Kabanata 3

3454 Words
"Uy, salamat sa pagbisita, ha? Malaking bagay talaga." Myla mumbled sarcastically as she rolled her eyes. Alam kong nagtatampo siya dahil ngayon ko lang siya binisita ulit. Nandito kami sa kwarto niya at sobrang namiss ko talaga siya. Our hearts are really connected at sa tingin ko ay hindi na kami pwedeng paghiwalayin. Well, siguro ay dahil siya lang talaga ang tanging kaibigan na mayroon ako. "Sorry na, naging busy kasi ako sa Kuya mo." pagbibiro ko kahit totoo naman talaga. Tumingin siya sa akin. "Talaga ba? So, enjoy? Bakit nakabusangot ka?" "Hindi kaya. Ang ganda ko nga, eh." masigla kong sabi, parang ayoko munang maging honest ngayon kasi masyado na akong naging honest sa kanya all my life. "Come on! Alam kong may nangyari na naman. Ano?" She squeezed my elbow with her right hand. Bestfriend ko nga talaga siya, alam niya kapag may nangyayari. "Wala nga, ito naman.." Kailangan kong magsinungaling, although gusto kong sabihin na mayroon ngang literal na nangyari. "Amy, kilala kita." she protested, I knew she wants me to be completely honest with her. I sighed too. Mukhang hindi nga talaga ako pwedeng magsinungaling kasi alam na alam niya kung ano ang tumatakbo sa isip ko. "Okay, fine." I blinked twice for me to relax. "May nangyari sa amin kagabi.." Umawang ang bibig niya na para bang hindi niya inaasahan ang sinabi ko. Nakakagulat ba iyon? "Hoy, imposibleng mangyari ba 'yon?" tanong ko agad. "Uy hindi naman pero, talaga?" tanong niya ulit. . "Is it really hard to believe?" "Hindi nga. In fact, that's just normal.. to.. you know.. to make love. Pero bakit malungkot ka? Hindi ba siya magaling? O mataas ang standards mo? Nagsisisi k--" "Shhh, it's not like that." pigil ko sa sasabihin sana niya. Marami na siyang sinasabi. "Naman pala, bakit ganyan nga ang mukha mo?" She said in her tiniest voice. "Because he was sorry for everything." "Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang noo niyang tanong. Agad akong tumayo, ayoko na munang ikwento ngayon. Para kasing bumabalik lahat ng sakit. "Nothing. Let's just stop talking about this." I winked at her. Pinakita ko sa kanya na okay lang ako. I am giving her a lot of problem dahil sa pagmamahal kong ito, tama na muna ngayon. "Come on, sabihin mo na kasi, sinimulan mo na nga, eh." pangungulit niya. I bowed down my head. "But don't worry, hindi ko susukuan ang kuya mo.." I tried to smile. "Dapat lang, no! Naisuko mo na nga ang bataan eh, aatras ka pa ba." she blurted with sarcasm. I laughed. "Nasaan sina Mama?" tanong ko para mawala na ang pinag uusapan namin. She rolled her eyes. "Walang bago. They went to Singapore." she shrugged her shoulders. Busy parents, like my parents. Nag usap muna kami bago pumunta sa living room. We've been talking a for a while already pero napapansin ko ang madalas niyang pananahimik. May iba sa mga mata niya at parang namumugto ang mga iyon. Hindi koi yon napansin kanina dahil puro siya tawa. "Umiyak ka ba?" Kinumpas niya ang kamay niya. "'Huwag ka na ngang magtanong. Wala lang din 'to." Napakunot noo ako, napakasaya ng boses niya pero kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya. "Anong wala, hindi yan wala lang. Ano nga? Si Travis ba?" Ngumiti siya at dahan dahang tumango. "Bakit?" "Wala, ginago lang naman niya ako. Sa ganda kong 'to?" she chuckled but I knew it was significant. "Ginago? Paano?" "He played games with me, Amy." Napakunot-noo pa ako lalo. "Ha? Paano nga?" I asked. Kung kanina ay nakangiti siya, ngayon ay may kasamang luha ang mga mata niya. "Come on, Myla." Agad ko siyang niyakap. "May girlfriend siya, Amy, he played with me." Biglang uminit ang ulo ko, may girlfriend si Travis pero niligawan niya si Myla? Hinintay ko siyang magsalita ulit. "We didn't just date, Amy.." Noong una ay hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin, pero nang makita kong ngumiti siya ng mapakla ay lumaki ang dalawang mata ko sa gulat. "May nangyari na sa inyo?" tanong ko. Gusto ko ding umiyak nang tumango siya. "Maraming beses.." she began sobbing so I hugged her again. Hugging her is the only way I knew to ease the pain she’s feeling. Hindi ko alam ang sasabihin ko. "Dapat sinabi mo sa akin ito ng mas maaga." Napabulong nalang ako at agad na kumalas sa pagkakayakap. Hindi ko alam ang sasabihin ko, basta ang nararamdaman ko ay nagagalit ako at hindi ko maintindihan! Niloko siya ni Travis. Eh siya ang unang boyfriend ni Myla! That’s crazy! Huminga siya ng malalim. "Kasalanan ko din naman ‘to," Natahimik siya ng ilang segundo bago magsalita. "Gusto lang niyang maghiganti sa akin. He totally tricked me." mas lalo akong nagulat sa sinabi niya. "Maghiganti? Para saan?" I was confused. Nakita ko kung paano siya ligawan ni Travis noon, nakita ko kung paano nito pahalagahan si Myla. Paanong paghihiganti? "For probably ignoring him before? For breaking his heart." Bumuka ang bibig ko dahil sa gulat. Is that even a big deal? She didn't ignore him! Her Dad was just very strict. Kasalanan bang sundin ang utos ng mga magulang? "Pero nasaan siya ngayon?" I asked, kailangan kong malaman. She shrugged her shoulders. "I don't know.." "You have to confront him, Myla." I suggested, I am too good in giving advises but I am too dumb for myself. "Para saan naman? May girlfriend siya. At sinabi niyang hindi niya ako mahal. Sinabi niyang naglaro lang daw kami.." mahaba niyang sambit. Hindi ko alam pero parang kahit ako ay nasaktan din para sa kanya. "Myla, hindi mo ako kasing rupok! Talk to him! Hindi ka naman maghahabol eh, kakausapin mo lang naman. At kung maghahabol ka man, may karapatan ka." I cupped her face. "Myla.. may nangyari na sa inyo diba, he can't just leave you like this." sabi ko. Naisip ko, paano kung nabuntis siya! "Pero paano?" she sounded so helpless for the first time. "Alamin mo lahat!" "Y-You think I can get away from him?" She stared at me. I bit my lip. "I don't know." hindi ko din alam. I'm not an expert dahil kahit ako, wala akong maipagmamalaki sa kahit kanino. Even my husband married me because of an agreement. When I found out about Myla's dilemma, I decided to stay with her for the night. I can't just leave her.. may problema siya at mas mabigat pa sa problema ko. Hindi ko alam pero hindi ko lubos maisip ang nangyari sa kanya. First time niyang magpaligaw tapos ganito pa ang mangyayari, hindi ako papayag! I called Ricky to tell him about my plans. "Yes?" "Nasaan ka?" mahinang tanong ko. "I'm at work. Gagabihin ako. What do you need?" He asked like I am just his housekeeper or something. "Hindi ako uuwi mamayang gabi." pagpapaalam ko. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at pagtikhim. "Okay." Oo nga pala, wala pala siyang pakialam. Kahit pa, gusto kong magpaalam dahil asawa niya ako at iyon dapat ang ginagawa ng mag asawa. "I need to sleep with Myla tonight.." I explained, still. "Why? What happened to her?" Nanikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pag aalala sa boses niya. Sana ay ganoon din siya ka-concern sa akin. Lumunok muna ako bago magsalita. "N-Nothing. I just missed her.." pagdadahilan ko. Hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari. "Okay. I need to go.." aniya at agad na tinapos ang tawag. Napatitig ako sa mukha niya sa walpaper ng cellphone ko. It feels so strange, how could I miss him so sudden when I just saw him this morning! Myla sat beside me, galing siya sa kusina. "Anong sabi? Galit?" tanong niya at tinitigan ako. I shook my head. "Hindi. He said its fine, I can stay here. Gagabihin din naman siya." "Sigurado ka?" "Oo naman." "Baka mag away na naman kayo? Ganito nalang, paano kung ako nalang ang matutulog sa bahay niyo? Malawak naman siguro guest room niyo doon, ano? O pwede namang matulog si Kuya sa sofa niyo at tayo ang magkatabi." aniya na nakangiti. Namula ako sa sinabi niya, hindi ko pa pala nababanggit sa kanya na nasanay na akong matulog mag isa. Ngumiti ako, naisip ko iyon kanina pero hindi ko na nasabi sa kanya dahil ang akala ko ay hindi siya komportable sa bahay namin ni Ricky. "Fine.." Pagkatapos naming gawin ang mga dapat naming gawin sa bahay nina Myla ay umalis na kami. "Can I ask you something?" I was driving when Myla asked me, she was sitting beside me at papunta na kami ngayon sa bahay namin ni Ricky. Medyo malayo layo ang biyahe kaya kailangan naming mag usap para hindi ako antukin. "Ano iyon?" She sighed. "Nagkikita pa ba sina Joan at Kuya?" Nagulat ako sa tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad. Tumikhim ako. "I saw her yesterday, she visited Ricky." I had a second thought of telling her the truth but I chose to tell her, she's my bestfriend at siya lang ang tanging taong nakakaintindi sa akin ngayon. "Ano? Paano niya nagagawang pumunta doon? You two are married! I can tell Dad about this.." "Huwag na, Myla. Pag aawayan na naman namin ulit ito ni Ricky.." She clenched her teeth and heavily sighed. Nakita ko ang inis sa mukha niya. Ilang oras pa ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay namin ni Ricky. Mabuti nalang at binilisan ko ang pagda drive dahil baka gabihin na kami masyado. Pagdating namin sa bahay ay nagtaka ako kung bakit nasa garahe ang dalawang kotse ni Ricky. Umuwi na siya? Akala ko ba ay late siyang uuwi? I parked my Lancer beside Ricky's Armada. "Kuya's wheels are here. Akala ko ba gagabihin siya?" Myla asked me as she glanced at her wrist watch. I just shrugged my shoulders, kahit ako ay nagtataka. Siguro ay maagang umuwi dahil alam niyang wala ako. We went straight to the doorstep and entered our house. Habang naglalakad ako papasok ay pinapakiramdaman ko ang paligid, siguro nga ay nasa bahay na siya. Dumeretso kami sa living room. "Your house is really nice. Ngayon alam ko na kung bakit inembistiga ako ni Mama tungkol sa mga paborito mong kulay. Bongga si Mama..” Napatingin ako sa kanya dahil totoong nagulat ako sa sinabi niya. "Talaga?" I smiled. "Nagtanong siya sayo?" Kaya pala. Myla sat on the soft couch. I was about to talk again but we heard a woman's voice in the kitchen. "Who's that?" Myla asked as she stood up. Siguro ay si Manang Belen, pero sino ang kausap niya? Myla walked towards the kitchen and I followed her. Nang makarating kami sa kitchen ay naabutan namin ang dalawang taong ayaw na ayaw kong makitang magkasama. I froze at where I stood and I felt my legs trembled, I want to collapse. It took a while before it finally sank in me that Ricky and Joan are standing in front of us. May pinagkakaabalahan sila sa mesa kaya napatingin ako doon. A small piece of cake. Ricky lied to me just to eat that piece of cake? Tumigil sila sa mga gingawa nila at agad na tumingin sa amin. Narainig ko ang pagsinghap ni Myla na nasa tabi ko. Alam kong nagulat siya. Parang kanina lang sa biyahe ay pinag uusapan namin si Joan, ngayon ay kaharap na namin siya.. at kasama pa si Ricky! "A-Amy.." Narinig ko ang boses ni Ricky, why did he even stutter? "Oh w-wow! Did we miss something in here?" si Myla. Halata sa boses niya na gulat parin siya sa nakikita namin ngayon. I froze for a moment because my heart is writhing in pain. I am still thinking about next move. Napaka imposible talaga niya! Hindi ako makagalaw, I remained standing infront of them. Si Ricky naman ay tahimik na nakayuko. Bakit hindi niya ako matignan ngayon, because we caught them? "Myla, I need to go.." Joan mumbled. Like, duh, who cares? "Of course you have to. The door is obviously not locked.." Myla stated sarcastically. Without giving Ricky a single glance, Joan just walked away. The three of us were left in the kitchen. Ricky didn't follow her, should I thank him? Napatingin na naman ako sa cake na nakalapag sa mesa. Plano ba nilang magdate dito sa bahay namin dahil sa tingin nila ay hindi ako uuwi? They are so unbelievable. I can't take it anymore. They're abusing me so much. I am finally with him but he made it sure that I would never ever succeed."Wow, Kuya. Baka naman gusto mong magpaliwanag?" tanong ni Myla sa kuya niya. I feel the tension between the three of us. Iniwasan ni Rikcy ang tingin ni Myla. "Akala ko ba matutulog kayo sa bahay?" "Well, nagbago ang isip ko. Bakit? Am I not welcome here tapos iyong babaeng iyon, super welcome?" Humarap si Ricky sa amin. "I didn't say that." Myla crossed her arms and stared at him. "Anong ginagawa ng babaeng iyon dito?" tanong niya, dinig na dinig ko ang galit sa boses niya. Ricky ignored her question and was about to leave when Myla quickly blocked his way. "Kuya, what is she doing here? Dad told you to leave that girl, right? May asawa ka na ngayon!" "What do you want me to say?" I heard sarcasm in his voice and his words struck my heart again. "You have nothing to do with this, Myla." umiiling na sabi niya at agad kaming iniwan. Nang maiwan kami ni Myla ay hindi ko maiwasang mas lalong masaktan. I clenched both of my fists tightly. I can’t help but cry. Naramdaman kong niyakap ako ni Myla mula sa likuran. "Pasensya ka na.." I feel so weak. "Dito pa ba tayo matutulog?" I shook my head. "I think we need to go back." sambit ko at hindi ko na inisip ang oras na maaksaya pag bumalik kami. I am so lacerated and devastated. Maybe I just really need to think first. Si Myla na ang nagdrive ng sasakyan ko dahil nanginginig ako. Nang makatulog na si Amy ay agad kong tinawagan si Kuya Ricky. Gustong gusto ko siyang makausap kanina pa ngunit hindi ako makatyempo dahil kay Amy. "How dare you! Paano mo nagawa iyon?" I blurted out when he finally answered my call after a few dials. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Ang alin?" What a moron, hindi niya alam kung ano ang ginawa niya? I want to slap him! "Dinala mo si Joan sa bahay niyo ni Amy! You are so insensitive!" I hissed. "I did not bring her there, Myla. She came to give Amy a piece of.. stupid cake. What do you want me to do, drag her out?" "Oh my God, and you believed her? She’s just pretending, you know that, jerk! Ang tanga mo naman para hindi malaman iyon. And of course, you can drag her out. Bahay niyo iyon!" Narinig ko ang paghinga niya ng malalim. "Stop talking to me like that." "Hindi! Kakausapin kita kung paano ko gusto!" "Myla, how can I love her? You planned everything! Kung gusto ko siya, ako ang gagawa ng paraan. I don’t want anyone to dictate what I would do! I didn’t end anything with Joan yet.  Why are you both selfish?" He asked, he’s obviously convincing me to believe him. Try me, brother! "Sigurado kang si Joan ang iniisip mo? Sigurado kang hindi si Isab-" "Don't you dare say her name!" He interrupted me, giving me his warning. Fine, my bad. But I can’t stop myself. I knew I shouldn't have mentioned her pero kinakain ako ng galit! I breathe deeply. "So you never ever felt something for Amy? As in wala?" "What the hell, Myla! Why are you even asking this kind of s**t? Nangyari lang naman ang lahat ng ito dahil sa plano niyo.." he ignored my question. "Kung wala kang naramdaman na kahit kaunti, then why did you f**k her?" I angrily asked ignoring his statement. Sorry for the word but he's really pissing me and I can't think for a better word. He didn't talk back so I did. "This is the worst mistake of my bestfriend, ang mahalin ang isang tulad mo, Kuya! Huwag mo siyang idamay sa pagiging wasak mo!" I told him honestly, dahil iyon ang totoo! I woke up realizing that I totally messed up. Sobrang empty ng isip at puso ko. Parang wala na akong saya na nararamdaman. I glanced at Myla beside me and she's still peacefully sleeping. Tumitig ako sa kisame ng ilang minuto pero agad din akong napatingin sa mesa sa tabi ng kama ni Myla. My cellphone is there. I quickly rose up thinking about Ricky. Kinuha ko iyon at tinignan kung may mensahe ba galing kay Ricky pero nadismaya ako dahil wala. Nagsasayang ba ako ng effort? Ginagawa ko naman lahat pero hindi naman yata nagwowork. Hindi talaga niya ako kayang mahalin. I carefully sat on the bed, ayokong magising si Myla. Hindi ako makapaniwalang ako ang dinamayan niya kagabi imbes na ako ang dadamay sa kanya. I glanced at the opposite table of the bed. There’s a huge frame on top of the table, it’s a photo of Myla and Ricky. I stared at the photograph, Ricky’s smiling on the photo. First thing you'll notice in his face is his eyes. His eyes quickly struck me when I first saw him. Huminga ako ng malalim. Loving Ricky is honestly very exhausting. I placed my palm on my chest beside my heart; I never thought I would love him this hard. I really didn't. Unang kita ko pa lang sa kanya ay alam kong gusto ko na siya pero hindi ko inakalang aabot sa ganito ang lahat. Hindi ako makapaniwalang ganito ang epekto niya sa akin. I love myself but what the hell am I doing? I don't deserve any of this. If only I could just love somebody, not him. But it is hard; it is really hard to stop loving him. It's freaking hard because I can't choose who I want to love. Kailan kaya mawawala ang pagmamahal ko sa kanya? Mawawala kaya? I don't know. I still can’t afford to hate Ricky in spite of the pains. My heart still believes that what I feel for him is real. I will still wait for him until he finally loves me. I sighed as I got up and went straight to the bathroom. I grabbed a new toothbrush from Myla's personal cabinet and brushed my teeth. After cleaning myself, I went back to see Myla. She was already awake when I approached her. "Good morning." I tried to smile like nothing had happened yesterday. Kailangan kong bumawi dahil siya naman talaga ang may problema. "Good morning! Huwag kang uuwi, mag shoshopping tayo ngayon and I don't take no as an answer. Tsaka pwede ba, huwag mo munang isipin si Kuyang tanga. Ako muna ang isipin at i-date mo ngayon." she winked at me. I chuckled. "Shopping? Sigurado kang shopping, hindi window shopping?" I joked. "Of course not!" She giggled She let me wore her pink dress and I couldn't say no because I didn't get any clothes from home. Masyado kaming nagmadali kagabi. "Ang ganda!" halos pasigaw na sabi ni Myla. I smiled for her compliment. "Alam ko, dati pa. Ikaw din naman." I complemented her, not because she gave me a compliment but because she's really beautiful in her dress. Hindi ko na dinala ang kotse ko, nag taxi nalang kami dahil alam kong mahihirapan lang kaming magpark. "Naaalala mo pa si Jake?" tanong ni Myla nang papunta na kami sa Mall. Napatingin ako sa kanya, isa lang ang Jake na kilala ko. "Si Jake Willer?" "Yep, iyong half-american guy?" aniya na para bang tinutulungan akong makaalala. Oo naman at naalala ko siya. HIndi ko siya makakalimutan. "Of course. Siya iyong kaibigan mo noon diba?" tanong ko. "Oh shut up, Amy. Manliligaw mo iyon, hindi ko kaibigan!” Myla gave me a scolding gaze. I laughed as I shook my head. "Hindi kaya." pagbibiro ko kahit alam ko naman na nanligaw nga talaga iyon sa'kin. "Oo, no! Kaya lang ang manhid mo. Pero seryoso.. nagustuhan mo ba siya noon?" "What?" nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit niya bigla biglang tinatanong ito sakin. She shrugged her shoulder. "I’m just curious, nagustuhan mo ba?" tanong na naman niya. She even raised her left eyebrow. "Of course, I like him as my friend. Sinong hindi, diba? Mabait din naman siya.." I shrugged my shoulder. "Okay." she sighed. At first, I thought she’s just teasing me pero ngayon ay parang seryoso pala siya. "Bakit mo pala tinatanong?" tumingin ako sa kanya. "Lagi ka kasi niyang tinatanong sa'kin.." she sighed. Nawala ang mga ngiti ko. "I'm married, Myla. Dapat sinabi mo iyon sa kanya." "Well yes, I did say that. " tumango siya. "I told him that you're married to my brother." "And then?" "Wala naman siyang sinabi." She avoided my eyes. I breathe deeply. "Okay.." Siguro ay iniisip niyang gusto ko si Jake. Pero hindi mapapalitan ang nararamdaman k okay Ricky. Nang makarating kami sa mall ay agad kaming bumili ng ticket at nanuod ng movie. Ngunit imbes na manuod ay nagkwentuhan lang kami sa loob ng sinehan. We didn't even finish the movie at lumabas kami dahil naiingayan ang mga taong nasa malapit. We just wandered aimlessly at the mall. After that, we went to a Jewelry Shop. Gusto ko lang tumingin ng pwede kong ibigay kay Ricky. Myla and I were both laughing as we enter the shop when I saw two familiar people inside the shop. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Ano to? Deja Vu? It took a while before I realized that Ricky and Joan are in front of me and Myla! Why are they here? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD