Zedric POV Napatitig ako sa hawak kong ballpen sabay sulyap sa cellphone na nasa aking harapan. Kahit nasa loob ako ng aking opisina nakaharap sa tambak na pipirmahang papeles hindi parin mawaglit sa aking isipan ang sinabi ni Claire. "So.. nakauwi na pala siya sa Pilipinas?" bulong ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung bakit parang may tinig akong naririnig at nag-uudyok na sundan ko si Alyanna total ilang buwan na rin akong hindi nakabisita sa Pilipinas. Kinuha ko ang aking cellphone at walang pag-aalinlangan na nag-dial. Gusto kong makita kung anong buhay ang meron siya sa Pilipinas at... At gusto ko ring makita ang bata. Ang anak ni Alyanna. "C-Claire?" "Claire, magkita nalang tayo sa susunod. I need to leave now kasi kailangan ko pang sunduin si Aiden sa eskwelahan.".... "O

