CHAPTER 7

1210 Words

Maghapong nakatambay si Kelvin sa tapsihan na katapat ng ospital kung saan niya hinatid ang dalaga. Ewan ba niya kung bakit hindi man lang siya nabagot sa paghihintay sa loob ng maghapon doon. Nilibang niya ang sarili sa paglalaro ng Clash of Clan, Dota at kung anu-ano pa. Nakailang order na rin siya ng tapsilog, longsilog at tocilog at natatawa na sa kan’ya ang serbedora doon dahil ang tyaga naman daw niyang magbantay sa nobya niya. Siguro daw ay maganda ito. Oo, sinabi talaga niya ang dahilan kung bakit siya naroon at iyon nga ay ang maghintay sa kanyang nobya. Ayaw na niyang mauulit ang nangyari sa dalaga. Alam niyang hindi malabong mangyari iyon dahil sa ganda ba naman nito, kahit sino siguro at magnanasa, siya nga eh! Tinubuan ng pagnanasa gayong halos sabay na sila nitong lumaki. P

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD