Kabanata 5

2894 Words
"Tititigan mo na lang ba iyang mukha mong maganda diyan sa salamin?" Napatingin ako kay Myla dahil sa biglang pagsasalita niya. I just came from Ricky's room but he's not there anymore kaya agad akong bumalik dito sa kwarto ni Myla. "Huminahon ka nga, Amy. Umuwi na siguro iyon.." I am very upset, I came here to see him pero umuwi siya ng maaga ng hindi ako kasama. That is very unfair! "Come on, Amy. S-siguro ay hindi niya alam na nandito ka.." pangungumbinsi ni Myla sa akin. "Siguro nga." I agreed. I don't have any words to say to her. Alam kong sinasabi lang ni Myla iyon para hindi ako masyadong mag isip. Maybe Ricky was really just dreaming last night when I talked to him. Maybe he really thought I was Isabelle, whoever she is. I sighed. "Uuwi na din siguro ako." I stood up. "Sigurado ka ba?" tumayo din siya. She’s staring at me and I know she's worried. I nodded. "Kailangan kong magsorry sa kanya.. para maayos na namin ito." Wala sa sariling bulong ko. "Ano?" she asked like she can’t believe. Her eyes are widely opened. "Oo, Myla, alam kong nainis lang siya dahil sa pagtatanong ko kagabi. Kasalanan ko naman talaga iyon." "Kahit pa!" she said. I held her right hand. "Myla, mahal ko ang Kuya mo.." I said. She bowed down her head and didn't react at all. Alam niyang mahal na mahal ko ang kapatid niya. I just had to remind her dahil hindi niya alam na tanga ako. She looked at me and sighed. "Pero ang sumusubra na siya, Amy. Ang gago na niya.." "Huwag mong sabihin 'yan, Myla, he's still your brother." "Ugh!" I heard her cursed as if she was so disgusted. "Fine. Edi siya na!" halos pasigaw na sabi niya na para bang naiinis talaga siya. "Tara na nga at kumain.." She said as she took my hand and pulled me into the kitchen. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa kanya, kailangan ko din kasing kumain. Their maid is already preparing some plates. The foods looked so delicious but damn, saan ko hahagilapin ang gana kong kumain? We both sat on the chair and she filled my plate with foods. She started to eat pero hindi man lang ako makagalaw dahil iniisip ko parin ang nangyari kagabi. "Anong nangyari diyan sa balikat mo?" tumingin ako bigla kay Myla dahil sa biglaang pagtanong niya. Alam kong namutla ako sa tanong ni Myla. I’m wearing a sleeveless top kaya nakita niya ang pamumula ng balikat ko. Sana pala ay nagdamit ako ng mas mahaba ang sleeve. Kumurap ako dahil hindi ako handa sa tanong niya, how can I explain to her about what Ricky did to me yesterday? I flipped my hair and it covered my shoulder. Syempre ay hindi ko sasabihin kay Myla. "Just some mosquito bites." I lied, I can’t say the truth. She would be really furious. "Uh uh, there are no mosquitoes in my room, Amy. My room is fully air-conditioned. Sadly, hindi mo alam magsinungaling, anong nangyari diyan?" she lifted my hair at tinitigan iyon. Kinabahan ako sa ginawa niya. "Ano ka ba? Wala lang 'yan." I fixed my hair once again. Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Ano ba talaga ang nangyari?" Mahina akong tumawa para hindi mahalata na nininerbyos ako. "Shh, chill ka nga din, Myla. Wala lang ito. Kagat iyan ng lamok noong nag commute ta'yo..” Nagpasalamat naman ako nang hindi na siya nagtanong pa, pero hindi nakaligtas sa akin ang mga tingin niyang mapanuri. Itinuloy na niya ang pagkain niya. Ako naman ay konti lang ang kinain ko. After eating, I decided to go home already. Ayaw akong pauwiin ni Myla pero nagpumilit ako, I don't want Ricky to get mad again. I drove my Lancer though my body still hurts, lalo na ang balikat kong hanggang ngayon ay namumula pa. Laking pasasalamat ko at naniwala si Myla na kagat lamang ng mga lamok iyon. Hindi na siya nagpumilit na tignan iyon kanina, mabuti na lang dahil kung nagpumilit siya ay siguradong mahahalata niyang pasa ang mga iyon. When I got home, I immediately parked my car. I nervously got off from the car and slowly walked towards the door. Papasok na sana ako nang marinig ko ang mga tawanan sa loob. Sinong nasa loob? "So you finally did it with her? Wow! You're a damn lucky meat, Ricky." a guy uttered. I froze. What did I just hear? Finally did what with who? "Shut it, John. They're married." I heard Miggy. Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat. Nandito ang mga kaibigan ni Ricky dito sa bahay namin ni Ricky? And I am not stupid not to know kung sino ang pinag uusapan nila. "I was drunk." narinig kong sabi ni Ricky. "Damn! Drunk? Tatanungin ko sana kung anong pakiramdam eh.." someone spoke again, I can't recognize his voice, siguro ay kaibigan siya ni Ricky. Maymaya ay narinig ko na naman ang mga tawa nila, hindi naman malakas ang mga iyon pero nabibingi ako dahil sa insulto. Hindi ko alam ang susunod na gagawin ko. Hindi ko maigalaw ang mga paa ko. "Was she a virgin?" Napansin ko ang pananahimik nila dahil sa tanong na iyon. Nanikip ang dibdib ko. Kailangan ba talaga nila akong pag usapan? Gusto kong humagulgol dahil sa paninikip ng dibdib ko. Bakit sila nag-uusap ng ganoon? Bakit hinahayaan ni Ricky na pag usapan ako ng mga kaibigan niya ng ganoon? "Bakit ko sasabihin?" Ricky talked. His voice was serious. "Come on!" "I want to rest. Can you go already?" He did not answer them. Naramdaman ko ang inis sa boses niya. Pero hindi parin nawala sa kukute ko na ako ang pinag uusapan nila. His friends groaned, ineenjoy na nilang pag usapan ako? I stepped back, gusto kong bumalik kay Myla, I want to hug her and tell her what I heard. Pero bago ba ako tuluyang tumalikod ay may nabangga ako sa likuran. Agad akong lumingon para tignan king sino iyon. Mas lalo akong nagulat sa nakita ko. Joan is standing behind me, smirking. Nandito na naman siya? "Bakit ka nandito?" I immediately asked. Hindi ko alam pero halo halo na ang emosyong nararamdaman ko. "To visit Ricky lang." she talked like I’m just some of Ricky's maid. Hindi pa ako nakakabawi sa sinabi niya nang marinig ko ang sumunod na sinabi niya. "Ricky! Look who's here!" Malakas na sambit niya at tumingin sa pinto. Napapikit ako dahil agad kong naramdaman ang paglabas ni Ricky at ng mga kaibigan niya. I saw Miggy, Mike, John and a not so familiar man, siguro ay iyon si Diego. Nang makita ako ni Ricky ay halatang nagulat siya, syempre lahat sila nagulat, pinag-uusapan lang nila ako kanina eh. "Anong pinag uusapan niyo? Mukhang nagulat si Amy?" Joan smirked, I don't know if she heard it too. Walang sumagot kay Joan pero nakita ko ang pagyuko ng mga kaibigan ni Ricky, samantalang siya ay nakatitig sa'kin. Wala sa sariling tumingin ako kay Miggy, he was still looking at me, he knew I've heard everything. Bigla akong nahiya, hindi ko alam kung ano pa ang mga sinabi ni Ricky sa kanila tungkol sa akin, pero at the same time ay nagagalit ako. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Joan sa akin. It sounded real pero alam kong peke ang tanong niyang iyon. Lumunok ako, alam kong namula ako dahil biglang uminit ang pisngi ko. Nakaramdam ako ng galit sa kanilang lahat! Pare pareho lang sila. "Ricky." Joan spoke again when Ricky didn't answer her. Hindi ko na kaya. I sobbed and walked away from them.. I can't just stand infront of them, baka mahimatay ako. Agad kong nilagpasan sina Ricky at ang mga kaibigan niya at naglakad na para pumasok na sa loob ng bahay. I can't believe na dito pa sa bahay namin sila nag uusap ng ganoon! Masakit isipin na kahit si Miggy ay hinayaan akong insultuhin ng mga kaibigan nila. Well, kung sabagay, sarili ko ngang asawa. "Amy.." Miggy called me but I just bowed my head and continued walking. Siya lang ang kaibigan ni Ricky na masasabi kong medyo okay sa akin, but I think ngayon ay pare pareho lang sila. Ricky tried to hold my left arm but I pulled it back immediately. Bakit ba niya ako hinawakan? Para ipahiya pa lalo sa mga kaibigan niya? Tuluyan na akong nakapasok ng bahay nang maramdaman ko ang sakit ng dibdib ko. I have lost all my strength, I need to go and rest. I hurriedly climb up the stairs and went to our bedroom. Ayoko ng isipin pa ang mga nangyari. I just cried myself, sobbed to death. I gave Ricky everything! But why is he doing this to me? Sumusubra na talaga siya! I went inside the bathroom and washed my face. Namumula na ang ilong at mata ko dahil halos isang oras na akong umiyak. "Everything will be okay, Amy. " I whispered to myself, convincing myself. I just need to be strong. Alam kong mangyayari na naman ang ganito kaya kailangan kong maging handa, hindi ang sarili ko pero ang damdamin ko. After fixing myself, I went downstairs. Hindi para makita sina Ricky kundi si Manang Belen. Inaasahan kong makita sina Ricky and his friends in the living room but they weren't there. Mabuti na lang. I saw Manang Belen na naglilinis. "Hinatid ni Ricky ang mga kaibigan niyo sa labas.." pagpapaliwanag ni Manang Belen na para bang tinatanong ko. Gusto kong sabihin na hindi ko sila kaibigan pero ayoko nang magsalita pa. I just nodded and sat on the sofa. I suddenly felt weak. Gladly, they left. Less than a few minutes later, bumukas ang main door at pumasok doon si Ricky. He glanced at me with a very serious face. His eyes went all over my body, like he's judging me and then he rose his eyebrow. What the hell is wrong with him? I am not doing anything to him! Niagpasan niya ako kaya tumayo ako kaagad. Sinundan ko siya nang umakyat siya sa hagdan hanggang makarating kami sa kwarto. "Why did you suddenly wear that tiny cloth? Because Diego and Miggy were here?" He asked as he removed his shirt. Nagulat ako sa tanong niya, kahit sino ay magugulat sa tanong niya! I don't freaking know who's Diego! Agad kong tinignan ang damit na suot ko, I'm just wearing the usual, simple shorts. It is not even that short! Tinitigan ko siya para tignan kung seyoso ba siya sa tinanong niya. Miggy and the other guys are his friends. Paano niya naiisip ang ganoon? Seriously? He's impossible. "Are you going to stare at me forever?" tanong niya.  Napakaseryoso ng mga tingin niya pero ramdam ko na may galit ang mga iyon. Dapat nga ma-guilty siya dahil sa mga sinabi niya sa mga kaibigan niya tungkol sakin. "Ricky.." sabi ko pero umiwas siya ng tingin.  Hinubad niya ang pantalon niya kaya ako naman ngayon ang umiwas. Nang tumingin ulit ako sa kanya, he was already wearing a loose pant and a white shirt. I sighed. "Sorry about last night." I eat all my pride to mumble this single sentence but he just ignored me.  Gusto ko lang maayos ang lahat dahil sa totoo lang ay hindi ko na kinakaya ang mga nangyayari. I just want peace. He lay down the bed and closed his eyes. I can't that believe I just said those word after what happened. "Ricky.." I talked again, pinangako ko sa sarili ko na hahabaan ko pa ang pasensya ko. "I heard you. If you're done talking, get out. I need to rest." sabi niya na para bang pagod na pagod talaga siya. Tumango ako. Hindi ko naman inaasahan na magsorry siya pero gustong guto kong marinig iyon mula sa kanya. Sinuot ko muna ang roba ko bago pumunta sa kitchen. Tinulungan ko si Manang Belen na maghanda ng pagkain, ilang oras pa ay mag aalas dose na. Umabot kami ng ilang oras sa paghahanda at pagluluto, nang maayos na ang lahat ay umakyat ako sa kwarto namin para tawagin si Ricky. Dahan dahan kong binuksan ang pinto dahil akala ko ay tulog pa siya, but then when I enter, he's not sleeping, nakatingin siya sa laptop niya at halatang may pinagkakaabalahan doon. "Let's eat.. foods are ready." sabi ko pero hindi siya tumingin sa akin. I can't believe I am still doing this na para bang walang nangyari kaninang umaga. Pero sabi ko nga, I just want peace. "Go ahead." malamig na sabi niya. Tumango nalang ako, the best thing to do was to nod. Nod, nod and nod. Kung pwede lang ay ayaw ko ng away. Bumalik na ako agad sa kusina at umupo na. I can't wait for him anymore. Siguro ay hindi din siya kakain. But I was wrong because he followed me immediately. Napatingin ako sa kanya nang maupo siya sa tabi ko kung saan siya palaging umuupo. He grabbed two plates and I got really surprised when he gave me the other one. Siguro ay mababaw lang ito pero natuwa ako sa ginawa niya. "Don't stare. I can't eat with that deceptive eyes on me." seryosong sabi niya. I looked down on my plate, though I was still in shock. Damn Amy, it was just a simple gesture! Nang maramdaman kong nagsimula na siyang kumain ay tumikhim ako at nagtanong.  "How's the f-food?" "Good." He answered it without showing any interest at all. He didn't even look at me when he talked. "Niluto namin ni Manang lahat ng to.." I mumbled, I amso proud of myself na nagawa kong lutuin ang kinakain niya ngayon. Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon niya. He smirked and I didn't know why he smirked, tinatawanan ba niya ako? Ngumiti ako at nagsimula ng kumain. I am so happy that he's finally eating with me right now. And he even give me a plate, for the first time. Hindi iyon big deal pero inaamin kong gumanda ang pakiramdam ko. I kept on looking at him. He's just too handsome that I can'tresist. Bakit ba iyon pa ang iniisip ko kahit na sumusubra na siya sa kasupladuhan niya? We both remained quiet. He's eating a lot.. but I am eating very slow so he finished his food first. Ni hindi ko namalayan na nakakain na pala siya dahil sa pagtitig ko sa mukha niya. I was still fascinated na nasa harap ko siya. "T-Tapos ka na?" tanong ko. "Yeah.." He answered like he didn't care. I stood up and got the plate from his hand.  "Ako na yan.." sabi ko. He stared at me but immediately turned his back on me and walked away. Naiwan na naman akong mag-isa. I just stared at his back as he walked away from me. Mayamaya ay naabutan ako ni Manang. She's obviously surprised that I am not done eating yet. "Bakit mag-isa ka? Tapos na bang kumain si Ricky?" tanong niya at tinitigan ang hawak kong plato. "Tapos na siya, Manang. Halika na din po, kain na po tayo.." I invited her as I pulled the chair beside me.  Nilapag ko na din ang plato ni Ricky sa sink bago bumalik sa upuan ko. Umupo na din si Manang at sinamahan akong kumain. Salamat nalang at nandito si Manang. Pagkatapos naming kumain ay inayos ni Manang ang lamesa, ako naman ay pumunta agad sa kwarto namin ni Ricky. Naabutan ko si Ricky sa office area niya na sa tabi ng walk-in closet. Naka-upo siya sa upuan sa harap ng malawak na mesa. Kaharap na naman niya ang laptop niya. Magiging busy na naman ba siya hanggang mamayang gabi? I cleared my throat and approached him. Tumingin siya sa akin ng mapansin niya ako pero agad ding bumalik ang tingin niya sa laptop niya. "L-labas tayo." bulong ko.  Gusto kong imbitahan siyang lumabas kahit ngayon lang. Alam kong wala siya sa mood lumabas pero nagbabakasakali parin ako kahit papaano. "What?" tumingin siya sa akin na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "We can go to the mall.." napalunok na naman ako sa kakapalan ng mukha ko.  Damn, Bakit ko ba ito tinatanong sa kanya? He just did something unbelievable this morning! "I'm busy." aniya.  He faced his laptop again, what is so important on his laptop? "Sige na, just for today.." sabi ko na naman kahit hindi ako nag-isip. Umiling siya. "I have a lot of things to do.." He spoke again, it's like his final statement. "Ngayon lang.." I spoke using my sweetest tone. Pero hindi na niya ako pinansin ulit. My heart started to twist again. Tumango ako kahit hindi siya nakatingin sa akin. I walked away without giving him a second glance. I went out from his office. Naupo ako sa kama at huminga ng malalim. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, masakit ang loob ko sa mga nangyayari pero pinipilit kong maging masaya. Napatingin ako sa pinto nang makarinig ako ng katok mula doon. "Come in." I spoke loudly. Bumukas ang pinto at tama nga ako, it's Manang Belen. May hawak siyang maliit na box. "May delivery para sa'yo, anak." She smiled. "Delivery po?" nakakunot-noo kong tanong. Agad akong tumayo at nilapitan siya. She handed me a medium box. "Galing po kanino?" "Hindi ko sigurado, anak. Dumating iyan kanina, ako na ang pumirma na receiver." paliwanag ni Manang. "Sige po. Salamat po." sabi ko at nginitian siya. Sinara ko muna ang pinto bago tinitigan ang kakabigay lang ni Manang na box. Sinong magbibigay sa akin nito? And dito pa sa bagong address namin ni Ricky? On the top of the box was a sentence saying: To my Little Cute Princess, AMY MEIER. Mas lalo akong napakunot-noo. Amy Meier, hindi na ako Meier ngayon dahil Montero na ang ginagamit ko. Even on my social accounts. So who's this, then? I instantly opened the box and it shocked me. It was a latest Nikon Camera. Nang basahin ko ang note mula sa loob ay bumilog ang dalawang mata ko dahil sa gulat. "I hope you still remember me" - Jake W. What the? We were just talking about Jake yesterday! Is it a coincidence?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD