sila. Hinawakan ko sa balikat si Cedric na natigilan sa pagngisi. “Stop,” I uttered lazily. Dahil doon ay nagkaroon ng chance na makaalis ang babae. “Ano bang nangyayari sayo?” takang tanong niya nang makabalik kami sa inuupuan namin. Nasa isang restro kami malapit sa tabing dagat, umiinom at walang ibang ginawa kundi mag i

