YANESSA’S POV NAABUTAN KO si lola na inaayos ang kusina, agad siyang lumapit sa akin na may pag-aalala sa mukha. Nang mailagay ko ang mga pinamili sa lamesa ay hindi na siya nakatiis pang magtanong. “Dumaan ka sa plaza?” Isang tanong pa lang ay alam ko na ang gusto niyang malaman. Tipid akong ngumiti at tumango. Akmang magsasalita pa sana siya ngunit nang matitigan ang mga mata ko ay mas pinili na lamang niyang tumahimik. Siguro ay halata naman na galing lang ako sa iyak. NANG MAKABALIK KAMI sa boarding house ay agad din kaming nag-ayos ni Margie para pumasok sa eskuwelahan. Naging maayos naman ako matapos ang nangyari sa plaza, panay ang tanong ni Margie ngunit mas pinili ko na lamang tumahimik. “Congratulations, Miss Francia,” napaangat ako ng

