Chapter 6 - Alyanna meets Claire

1976 Words
3rd Person POV "Hon, i will go out a little bit okay? Iiwan ko muna si baby sayo may bibilhin lang ako." naglalambing kong pakisuyo kay Carlo. Weekend ngayon kaya walang pasok sa office, kaya plano kong sumaglit sa department store. Di na ako nagdala ng driver kasi gusto kong ma enjoy ang araw na ito, namimis ko rin kasi mag drive. Simple lang ang suot ko, white tube inside and black cardigan on top saka blue skinny jeans matching with white sports shoes. Para akong modelo na rumampa patungo sa nakaparadang gray na Mercedes Benz sa garahe. Mayamaya pagdating ko sa parking lot ng ZK Mall, hindi ko maiwasan na maisip si Alyanna. Kumusta na kaya siya? Sobrang namis ko na siya hindi ko alam kung anong rason ang meron siya at bigla nalang hindi nagpakita sa akin sa loob ng ilang taon. Mula noong umalis na siya rito bihira nalang din ako bumisita rito sa mall. Alam kong may nangyaring hindi maganda sa dalawang iyon kasi mula noong natapos ang kasal nag-iba na si Zedric. Halos araw araw akong kinukulit kung nakita ko na ba si Alyanna. Hay, kung ano man ang meron sila sana lang gagawa ang tadhana ng paraan para magkita silang muli. Pagpasok ko sa cosmetics area andaming tao dahil big sale ngayon. Nag ikot- ikot muna ako bago ako pupunta doon sa brand na paborito ko mula pa noon, ang Lovely Care na siyang binibenta ng bestie ko. Ako ang nag-indorso sa may-ari ng cosmetics product na ito na si Alyanna ang kunin na promo girl. Bagay na bagay kasi sa kanya maging model ng mga pangpaganda dahil bukod sa matangkad at slim may maganda rin siyang mukha na maipagmamalaki. Oh God, you know how much i miss her sana magkita kaming muli, please. Dasal ko sa aking isipan. Bestie ko saan kana kasi, sana one day magpakita kana sa akin please bulong ko sa aking sarili. Sinuot ko ang aking sunglass para matakpan ang malungkot kong mga mata. Naninibago ako dahil matagal-tagal din akong hindi nakapag-shopping. Nawalan na kasi ako ng gana mula noong wala na siya rito. Sa tuwing dadaan ako dito sa department niya noon ay halos hindi na kami matatapos sa pagkukwentuhan. Hindi ko alam kung bakit parang may tumutulak sa akin upang magmadali na tumungo sa cosmetics section. Papunta na ako sa section ng Lovely Care nang... "OH MY God!" bulalas ko, sabay kinusot-kusot ko ang aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa aking nakita. It's really her? My best friend is here? She's really back? Oh my! Tumulo ang luha ko habang nakatitig sa kaibigan ko na kahit nakatalikod at busy sa pag-accommodate ng costumer ay nakilala ko siya. It's really her! Nakaawang ang bibig ko na naglakad palapit sa kanya. Sakto namang napatingin siya sa direksyon ko. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat. Ngunit napansin ko ang pagkabahala sa kanyang mga mata na wari ay takot na takot na parang gusto n'yang magtago pero huli na ang lahat dahil nakalapit na ako. "Bes? Bes!" pinisil ko ang pisngi ko at hinawakan ang mukha niya. Hindi nga ako nananaginip, siya nga. Ngumiti naman siya ng matamlay. Bigla ko siyang niyakap ng mahigpit wala akong pakialam kung may nakatingin sa amin basta niyakap ko siya. Nakita kong tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. "Alyanna, at last natagpuan din kita ulit. I really missed you so so much!" hindi ko mapigilang umiyak. Niyakap niya naman ako ng mahigpit. Siya lang ang natatangi kong kaibigan, although marami akong kaibigan na mayayaman, pero iba si Alyanna sa kanila, dahil siya lang ang may pure heart, hindi mapagkunwari, down to earth pa. "Tama ng drama okay? Remember nasa duty ako nakakahiya sa mga costumers. Let's meet nalang sa day off ko. I missed you too so much, Claire." pilit ang ngiti niyang saad may tumulo pang ilang butil ng luha sa mga mata. "Okay, okay. Promise mo yan ha? Siguraduhin mong hindi kana mawawala ulit. Kelan ba ang day off mo kita tayo same place, same number pa rin ang gamit ko. I'm hoping alam mo pa rin." kinindatan ko siya. Tumawa naman siya sabay sabi ng, "Oo naman syempre, nasa puso't isip ko ang number mo kaya huwag kang mag-alala. Sige na mamasyal kana at may work pa ako." nakangiti niyang taboy sa akin. Napailing nalang ako at kumaway sa kanya habang papalayo. Saka ko nalang na-realize na nakalimutan ko na pala ang sadya ko rito dahil sa saya na naramdaman ko ngayon. Bigla kong naalala si Zedric. I will call him. I will let him know about Alyanna. Sa sobrang excited na naramdaman ko hindi na ako nagdalawang isip pa na mag-dial. "Hello? Zed, it's me Claire may good news ako sa'yo," excited kong sabi. "Hmm, ano yun?" tanong niya sa kabilang linya na halatang antok na antok pa. "Alyanna is back! Nakita ko siya dito sa ZK Mall." masaya kong balita sa kanya. Dahil magkausap lang kami sa cellphone kaya hindi ko nakita ang pagdilim ng kanyang mukha. "So what? I don't care about her anymore!" sagot niya na labis kong ikinagulat. "W-What do you mean? A-akala ko ba gusto mo siyang makita Zed, but why ganyan ang reaction mo? Halos mabaliw-baliw ka noon kakahanap sa kanya. Palagi mo pa akong kinukulit para lang makita siya." naguguluhan kong tanong. Habang nakatayo ako malapit sa entrance ng mall naramdaman ko ang paghina ng aking katawan para bang may hangin na biglang umihip at tinatangay ako. Inaasahan ko kasi talaga ang masayang reaction niya. Halos araw-araw akong nanalangin noon na sana ay magkita na sila dahil gustong-gusto ko silang magkatuluyan kesa sa maarteng fiancee ni Zedric. Buntong-hininga ang narinig ko mula sa kabilang linya. "Why don't you ask her? It's been five years Claire, na-realize ko na hindi siya worth it. Sinayang ko lang ang mga panahon na inilaan ko sa paghahanap sa kanya. And I'm happy now with, Monica. Kaya please lang wag mo na siyang ma-mention pa sa akin. And by the way nagkita kami rito sa South Korea. She's married now and they had a son. I tell you this kasi mukhang wala ka pang alam about her. Bye Claire, I need to sleep more." Natulala ako sa aking narinig. Is everything he just said was true? May anak na si Alyanna? Impossible, yun ba ang reason kung bakit siya biglang nawala? Napakababaw naman atang reason yun, hindi kapani-paniwala. Hindi ko nalang namalayan nasa harap na pala ako ng kotse ko. Tinawagan ko nalang ang aming driver kasi parang hindi ko kayang mag drive ngayon. Hindi ako makapaniwala na may asawa na siya, napaka-imposible naman na hindi niya man lang ako nagawang imbitahin sa kanyang kasal. In-open ko ang aking social media account saka hinanap ang account niya, andoon pa rin naman ngunit naka-private na ito. Anong lihim ang meron ka bes. Bakit pati sa akin ay kailangan mong magtago. AFTER two days napagkasunduan namin na magkita kami sa Starbucks malapit sa ZK Mall. Pinagmasdan ko siya habang papalapit sa akin. Pumayat siya ng kunti ngunit nanatili pa ring maganda. Sa totoo lang mas lalo pa siyang gumanda ngayon. "Alyanna, I'm here!" tawag ko sa kanya ng makita kong iniikot niya ang kanyang paningin. Ngumiti naman siya ng makita ako. "Kumusta kana este kayo pala ni Carlo, kumusta?" agad niyang tanong sa akin. "Okay lang naman kami. Sa katunayan nga si Carlo ang nagbabantay sa aming anak ngayon. Wala naman siyang pasok sa opisina niya. Anyway ikaw ang dapat kung tanungin kung kumusta ka na. Alalahanin mo nagtatampo pa rin ako saiyo. Siguraduhin mo na kapani-paniwala ang mga ikukwento mo sa akin ngayon kung hindi nako... kinalimutan mo kaya ako bes." hindi ko na napigilan ang mga luhang naglaglagan sa aking mga mata. Tumayo naman siya at niyakap ako. Narinig ko ang paghinga niya ng malalim bago nagsalita. "Malayo pong mangyari yan bestie ko. Hindi man tayo nagkikita pero lagi kitang naaalala. Sadyang may hindi lang inaasahan na nangyari, kaya ayun! I'm so sorry, okay? Masyado pa kasi akong bata that time, hindi pa ako marunong magtimbang ng mga problema. Nadala ako sa takot at sobrang hiya sa sarili, Claire. Kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos." malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. "Dahil ba nag-asawa kana, ganun?" "Saan mo naman nakuha ang impormasyong 'yan?" natigilang tanong niya. Tinitigan ko siya bago sumagot. "Siyempre pa kay, Zedric. Sabi n'ya pa may anak ka na raw." magtampo man ako ngunit nirerespeto ko rin naman ang desisyon niya dahil buhay niya iyon. Napansin kong napahinga siya ng malalim bago sumagot. "Yes! May anak na ako, Claire. But I'm a single Mom." pilit ang ngiti niyang sabi. Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. "You're what?" Napatawa naman siya sa reaction ko. "Bakit ka nagulat hindi ba pwede yun? Uso na 'yan ngayon hindi ba?" "Pero paano nangyari iyon? Sino ang ama?" nalilitong tanong ko sa kanya. Tumitig lang siya sa akin. Ang aming inumin na in-order ay malamig pa sa nguso ng pusa. "Tell me please, Alyanna. I'm your best friend. I'm dying to know everything. You can trust me." Mayamaya muling tumulo ang mga luha niya na alam kong kanina pa niya pinipigilan. Mabuti nalang at medyo tago ang pwesto na napili ko para sa amin. "It's him!" Him? Hindi kaagad pumasok sa isip ko ang sinabi niya kaya napa-isip ako kung sino ang tinutukoy niya. Does she mean....... "You mean si... Zedric?" bulalas ko. Nakita kong tumango-tango siya saka walang humpay ang pag-agos ng mga luha sa kanyang pisngi. Binigyan ko siya ng tissue. Nagulat man ako sa revelation na nalaman, pero nanatili akong kalmado sa harapan niya. "Bakit hindi mo sinabi sa akin Alyanna, natulungan sana kita. S-sinabi mo ba sa kanya?" "No! Ayaw kung sabihin, Claire. Baka kukunin pa nila sa akin ang anak ko." nagmamakaawa ang mga mata na sambit niya. "Pwede n'yo namang pag-usapan yan, bes." nalulungkot kong sabi. Napakalaki pala ang dinadala niyang problema, hindi ko man lang siya nadamayan sa mga panahong iyon. Anong klase akong kaibigan? Napabayaan ko pa s'ya noong kasal ko kaya umalis siyang mag-isa ng araw na iyon. Hindi ko man lang siya nadamayan sa nangyari sa kanila ni Zedric. Ang g*g*ng lalaki na iyon. May gana pa siyang magalit sa kaibigan ko? Hindi niya nga sinabi sa akin na may nangyari sa kanila nang gabing iyon. Malungkot kong hinaplos ang kanyang makinis na pisngi. "I love you, Alyanna. You know that. Thank you for sharing your burdens with me. Can I see him one time?" Tumango siya. "Of course, you can see him sometime. I'm sorry for not telling you about this before. Natakot lang ako na baka masabi mo sa kanya. Ayaw kong makasagabal Claire, ikakasal na siya ayaw ko ng problema. Malayo ang agwat ng estado namin. Tahimik ang buhay namin ng anak ko ngayon." pagsusumamo niya. "I understand you. Don't worry, your secret is safe with me." I promised. "I really hope na sa atin lang ito, walang ibang makakaalam, please? I saw him before. He looks like, he's happy with her. Ayaw kong masira iyon dahil lang sa anak ko. We can survive anyway. I will do everything for my son. We don't have any relationship before. Kaya wala akong karapatan sa kanya. It's just a one night stand a One Memorable Night with him." muli niyang sambit na kitang-kita ko ang pagmamahal niya kay Zedric naawa naman ako sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit bilang assurance na hindi ako magsasalita. Nasa ganoon kaming sitwasyon ng biglang tumunog ang aking cellphone. Kumunot ang aking noo ng mabasa kung sino ang tumawag. "Ba't hindi mo sagutin?" takang tanong ni Alyanna sa akin ng hindi ko pinindot ang answer button. Tiningnan ko s'ya. "It's him. Speaking of the c*ward." Nanlaki ang mga mata ni Alyanna. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD