ELTON’S POV SINUNDAN KO SIYA papunta sa sasakyan upang kunin ang iilang tshirts na ginawa para sa pangangampanya. “Nakita mo na. Hindi na siya ang anak ko,” Martin said in dissapoinment. “Anak mo pa rin siya, Martin. Just because she acted that way, you will feel disappointed at her. May pinanghuhugutan si Yanessa dahilan para ganyan siya umakto sa harap mo. You can’t blame her for being fuming mad at you,” I explained. Tumigil siya at sinara ang pinto ng sasakyan. “Saan nanggagaling ang mga sinasabi mo? Ito ang unang beses na makita kita na ganyan. Nag-aalala kaba sa anak ko?” Napanguso ako at pagak na tumawa. “My father is a cheater. What do you expect from his son?” I asked obviously. “Pero pinatawad siya ni Elena ng ilang beses. Ako, isang pagkakamali ay parang pumatay a

