Alyanna POV Kinabukasan maaga akong pumasok sa trabaho, after ko maihatid si Aiden sa school niya dumaan muna ako sa paborito kong karenderia sa labas ng mall upang bumili ng baon para sa lunch. "Alyanna andito ka na pala, wala ka ata kahapon iha?" tanong ni Nanay Fe sa akin. Ngumiti ako sa kanya. "Day off ko po kahapon Nanay Fe," sagot ko sa kanya saka nagmano. "Ahhh kaya pala wala ka kahapon. Bakit maaga ka ata ngayon?" muli niyang tanong sa akin habang sinasandok ang paborito kong ulam, ampalayang may itlog at kanin. Halos isang oras pa kasi bago ako papasok kaya s'ya nagtataka dahil alas otso pa ang pasok ko. Kilala na niya ako dahil suki n'ya ako mula pa noong nagtatrabaho ako rito sa ZK Mall. "Darating daw po kasi ang may-ari ng Mall ngayon para mag-inspection as usual. Siguro m

