Kabanata 1

4785 Words
"Lalabas ba tayo ngayon?" I asked Ricky after clearing my throat. I found him in the living room and I’ve been staring at him for a long time already. I really cant imagine that he’s really my husband! He's very busy browsing his laptop like he's really doing something important there. May importante nga ba? We're here for our honeymoon ngunit iba parin ang inaatupag niya. Am I that invisible to him? Hinintay kong magsalita siya ngunit wala akong narinig na kahit isang salita mula sa kanya. Again, he ignored me and didn't even give me a single glance. Tahimik lang akong huminga ng malalim. W My feelings for him started as little girl's infatuation until it turned into something tough and very powerful. I can’t believe he's finally with me! We're in Richmon for our honeymoon. One of his cousin let us stay here in their rest house. Pero imbes na mag honeymoon kami, he's trying his best to ignore me. Alam kong hindi parin niya natatanggap na mag asawa na kami. Alam kong galit pa siya dahil sa ginawa ko. Hindi niya ako kinakausap, he often spent his time alone in the living room and he doesn't even want me around him. Paano naman kami mag ho-honeymoon kung ganoon? But I don't want to fool myself dahil alam kong sa utak ko lang ang honeymoon na iniisip ko. Oo at kasal na kami pero parang malabong mangyari ang honeymoon na hinahangad ko. He surely hates me for what I did. He's totally apathetic to me, so uncaring, aloof and very different. Ibang iba na talaga.  "R-Ricky.." I tried to call him again top get his attention. Bigla siyang tumayo. "No." He answered like talking to me is not a good thing at all. Tinitigan ko muna siya bago ako tumango at ngumiti ng bahagya kahit alam kong hindi siya nakatingin sa akin. I just want to ease the pain inside me; I just want to comfort myself. I just want to say to myself that it’s okay. I just need patience right now. As what they say, beginning will always be the hardest. Huminga ako ng malalim bago magsalita ."Uhm. Do you need anything, coffee--" "Don't bother, please just stop talking to me...” He coldly interrupted me. I stared at his face which was about twenty inches away from me. Napakaseryoso ng mukha niya, his serious eyes were directed to me. Ngunit hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya. Ganito siya makipag usap sa akin ngayon. Napalunok ako. I did not talk anymore because I don't want to argue with him. Lalo pa at nandito kami para sa honeymoon namin. His words are really sharp nowadays and I always get hurt everytime he talks to me. Ibang iba iyon sa pandinig ko dahil simula noong una naming pagkikita ay hindi niya ako kailanman pinagsalitaan ng ganito. Oo at palagi siyang umiiwas pero hindi ako nakarinig ng masasakit na salita mula sa kanya. Ngayon lang talaga siya naging ganito. I truly understand why he treats me like a trash now, syempre ay dahil sa mga nagawa ko. But I know he'll see my worth soon. At alam kong mas madaling mangyari iyon ngayong kasal na kami. Although sometimes, I wonder if I am even worthy. Sa kanya ko lang naramdaman na wala akong halaga dahil kahit kausapin ako ay hindi niya magawa. "Just let me know if you need anything." I spoke again for the last time. I even smiled a vast but he did not react at all. He just turned his back on me. Nagpapasalamat parin ako dahil nandito na siya at kasama ko. Siya lang ang lalaking nagpatibok ng puso ko at alam kong siya lang hanggang sa huli, nararamadaman ko iyon. I silently went straight to the veranda, hindi din naman niya ako pinapansin at kinakausap. Nang makarating ako sa veranda ay huminga ako ng malalim. Hindi ko na alam kung paano ang magiging takbo ng bakasyon namin. Instead of exploring some places here, nandito kami at naglalaro ng ignore ignoran. Nasasayangan ako sa bakasyon namin. Australia is a nice place to stay, my father took me here before but I was too young to see the beauty of the place. The house's location is also nice, it’s a perfect place for meditation because it's some kind of hushed. Masaya sanang mag honeymoon at mag cuddle dito. Wala sa sariling sinulyapan ko ulit si Ricky sa loob, the glass wide door is transparent kaya madali ko siyang nakita, he has his phone in his ear and obviously talking to somebody. He looked so happy talking to that whoever that person is. My chest suddenly congested, sana ay ganoon din siya kasaya kapag ako ang kausap niya. At sana ay kinakausap niya ako. I continued watching Ricky and I saw him settled on the sofa. Pasimple akong lumapit sa nakabukas na pinto para marinig kung sino ang kausap niya. Ngunit parang gusto kong umatras muli nang marinig ko ang mga salitang lumabas sa bibig niya. "Of course, I miss you too, Joan. How are you?" He spoke loudly as he glanced at me and smirked. His eyes gazed at mine intently and they’re like daggers thrown to my chest, of course he’s doing it intentionally to hurt me. And he succeeded because it literally hurts. Agad akong tumalikod dahil nagsimula na namang uminit na ang gilid ng mga mata ko. It was just a single line from him but it struck my heart really bad. Bakit ba hindi maramdaman ng puso ko kung gaano siya kawalan ng puso? Why do I still love him? I walked away from the glass door and sat on the chair outside the veranda, ayoko pa palang marinig pa ang mga sasabihin niya. Huminga ako ng malalim dahil naramdaman ko ang paninikip ng dibdib ko. Agad akong tumayo nang maramdaman kong naiiyak na ako. Ilang beses muna akong huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng umiyak dahil ginusto ko ito! Kailangan kong panindigan. Ilang minuto pa ang lumipas ay naisipan kong tawagan nalang si Myla. "So how's your honeymoon?" Salubong niya sa akin pagkasagot na pagkasagot niya. Nagkibit balikat lang ako kahit na hindi niya ako nakikita. "Walang pagababago..” Narinig ko ang pghinga niya ng malalim. "This is my fault.." “Stop blaming yourself. Ginusto ko din naman ‘to." sambit ko. Totoo naman, she did this for me as a favor and I don't want her to feel bad. "Edi kasalanan nating dalawa.." sabi niya at huminga na naman ng malalim. Matagal bago siya nagsalitang muli na parang bang may kausap siya . "Sandali, Amy, may tatawagan lang ako. Emergency, okay? Sandali lang ‘to." Mayamaya ay sambit niya. Ang bilis naman, wala pa nga akong kinukwento. "Okay. Take care.. " "Kayo din diyan, I will call you later. May kakausapin lang muna ako.." sabi niya bago siya nawala sa kabilang linya. I wonder why her voice is really alive. May lovelife na din kaya siya? I’ll just talk to her when we go home. Isang buwan pa nga lang simula ng may mangyari nga daw sa amin ay pinakasal agad kami. Sobrang saya ko noon kahit na sobrang lungkot ng groom ko. It’s our fifth day as husband and wife now but we didn't even have our first kiss yet. He kissed me on the cheek on our wedding day and it was a civil wedding so nobody insisted. Only his family and my parents attended the wedding but I was still so happy. It was my wish. My Dad's a tedesco, a german and my Mom's a Filipina. But I lived in the Philippines since I was six and that explains why I know how to speak tagalog. I rarely speak German because I prefer tagalog or english. Oo at mahal ko ang Germany pero hindi katulad ng pagmamahal ko sa Pilipinas. Ewan ko ba, mas marami naman akong relatives doon pero mas mahal ko parin ang Pilipinas. At siguro, isa si Ricky sa mga dahilan na iyon. It sounds stupid but it’s true. My Mom and Dad left me here in the Philippines when I was eighteen and they decided to stay in Berlin. Pero binibisita naman nila ako taon-taon kaya okay na ako doon. Hindi naman na ako bata but I'm their only child. I can still remember what they told me when they found out what happened between me and Ricky. "What happened?" Mom whispered to me, she was gripping my hand for it was shaking. Hindi ako makapagsalita dahil alam kong galit si Daddy, I was really terrified. Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero ayokong magalit din siya sa akin.  "N-Nothing, Mom."  "A-Are you pregnant?" Mom asked using her very sweet voice. I know she wants me to tell her everything, she wants me to be honest, nababasa ko iyon sa mga mata niya. Oo gusto kong sabihin sa kanya pero hindi pa sa ngayon. I don't want her to get mad at me because of my stupid decision. I frustratedly shook my head. "No, Mom. Nothing happened."  Yes, we just slept, literally if they know what I mean. I am telling them that nothing really happened pero sino nga bang maniniwala sa akin. Si Ricky, Myla at ako lang naman ang nakakaalam ng totoo! Pero kahit pa sabihin naming walang nangyari ay iisipin at iisipin parin nilang meron dahil iyon ang nakita nila noong umagang magising kami. Nagulat kami ni Mama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok doon si Dad. He looked at me emphatically. "You disappointed me!" he yelled at me while shaking his head. Kusang gumalaw ang mga balikat ko dahil sa gulat. "I'm so sorry, Dad." my voice trembled. Hindi ko kayang itago ang takot ko dahil madali talaga akong natatakot kung si Daddy ang kaharap ko. I admit he's a very sweet father but he is very different when mad, really different. I just realized now that I really didn’t plan everythi it well. Marami pang gusot na hindi ko inaasahan. Ang inaasahan ko naman kasing mangyayari noong una ay iisipin ni Ricky na may nangyari sa amin at siya ang kusang magsasabi sa mga magulang ko na magpapakasal kami, and if won’t happen, maybe he’ll fell guilty about it and he would maybe treat me well until he fall inlove with me. But I was wrong because things like that can only happen in movies. "Glaubst du das deine enttschuldigung gut ghenug ist?" sigaw na naman niya. Alam kong galit talaga siya dahil kinausap niya ako gamit ang lengwahe nila. He asked me if an apology is enough. Naupo siya sa tabi ni Mama at pareho silang nakaharap sa akin at inaamin kong masakit silang makitang nasasaktan dahil sa akin.  "I told you not to do such thing! We let you stay here, Amy, like you wanted! We trusted you."  I closed my eyes. I knew he would really say that but I didn’t know it would hurt me like this. Naninikip ang dibdib ko. Tama sila, masyado nila akong pinagkatiwalaan. Mom was just looking at me quietly. Hindi niya ako kayang ipagtanggol dahil alam kong may mga nagawa akong mali. At alam kong deserve ko ang galit ni Dad. "I'm really sorry, Dad. I j-just love him so much." napabulong ako. Iyon lang naman ang pwede kong sabihin dahil alam kong mas magagalit sila kapag sinabi ko ang katotohanan. "Mahal ka niya?" he even tried to speak in tagalog, his eyes were like asking mine if Ricky really does love me. His question is also my question to myself. Alam kong hindi ako mahal ni Ricky pero importante pa ba iyon? Ang importante naman ay mahal ko siya, diba? He’ll learn to love me too, soon. I will take care of him at habang buhay kong papahalagahan ang kasal namin kapag pumayag si Dad. "Dad, he will." "He will?! You slept together, Amy and you're not even sure if he loves you?" sigaw niya kaya napalunok ako. "Love, she said nothing happened." Mom whispered to Dad but I heard it. Pinagtatanggol ako ni Mama sa lahat ng bagay. Siguro kahit pa alam niya ang katotohanan ay iyon parin ang gagawin niya. That’s the reason why I love my mom so much. "And you expect me to believe her?" Dad looked at my Mom. Ang mga mata nila ay parang kusang nag-uusap. I closed my eyes when I realized something, Dad really lost his trust on me. I don’t want them to regret that they trusted me. Naging mabait naman ako simula noong iwan nila ako ditto sa pilipinas. Wala akong ginawang ikinasama ng loob nila, ito lang. Ayokong isipin nila na mali ang pagpapalaki nila sa akin dahil simula pa lang ay pagmamahal na ang pinakita nila sa akin. Hindi sila naging istrikto kaya iyon ang dahilan kung bakit natatakot akong gumawa ng kalokohan. Ayokong masira ang tiwala nila sa akin. I sacrificed their trust para lang sa pagmamahal ko kay Ricky. "Marry that guy!" Dad announced at agad na lumabas ng kwarto ko. I saw how my Mom followed him immediately.. siguro ay para pigilan si Dad sa mga plano niya. Alam kong iyon ang sasabihin ni Dad dahil iyon ang napagkasunduan nila nina Tito Roy bago nila ako kausapin. We were forced to get married but deep inside.. I was not.. because I truly wanted to marry Ricky. When they left me alone, I cried. I truly got what I wanted, I heard what I wanted.. but I still feel empty. Siguro nga ay sobrang napaka-makasarili ko. Yes I am selfish. Pero ngayon lang ako magmamahal at kailangan kong sundin ang nararamdaman ko. It's now or never. "Are you going to just sit there, gawking all day?" Napapitlag ako dahil sa narinig ko. I did not notice that he was already leaning on the door frame. He was like waiting for my answer, but what did he ask me? "I'm sorry. Ano ulit iyon?" I asked because I’m not sure if he really asked me something. He drew a heavy sigh. "Be ready for tomorrow. We're going home." he said without looking at me. He had that serious tone, pero.. ano daw? My mouth opened in shock when it finally sunk into my mind. "B-But.. I thought we will be staying here for a month?" That was according to his Mom. Our honeymoon is his Mom's idea at gusto niyang manatili kami dito ng isang buwan. Pero anong sinasabi niya? His forehead wrinkled. "You can stay here if you want." he didn't answer my question. "But it's just our third day today. May nangyari ba?" I concluded. Gusto ko talagang malaman kung bakit kami uuwi agad. "I told you, you can stay here." he said without answering my question again. I obviously saw annoyance in his face. He halted and faced me, and then he gazed at me. Wala na akong iba pang nagawa dahil kinabukasan ay nasunod ang gusto ni Ricky. Buong biyahe akong tahimik dahil masakit ang loob ko. Hindi lang iyon, it’s because I haven't heard any word from Ricky since we got off from the plane. Syempre ay walang kakausap sa akin at hindi ko rin naman inasahan. Their driver fetched us at the airport and I just sat beside him until I have fallen asleep, siguro ay dahil sa pagod kaya napahaba ang tulog ko. Nagising lang ako nang may maramadaman akong kamay sa pisngi ko. "Honey, you need to get off. You can rest inside." someone whispered to my ear lovingly that made me open my eyes. It was Mama Beth. Nakarating na pala kami? I lifted my head from the headboard but I winced because my head felt so heavy. Napangiwi ako, iisa lang yata ang posisyon ng katawan ko noong nakatulog ako. Ngumiti ako kay Mama Beth. "Ma.. " I looked around para hanapin si Ricky pero wala na siya sa tabi ko. "Si Ricky po?” "He's in the living room already. He said you're asleep and he doesn't have the heart to wake you up. Okay ka lang ba?" she asked sweetly. Ang boses niya ay malayong malayo sa boses ni Ricky, mag-ina ba talaga sila? Gusto kong sabihin na wala naman talaga siyang pakialam kung magising man ako o hindi. Galit parin talaga siya sa akin kaya ganito ang inaasal niya. I just nodded to answer Mama Beth, kahit hindi naman talaga ako okay. Masaki tang leeg ko. Mama Beth dropped off from the car so I followed her. Basta lang akong iniwan ni Ricky? Kahit gisingin man lang ay hindi niya magawa? Ano nga naman ang aasahan ko? We went inside the house. Nakaupo na si Ricky at si Daddy Roy sa sofa. They must be waiting for us. "There you are! We were so worried about you and we are relieved to know that you both came home immediately, are you okay?" his Dad asked. Nag-aalala sila? Pero bakit? Ayos lang naman ako. "She is fine now, Dad. Coming home's a good choice. Nawala ang pamumula ng braso niya when we got off the plane." Si Ricky ang sumagot sa tanong ni Daddy Roy. Gusto kong kumunot noo sa sinabi niya. I got so confused for what he said. Pamumula ng braso ko? What the heck is he saying? Hindi kailanman namula ang braso ko! Agad akong tumingin sa kanya. He moved towards me and quickly surrounded his arm around my waist. Nag-init bigla ang magkabilang pisngi ko dahil sa ginawa niya, he's acting so different at naninibago ako. "That's a relief. Well, you can have your honeymoon here anyway." says Mama Beth. Honeymoon? I doubt, ayaw nga ni Ricky sa Australia, dito pa kaya? Naantala ang pag-iisip ko nang marinig ko ang tunog ng cellphone ni Ricky. Hawak niya iyon kaya sinulyapan ko iyon. Ricky removed his other hand from my waist and stared at his phone for a while. I didn't see the caller because he lifted his phone up na para bang ayaw niyang makita ko iyon. "Excuse me.." he stood up. Nakita kong dumeretso siya sa kusina. Naiwan akong nagtataka. Bakit niya sasabihin iyon kina Mama? Kailangan niyang magsinungaling ng ganito para lang hindi niya ako makasama? "Are you really okay? Hindi na ba talaga namamaga ang mga braso mo?" Mama Beth asked me once again. Nakita kong inobserbahan niya ang mga braso ko. Gusto kong tumawa ng malakas pero wala namang nakakatawa. Ako lang talaga ang nakakatawa at siguro ay pinagtatawanan ako ni Ricky ngayon. Hindi ko alam na may ganoon siyang kalukuhan. I thought he’s mature enough! Bakit kailangan niyang magsinungaling? "Okay lang po talaga ako, Ma. Don't worry.." I tenderly answered, ayokong nag-aalala sila sa akin dahil wala naman talagang nangyaring masama sa Australia. "Salamat naman! I was so worried when Ricky called, namamaga daw ang mga braso mo because of the weather there! May allergies ka siguro, ano?" Nakatingin ako kay Mama Beth habang nagsasalita siya. Iyon ba ang sinabi ni Ricky sa kanila? Umiling ako sa tanong niya. "Si Myla po?" tanong ko para mawala na sa usapan ang braso kong namamaga daw.  Ayokong magsinungaling sa kanila pero ayoko ding malaman nila na nagsinungaling si Ricky. I still freaking care about Ricky despite of all what he did. "Aba! May ka-date daw.. " Mama Beth shrugged her shoulders. Ngumiti ako at tumingin kay Tito Roy na nakangiting nakatingin sa asawa niya. Tito Roy was very strict back in college pero nangako naman siya na pwede ng magkaboyfriend si Myla kapag natapos na ito sa pag-aaral. At ito na nga, hindi man lang pinapakilala ni Myla kung sino ang ka date niya. So ito na ba ang dahilan kaya hindi niya ako muling tinawagan pa noong nasa Australia kami? Hmm, I wonder who's her lucky date. "Okay, anak.. you have to rest now. Alam kong pagod kayo sa biyahe. You need to sleep early because we are going somewhere tomorrow." Sambit ni Mama Beth, such a sweet Mom. Napangiti ako. Pumunta muna ako sa kusina at uminum ng tubig bago umakyat sa kwarto ni Ricky. Dito muna kami pinatulog ni Mama dahil masyado daw maliit ang mga guest rooms nila para sa amin. Wala naman sa akin kung malawak o maliit, basta kasama ko lang si Ricky ay ayos na ako. I took a shower and wore pajamas. Pagabi din naman kaya alam kong matutulog din si Ricky mamaya. I was laying on the bed wen a thought crossed my mind. What if I'll seduce my husband? Hindi naman masama, we are now married. Agad akong bumangon dahil sa naisip ko. Bakit nga ba hindi ko iyon gawin? Naglakad ako at tinungo ang closet. Hinanap ko ang binigay ni Mama Beth na regalo noong kasal namin. Nakita ko ito noon bago ang flight namin papuntang Australia pero hindi ko na dinala pa. I slowly opened it and I was right, it was a sexy lingerie. Bakit ba hindi ko ito dinala sa Australia? At bakit ba ngayon ko lang ito naisip? Siguro dahil masyado akong mabait sa mga nakaraang araw. Hindi na ako nagdalawang isip at sinuot na ang lingerie. Pero nang maisuot ko na ay nanibago ako sa itsura at nararamdaman ko. I stared at the mirror. Bakit ko ba ginagawa to? I am a conservative girl because Mom taught me how to be one, that's the reason why I am still a virgin until now. Well, si Ricky lang naman ang naging lalaki sa buhay ko. But my love for Ricky was turning me into a liberated one. Is this norma? I shook my head. Kung sabagay, I am doing this for my husband. It's okay because we are married. It's normal because we are legal. Pagkatapos kong titigan ang sarili ko sa malawak na salamin sa loob ng walk-in closet ay tinungo ko na ang kama at humiga doon. Hanggang ngayon ay wala pa si Ricky kaya pwede pa akong magpahinga habang hinihintay siya. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagod. But I fell asleep. Hindi ko alam kung ulang oras ako naidlip. Napabalikwas ako ng bangon dahil may biglang humila ng comforter mula sa katawan ko. "Don't you dare wear that f*****g piece of cloth when you’re here inside my room." Ricky sneered at me. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko dahil sa gulat. His eyes were coldly looking at me. I bit my lip and didn't say anything. Wala naman kasi akong pwedeng sabihin. It's his bedroom and I don't have any rights to disobey him. Agad niya akong iniwan at pumasok sa walk-in closet. Wala pang ilang segundo ay lumabas siya at pumasok na naman sa banyo. I immediately got off the bed and put on my robe, bigla akong nilamig at nahiya dahil sa suot ko. Iba ang insahan kong reaksyon mula sa kanya, I expected too much. Nanginig ang tuhod ko dahil sa ginawa ko, I was acting like a w***e. Naupo ako sa kama at umagaw pansin sa akin ang cellphone ko na umiilaw, nakalapag iyon sa bedside table. I grabbed my phone and I was surprised to see a message from Myla. Come here. xx I glanced at the clock and it's already seven in the evening. Nakatulog ako ng ganoon katagal? Kapapasok lang din ba ni Ricky? Agad kong tinahak ang daan papunta sa kwarto ni Myla. I opened her door and entered as if it’s also my room, I closed the door behind me and walked closer to where she was. Nang makita niya ako ay agad siyang bumusangot. Siguro ay alam na niya ang kalukuhang ginawa ng kapatid niya. Alam niya ang totoo sa hindi, she’s not my bestfriend for nothing. "Teka, hindi mo ba ako namiss?" tanong ko. Bago pa ako magsalita ay lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. "You surely do..” bulong ko nalang. “Oh ano na? Kumusta?" "Okay lang." sabi ko at nagkibit balikat. Sa totoo lang ay malungkot ako dahil sa nangyari. I badly want to have a vacation in Australia. Naupo kami pareho sa kama niya. "Mom told me what happened. Totoo ba iyon?" tanong niya. Nakatingin siya sa akin na para bang sinusuri agad kung magsisinungaling ba ako o hindi. Of course she knew! Sinusubukan lang niya ako! Umiling ako kaagad, syempre ayokong magsinungaling sa kanya. Sa kanya ko na nga lang sinasabi ang lahat eh, magsisinungaling pa ba ako? "Hindi.." I honestly answered. She snapped her fingers as if she won a lottery. "I knew it. Grabe na talaga iyon!" I heard anger in her voice pero may magagawa pa ba ang mga iyon? "Change topic na nga.." pagpipigil ko sa kanya. I don't really want to talk about it. At alam kong maaawa lang siya sa akin. Wala sa sariling tumingin ako sa laptop niya na nakapatong sa maliit na mesa sa tabi ng computer table niya. Kumunot ang noo ko dahil may nakita akong gwapo sa screen ng laptop niya. "Who's that? Where did you steal that photo?" tanong ko. Her face turned bright, then she smiled. "Hoy, hindi ko 'yan ninakaw. He gave that to me. He's my future boyfriend at kilala mo siya." sabi niya. Kumunot ang noo ko, future boyfriend? Sasagutin na niya? And what, kilala ko? "Talaga ba?" I glanced at her laptop once again, yes, the guy is really hot and handsome and yes he’s a bit familiar, nakita ko nga ba talaga siya noon? "He looks familiar. Pero hindi ko maalala kung saan ko siya nakita. Saan ko nga ba siya nakita?" "Travis De Guia." She said and waited for my reaction. Sinubukan kong isipin kung saan at kailan ko nga ba narinig ang pangalan na iyon at napaawang ang bibig ko. Of course, kilala ko nga siya! He wooed Myla before! But he looks different now. "Teka, seryoso?" tanong ko dahil baka iniinis lang niya ako o ano. "Oo nga! It’s Travis!” Travis was a simple high-school boy, the guy who always wore glasses before pero tignan mo nga naman ngayon. May mga muscles na siya. "What a small world, Myla. Model siya?" tanong ko dahil hindi talaga ako makapaniwala. And the reason why I asked if he's a model ay dahil sa wallpaper ni Myla. "Hmm, small world! And yes, he’s a model...” she whispered like somebody is listening. "Mabuti at nahanap mo?" nakangiti kong sabi. Lumapit ako sa kanya lalo at niyakap siya. "Of course!” she giggled. Mayamaya ay humiwalay siya at tumingin sa akin. Ilang segundo niyang tiningnan ang katawan ko . Agad kong inayos ang roba ko dahil hindi ko alam na natatanggal pala ang pagkakatali. "Sandali nga," sabi niya at pinigilan ang kamay ko. "Ano 'yang suot mo?" she asked. "Are you wearing lingerie?" tanong niya at pilit na tinanggal ang pagkakatali ng roba ko. Alam kong namula ako dahil biglang uminit ang magkabilang pisngi ko, oh damn, she noticed! "Hoy, don't get me wrong. I just tried to see if it fits." I whispered as I untied my robe. Of course, it was just an excuse! Tumawa siya ng mahina. "And it does! Patingin nga?" Huminga muna ako ng malalim bago ako tumayo sa harapan niya, bestfriend ko naman siya kaya hindi na ako nahihiya pa. Agad kong hinubad ang roba ko, exposing my body. OA na lumaki ang dalawang mata niya, she even opened her mouth. "Ay talaga naman oo. Nagagawa ng pag ibig!" sigaw niya at tumayo. "Binili mo yan?" Agad kong sinuot ulit ang roba ko. "Of course not! Bakit ako bibili ng ganito? Binigay ng Mama mo to noong honeymoon sana namin ni Ricky." Tinali ko na ng mahigpit ang tali ng roba ko. "I should buy one too." napakindat siya sa akin. "Ew?Just ask your Travis to buy you one." Kinindatan ko din siya. Tumawa siya ng malakas. "Bakit ako magpapabili? Aakalain pa niyang iyon ang gusto ko sa kanya." sabi niya at umiwas ng tingin. Tumawa din ako. "Bakit? Hindi ba?" "Hindi ah, mahal ko talaga kung sino siya. Hindi dahil sa.. ano.. sa ganyan." aniya na para bang nahihiya at naiilang. "Talaga ba?" bulong ko nalang. Nag-usap pa kami ng ilang minuto. I explained the reason why Ricky and I suddenly went home at nagalit siya. I told her not to worry and I begged her not to mention anything to Mama Beth and Dad. We have talked a lot of things before I went back to Ricky's room. Ricky was already sleeping on the sofa. I sighed, alam kong mag isa na naman akong matutulog ngayong gabi. It was exactly like this when we were in Richmond. Kung hindi siya sa kama natutulog, sa sofa. At syempre hindi niya ako katabi. I sighed. Ayos lang naman. Maayos din ito. There was a food tray on the bedside table. Did Ricky bring me the food? Ngumiti ako dahil kahit papaano ay nabawasan ang inis ko sa kanya. I slowly sat in a comfortable seat and ate half of the food on the food tray. Well, hindi naman ako gutom, gusto ko lang kainin para hindi sumama ang loob ni Ricky. After eating, I brushed my teeth and brought back the tray in the kitchen. "Konti lang kinain ko, ha." I told to the maid as I handed her the food tray. "Pero paki oven mamaya, kakainin ko." "Wala pong problema, Ma'am. Dinala ko po ito sa kwarto niyo kanina pero wala kayo kaya nilapag ko nalang po sa lamesa kasi tulog na si Sir Ricky." the maid explained. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ng kasambahay. Ano daw? "Ikaw ang nagdala niyan sa kwarto?" I suddenly got disappointed. I thought Ricky prepared the food for me! "Opo, Ma'am, inutos po ni Ma'am Beth.." Matagal muna bago ako sumagot. "Okay, thank you." I said as I walked away to rest. I am upset, very upset.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD