Chapter 5- Siling Labuyo

1713 Words
Alyanna POV The next day, nag umpisa na akong maghanap ng trabaho. Sapat na ang dalawang buwan na tambay kahit papaano nakagamayan na ni Aiden ang kanyang bagong eskwelahan. Nagpasa ako ng resume sa mga kompanya na malapit lang dito sa amin dahil kailangan ko ng magtrabaho para sa amin ni Aiden. Hindi pwedeng maghintay lang ako dahil walang magbibigay sa akin ng peso lalo pa't nasa private school ang anak ko nag-aral. Naglalakad ako sa isang eskinita pauwi ng makatanggap ako ng tawag mula kay Joy. Napagkasunduan namin na magkita sa may convenient store malapit sa eskwelahan ni Aiden. Mahaba-haba rin ang aking nilakad mula sa aking kinaroroonan. Hindi na ako pumara ng traysikel dahil mas feel ko ang maglakad. Halos malalaking building ang nakapalibot sa neighborhood kung saan ako nakabili ng bahay at lupa na mura. Mabuti na nga lang ng panahon na iyon nataunan na nangangailangan ng pera ang may-ari kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa na kunin kaagad. Bihira kalang kasi makakahanap ng murang bahay at lupa ngayon lalo na't dito pa sa lungsod. Pagkarating ko sa may kanto nadaanan ko ang malaking furniture and appliances company. Nagpasa rin ako rito ng resume kahapon baka sakali matanggap. Tiningala ko ang dalawang palapag na building saka lihim na nanalangin. Sana matawagan nila ako. Habang nakatayo ako sa harapan nito natanaw ko naman si Joy na kampanteng nakaupo sa may labas ng convenient store sa tapat. "Joy, kanina ka pa ba riyan?" tanong ko ng maabutan ko s'yang umiinom ng softdrink. "Hindi naman masyado. May pinuntahan kasi ako riyan sa may kanto kaya nilakad ko nalang hanggang dito. Kumusta? Baka pwede mo nang ikwento sa akin ang nangyari sayo?" pangungulit niya sa akin tumigil pa nga sa pagnguya ng kinakain niyang chips. "Ito naman masyadong nagmamadali. Hindi ba pwedeng pameryendahin mo muna ako?" pairap kung sagot. Pilit ko lang iniiwas ang topic dahil parang biglang sumikip ang dibdib ko sa isiping uungkatin ko na naman ang nakaraan. "Alyanna.... are you okay? Kaya mo bang mag kwento?" tanong niya. "Hindi kita pipilitin kung di mo kaya." nalulungkot niyang saad. Nakonsensya naman ako sa nakitang reaksyon niya. "No! I'm fine, don't worry." pinilit kong ngumiti sa harap niya. "Bes, kapag narinig mo ang lahat nasa saiyo na kung ano ang iisipin mo. Ipokrita ba ako o malandi. Bahala kana basta please lang wag mong ikwento sa iba lalo na sa mga kasamahan natin ang sekreto ko." nagmamakaawa kong sabi sa kanya. Nag promise naman siya. "Ang OA naman nito... Syempre naman ano! Kaibigan kita kaya hindi kita kayang ikwento sa iba lalo na't tungkol sa anak mo. Marites ako pero kunti lang hindi masyado." sagot niya na humagalpak pa ng tawa. "Sira!" Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa Cebu ng gabing iyon. Natulala siya, di nakaimik nakatitig lang sa akin saka biglang sumigaw..... " Bes... pakikurot nga ako!" nagulat ako sa reaksyon niya. Di ko alam kung matatawa ako o malungkot dahil lumaki pa talaga ang mga mata niyang nakatitig sa akin at nakaawang ang bibig. "Alyanna! Di mo ba alam na para ka ng naka jackpot sa lotto?" sabi niya. Ngunit hindi ko lang siya pinansin. "Malaki ba? Gaano kalaki parang talong o pipino? O di kaya'y... Naku ha huwag mong sabihin kasing laki lang ng okra!" bulalas niya na nanlalaki pa ang mata dahil sa mga kalokohang naiisip. Ang sarap niyang batukan sa totoo lang. "Yang bibig mo tih! Umayos ka riyan baka may makarinig sa iyo. Marami ka talagang alam na kalokohan." sagot ko sa kanya saka inirapan. Akala ko titigilan na ako ng br*ha ngunit... "Ano na! Bes naman paki describe para naman maimagine ko kung paano mo s'ya hawakan at... at.. Hay naku Alyanna Castillo sabihin mo na para hindi na ako maloloka sa kakaisip." patuloy n'yang pangungulit sa akin. "Hindi bes, para siyang siling labuyo kalaki kaya ang sarap paglaruan.Tingnan mo isang put*k lang sumab*g naging bata! O ngayon maniwala kana?" seryoso kong sagot sa kakulitan n'ya. Mayamaya bigla nalang siyang bumunghalit ng tawa. "Makahanap nga ng ganyan bes. Gusto ko rin maputukan para may anak ako na katulad ni Aiden." dagdag pa niyang biro. Pinandilatan ko siya. "B*ang!" Ngunit hindi mawaglit sa isipan ko ang una niyang sinabi kaya naguguluhan pa rin ako. Paano ako naka jackpot sa lagay na yun? Kilala ba talaga niya ang ama ni Aiden? Dalawang beses ko lang siya napanood sa news pero hindi ko masyadong binigyan ng atensyon dahil nasasaktan ako. Ganoon ba siya ka sikat? "Joy, hindi ko talaga ma-gets ang ibig mong sabihin. Kilala mo ba talaga ang ama ni Aiden?" hindi ko mapigilang itanong sa kanya. "Alyanna... Hindi mo ba alam na yang ama ng anak mo pantasya yan ng bayan?" proud pa na sabi niya. "Gosh, I can't believe it. Isa lang naman siya sa member ng The Billionaire's Club. Mga bigating tao lang ang pwedeng pumasok sa club na iyan. At syempre isa na roon ang crush ko na si Raleigh Sebastian. Ang super hunk na football player. Hay naku, Alyanna. Puro ka kasi kdrama kaya wala kanang balita sa mga sikat dito sa atin." kasabay ng kwento niya ay ang pagpikit ng kanyang mga mata at nakakrus pa ang mga bisig sa dibdib na para bang nangangarap ng gising. Mayamaya biglang dumilat at muli akong hinarap. Nanlaki naman ang aking mga mata sa gulat ng bigla n'ya akong harapin."May anak ka sa kanya bes! Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang tungkol kay Aiden?" nagulat ako sa biglaan na tanong niya sa akin at nakalimutan na ata niyang magpatuloy sa pagkain. Hindi na ako nag-react dahil 'di ko sure kung ang lalaking tinutukoy n'ya ay ang ama nga ba ni Aiden. Hindi ko naman sinabi sa kanya ang apelyedo ng lalaki kaya paano n'ya malalaman kung pareho kami ng lalaking tinutukoy. Marami namang magkatulad ng pangalan. Grrrr... Kinilabutan ako bigla sa mga narinig ko. What if siya nga talaga? Bigla tuloy akong nalungkot. Kung sakali man mas mahirap silang kalaban dahil sobra pala talaga silang mapera. "No way! Sa akin lang si Aiden. Kaya please lang wag na wag mong ibuka yang bibig mo ha! Mahirap na baka kapag nalaman niya, sa dami ba naman ng pera nila na ibayad sa attorney baka kukunin niya pa sa akin si Aiden nang sapilitan. Siya lang ang meron ako bes, at saka di mo ba nabalitaan na engaged na siya?" paalala ko sa kanya. "Yun lang... May point ka din dun. Sa gwapo at mabait na bata syempre hindi mo talaga ipagpalit 'yon, pero bes halos photo copy ng ama ha, hindi niya kaya mamukhaan kapag makita niya personal?" may punto naman ang aking kaibigan, kaya para akong nababahala sa sinabi niya. "Hindi naman siguro bes kasi nasa Korea na siya ngayon eh, balita ko doon na ata mag stay." lihim akong nanalangin na sana nga doon na talaga, para yung takot ko ay maibsan. "Sana lang, kasi hindi natin mapipigilan kung ang tadhana ang gagawa ng paraan Alyanna para magkita ang mag-ama." napatingin ako sa kanya, may point din siya. Anong gagawin ko pag dumating ang mga oras na iyon? Makakayanan ko pa kayang pagtakpan ang lahat? Bigla akong nabahala sa isiping maliit lang ang Pilipinas, hindi malabong magkrus pa rin ang aming landas katulad sa South Korea. Malungkot akong ngumiti sa kanya saka itinuon ang aking atensyon sa kalsada na puno ng dumadaang mga sasakyan. Paroon at parito na para bang walang kapaguran. "Ipapasa Diyos ko nalang Joy kung ano man ang plano niya. Pero kapag dumating man ang araw na yan, gagawin ko ang lahat para hindi nila makuha sa akin ang anak ko. Siguro naman hindi papayag ang anak ko na magkalayo kami." sagot ko sa kanya at pilit kong pinatatag ang aking puso't isipan. "Maiba nga tayo. Kahapon na-open up ko sa office na nakauwi kana," kwento niya habang sumusubo ulit ng chips. "And then? Pababalikin ba nila ako sa trabaho kung sakali?" biro ko sa kanya. "Why not? Kailangan ka nila. Proven na nila ang trabaho mo noon. Kaya wag kang mag-alala, kakausapin ko ang manager natin, okay?" pangbabawi ni Joy sa akin. Kumindat pa. Pero hindi ko akalain na ang sinabi ni Joy sa akin ay nagkatotoo nang ganun kabilis. Kaya heto ako ngayon back to the beginning, may nagbago nga lang sa everyday rotation ko yun ay ang gumising ng maaga at ipaghanda ang aking little Prince. "Are you ready my love?" tanong ko sa aking napaka poging anak. Ngumiti naman siya ng napaka inosente na walang kamuwang-muwang sa mundo. "Yes, of course mama I'm always ready. How about you it's your first day of work." malambing niyang saad. "I'm fine don't worry, sanay na si mama kasi before wala ka pa ito na ang work ni mama anak. Kaya be good at your school, eat your food and listen to your teacher, okay?" hinalik- halikan ko siya. He's always my baby my one and only love, my life, my everything. Di ko lubos maisip kong tinuloy ko ang plano ko noon na ipa-abort,....... Hay tama na nga ayaw kong maging malungkot sa first day ko. Pinahid ko ang luhang pumatak sa mga mata ko. Hinatid ko si Aiden sa school niya saka ako dumiretso sa trabaho. Maraming nagbago lalo na sa aking sarili. Naninibago ako kasi di tulad dati na free akong gumalaw, pero ngayon hindi ko maiwasan na matakot dahil may pinagtataguan ako. Minsan naitanong ko sa aking sarili masama ba ang ginawa ko na itago ang anak ko? Di ko alam kung anong mangyari in the future, pero gagawin ko ang lahat wag lang mawalay sa akin ang anak ko. Naalala ko lang noong nagbubuntis pa ako. Laman ako ng mga usapan ng aming barangay dahil nabuntis daw ako na walang asawa. Iniisip ko nalang noon na blessing pa rin ang aking pinagbubuntis. Kahit ano man ang mangyari, kahit ano man ang sasabihin ng iba, ang importante wala akong inaagrabyadong tao. Masaya akong naglakad papasok sa trabaho. Bagong buhay, sana magiging okay ang lahat lalo na sa mga kasamahan ko. Namimis ko si Claire, matagal ko na siyang binabalak tawagan, ngunit wala lang akong lakas ng loob. Sana kung dumating man ang araw na magkita kami, sana hindi siya galit sa akin. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD