YANESSA’S POV LUMABAS AKO NG bahay at sinalubong si Margie na dala-dala ang files, inabot niya iyun sa akin at tipid na ngumiti. Kakarating niya lang, sa lunes ay babalik din kami sa boarding house dahil simula na ng pasukan. “Buti hindi siya nagtaka dahil hinihingi mo ito.” “Nagtanong siya, gumawa na lang ako ng palusot. Pero mas nag-aalala ako sa ginagawa mo, Yanessa. Ano ba ang plano mo riyan? Babalikan mo ang mga taong sangkot sa aksidenti ng gabing iyun? Para saan? Humingi ng tawad? Tingin ko—“ Hinawakan ko siya sa balikat kaya natigil ito sa pagsasalita. “Huwag kang mag-alala, alam ko ang ginagawa ko. Salamat.” Hindi na siya umimik pa at tipid na ngumiti na lamang. Pinanuod kong umalis si Margie, hanggang ngayon ay wala pa rin si Gh

