ELTON’S POV “It was a mistake,” huling sambit ni Martin matapos ikuwento ang buhay niya sa tunay na asawa. “May nabuo ng bata sa relasyon namin ni Cindy. Hindi matanggap iyun ni Yolanda, hindi niya ako kayang patawarin, pinaalis niya ako at inalisan ng karapatan sa magkambal kong anak.” Hindi ako nakaimik sa sinabi niya dahil kahit saang anggulo tignan ay mali ang ginawa niya. I don’t tolerate infidelity o pangangabet. Lalo na at yun ang naging ugat ng pag-alis ni mama sa poder namin. “Then what did you do? Iniwan mo sila?” tanong ko. “Galit silang lahat sa akin. Pinili kong manatili ngunit sarado na ang isip at puso ni Yolanda na patawarin ako. May anak ako kay Cindy at kapag hindi ko siya binalikan ay sigurado akong mawawalan din ako ng karapatan sa anak ko. Nawala na sa akin sina

