"Mabuti naman at tumawag ka. Saan ka ba pumunta kagabi?" Lilia asked me, kausap ko siya ngayon sa phone. Huminga ako ng malalim, ilang oras din kasi akong natulog. Paglabas ko kanina ay wala na sina Kuya Johnny at Ricky. Nasa garahe na ang kotse ko at ang bag ko naman ay nakalapag sa sofa. Alam nilang galit ako kaya umalis sila. I am so glad na umalis sila, para mas maging madali sa akin ang lahat. They're giving me time to think! Nanikip na naman ang dibdib ko nang maisip ko ang napag usapan namin ni Kuya kaninang umaga. They didn't think about me? Bakit pakiramdam ko ay wala silang pakialam sa nararamdaman ko? Parang gusto kong magtampo sa kanila. "Madam, nandiyan ka pa?" Lilia interrupted my thoughts. "Yes. Can you cancel all my photo shoot today? I re-schedule mo nalang bukas ng

