Umupo muna ako sa kama at tinitigan ang camerang hawak ko.
"What's that?"
Lumingon ako nang biglang magsalita sa likuran ko si Ricky. I immediately turned around to totally see him. He was leaning against the door frame of his office area, looking at me.
Kanina pa ba siya doon? Hindi ko siya napansin.
"C-Camera." I stuttered but I still raised the camera to show him.
"I can see that. Kanino galing?"
"College friend namin ni Myla. Graduation gift yata niya sa akin?" patanong kong sambit dahil kahit ako ay hindi ako sigurado kung bakit ako binigyan ng ganito ni Jake. I know he courted me before pero hindi naman na kami nagkaroon ng kahit anong communication.
He shrugged his shoulder and entered back to his office. Bakit ba kasi siya nagtanong kung wala din naman siyang pakialam sakin? Nagsasayang lang siya ng laway at oras.
Jake courted me before but I am so in love with Ricky so I didn't even give him a chance. Jake was always giving me beautiful flowers and buying me expensive gifts but I rejected them all. Because I was more focused on Ricky. Ayokong umasa si Jake sakin dahil simula pa lang ay si Ricky na talaga ang alam kong mahal ko.
Tumayo ako at nilagay sa cabinet ang camera. It is good that Jake reminded me of my passion pero hanggang ngayon ay wala akong balak magtrabaho. I don’t know, it’s like I still need time for myself and for us, Ricky and me.
Pumasok ulit ako sa office ni Ricky at tinignan na naman siya na abala sa ginagawa.
"Pupunta ako sa mall, hindi ka ba talaga sasama?" Pagbibigay impormasyon ko dahul umaasa akong magbago ang isip niya.
"Hindi.." He simply answered without any doubt.
"Ricky, come on. Let's go?" I almost begged. I just want us to go out together!
He touched his forehead na alam kong sinadya niya para ipakita ang inis niya.
"Just go. I am working." He said with an irritated voice and face.
I bit my upper lip. Napayuko ako dahil nakita ko ang galti at inis sa mga mata niya. Lihim akong nasaktan dahil sa nakita.
I just turned my back at tinitigan ang sahig.
"Magpasama ka kay Manang." narinig kong sabi niya. Dahil sa sakit ng loob ko ay hindi ako lumingon at tuluyan ng lumabas.
Kahit hindi ko nakumbinsi si Ricky ay pumunta parin ako sa mall na mag isa. I took a cab going to the mall kaya inaasahan kong mas marami ang taxi sa mall, ngunit nagkamali ako dahil hindi iyon kagaya ng inasahan ko.
Mahaba ang pila ng taxi sa mall at alam kong hindi ko kakayaning hintayin ang paggalaw ng pila. Umalis ako para sana makahanap ng ibang taxi pero nagsisisi ako dahil mas wala palang taxi sa nilipatan kong lugar. All taxis are occupied!
Ilang oras na akong nakatayo at naghihinay ngunit wala pa akong natatanaw na bakanteng taxi. Nanlalamig na ang katawan ko sa tagal ng pagkakatayo ko.
I regret not bringing my car with me, ang akala ko kasi ay mas madaling mag commute. First time ko ding mag commute ng wala si Myla.
Nag iinarte ang pride ko kaya hindi ko matawagan si Ricky. Iniisip ko parin ang pagtanggi niyang pagsama sa akin. At alam ko din naman na wala siyang pakialam sa akin kahit pa asawa niya ako ngayon.
Halos humaba ang leeg ko kakatingin ng taxi sa kalasada nang may tumigil na sasakyan sa harapan ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi iyon pamilyar.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita ko ang sakay ng kotse.
"Oh? Gusto mong sumakay, ganda?"
Tumaas ang mga balahibo ko nang magsalita ang driver ng sasakyan. The other guys beside him also give me a dirty smile and winked.
I don’t want to judge but they’re scary. Hindi ko kayang titigan ang isa sa kanila. Nakita ko lang ang mga tulad nila sa mga pelikula.
Dahil sa takot ay hindi tumagal ang tingin ko sa kanila.
"Ano na?!" The driver talked again.
Gusto kong sumigaw na umalis na sila pero wala akong lakas. Ano bang tingin nila sakin? Bayaran? Damn, sa ganda kong ‘to?
Kahit kinakabahan ay tumikhim ako at ngumiti. I also tried to look at them kahit na parang hindi ko kakayanin.
"Hindi na po. Hinihintay ko ang asawa ko." I lied.
I noticed that I’m trembling, kahit gaano ako katapang ay alam kong kinakabahan ako dahil mag isa ako at walang sasakyan. Medyo madilim na din kaya sigurado akong kung kukunin man nila ako ay walang makakapansin.
Nagpasalamat nalang ako na hindi nanginig ang boses ko dahil baka mas makakahalata sila, at pag nahalata silang takot ako, tatakutin pa nila ako lalo.
"Talaga?" The driver asked and gives me a disgusting smile. I want to cringe. “Napakabata mo pa para magkaroon ng asawa."
"Sakay na, ihahatid ka nalang namin.." the other guy beside him spoke and even winked at me again.
I want to p**e. Hindi ko alam na may ganitong mga tao pala sa totoong buhay. I thought I can only see them in movies.
I gulped. Hindi ako makapag isip ng matino dahil sa ngisi ng mga taong nasa harap ko.
"Ahm. M-May asawa po ako at pulis siya. Baka gusto niyo talagang antayin para makisakay na din kami sa inyo?" I tried to be sarcastic as possible. Ayokong mahalata nila ang takot ko.
Kunwari ding kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko.
The smirks on their faces were gone, their whistles stopped and their faces flushed, did they believe me? They looked at each other and exchanged some words na hindi ko naintindihan.
Then suddenly, the car moved and left me.
Napanganga ako dahil sa nangyari. Hindi ako makapaniwalang napaniwala ko siya. Naging maganda ba ang arte ko?
Huminga ako ng malalim habang tanaw ang sasakyan nila. I smiled. Kahit papaano ay nawala ang kaba ko. Ngunit nawala agad ang kaunting ngiting iyon nang makita kong nag shushutdown na ang cellphone ko. Damn, ngayon pa talaga?
I looked around at tumingin kung saan ba pwedeng magcharge. Kung kanina ay ayaw kong tawagan si Ricky, ngayon ay kailangan ko na siyang tawagan! It’s already dark and I can’t wait any longer. Wala na akong ibang pwedeng asahan kundi siya lang. Kung bakit kasi hindi ko alam mag commute sa edad kong ‘to eh!
Luminga linga ako kung sakaling may makita akong malapit na store o kahit ano. Mabuti nalang at may nakita akong café. There’s a café few meters away and it's in the other side of the road.
Mabilis akong tumawid at pumasok doon. I ordered the cheapest coffee dahil hindi ko din naman iinumin. When they served me the coffee, pinacharge ko na agad ang telepono ko.
I didn't drink the coffee because I'm not really drinking coffee that much. Nakatunganga lang akong naghihintay para lang magkaroon ng kaunting baterya ang cellphone ko.
After a long time of waiting ay kinuha ko na ang cellphone ko. Kaunti lang naman ang kailanan kong baterya para ma text ko si Ricky.
Pagkakuha ko ng cellphone ko ay tinext ko si Ricky. A call will just piss him, baka hindi pa niya sagutin. I better text him para kahit papaano ay mabasa niya. Alam ko namang may kaunti siyang konsensya, eh.
At tama nga ako, may kaunti siyang konsensya dahil wala pang isang minuto ay nagreply si Ricky. Ngunit iba iyong sa inaasahan ko.
I can't come. Take a jeep or call your Jake.
Hindi ako makapaniwala sa reply niya. Binasa ko ulit ang text niya. Jeep? Paano ako sasakay ng jeep, wala namang dumadaang jeep.
I bit my lower lip, mukhang wala na talaga akong maasahan. Huminga ako ng malalim, mukhang sarili ko na talaga ang maaasahan ko.
I roamed my eyes around the cafe and I saw a girl beside my table. Kahit papaano ay nagkaroon ako ng konting pag asa. Hindi ko alam but I’m being stupid right now, hindi ako makapag isip ng matino.
"Ahmm. Excuse me, Miss." I disturbed her.
"Yes, Ma'am?"
"Ay ‘wag mo na akong tawaging Ma'am." I shook my head. "Alam mo ba kung saan ang sakayan ng jeep?" I flushed for discomfort, hindi ako makapaniwalang tinatanong ko ang bagay na ito.
She looked at me with a wholesome smile. "Papunta saan po?"
I told her where.
"Ngayon lang kasi ako sasakay ng jeep.." nahihiya kong pag-amin. Kailangan kong aminin dahil baka sabihin niyang niloloko lang siya.
She glanced at her phone at kumunot ang noo. "Ay oo, late na pala. Sa mga ganitong oras kasi ay punuan ang taxi." sabi niya.
I found myself listening to her habang ipinapaliwanag niya kung saan ako sasakay. Habang nagsasalita siya ay tumitingin parin ako sa cellphone ko, umaasa parin na magbabago ang isip ni Ricky.
After she explained everything, I held her hand.
"Salamat ha. Malaking tulong talaga." I sincerely thanked the girl and immediately went out from the Café.
Noong una ay akala ko naintindihan ko na lahat ng impormasyong sinabi ng babae pero mali pala ako dahil nang malayo na ako sa Cafe tsaka ko pa nakalimutan ang ibang mga sinabi niya. Pasado alas otso na nang sulyapan ko ang relo ko.
Kinabahan ako nang makita kong mga sasakyan namang dumadaan pero wala akong makitang jeep. May mga taxi din pero lahat ay may pasahero na.
But still, I waited a few more minutes. My feet are already hurting because of my heels. Alam ko sa sarili kong wala ako sa tamang lugar para sumakay ng jeep dahil kahit saan ako lumingon ay walang jeep na dumadaan, I know I am totally lost, I don’’ know where exactly I am.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagsimula ng manginig ang kamay ko sa tako. I am already weeping for anxiety when I suddenly realized that I have my phone in my pocket!
Napapikit ako. How stupid of me! Paano ko nga ba makakalimutan na may cellphone ako. Siguro ay dahil sa paghahanap ng masasakyang jeep kaya nakalimutan kong tignan man lang ang cellphone ko. And maybe because I know that I only have myself right now.
Agad kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko, I feel a bit relieved when I saw a lot of missed calls from Ricky.
Myla called me a lot of times too, pero ang tanga ko dahil hindi ko iyon napansin kanina.
My hands are shaking but I still managed to dial Ricky's number. And I'm glad that he immediately answered my call.
"Where the hell are you?!" he asked me loudly and I noticed he's out of breath.
Because of mixed emotions, I began to cry.
"H-hindi ko alam, Ricky.. I'm.. I'm scared" My voice trembled, it’s my first time to be alone outside kaya ganito ang respond ng katawan ko. Maybe because I’m tired and exhausted. Kanina ko pa gustong umuwi ngunit wala akong sasakyan.
I heard him breathe deeply; he’s trying to understand me maybe.
"Okay. Just stay there and don't end my call. Calm down, I'll detect your location."
When I heard his voice, I felt a bit calmer.
"O-Okay. I'll wait." I wiped my tears trying not to cry. Tumango din ako na para bang nakatingin siya sa akin.
I noticed that my heart is beating loud and fast, I know I’m scared and anxious. Siguro ay kanina pa ito pero ngayon ko lang napansin dahil ngayon lang ako naging medyo okay.
"Are you okay?" Ricky asked on the other line. I’m holding my phone and I’m listening to his every word.
"I'm.. I'm fine." I tried to be calm.
He didn't talk but I know he's detecting my GPS location.
A few minutes later, he ended his call. At first, I thought my phone went dead again but I was wrong, because I realized that a car stopped in front of me. Mas lalo akong natuwa nang makita kong iyon sasakyan ni Ricky iyon.
Nakita ko kung paano siya nagmadaling lumabas sa kotse niya nang tumigil iyon. Nakita ko din kung paano siya maglakad ng mabilis para makalapit sa akin.
Nang makita ko siya ay nawala agad ang takot sa dibdib ko. I suddenly felt safe. Dahil doon ay agad ko siyang sinalubong at niyakap ng mahigpit. I also felt his arms around me. Napapikit ako at narinig ko ang mabilis na t***k ng puso niya. Nag alala din ba siya sakin?
Ilang segundo ko siyang niyakap at ganoon din siya sa akin.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko dahil pakiramdam ko ay may mga matang nakatingin sa akin. At tama nga ako, may nakatingin nga sa akin.
It's Joan; she’s inside Ricky's Audi.
Tumitig ako sa babaeng nakaupo sa harap ng kotse ni Ricky. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Joan ang nasa harapan at naiinis siyang nakatingin sa amin. Tears automatically fell from my eyes.
Dahil sa nakita ko ay wala sa sariling naitulak ko si Ricky. I know he’s wondering why I pushed him pero lumipat ang tingin niya kay Joan.
Tumingin ako sa kanya. Hindi ako naghihintay ng paliwanag sa kanya dahil alam kong hindi siya magpalaiwanag. I looked at him to see kung anong reaksyon niya. Is he happy that I saw them together now? Ngunit blanko ang ekspresyon ng mukha niya, nakatitig lamang siya sa mukha ko.
"Let's go.." Mayamaya ay sambit niya.
He gently took the shopping bags from my hand but I couldn't move. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan pa ako. Akala ko sanay na ako pero hindi pa pala.
Saan sila galing? Si Joan ba ang dahilan kaya hindi niya ako gustong sunduin kanina?
Nauna na akong naglakad at alam kong sinundan ako agad ni Ricky. Ewan ko pero pakiramdam ko ay sobrang kawawa ko ngayon. Pakiramdam ko ay naawa si Ricky sa akin dahil sa katangahan ko.
Binuksan ko ang pinto ng kotse ni Ricky sa likod at pumasok. Wala naman akong choice dahil nakaupo na si Joan sa harap. At sino ba naman ako para sumakay sa harap?
Ricky followed me, he opened the door on the other side of the car and placed all my shopping bags beside me. I remained quiet and I didn't bother to look at him. Napakasakit titigan ng mga mata niya. I know he stared at me for seconds before settling in the driver's seat.
Pumikit na ako at sinandal ang ulo. Mayamaya ay naramdaman ko ang paggalaw ng kotse.
Dahil napakatahimik ay dinig na dinig ko ang mabibigat na paghinga ni Joan. Pansin na pansin ko ang pagkabuwisit niya.
"So.. are we still going?" mayamaya ay tanong ni Joan kay Ricky na alam kong hindi na nakatiis.
Mas lalo akong pumikit dahil sa inis.
May pupuntahan pa pala sila? Sana hindi nalang pala nila ako sinundo kung ganoon. I better die there because of anxiousness than to die here because of them!
“Let’s see..” Ricky coldly responded.
That’s their last conversation, they didn't say any words again. And I just remained quiet too. Ano pa nga ba ang sasabihin ko? Parang wala din naman akong karapatang magsalita.
Napatingin ako sa kamay kong may hawak ng cellphone. I also lifted my phone when it vibrated. Nakita kong maraming mga mensahe galling kay Myla.
Uy, okay ka lang?
Nasaan ka?
Sagutin mo ang mga tawag ko! Uy..
Amy?
Are you okay?
Kuya's mad already. Hinahanap ka na nya.
Where are you?
And her last text was THANK GOD you're safe.
I glanced at Ricky, his phone is in his right hand and the other hand is gripping the steering wheel. He probably texted Myla.
Huminga ako ng malalim, parang mas ramdam ko pa ang pagmamahal ni Myla sa akin. Kung sabagay totoo namang mas mahal ako ni Myla.
Tahimik bumuhos ang mga luha ko, siguro ay dahil sa mga halo halong nararamdaman ko at siguro dahil namimiss ko si Myla. Tatawagan ko nalang siya kapag nakauwi na ako.
Pinipigilan kong mapahikbi dahil siguradong tatawanan ako ni Joan kapag narinig niya ako.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay. Just when the car stopped infront of our gate, I grabbed all my shopping bags and immediately got off from the car.
Hindi ko na sinulyapan pa sina Ricky at Joan dahil madadagdagan lang ang sakit na nararamdaman ko. Nagseselos ako sa mga atensyong binibigay ni Ricky sa ibang tao kaysa sa akin, lalo na kay Joan. I acknowledge what I did but isn’t this too much? Mag asawa na kami, why can’t they respect that? Hindi ko maiwasang hindi isipin ang pagsisisi habang naglalakad. Siguro nga ay mali ang mga ginawa ko at ito ang kabayaran ng lahat?
I promptly went inside the house and I saw Manang Belen in the living room. Dropping all the shopping bags on the floor, I hugged her so tight. I don’t know what forced me to do so. Maybe I just want comfort. Kailangan na kailangan ko ng yakap ng kahit sino ngayon.
"Ayos ka lang ba?" She asked me with a concern in her voice, she’s maybe wondering why I suddenly hugged her and maybe she’s just curious to know what had happened, however, she hugged me back.
"Okay lang ako, Manang. Gusto lang kitang yakapin.“ I closed my eyes when I felt the twisting pain again in my chest.
God, when will it stop?
"Thank you." bulong ko bago agad na lumayo sa kanya.
Tumango lang siya sa akin. Nang makita ko ang pagtango niya ay pinulot ko agad ang mga shopping bags at umakyat na sa hagdan. Punong puno ng pagtataka ang tingin niya sa akin.
Nang makapasok ako sa kwarto namin ay agad nahulog ang mga hawak kong paper bags. Wala sa sariling napaupo ako sa sahig at hinawakan ang dibdib ko na naninikip na sa sobrang sakit.
I started crying, hindi ko alam kung paano ko ba pipigilan ang sarili ko sa pag-iyak. I just can't take it anymore. I feel like I'm going to explode! I felt wretched and I want to cry out loud, very loud. Punong puno na ng sakit ang dibdib ko.
Ilang minuto akong nanatili sa sahig dahil pakiramdam ko ay hindi ako makatayo. Nanginginig ang mga tuhod ko dahil siguro sa pagod ko kaninang naghintay ng masasakyan.
I let myself cry, dahil iyon ang dapat. I can’t just keep it to myself dahil mababaliw ako. Inayos ko ang mga paper bags bago ako humiga sa kama.
Mahal na mahal ko si Ricky but tonight, I want to hate him!
I’m giving him all my love despite of everything that he’s doing to me, but right now, I don't know if I could still continue loving him the way I did all these years. Alam kong may mali ako pero hindi ba ito sobra bilang kabarayan?
I tried to control my sobbing when the door slowly opened. Alam kong pumasok si Ricky.
"Are you okay?" Ricky asked but I didn't bother to give him a look.
I remained lying in bed. Mabuti na lamang at hindi ako nakaharap sa pinto para hindi niya makita ang mukha ko. I know my eyes are swollen.
"Oo.." mahinang sabi ko, para bang nawalan ako ng lakas na makausap siya.
I slowly pulled the comforter and covered my body. Kailangan kong makapagpahinga kahit ngayon lang.
"Do you want to eat?" Tanong na naman niya.
Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan ang ganitong mga tanong mula sa kanya. Dahil kahit kailan ay wala siyang pakialam sa akin. Huminga ako ng malalim, maybe he's just guilty right now.
"Hindi na, magpapahinga lang ako saglit." I told him coldly.
Natahimik siya sandali.
"Just call Manang if you need anything.."
Hindi na ako sumagot, I slowly wiped my tears. Makalipas ang ilang segundo ay narinig ko ang pagsara ng pintuan. Siguro ay itutuloy nila ni Joan ang pupuntahan nila kahit gabi na.
Ilang minuto kong pinakalma ang sarili ko bago ako tumayo. Nakaramdam ako ng uhaw. Yes, I’m thirsty and hungry but I don't have the appetite to eat.
Siguro naman ay nakaalis na sina Joan at Ricky.
Ngunit nagkamali ako dahil pababa pa lang ako ng hagdan ay narinig ko ang pag-uusap nina Ricky at Joan. Kahit hindi ko man makita ay alam kong nasa living room sila. Bakit hindi pa sila umaalis?
"You're cancelling it again? Ricky naman.." malambing na sabi ni Joan.
"I need to talk to her.." Ricky replied with a serious tone.
"Right now? About what?” She asked, dinig na dinig ko ang pagkainis sa boses niya.
"You need to go, bukas na tayo mag uusap..”
Iyon ang huling narinig ko dahil agad ulit akong umakyat ng hagdan. I just ended up returning to our room. Mas mabuti ng kalimutan ang uhaw ko kaysa makita na naman nila ako. Alam kong kakaawaan ako ni Joan kapag nakita niyang namumugto ang mga mata ko.
I sighed, it is better to avoid them because I am honestly tired.
Inayos ko ang mga gamit ko bago bumalik sa kama.
Narinig ko din na umakyat si Ricky ngunit nanatili siya sa opisina niya. Hindi niya ako kinausap at sa unang pagkakataon ay natuwa ako dahil doon.
It’s already past ten when I decided to take a quick shower. I need to take a shower para gumaan ang pakiramdam ko. Tahimik ko ding pinagdasal na sana ay hindi ako puntahan ni Ricky at sana ay matulog nalang siya sa kabilang kwarto.
After taking a quick shower, I blow dried my hair and I am ready to rest. Paglabas ko ng banyo ay nakita kong nakahiga si Ricky sa kama. Huminga ako ng malalim nang hindi mangyari ang gusto ko, gusto ko pa naman sanang solohin ang kama.
Tumitig muna ako sa kama bago lumapit doon at kunin ang unan at comforter ko. Kung ganoon ay ako ang matutulog sa sofa ngayon.
Hawak ang comforter at unan ay lumayo ako. Inaayos ko na ang mga iyon sa malawak na sofa nang marinig ko ang boses ni Ricky. "You can sleep here with me."
Nagulat ako sa narinig ko. Nang lingunin ko siya ay hawak niya ang towel niya, nakatayo na at naglakad. Without hearing my response, agad siyang pumasok sa banyo.
Tumigil ako at tumitig sa pinto ng banyo. Did he really just say that? O guni guni ko lang iyon. Pero imposibleng guni guni ko iyon dahil galit ako sa kanya.
When he closed the bathroom door, I immediately moved my pillow and comforter on the left side of the bed. Hindi dahil gusto ko kundi dahil ayokong maabutan niya akong nag-aayos. Mas mabuti nang sundin siya kaysa sa mag away pa kami. Gusto kong matulog sa sofa para iwasan sana siya pero ayokong magalit na naman siya kapag hindi ko siya sinunod.
Nahiga na ako patagilid nang naayos ko na ang kama namin. Ayokong harapin siya dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at umiyak na naman ako sa harap niya.
Kahit ilang minuto akong nakahiga ay hindi pa ako dinadalaw ng antok. Nang marinig ko ang pagbukas-sara ng pinto ng banyo ay bumangon ako. Kailangan kong uminum ng gatas dahil kung hindi, mapupuyat ako ngayong gabi.
I didn't glance at him and just slowly stood up. Kailangan kong uminum ngayon ng gatas dahil kung mamaya ay baka magising ko siya at magalit na naman siya sa akin.
Naramdaman ko ang pagtitig niya sa akin.
Sana lang ay pagbalik ko galing sa kusina ay tulog na siya.
"Where are you going?"
Nagulat na naman ako dahil ngayon lang ulit niya ako kausapin na ganoon kahina at kalambing ang boses niya.
I cleared my throat. "Iinum lang ng gatas.." I spoke coldly and bowed my head as I went out of our room.
Strange, he's talking to me now.
Nang makarating na ako sa kitchen ay nagsalin na ako ng gatas sa baso. Hindi na ako nag abala pang buksan ang ilaw dahil may kaunting ilaw naman na nanggagaling sa labas. It happened na full moon ngayon. Ngumiti ako, kaya siguro ako kinakausap ni Ricky.
Umupo ako sa mataas na upuan at huminga ng malalim. I feel so tired and drained for all the things that had happened today.
Ngayon ko lang naranasan ang ganoong pangyayari. I am so scared, pakiramdam ko ay walang tutulong sa akin kanina. Pakiramdam ko ay nawala talaga ako.
Dahil sa katahimikan ay naisip ko na naman si Ricky, I can't understand why he can't love me back. I really can't. Hindi man lang ba niya nakikita ang effort ko sa kanya?
My heart feels so heavy kaya huminga ako ng malalim. I was about to drink my milk when I felt a hand on my shoulder. Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang basong hawak ko. Natapon ang laman noon sa damit ko, mabuti nalang at nahawakan ko agad ang baso kaya hindi nahulog. Nilapag ko agad iyon sa mahabang mesa.
Gusto kong sumigaw sa gulat pero napasinghap lang ako.
I turned around and looked at who’s behind me and I got more surprised when I saw Ricky standing there. Hinawakan niya ang kamay ko at sinuri ang katawan kong natapunan ng gatas.
"Was that hot?" aniya. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Really?
Umiling iling ako.
"N-No.." nanginig ang boses ko. "T-that was.." tumikhim ako dahil para bang may nakabara sa lalamunan ko. "..sterilized milk from the fridge.." pagpapaliwanag ko kahit hindi naman dapat ipaliwanag. Nagulat talaga ako sa pagsulpot niya sa likuran ko. Sinundan ba niya ako ng hindi ko napapansin?
Nakita kong nabawasan ang kunot ng noo niya pero ang paghinga niya ay mabilis parin.
Dapat nga ako ang matakot dahil akala ko kung sino na iyong nasa likod ko kanina.
"Do you need anything?" tanong ko nang wala akong marinig na salita sa kanya. Nanlalagkit na ang tiyan at binti ko dahil sa natapon na gatas. I need to take a shower again, then.
Tumingin siya sa akin ng deretso at tintigan. Ako ay tumitig din pero wala pang ilang segundo ay sumuko na ako at umiwas ng tingin.
But before I could shun his eyes, he grabbed my face. Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Nagulat ako dahil sa ginawa niya.
He stared at me for a few more seconds.
"I need you." he said, and to my surprise, in just a heartbeat, he pressed his lips against mine. Both of my eyes widened but my mind commanded me to just shut my eyes.
I didn't see this coming!
Ang bilis ng pangyayari, he held my butt so tight and lifted me, he laid me on the table. I clung on his nape to control my balance. I can’t believe this is happening! Nanlalagkit pa ang katawan ko ngunit ngayon ay parang wala na akong pakialam.
"Please don't make me worry like that next time." he said while kissing my neck. I don't know what he meant by that. I am nervous and shaking. "Don't go out without me, and please always bring a car with you."
Oh, now I understand. I want to say something but this is not the right time.
He lifted me again as he licked my neck, he slowly brought me into the living room. The next thing I knew, we were making love on the sofa.