Zedric POV Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa iskandalong ginawa ni Monica. Hindi ko man lang napansin kanina ang kanyang cellphone. "D*mn it!" napamura ako habang hawak ang aking cellphone. Sinasagad n'ya talaga ang pasensya ko. Inabot ko ang telepono upang tawagan si Mae. "Call the PR Department to take down the article right now!" utos ko sa kanya. Sana lang ay hindi pa nakita ng mga magulang ko ang kalokohang ginawa ni Monica. "Okay, Sir." Napakatuso talaga ng babaeng 'yon. Hindi ko akalain na nagawa niyang i-record ang pag-uusap namin kanina at i-post ito sa social media. Mabuti nalang at ang playboy kong kaibigan ay mahilig sa social media tumambay kaya agad n'yang nakita ang article. Hindi ako makapaniwala na habang tumatagal ay lalong nababaliw ang babaeng 'yon. Malaki ang p

